Pages

Wednesday, March 30, 2011

Para Kay Desole Boy at Nox...

Minsan natanong ni Miss Chuni kung ikaw ba ay nalulungkot? At nagbigay siya ng suhestiyon kung pano mapalitan ng saya ang kalungkutan mo.

Mainit ang pagtanggap ng mga masugid niyang mambabasa sa binigay niyang suhestiyon. Mainit na mainit. Gaya ng mga sumusunod:

Nox: cute ang topless na badet. sarap i-bottom. choz!

        pang-gawad urian si ateng naka-black.

        saya saya! :)



at sinegundahan pa ni...



Desole Boy:  check na check sa comment ni Nox!!


                    puta ang sarap siguro i-bottom ni baklang topless!! ang kinis!!!


                   yung mga ganyan yung tipong habang tinitira mo eh sasampalin mo habang
                   minumura mo ng "tang-ina kang bakla ka..bakla..bakla..bakla.."


                   ooops! got carried away. sorry miss chuni!! hihihi ;p








kaya naman para sa dalawang Top na Top na ito... I present to you the yum-y-liscious... lick-a-liscious...  uber-cute na bagets!


ain't he adorable...





all wrapped up...





oooooooh but wait.... there's more.....
























and all un-wrapped...




hope you enjoyed!

napaka dakilang stalker ko lang hahahahaha


that's all... yaiy

Friday, March 25, 2011

Sakina....

Ayaw na ayaw ng mama ko na nakikipag chat sakin. Kasi nga lagi lang naman daw akong nanghihingi ng pera. Hindi naman kaya!

Pero lately, mabait na ako pag nakikipag chat kay mama. Ingat na ingat at pigil na pigil akong manghingi ng pera kahit kapapadala palang niya. Kasi baka mag sign out siya bigla. Hindi ko makaka-usap si Sakina.

Si Sakina ay ang bagets na anak ng kaibigan ni Mama. Mula nang maging night shift ang work ng mudang ni bagets, kay mama siya dinadala. Si mama, bilang mag-isa lang naman siya sa balor, ay keri na rin niya. At dahil miss na ni mama ang kanyang mga apo, si Sakina ngayon ang pumapawi sa mga pangungulila niya.



ganyan din ka-rosy ang cheeks ko








Masarap ka-chat si Sakina. Bibong bata. Maganda pa. Nakikita ko sa kanya ang sarili ko nung ako ay bata pa. Pareho kasi kaming rosy-cheeks. hihihihi Lagi niya ako pinasisikatan ng kanyang mga talento. Sumasayaw siya. At kinakantahan niya ako ng mga nursery rhymes. Japanese nga lang. Wala naman problema dahil nakakaintndi naman ako kahit konti.

Kagabi ay magka chat nanaman kami. Kinuwento niya sa akin yung madalas na paglindol lately. Takot na takot daw siya. Ayaw din niyang manood ng TV dahil takot daw siyang makita yung tsunami.

Pero bigla niyang naalala na may bago daw siyang toy. Kaya dali-dali niyang pinakita sa kin...


Sakina and Mickey






Sabi niya sa akin, kapag nag tsunami daw, liligtas daw niya si Mickey Mouse. Naiyak ako.

Kumusta na kaya yung napakaraming Sakina na nasalanta ng tsunami at patuloy na pinahihirapan ng epekto ng nuclear plant failure? Sana makuha parin nilang ngumiti. Sana balang araw magkaroon sila ng madaming madaming happy days para madali nilang makalimutan ang mga bangungot na nararanasan nila ngayon. Sana...

Thursday, March 24, 2011

Edz Turns 28...

Ang babaeng ayaw magpa graduation party dahil hindi na daw kami mga bata. Mga gumagraduate lang daw sa edad na bente ang nagpaparty.

Pero ang hitad, akala mo teenager kung umasta sa birthday niya kagabi.

