Pages

Showing posts with label Birthdays. Show all posts
Showing posts with label Birthdays. Show all posts

Monday, August 8, 2011

Coffee Babies: Sa Bawat Pagkakataon...

Dear CityBuoy,

Sa lahat ng pagkakataong pinaiyak tayo ni Wong Kar Wai.






Sa mga pagkakataong wala tayong ibang ginawa kundi lumamon.





Sa mga metaporang naaabuso sa bawat tasa ng kape.




Sa mga damdaming nilunod sa alak.





Sa mga labing paso sa init ng sigarilyo.





Sa mga kantang inaawit mo ng buong puso.





Sa mga Wowowee moments?





Kahit sa mga walang kwentang kabaklaan.





Sa lahat ng pag-asang hatid ng bawat bukang liwayway.





Sa mga pangarap na iniiwan ng paglubog ng araw.





Sa mga pag-ibig na dumarating.





At yung panahon na lahat tayo ay iniwan.





Yung mga burol,





Na pilit nating inakyat.






Para masilayan kung gaano kaganda ang mundo.





Yung mga tulay,





na pilit nating tinawid, kahit sa kailaliman ng gabi,





Makarating lang tayo sa ligtas na dalampasigan.





Saan man tayo dalhin ng kapalaran.





Ano mang unos ang dumating,





sasabayan lang natin ng indayog yan.





Dahil nakapako na tayo sa buhay ng bawat isa.


Ang pagiging magkakaibigan natin, hanggang hukay na! Bwahahahahahahahahahaha!

Hindi matatawaran ng pasasalamat lang ang friendship mo friend.

Kaylangan mas level up.

Kaya naman ngayong araw na ito, kahit ngayon lang, papayag na ako.

 Ikaw muna ang maganda.

 At ako muna ang malandi  mabait.

Hamo na si Bektorya, kuntento na yun sa pagiging matalino. Choz!


At siempre gusto kong pasalamatan ang nag iisa naming....




Baby Gurl


Salamat at binigay mo sakin yung dalawang kumag na sina Nelia at Bektoria. At sa lahat ng pinag daanan namin, lagi kang kasama, kahit nasa malayo ka. At sa mga pagkakataon na kailangan mo kami... alam mo na baby gurl, ibili mo kaming tiket at pupuntahan ka namin. Yaiy....


Happy Birthday Nyl and Herbs. I love you both to death. Muahneeeeeeeeeeeeees.




Para sa lahat ng makabuluhang paghihintay,


Kampaiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!

That's all. Yaiy

*all photos owned and taken by The Coffeebabies

Thursday, March 24, 2011

Edz Turns 28...

Ang babaeng ayaw magpa graduation party dahil hindi na daw kami mga bata. Mga gumagraduate lang daw sa edad na bente ang nagpaparty.

Pero ang hitad, akala mo teenager kung umasta sa birthday niya kagabi.

Hindi na sana ako pupunta dahil alas-otso na ako from school. Napapagod din ang katawang lupa ko. Gusto ko nalang sana humilata at titigan ang mga larawan ni bagong crushie (yes may bago nanaman akong crush), hanggang makatulog ako. Baka sakaling sa panaginip ay dalawin niya ako.

"Kagandahan, nasan ka na?" text ni Sandy.

"Tinatamad na ako. Pakisabi sa diyosa happy birthday."

"Madaming boys!" hirit niya.

"Maliligo na ako."

Si Edz ang madalas kong kasama para mag-shopping. At kapag purita mirasol kami, window-shopping! Wala kaming ibang pinag-uusapan kundi bag at shoes. LV na ganito, Gucci na ganyan. Eh sa ganun talaga, we're that shallow. Tumbong ko lang naman ang deep. Choz!

It was a fun party at The Distillery in Jupiter. Hindi man kumpleto ang barkada masaya naman. Puro bangayan eh. Here are some pics taken by Nic and Kris...



with my favorite GM girl AK















May tanong ako. Masama bang pagnasaan ang jowa ng friendship mo?

