Gusto kong maiyak pero nang makita ko si Jojo natawa ako. Nognog na nognog ang gagoh. Gustong-gusto ko agad siyang basagin. Naalala ko yung halos limang taon naming pagsasama sa trabaho. Para kaming aso at pusa kung magbangayan noon. Masuwerte lang ako at mabait siya dahil kung hindi baka binangasan na niya mukha ko dahil minsan below the belt na ang mga panlalait ko sa kanya. Eh kasi naman bakla ako noh!!! Natural na sa akin ang mang-okray ng bonggang-bongga. Naglakad na kami papunta sa bahay ni kuya Ramil, nasa third floor ng tenement ito. Nakita ko agad si Mommy na nakaupo sa sofa na nakapuwesto sa tabi ng pintuan. Niyakap ko siya at unang rumehistro sa isip ko yung mga tong-its days namin sa apartment nila sa Nagoya. Siya ang maghohost ng laro tapos magluluto siya, sobrang sarap niyang magluto. Pinakapaborito ko yung fresh lumpia ni mommy, ang sarap ng paggawa niya ng sauce. Siya ang mommy nina Bob, Rodel, Rose, Ramil (mga nakasama ko sa Nagoya) at Winnie at Resty (na hindi ko pa nakikilala). Pumasok ako sa living room kung saan nakaburol ang asawa ni mommy dahil nastroke, 71 lang siya. parang si Ramil lang ang nagmana ng height ng daddy nila. Dahil nakikita ko na noon sina Resty at Winnie sa picture, alam ko na si Ramil nga lang ang matangkad sa kanila. Payat nga ang palayaw niya kasi payat na matangkad. Nakita ko si Tanke (asawa ni Rose) borlogs na borlogs sa sofa sa salas. Lumabas ako para makipag-usap kay mommy at Jojo. Kumustahan. Ngayon lang pala nagsama-sama ang magkakapatid in twenty years. Dahil yung time na nasa Pinas pa sina Rose at Rodel, sina Bob, Resty at Ramil ang nasa abroad. Nang umuwi si Resty, sina Rose at Rodel naman ang umalis. Natutuwa ako na parang mas bumata pa si mommy kumpara nung nasa Japan siya. Kungsabagay, sa Roxas City siya nakatira with Bob, Rose and Tanke. Iba ang hangin sa probinsiya, fresh. Kaya naman freshness ang mga tao, hindi gaya ng Manila na lahat polluted pati utak ng mga tao. Hmmmmmmmmmp…. Siempre pa hindi nakaligtas ang Jojo sa mga pang-aapi ko. Kasi naman ang itim niya talaga. Pero depensa naman niya na siya daw kasi ang nagtatrabaho sa Farm na naipundar niya sa Calamba, at hndi puro utos sa mga tauhan niya. Hindi daw gaya ko na tamad. Wahahahaha bumabanat ang gagoh.Nagising si Bob, nang lumabas siya, naiyak na ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. Siya kasi ang pinaka-close ko at unang nakilala sa magkakapatid. Siya din ang laging nandun noon para sa akin pag may mga problema ako. Siya ang madalas kong makasama noon sa lakwatsa pag may ibang lakad ang jowa kong si Pierre. Gaya ni Mommy hindi rin siya tumada. Ganun na ganun ang itsura niya ng huli kaming magkita three years ago. Kamukha niya si Rudy Fernandez (sumalangit nawa), mas guapo lang si Bob ng konti. Sunod kasi sa uso ang porma kaya pagkakamalan mong mid twenties lang siya pero early forties na talaga. Kaya nga ako nainlab sa kanya noon eh. Hahahaha…. Kasi naman sa sobrang closeness namin, nandun na yung ibang level ng relasyon namin. Parang lovers na implied but never stated… ang taray, sinulat ko lang yan pero d ko naintindihan. Siempre pa kinumusta ko ang anak niyang si Superman. Na pinagtulakan sa akin ni Bob noon kaya ako nainlababo sa anak niyang anak din ng mga diyos at diyosa sa kaguapuhan. Hindi parin daw sila nag-uusap, magdadalawang taon na. ‘Bob naman, magpapasko.
‘Magpatawaran na kayong mag-ama.’
‘Eh, hayaan mo muna. Darating din kami doon. Hindi pa nga kami nagkikita mula noong dumating ako eh. Kasi nga sa Roxas ako dumiretso eh nasa Laguna siya, sa Mommy niya.’
Nanahimik nalang ako at kinumsta ko nalang ang business niyang computer shop sa Roxas City. Kinuwento ko rin ang tungkol sa schooling ko at mga bagong boylets sa buhay ko. Maya’t maya naman ang banat ni Jojo pag nakakakita ng pagkakataon. Alas-siete na ng umaga nang magising si Rodel a.k.a. Mata dahil sa laki ng mga mata niyang dilat na dilat. Actually magaganda ang mga mata nila dilat lang talaga. Pag tinignan ka ni Rodel parang may dalawang spotlight na nakatutok sayo. Wa exaj mga ateh. Ewan ko ba at parang may Twilight effect yata ang pamilyang itoh. Ang Rodel din, walang nagbago sa itsura. Batam-bata pa rin. Pinakita niya sa akin ang picture ni Irene (asawa niya) at si Topher (anak niya) na ipinanganak sa Japan. Naiwan daw sila sa Cebu. Ang laki na ni Topher, eleven na siya. Nagising na rin sina Tanke at Resty na pinakilala agad sa akin. Habang nag-aalmusal kami, bumaba si Rose kasama Limar na anak ni Ramil. Galing sila sa 6th floor kung saan naroon ang bahay ni Winnie. Takbo si Limar sa akin para yumakap at humalik. Ang laki na niya. 6 years old na ang inaanak ko sa binyag. Isang taon lang yata siya nung huli kong makita. Pinanganak siya sa Japan pero inuwi ni mommy sa Pinas para dito mag-aral. Kumpleto na kami. Just like the old times. Para lang kaming nasa kyokai-heya (pantry) sa dati naming kumpanya. Kulang lang ang walang kamatayang vending machine ng soda at coffee. At ang nakatutuwang si Kenchang, ang hapon na laging pinagtitripan ni Jojo dahil may pagka-special. Inaasar ko si Rose dahil sa hairstyle niyang sobrang iksi. Para kasi siyang natipus. Depensa naman niya, krisis daw ngayon kaya kahit sa shampoo kailangan magtipid. Good point. Pero maliban sa chaka khan niyang buhok, gandara parin ang lola ko. Kakainis talaga, sobrang unfair. Ako, kung ano-anong pampa ang ginagamit ko gumanda lang at maiwasan ang paglabas ng edad ko sa mukha ko. Samantalang sila effortless. Hmmmmmmmp….. naalala ko tuloy na lagi akong inaasar ni Rose sa Japan. Pwede ko na daw idemanda ang Pond’s dahil ilang taon na kaong gumagamit hindi naman nag-rosy cheeks ang mukha ko. Considering na maganda pa ang klima doon. Wa epek talaga. Pakshet.
Alas-otso na ako umuwi. Matutulog lang ako sa bahay at babalik din ako later dahil last night na at bukas na ang libing. Makikilala ko pa si Paolo na panganay ni Bob at yung mga anak ni Winnie na puro anak ng diyos sa kaguapuhan at kagandahan (sa picture ko palang kasi sila nakikita). Pero deep inside hoping ako na pumunta si Superman.
1 comment:
happy nyu yir yj mwah
Post a Comment