Hindi na sana ako pupunta dahil alas-otso na ako from school. Napapagod din ang katawang lupa ko. Gusto ko nalang sana humilata at titigan ang mga larawan ni bagong crushie (yes may bago nanaman akong crush), hanggang makatulog ako. Baka sakaling sa panaginip ay dalawin niya ako.

"Kagandahan, nasan ka na?" text ni Sandy.

"Tinatamad na ako. Pakisabi sa diyosa happy birthday."

"Madaming boys!" hirit niya.

"Maliligo na ako."

Si Edz ang madalas kong kasama para mag-shopping. At kapag purita mirasol kami, window-shopping! Wala kaming ibang pinag-uusapan kundi bag at shoes. LV na ganito, Gucci na ganyan. Eh sa ganun talaga, we're that shallow. Tumbong ko lang naman ang deep. Choz!

It was a fun party at The Distillery in Jupiter. Hindi man kumpleto ang barkada masaya naman. Puro bangayan eh. Here are some pics taken by Nic and Kris...



with my favorite GM girl AK















May tanong ako. Masama bang pagnasaan ang jowa ng friendship mo?

Oo na. Malandi na ako. Alam ng masama, tinatanong pa!

Pero pano kung ganito siya ka-hot?






































Oh ano? Masama pa din?

I know. Everytime na nakikita ko siya eh para akong buntis na sinasabugan ng water bag! He makes me feel like a woman! Choz!

*Happy Birthday Edz... labya mare!


the birthday girl




That's all.... Yaiy

Monday, March 21, 2011

Alone Again...

I'm used to living alone. But I get lonely sometimes. Artih?

Kaya naman laking tuwa ko nang bumisita baby bro ko dala ang anak niyang si Nika. Si Tantan naiwan sa Tarlac. Ayaw daw kasi maiwan ni Papa na mag-isa dun. Malulungkot daw siya pag walang matitira kahit isa sa mga apo niya. Dahil isang linggo daw si baby bro dito, sinundo ko si Basti para may kasama si Nika habang nandito siya.



Last Thursday, ginising ako ni Nika ng pagka-aga-aga. Alas otso palang yata.

"Tito, gising na. Gusto namin ni Basti punta sa jump-jump."

Jump-jump = Kids Republic

Pero dahil makikipagkita ako kay Edz that day, minabuti kong dalhin nalang sila sa Greenbelt. Dala din ni bakler ang anak niyang si Kath na dambuhala. Kunsabagay eh Russian-Israeli ang tatay ni bagets.

Ayun, kain sa Mcdo dahil si spongebob ang featured toy sa happy meal. At lagasan ng pera sa timezone.

with Nika and Basti





"Tito, let's play gun," yaya sa akin ni Basti.

"Naku baby, hindi ako marunong humawak ng baril," sagot ko.

"Sige na please," sabay hila sa kamay ko.


effort ha!











with Kath



When we got home, Tito MJ (my brother's brother-in-law) had a surprise for them kids. He bought them a puppy.


Ayun, tuwang-tuwa ang mga kids. At na-upstage lang ang timezone ko. Pag nagkapera ako, bibili ko sila ng elepante.
baby bro and Tito MJ

"Ano ipapangalan natin sa puppy?" tanong ko.

"Tsunami!" sagot ni Nika.

"Alam mo ba kung ano ang tsunami?" tanong ko sa kanya.

"Opo. Japan!"

Toinks.


Habang ginagawa ko tong post na ito ay nag-iimpake na ng mga gamit ang kapatid ko. Uuwi na sila ng Tarlac. Sinundo na din si Basti nung isang araw pa. 

Mag-isa nanaman ako. Hayst.

Thats' all. Yaiy




































































Sunday, March 13, 2011

Movie Review: Red Riding Hood

Matagal ng plano ni Kuya Dabo na magkita-kita kami kahapon para mag-orgy manood ng movie. Kasama si Odinhood at Xall. Siempre hindi mawawala ang mga pagkasexy-sexy na sina Lea at Sharon. Yes, may mga bilat, kaya bisexual orgy ang naganap. Dumating din ang napakagandang si Princess Fiona na matagal ding nanahimik sa kanyang lungga at hindi man lang nagparamdam kahit man lang amoy ng kandila. Walang pagbabago ang prinsesa. Ever beautiful. Hindi naman namin pinaghandaan ang movie. Halos kaming lahat ay naka red. Yes, hooded lahat ng suot namin. Wag mangialam.