Oo na. Malandi na ako. Alam ng masama, tinatanong pa!

Pero pano kung ganito siya ka-hot?






































Oh ano? Masama pa din?

I know. Everytime na nakikita ko siya eh para akong buntis na sinasabugan ng water bag! He makes me feel like a woman! Choz!

*Happy Birthday Edz... labya mare!


the birthday girl




That's all.... Yaiy

Friday, January 28, 2011

Tired....

Physically exhausted.

Mentally drained.

Emotionally wrecked.


And this is how it feels pag nagkasabay sabay?

No. I'm not telling you why. This time I will have to carry my own hell. I brought this upon myself anyways.

I just need to be happy again. Because I used to. And I miss being happy.

So I am going home.


Mapapasaya ako ng mga pamangkin ko.

At alam kong matutuwa sila sa mga binili kong goggles nila.

See you in a bit BOLINAO!

and oh, HAPPY BIRTHDAY BASTI! Tita Yj loves you so muuuuuuuuuuuuuch!

Tuesday, December 21, 2010

The Next Maria Venus Raj...

NOT ME! Potah ka....

so finally after 48 years eh umuwi ako sa ancestral home namin... ang sarap i-type ng ancestral home. hahaha


Halos buo ang pamilya, kaso hindi umuwi si Mama. So far eh, okay naman. Wala pang nagbabangayan sa aming magkakapatid na madalas mangyari... Siguro eh dahil kahit papaano, nag mature na kami. Lalo na sila, bilang pamilyado na silang lahat. Oh baka dahil magpapasko. Yaiy. Basta, susubukan kong magpa sweetness ngayon. Gusto ko maging masaya ang paskong to.

O baka dahil in-love ako, kaya ambait bait ko ngayon. Promise. Ang bait bait ko na. Di ba sabi nila, if you're in love, you try to be a better person for the one you love. I don't even try. Automatic nalang na nangyayari. Hellooooo Utada!

Anyways... Birthday ng pamangkin kong si Ethan kahapon. Bago ang kiddie party eh nag photo-op muna kami ng mga pamangkin ko. Inuna ko si Nika...

Yj: Nika, tingin sa camera.

Nika: No tito. Dapat sa iba ako nakatingin. Mas maganda. Ganun si Venus Raj sa mga pictures niya.

Tumambling ako. Tatlong taon lang si pechayita.


the next Venus Raj




my constant sources of happiness


Kinakabog ako sa projection!

That's all.Yaiy.

Tuesday, December 7, 2010

The Letter V....

kapag nag-cha-chat kami dati ni mama ay ganito:

Mama: hi ganda, kumusta ka na jan?

Yj: okay naman... maganda parin...

tapos magkukwentuhan... hanggang sa:

Yj: ma, wala na akong pera... padala ka na!

*******

Kaya biglang nagbago ang eksena. Umagang umaga mag o-online si mama. Yung sigurado niyang tulog pa ako dahil sa sobrang pagod sa pagtuturo kung pano magsabi ng tamang oras. (yung iba alam na ibig kong sabihin!). Kaya pag nag-online ako sa YM, mababasa ko sa mga off line messages ko ang mga IMs niya.

Mama: hi ganda, maganda ka pa ba?

sasagutin ko naman.

Yj: oo naman, pero wala na akong pera. padala ka na! please... please....

sasagot siya the following day:

Mama: hi anak, nakita ko yung bagong album mo sa FB. maganda ka parin nga. at mukha namang may pera ka pa. byeeee....

kaya ni block ko na siya sa FB.
**********

Kagabi, pag on-line ko, instang buzz talaga sa kin ang babaeng nagbigay buhay sa diyosa ng mga sumpa.

Mama: Kanina pa kita hinihintay!

Yj: nagpadala ka na allowance ko?

Mama: mamaya na natin pag-usapan yan. may chika ako sayo!

