Enrollment 1st sem, 2008
"Hindi po ba pwedeng palitan ang student number ko?" tanong ko sa registrar.
"Ay hindi pwede. Hindi ka naman bagong estudyante eh. Returning student ka," sagot ng thunder cats na mukhang na-gangbang ng make up ang mukha.
"Okay! Fine!"
First day of classes.
"Okay class, why don't we start by saying some things about ourselves?"
Punyetang routine yan!
"Let's start with.... hmmmmm do we have irregular students here?"
Walang sumagot. Kaya nilabas ni Miss Pruke (yes Pruke ang apelyido ng prof ko) ang kanyang class list.
"OMG! Sino tong 98-12345 ang student number? "
Putang inaaaaaaaaaaaa.
Yeiz mga bitch. Ganun ako katagal sa college. Well, hindi naman dire-diretso. Dahil huminto ako ng pag aaral ng mga pitong taon.
Galing lang kasi ako sa mahirap na pamilya Ate Charot. At dahil panganay ako sa labing-isang magkakapatid, kinailangan kong talikuran ang pangarap kong maging doktor at maging dalubhasa sa pagtutuli. Kinailangan kong magtrabaho agad para makapag aral at makakain ang mga nakababatang kong kapatid.
Sinuwerte akong makapasok sa isang promotion Ate Charot. Sabi ng naging kaibigan ko na si Magdalena, malaki daw ang kita ng mga dancers sa Jafan. Yes Ate Charot, mayaman si Magdalena sa F. Sabi niya, galingan daw namin sa pag giling sa mga fractice, lalo na kapag may nakita kaming bisitang Jafanese. Kasi yun daw ang mga namimili kung sino ang ipapa-fackage sa Land of the Rising Sun.
Napaka suwerte ko Ate Charot. Pangatlong linggo ko palang sa promotion nung mapili ako para ipadala sa Japan. Naalala ko pa na lumapit sa akin yung talent scout na Hapon with the assistance ng manager namin sa promotion.
"Moshi-moshi anone, anone, anone" sabi ng sakang habang nakaturo sa kin.
Todo naman ang giling ko with byutipul eyes, sinadya ko pang idikit ang balakang ko sa pagitan ng mga hita ng Hapon, pero wala naman akong naramdamang bukol. Operada yata ang gago. Mukhang mas bayot pa sakin.
Kinausap ako ng manager namin after practice.
"Bakla, salang ka na. Aayusin na ang mga papeles mo. Puta ka, pasalamat ka at mahilig ang mga hapon sa mga kagaya mong dilat ang mata, at baluga!"
Putang ina, hindi ko alam kung matutuwa ako maiiyak sa panlalait ng manager ko. Kaya isinumpa ko sa sarili ko na pag nakaapak ako ng Japan, magpapaputi ako. Sa kahit papanong paraan.
Oooooops. Sorry Ate Charot, I have to go. May nagtext na boylet, nomo daw. Kaya gora na muna si atashi. Saka ko na itutuloy ang walang kwentang kwento ng buhay ko.
Basta masaya ako na sa wakas eh graduate na ako.
Now as for you my dear bitches, look at me, do I look like I'm about to turn fucking 30?!
*Tinanggal ko na ang picture... ang chaka eh hahahaha
Salamat Dr. Vicky Bola for keeping me virgin and beautiful...
At para sa mga babies ko, you know who you are... eto pa sa inyo....
![]() |
| suck that bitches! |
that's all... yaiy