So nanood kami ng Red Riding Hood

 
Pero ang dapat na title nito ay

PUTA-Red Riding Hood


In fairness. The movie did not disappoint. Powerful.

Saka ko na itutuloy ang review ko... baka kasi maging spoiler. Mabwisit lang kayo.

"oh what big eyes you have... what big ears you have.... what big teeth you have... oooooooh what big cock you have!!!" - Valerie the Little Puta-Red Riding Hood

Thanks sa mga Kuya ko at mga ate. I had so much fun yesterday.

Miss ko na mga CBs.

Citybuoy, palabasin mo sa lungga niya ang Victoria Beckham... please.


yaiy.

Saturday, March 12, 2011

Aftershock....

Kahapon, hindi ako magkanda-ugaga sa pagtawag sa nanay at kapatid ko sa Japan. Nang makita ko kung ano ang nangyayari sa Sendai, mega google ko agad ang geographical location nito. Medyo naibsan ang kaba ko ng makitang malayo naman siya sa Aichi-ken, pero hindi nawala ang takot ko. Lungkot, takot, awa, halo-halo na ang nararamdaman ko para sa mga taong naapektuhan ng lindol at tsunami.

Sa tinagal-tagal kong nagpatira tumira sa Nippon, nagpapasalamat ako na wala akong inabutang ganyang kalamidad. Wala akong naging masamang karanasan sa piling ng mga Hapon.Puro langit lang. Kaya naman  anything Japanese, malapit yan sa puki  puso ko. Kaya nanlulumo ako na kailangang mangyari ang nangyari kahapon. :((

Alas singko na ng hapon nang maka-chat ko si bestfriend Ana.

"Bakla, mahina signal ko, pasulpot sulpot... pero try naten mag video-chat," banat niya.

Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!

"Baklaaaaaaaaaaaaa.... kaloka ang nangyayari dito. Haym so iskiiiiiiiiiiiiiird! Sugoi kowai yo." hiyaw ni bakla.

"Puta ka. Tawagan mo si mudra at sisteraka... ngayon din. Dengwa de nai kara! Onegaiiiii...." utos ko.

"Baka nasa trabaho sila... to naman.." sagot niya sa akin.

Napansin ko na may nilalagay si bakla sa talukap ng mata niya habang nakikipagusap saken.

"Puta ka.. nag me-make-up ka ba?" tanong ko.

"Yeis... at maglolong gown ako. Mahirap na, baka mamatay ako ngayon. Ayaw kong mamatay ng pangit noh!" sagot niya.

Napahagalpak ako ng tawa at panandaliang nakalimutan ang mga nangyayari.

Ibang klase talaga ang bestfriend ko. Mas sira ulo pa sa akin.

"Wait lang... pakita ko sayo suot ko ngayon. Print screen mo ha para naman may remembrance ka kung sakaling mategi ako ngayon... okay," dugtong niya habang nilalayo ang cam para makita ko ang kabuuan ng itsura niya. Naka long gown  nga si puta. Hindi ko kinaya.

Ang chaka lang... Hindi ko na-printscreen ang damit niya... nadiskonek kasi... hayst. Pero ito itsura ni bakla kahapon...




Kaloka....

Mga around 6 or 7pm ko na nakausap si Mudra. Sa YM din lang. Down daw kasi ang mga fone networks.

Hindi ako nakatulog kagabi. Alas tres na siguro nang dalawin ako ng antok. At least may dumadalaw sa kin! Tse!

Bwisit lang. Puyat na nga, binangungot pa.