Yj: buntis ka nanaman?

Mama: gaga! hindi no! may bago akong TV.... 32 inches.... super flat!

Yj: taray naman....

Mama: oo, bigay ng kapatid mo.... galing siya kanina dito....ni-set up niya sa sala....

Yj: ambisyosa ka talaga... bigay mo na sakin yan, kawawa naman ako, ang chaka ng TV ko, galing surplus!

Mama: ahahahaha hayaan mo na, maganda ka naman. sobrang excited nga ako eh... pumunta ako Tsutaya kanina at nag rent ng dvd.... nanood ako ng Air Vender... ang ganda!

Yj: nyahahahahahaha Vender talaga?

Mama: ay sorry... Vendor ba yun?

*********

nalaglag ako sa upuan katatawa nasipa ko cord ng DSL at natanggal ang saksakan... ayun na disconnect tuloy ako!


HAPPY BIRTHDAY MAMA.... I LOVE YOU!


that's all.... bwah!

Monday, November 22, 2010

BiloyBoy......

Sino mag-aakala na magiging magkaibigan tayo?

Kung sa simula palang eh puro pang aasar na ginagawa mo sakin?

Naalala mo pa nang una tayong magkita?

Ako: saan ka nagtatrabaho?

Ikaw: sa mcdo.

Naniwala naman ako. At natawa ka.

******

Kalahating taon kang hindi nagpakita. Masaya ka kasi noon. Nagmamahal ka. Naintindihan naman namin.

At nang magkita tayo ulit? Umiiyak ka na. Napapangiti ako ngayon sa tuwing naalala ko. Hindi dahil gusto ko na umiiyak ka. Pero dahil sa tuwing umiiyak ka noon, laging humahantong sa mga katarantaduhan ang pag-iyak mo. Gaya nalang ng pagsayaw natin ng wowowee dance with matching beach balls, na pakana ng napakahusay na si Nyl, para lang sumaya ka. Para kahit hindi ka lango sa alak ay makalimot ka. Kahit sandali lang.

******

Yung mga panahon na nagsama tayo sa ilalim ng iisang bubong. Kisame pala, dahil wala naman tayong bubong. Sayang. Kasi ang dami sana nating nagawa kung hindi lang salungat ang schedules natin. Sana nakapag host tayo ng napakaraming movie nights, tea parties, at orgies.

******

Madalas nating pagtalunan kung sino sa atin ang pinakamalandi. Walang gustong magpatalo. Gusto natin lahat angkinin ang trono. Pero hindi na importante yun, alam naman nating lahat na IKAW talaga. Nyahahahaha.

******

Sa lahat ng mga ginawa mo para sakin, sa mga tulong na kusa mong binibigay kahit hindi ko hinihingi.  Sa lahat ng tulong na ginawa mo para sakin, na alam kong napilitan ka, dahil bina-black mail kita, maraming salamat. Sana hindi ka magsawang matakot sa mga pamba black mail ko. Yaiy.

*****

Gusto ko mang pahabain pa to at isulat lahat ng mga bagay na ipinagpapasalamat ko dahil sayo, hindi na pwede. Nagtext na yung booking ko, nagpapasundo na sa kanto.

*****

Basta laking pasasalamat ko at nakilala kita. I love you Victor!

Birthday Boy... Biloy Boy





Happy Birthday! Muahz.

Saturday, October 23, 2010

Jen...

I just want to thank you for putting up with my eccentricities. I'm the eldest but you have been the most responsible one, always the responsible one. I know you have sacrificed a lot just to keep our family intact. Things may not be as good as they used to be for you, but things will get better.

Huwag munang isipin ang mga problema. Pakasaya ka muna lalo na ngayon. Pag-uwi mo, sosolusyunan natin yan. Nandito lang si kuya ate para sayo!!!







Happy Birthday Sis... I Love You... I'll see you soon.

Yung LV ko ha! Choz!

Bwah!

