Pages

Friday, December 12, 2008

HAPPY BIRTHDAY MAINE...


HAPPY BIRTHDAY DEAR MAINE…. Gurang ka na mare. Hahaha joke lang. Anyways aga ko nagfly sa skul kahapon ng umaga. Hindi kasi miyembro si Miss B. ng unyon kaya may pasok kami sa educ12. Si Gilbeys pumasok din sa first subject niya pero miyembro pala ng unyon ang prof niya. Kaya nganga sa T-spot ang gaguh. Pagkatapos ng klase niyaya ko si BBB, LA at Maine magbreakfast. Fly kami sa jollibee. D nagpaparamdam ang Gilbeys kaya baka nakahanap ng kasama at malamang naglaro nanaman ng dota. Hmmmm kung matuto lang sana siyang nota nalang ang laruin. Bonggang-bongga sana. Dahil apat na oras ang bakante ko, niyaya ko silang pumunta sa dorm nina NJ at Cinder para tumambay. Kaso may kikitain palang kaibigan si Maine, at isinama niya si LA. Kaya kami nalang ni BBB ang pumunta. Nag-text ako kay NJ at nagpasabi. Baka tulog pa ang mokong eh or worse baka kung ano ang ginagawa nila ng bubog na si Cinder. Gising na daw siya at nagpabili pa ng apat na itlog, magluluto daw si Cinder ng hotcake. Pagdating namin sa dorm, nakaugalian na na batuhin ang salamin na bintana. Dungaw si NJ, ngiting aso. Initsa ang susi ng gate. Pag-akyat sa kuwarto, inabutan namin si Cinder na naghahalo ng hotcake at si NJ na nakabihis. Punta daw siyang Makati to meet her tita. Nagtanggal ako ng polo at humiga sa futon. Si BBB naghanap ng DVD na pwedeng pampalipas oras. Nakakita ng 10 in 1 na pirated disc na puro animated. Ratatoulie (kung tama ang spelling ko). Pumasok si Asia na bagong ligo gaing sa kabilang kuwarto. Hanap ng puwesto para manood. Lumipas ang kalahating oras at dumating sina Gilbeys at Bernard. Napaluto tuloy ng hotdog si Cinder. Siksikan kami sa futon. Ilang sandali lang dumating sina LA at Maine na nakasakay sa brand new vios ng kaibigan niya na si Leo. Nagyayaya silang mag-malling. Dahil hindi pa bihis si Cinder, nagpunta muna sina Leo at Maine sa St. Jude. Habang nag-bibihis si Cinder sabay-sabay umalis sina BBB na uuwi ng Bulacan para sa kanyang weekend volunteer sa church nila, Bernard at Gilbeys para magdota. Babalik sana ako ng skul pero nagtext si Honey na kaklase ko sa major7. Next year na daw ang defense sa mga poems at sa Tuesday na ang submission. Kaya naman malling ang mga bilat with the cutie boy from Aklan. Dahil malapit, nag SM centepoint nalang kami. Akalain mo, lumuwas ng Manila si Leo para lang sa birthday ni Maine. Kaloka, ang haba ng hair ng girlalush. Nasaan kaya ang boylet na tatawid ng dagat para lang makasama ako kahit sandali lang. Nasaaaaaaaaaan siyaaaaaaaaaaaa? Nagpakain si Maine sa shakey’s. Pinag-usapan namin ang magaganap na TL x-mas party next week. Humiwalay na kami ni Asia sa kanila pagkatapos kumain. Bumalik sila sa Mendiola. Nag-ikot lang kami sandali ni Asia, nakabili siya ng jacket na on sale sa American Blvd. Hinatid ko siya sa V.Mapa station dahil pupunta pa daw siya ng gateway. Maghahanap daw ng pangregalo kay Graham. Umuwi na ako.

Nangungulit si PB. Inom daw kami sa bahay nila. sobrang miss ko na siya kaso ang aga ng pasok ko bukas at may quizz pa ako. Next time nalang.


PS. Maine, sagutin mo na yan… para d ka na tigang hahahaha…..

1 comment:

Anonymous said...

hahaha!!!
thanks mare! u know i love u. xoxo!