I was back in Japan daw. And yes, in the beautiful place called Sendai. Rumarampa daw ako sa highway suot ang long gown ni Ana at ang Nine West stiletto na pasalubong sakin ni Negra nung huling uwi niya. Unti-unti daw naglabasan ang mga friendships na hapon para lang mapanood akong naglalakad at kumakaway-kaway.  Ganda ko lang. Maya-maya pa nagsisigawan na ang mga tao sa hindi kalayuan. Unti-unting nagpulasan ang mga Japanese friends. Naiwan ako sa gitna ng highway mag-isa. At napagtanto ko paparating na ang putang inang tsunami. Pero sa panaginip ko, ang tsunami ay hindi rumaragasang malaking alon ng tubig mula sa dagat na nilalamon lahat ng madaanan nito. Ang tsunami ay ang malakas na bulwak ng tubig mula sa hose na ginagamit ng mga bumbero. At ang hose ay hawak ng bwisit na si Glentot Bansot, na sa panaginip ko ay may sungay, buntot at mga nagbabagang mata. Tinutok ni taning Glenn sa akin yung hose at pilit akong nilulunod ng malakas na puwersa ng tubig, habang humahalakhal si Glenn ala Selina ng Mula Sa Puso....

Nagising akong basang-basa ng pawis. Bwisit lang!

Nakalimutan ko yata magdasal bago matulog. :((

Artistic Yj...

I was looking for a book in my jungle of a room when I saw the 24-set stabilo micro 8000 that I bought more than five years ago. Under it a sketch pad with endless pages of unfinished sketches. Debendra Banhart. Eugen Bauder. Marcus Schenkenberg. Men in various state of nudity.

I took the pencil set and sketch pad to my work station. Browsed through cutie's pictures on Facebook and found one that I liked.

Look what boredom did to me.











I'm pursuing my art.....  AGAIN!!!

unfinished

I really need to get out of my house!

Buti nalang may Red Riding Hood bukas with my Kuyas... yehey! Lilibre ako ni Odin, bilang mayaman siya! ahahahahaha

Yaiy.

Wednesday, March 9, 2011

Hindi Pa Huli...

Para magsisi.

Nyahahaha Kasi naman si Yj ay nuknukan ng pasweet.

Minsang nasa T-spot ang mga TLs nang may dumaang cutie. Matagal na siyang crush ni Yj. Ilang beses na niyang nakakasalubong, and everytime, tinatakbuhan si Yj ng suot niyang panty.

Si cutie, lumapit sa table ng mga TLs. Kinausap si Honey. Shet, walang siyang anggulong pangit. Anak ng diyos. Walang duda. Imposibleng aksidente ang pagkakagawa sa kanya. Hindi siya tao. Demi-god pwede pa.

Si Honey, pinakilala si cutie sa mga TLs.

Ngumiti siya. Nangatog tuhod ni bakla. Ngumiti naman si Yj kay cutie. Saglit lang. Tapos kunya-kunyarian siyang nagbasa ng libro. Natakot na baka makita ni cutie sa mga mata ni Yj ang tinatagong pagnanasan paghanga. Nakakahiya. Pano nalang ang reputasyon niya bilang virginal beauty ng mga CBs?

Minsan, nagyaya si Honey ng gimik. Kasama daw si cutie. Hindi sumama si Yj. Nahiya eh.

Ilang beses pa naulit ang mga imbitasyon. Wala siyang pinaunlakan. Pa-sweet si Yj eh.

Tapos kanina, tinitignan lahat ni Yj ang mga pics nina Honey kasama si cutie. Nanghinayang si bakla sa mga pagkakataon na pinalagpas niya. Siguro ngayon, close na sana sila ni cutie, kahit bilang magkaibigan.

Si bakla, nagpanic. Hanggang Biyernes nalang ang klase. Gagraduate ni siya eh. May dalawang araw pa. Kailangan niyang kausapin si Honey. Kailangan niyang gumawa ng paraan.

Kailangang maging close si Yj sa kanya.....







dahil kailangan ni Yj ng bagong babyboy!!!

Yaiy