Saturday, October 9, 2010

Make Me Happy....


there... i'll see you tonight bitches!

at pakyu ka Glenn alam kong sasabihin mo nanamang parang tarantula lang ang legs ko... shet ka eh sa ayaw ko mag shave eh.... balahibong pusa yan gagoh! kesa laitin mo ako, pasayahin mo ako. Punta ka mamaya, may available slot pa sa mga mag o-orgy!!!! yaiy

bwah!

Saturday, October 2, 2010

Divine at 29....

yeiz.... sinong mag aakalang bente nuwebe na ako eh neneng nene pa ang arrive ko. anyways, i'll see you guys soon.... mukhang maganda ang pasok (talagang mapapasukan ako mamaya!) ng bagong taon sa buhay ko. i'll be out of town till tomorrow night with friends and Mang Joseeeeeeeeeeeeee!!! hahahahaha laterz!

bwisit na finals yan. sumabay pa sa birthday ko. amfffffffffffffffffffff.....

bwah!

Tuesday, August 31, 2010

Before Your Month Ends...

Sometimes I ask myself if I made the right decision coming home.

Suddenly I remember you and I just know. It was the only right decision I've made in a very long time. 

Thanks for everything baby.... Happy Birthday!!!

Monday, May 24, 2010

Da Boy....

maldita ako kung sa maldita pero HUWAW! ang bait bait ko pag sayo ako kinumpara.... joke lang.


Para lang sa mga hindi nakakaalam, siya ang reyna ng texting. At wag ka, hindi yan mahilig mag GM, personalized lahat ang greetings niyan.


dahil sayo naranasan ko maging pokpok... "good morning Magdalena"

dahil sayo naranasan ko maging starlet... "good morning Nini Jacinto"

dahil sayo naransan ko maging bagyo... "good morning Mining"

hindi ka pa nakuntento dinagdagan mo pa ng isang NING.... "good morning Luningning"

as if hindi pa sapat yun, ginawa mo pang tatlo.... "good morning Trining"

dahil sayo naranasan kong maging multi-titlist beauty queen... "good morning Miss Herbal Essence"... "good morning Miss LRT Bambang Station 2010" hayop ka hindi mo man lang ginawang United Nations o Central Station para sosyal, Bambang pa talaga!

dahil sa mga morning greetings mo, narealize ko na inggitera ka sa byuti ko... "good morning YJ at sa imaginary pekpek mo..." hoy tunay to noh! Tse!

dahil sa mga morning greetings mo, narealize ko na adik ka.... "good morning YJ, i-hug mo ako sa mga tambay sa kanto niyo..." like duuuuuuuuuuuh....

dahil sa mga morning greetings mo, napagtanto kong malakas talaga saltik mo.... "good morning YJ, pinupuri ka ng buong Pilipinas sa kadahilanang walang nakakaalam"

dahil sa mga morning greetings mo, napagtanto ko na relihiyoso ka pala... "good morning kuya Victor and tito Nyl. I wish you all a cheerful day. Tamang bonggang araw lang. At siempre magandang umaga sa ating patron, Sta. YJ... napupuno ka ng grasya at bukod kang pinagpala..."

dahil sa mga text mo, nalaman ko na sweet ka rin pla (eeeeeeek)... "you've been a good friend and thanks for that... i wish you lots of angels and million reasons to smile everyday" (gumaganon?)

dahil sa mga text mo, narealize ko kung gaano ka ka-emotera... "Hays YJ, lately I struggle everyday na huwag maging masyadong expressive, pero there are days I'm madly inlove" (hindi ko kinaya)

dahil sa mga text mo, narealize ko na isa kang tunay na Diyosa ng pag-ibig.... "F is so lovey... a dream... a prayer... a wish on a star... he could be anything beyond all aspirations... haaaaaaaaaays" (nasuka na ako diyan)....

but seriously, I am so glad to have met you.... for a lifetime of friendship..... Cheers bakla!!!!

I will be the face to cover up your hurts,
I will be the the wind to wave your gray skies into blue...

kaso hindi mangyayari yun, kasi lagi mo akong inuunahan. Ikaw lagi ang nadiyan para sa akin... Thanks for everything.



Happy Birthday Dabo.... iloveyou muahz

Thursday, October 1, 2009

Looking Great at 28...

in two and a half hours, i'm turning 28....

right now, i'm with my coffee babies here in Greenbelt waiting for another coffee baby.... he should be here in an hour.... yaiy....

good way to start a what, week-long? month-long celebration? hahahaha echoz.... basta eto ang theme ko...

Looking Great at 28!!!!

ewan ko lang kung ganito kayo kaganda pag umabot kayo sa edad ko... hihihihi

pagbigyan niyo na ako... bertdey ko naman eh...

thanks for everything guys.... muahz...

bwah.....

Monday, June 29, 2009

Three Hits Minus One.....

HAPPY BIRTHDAY RACHEL......!!!















I was supposed to go to 4 parties last saturday night (june 27)....

1st stop, Somerset Village in Pasig. Birthday ng sisteret naming si Rachel. Hindi ko kinaya. Kasabay ng pagbaha ng alak ang pagbuhos ng mga boylets na puro anak ng diyos. Ito kasing si Rachel at Ez eh mga modil-modilan kaya naman mega-aarive ang kanilang mga boylets na kasama sa ahensiya nila. It's raining men talaga mga ateh. Kainis lang, d pa naa-upload ibang mga pics. Ayoko na sanag umalis dun dahil nakatutuwa ang bangayan ng mga bayotang sina Angel at Jaja. Kanya-kanya silang eksena para mahagip sa ganing yun. Ewan ko lang kung sino ang nag-title dahil kinailangan naming umalis ni Ez at isinama na rin si Tope (badesa bamba in checkered purple).

2nd stop, Club Uno.... hindi ko talaga kilala ang may birthday, pero impernez napaka-accomodating ng mga utaw dun. As in kokoronahan mo silang lahat ng Miss Friendship crown. More cuervo, more fun. Ang dami-daming pinapakilala si Ez na mga friendship niya, mga boylets na chaynez-chaynezan. Mga merlats na parang sa lamay pupunta at uniform talaga sila sa kanilang mga little black dresseseses. Nakakaloka. Hanggang sa ipakilala ako kay M.

Totoo pala ang sinasabi ni Aris. May mga ganitong pagkakataon pala talaga. Yung biglang mararamdaman mong hihinto ang mundo sa pag-ikot dahil hindi na siya bilog.... hugis-puso na. Akala ko pag sinasabi nilang "makalaglag panty", isang eksaherasyon lang, metapora kumbaga. Literal pala.

Hindi na kami nakapunta ng Ascend. Alas-kuwatro na ng umaga kaya hinatid na namin si Ez. Dumiretso kami ni Tope sa Malate para sa white party. Pasabog parin ang aming dinatnan. Full force pa rin ang mga badesa. Alam ko ngenge na ako. Wala na ako sa katinuan.

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa alarm ng nielpon. Shet may susunduin pala ako sa airport. Nakakabulag ang matinding hung over. Pano ako naka-uwi? Dali-dali akong naghubad para maligo. Pagtanggal ng aking pantalon...... punyeta!!! Saan napunta underwear ko? Shet bago pa naman yun.... sayang.....!!!!


HINDING HINDI NA AKO IINOM NG ALAK...... ISASABAW KO NALANG SA KANIN!!! blep:P












Thursday, March 19, 2009

Minsan Minsan Lang To....

Saturday (March 14)…. Around 8pm ko na nasundo ang birthday girl na si MX. Diretso kami ng columns sa tapat ng RCBC plaza kung saan gaganapin ang birthday niya at ang baby shower ng kanyang pinsan na si MNT. Pagsakay na pagsakay ng bilat sa taxi, naglitanya na.

“Girl, baby shower lang ngayon. Si cuz, hindi napa schedule yung paggamit sa pool para sa party ko. Nagkaroon ng misunderstanding. Kaya bukas na ang party ko sa rooftop ng condo nina R (workmate niya).”

“Okay… pero eto, giblab ko na ang gift mo,” sabay abot ng paper bag. Binasa niya ang nakasulat sa maliit na card.

Happy Birthday sis…. Love, NJ and Yj

“Wow naman. Thank you. Mamaya ko na buksan. Nasan nga pala honey mo?” tanong ni MX.

“Hay naku… may sakit. Trinangkaso sa sobrang pagod…” at namiss ko bigla ang honey ko. Sana gumaling siya agad.

“Ang libog mo kasi…”

“Gagah. Dahil sa kapapractice para dun sa play nila. Teka nga, bakit sa columns na magpaparty si MNT? Kala ko ba tinakwil siya?”

“Okay na. Pinabalik na siya… matiiis ba ng magulang ang anak?”

Napangiti ako. Masaya ako sa narinig ko. Kasi naman ganito yun. Si MNT ang babaeng kaiinggitan ng marami. Graduate ng LaSalle. Mayaman, nuknukan. Siya na nga ang nagmamanage ng kanilang family business na may headquarters sa isang pamosong building sa Makati. May bahay at lupa na, may condo pa. At kabibili lang ng isa pag condo unit. Maganda. Lahat lahat nasa kanya na. Hanggang sa mabuntis. Sa edad niyang 32, ikakatuwa ng sino mang magulang ang sitwasyon lalo pa’t sabik din sa apo ang mga ito. Pero may problema. Problema talaga kung galing ka sa pamilyang gaya ng meron siya. Hamak na guwardiya ang nakabuntis sa lola. Ayun, pinalayas sa bahay. Tinakwil. Sinabihang matatanggalan ng mana. Tinanggalan ng posisyon sa kumpanya. Ang bagong biling condo, pina-hold ng tatay niya. Nakakaloka. Biglang bagsak sa lupa ang isang de-pakpak na diyosa. For the last seven months, according to MX ay tumira ang MNT sa piling ng kanyang jowang guwardiya in a tiny winy apartment. Pero impernez, hindi nagreklamo ang lola niyo at mega adjust kung adjust sa simpleng buhay ang drama niya. Mahirap isipin pero feeling ko yun na ang tinatawag nilang wagas na pag-ibig. Yung handa kang isakripisyo ang lahat para sa taong minamahal mo. Pero siyempre pa para sa mga kapamilya niya gaya ng malditang friend ko na si MX na hindi matanggap ang sinapit ng pinsan, isang malaking kalokohan at katangahan ang ginawa ni MNT.

Katangahan o hindi, masaya ako na tinanggap na siyang muli ng kanyang pamilya. At sureness na babalik na siya sa pagiging presidente ng kumpanya oras na makapagsilang siya ng kanyang baby. Pero wala daw magaganap na kasalan ayon sa mga usap-usapan ng mga miyembro de pamilya at friendly friends na present sa baby shower. Kami ni MX dedz nalang at wa kiyemz. Enjoy nalang namin ang city lights below habang take ng mga pasabog na moktyur.

Dumating sa wakas ang Pot. Miss na miss ko ang bruha. D ko na kasi siya nakita mula ng magresign ako sa pinagtrabahuhan namin. Puro text lang. Ito ang babaeng talaga namang nuknukan ng kulit.

“Nagbabadminton pa ba kayo?” bungad na tanong ko kay Pot.

“Oo naman mare…. Lingo –linggo.”

“Eh bakit parang walang nababawas sa taba mo?” pang-aasar ko.

“Tangina mo naman eh…. Pumayat na ako noh.” Sabay tawa.

“Echos lang sister….. ang seksi mo nga ngayon….” Bawi ko sabay halik sa pisngi niyang lagi mong nakikitang pinipisil sa commercial ng pampers. Parang puwet ng bata…. Sa tambok at kinis hehehehe.

Maghahating gabi na rin nung magpaalam kami. Nagkayayaan magkape. Minsan na nga lang naman kami magkita-kita, i-todo na. Habang naghihintay kami ng taxi…..

“Oh bakit tayo magtataxi? Kala ko may dalang sasakyan si Yj?” tanong ni Pot.

Biglang humagalpak ng tawa si MX. Ang putah at matagal na pala siyang nag press release kay Pot na nag buyla ako ng karamba.

“Ayan oh. Hellboy!!!” sabi ni MX sabay turo sa sapatos ko.

“Tangna ka talaga… topak ka ngah!!! Naniwala ako dun ha…” si Pot na natawa na rin.

Heller naman. Utang na loob. Wala akong pambili ng sasakyan. At takot ako sa manibela. Hindi ako marunong magdrive. Ayoko talagang mag-aral. Kaya kailangan kong yumaman ng todo para magkaroon ng sariling sasakyan at dahil kailangan ko rin ng pambayad sa driver. Unless magkatuluyan kami ni NJ at siya na magiging driver ko habambuhay. Hehehehehe…. Kahit hanggang buwan niya ako ipag-drive… GO!

Anyways…. Ayun at nakakita kami ng picture gallery ng mga local celebs sa greenbelt 5. dahil kasama sina papa Jake at Enchong, moktyur to the max. Inabot kami ng alas-dos ng umaga sa tsismisan over kape at yosi. Siempre pa ang pinag-usapan namin ay ang mga ka-office mates na mahal na mahal naming laiitin. Si Kuto… as in holy dinkydumdum shet, may kuto pa pala ngayon? Akala ko dati super idol lang ng bilat na ito si Madonna at Debbie Gibson back in the 80’s at laging naka tease ang matayog niyang bangs ala Elvis Presley. Pero wag ka super shining shimmering splendid na akala mo ginamitan ng spraynet na punom puno ng glitters. Pero yung spraynet lang pala ang tumama sa akala ko. Dahil yung mga shining shimmering splendid things ay wa pala glitters kundi lisa. As in kuto eggs…. Nakakadiri…..

Isa pa siempre si Nguso… ang baklang laging nakanguso. Ha, anong sinabi ni Diego sa nguso ng baklang toh?! Friendly friends rin naman sana kami nito. Hindi ko lang matagalan ang ugali niyang laging pabida. Lalo na pag break time at kumpulan kami sa yosi area. Kahit hindi niya alam ang pinag-uusapan biglang sisingit yan at mega talak…. Dahil wa relevance ang talak niya sa topic, nganga nalang kami. Kaya mahal lang namin siya pag nasa cubicle na. Lagi kasing tulog….. Katabi ko pa ang potah. Minsan hindi siya pumasok. Tumawag sa bisor namin at nasa ospital daw. Ang gaguh nakagat ng…. of all animals eh PUSA. Tangna, narinig ko nalang sa kwento the next day na dahil daw sa tinapa. Kung pano nangyari? D ko na inalam. Alam ko narin namang dahil sa katangahan.

“Wag ka… wala na siya ngayon sa office. At enjoy na enjoy siya sa bagong trabaho niya somewhere in Ortigas,” pag-a-update ni Pot sakin.

“Ano work niya?” tanong ko.

“Security guard…. Ayun laging tulog ang gaguh. Night shift eh.”

Marami pang kuwento. Hanggang sa mapunta ang usapan sa mga kabalahuraan. Pag nangyayari ito, pak-ap na. Nieta. Balahura na nga kaming lahat, magbabalahuraan pa?

Imperness…. Nag-enjoy ako kahit wala honey ko.

Char lang. Bwah.

Friday, December 12, 2008

HAPPY BIRTHDAY MAINE...


HAPPY BIRTHDAY DEAR MAINE…. Gurang ka na mare. Hahaha joke lang. Anyways aga ko nagfly sa skul kahapon ng umaga. Hindi kasi miyembro si Miss B. ng unyon kaya may pasok kami sa educ12. Si Gilbeys pumasok din sa first subject niya pero miyembro pala ng unyon ang prof niya. Kaya nganga sa T-spot ang gaguh. Pagkatapos ng klase niyaya ko si BBB, LA at Maine magbreakfast. Fly kami sa jollibee. D nagpaparamdam ang Gilbeys kaya baka nakahanap ng kasama at malamang naglaro nanaman ng dota. Hmmmm kung matuto lang sana siyang nota nalang ang laruin. Bonggang-bongga sana. Dahil apat na oras ang bakante ko, niyaya ko silang pumunta sa dorm nina NJ at Cinder para tumambay. Kaso may kikitain palang kaibigan si Maine, at isinama niya si LA. Kaya kami nalang ni BBB ang pumunta. Nag-text ako kay NJ at nagpasabi. Baka tulog pa ang mokong eh or worse baka kung ano ang ginagawa nila ng bubog na si Cinder. Gising na daw siya at nagpabili pa ng apat na itlog, magluluto daw si Cinder ng hotcake. Pagdating namin sa dorm, nakaugalian na na batuhin ang salamin na bintana. Dungaw si NJ, ngiting aso. Initsa ang susi ng gate. Pag-akyat sa kuwarto, inabutan namin si Cinder na naghahalo ng hotcake at si NJ na nakabihis. Punta daw siyang Makati to meet her tita. Nagtanggal ako ng polo at humiga sa futon. Si BBB naghanap ng DVD na pwedeng pampalipas oras. Nakakita ng 10 in 1 na pirated disc na puro animated. Ratatoulie (kung tama ang spelling ko). Pumasok si Asia na bagong ligo gaing sa kabilang kuwarto. Hanap ng puwesto para manood. Lumipas ang kalahating oras at dumating sina Gilbeys at Bernard. Napaluto tuloy ng hotdog si Cinder. Siksikan kami sa futon. Ilang sandali lang dumating sina LA at Maine na nakasakay sa brand new vios ng kaibigan niya na si Leo. Nagyayaya silang mag-malling. Dahil hindi pa bihis si Cinder, nagpunta muna sina Leo at Maine sa St. Jude. Habang nag-bibihis si Cinder sabay-sabay umalis sina BBB na uuwi ng Bulacan para sa kanyang weekend volunteer sa church nila, Bernard at Gilbeys para magdota. Babalik sana ako ng skul pero nagtext si Honey na kaklase ko sa major7. Next year na daw ang defense sa mga poems at sa Tuesday na ang submission. Kaya naman malling ang mga bilat with the cutie boy from Aklan. Dahil malapit, nag SM centepoint nalang kami. Akalain mo, lumuwas ng Manila si Leo para lang sa birthday ni Maine. Kaloka, ang haba ng hair ng girlalush. Nasaan kaya ang boylet na tatawid ng dagat para lang makasama ako kahit sandali lang. Nasaaaaaaaaaan siyaaaaaaaaaaaa? Nagpakain si Maine sa shakey’s. Pinag-usapan namin ang magaganap na TL x-mas party next week. Humiwalay na kami ni Asia sa kanila pagkatapos kumain. Bumalik sila sa Mendiola. Nag-ikot lang kami sandali ni Asia, nakabili siya ng jacket na on sale sa American Blvd. Hinatid ko siya sa V.Mapa station dahil pupunta pa daw siya ng gateway. Maghahanap daw ng pangregalo kay Graham. Umuwi na ako.

Nangungulit si PB. Inom daw kami sa bahay nila. sobrang miss ko na siya kaso ang aga ng pasok ko bukas at may quizz pa ako. Next time nalang.


PS. Maine, sagutin mo na yan… para d ka na tigang hahahaha…..