Pages

Thursday, March 19, 2009

Minsan Minsan Lang To....

Saturday (March 14)…. Around 8pm ko na nasundo ang birthday girl na si MX. Diretso kami ng columns sa tapat ng RCBC plaza kung saan gaganapin ang birthday niya at ang baby shower ng kanyang pinsan na si MNT. Pagsakay na pagsakay ng bilat sa taxi, naglitanya na.

“Girl, baby shower lang ngayon. Si cuz, hindi napa schedule yung paggamit sa pool para sa party ko. Nagkaroon ng misunderstanding. Kaya bukas na ang party ko sa rooftop ng condo nina R (workmate niya).”

“Okay… pero eto, giblab ko na ang gift mo,” sabay abot ng paper bag. Binasa niya ang nakasulat sa maliit na card.

Happy Birthday sis…. Love, NJ and Yj

“Wow naman. Thank you. Mamaya ko na buksan. Nasan nga pala honey mo?” tanong ni MX.

“Hay naku… may sakit. Trinangkaso sa sobrang pagod…” at namiss ko bigla ang honey ko. Sana gumaling siya agad.

“Ang libog mo kasi…”

“Gagah. Dahil sa kapapractice para dun sa play nila. Teka nga, bakit sa columns na magpaparty si MNT? Kala ko ba tinakwil siya?”

“Okay na. Pinabalik na siya… matiiis ba ng magulang ang anak?”

Napangiti ako. Masaya ako sa narinig ko. Kasi naman ganito yun. Si MNT ang babaeng kaiinggitan ng marami. Graduate ng LaSalle. Mayaman, nuknukan. Siya na nga ang nagmamanage ng kanilang family business na may headquarters sa isang pamosong building sa Makati. May bahay at lupa na, may condo pa. At kabibili lang ng isa pag condo unit. Maganda. Lahat lahat nasa kanya na. Hanggang sa mabuntis. Sa edad niyang 32, ikakatuwa ng sino mang magulang ang sitwasyon lalo pa’t sabik din sa apo ang mga ito. Pero may problema. Problema talaga kung galing ka sa pamilyang gaya ng meron siya. Hamak na guwardiya ang nakabuntis sa lola. Ayun, pinalayas sa bahay. Tinakwil. Sinabihang matatanggalan ng mana. Tinanggalan ng posisyon sa kumpanya. Ang bagong biling condo, pina-hold ng tatay niya. Nakakaloka. Biglang bagsak sa lupa ang isang de-pakpak na diyosa. For the last seven months, according to MX ay tumira ang MNT sa piling ng kanyang jowang guwardiya in a tiny winy apartment. Pero impernez, hindi nagreklamo ang lola niyo at mega adjust kung adjust sa simpleng buhay ang drama niya. Mahirap isipin pero feeling ko yun na ang tinatawag nilang wagas na pag-ibig. Yung handa kang isakripisyo ang lahat para sa taong minamahal mo. Pero siyempre pa para sa mga kapamilya niya gaya ng malditang friend ko na si MX na hindi matanggap ang sinapit ng pinsan, isang malaking kalokohan at katangahan ang ginawa ni MNT.

Katangahan o hindi, masaya ako na tinanggap na siyang muli ng kanyang pamilya. At sureness na babalik na siya sa pagiging presidente ng kumpanya oras na makapagsilang siya ng kanyang baby. Pero wala daw magaganap na kasalan ayon sa mga usap-usapan ng mga miyembro de pamilya at friendly friends na present sa baby shower. Kami ni MX dedz nalang at wa kiyemz. Enjoy nalang namin ang city lights below habang take ng mga pasabog na moktyur.

Dumating sa wakas ang Pot. Miss na miss ko ang bruha. D ko na kasi siya nakita mula ng magresign ako sa pinagtrabahuhan namin. Puro text lang. Ito ang babaeng talaga namang nuknukan ng kulit.

“Nagbabadminton pa ba kayo?” bungad na tanong ko kay Pot.

“Oo naman mare…. Lingo –linggo.”

“Eh bakit parang walang nababawas sa taba mo?” pang-aasar ko.

“Tangina mo naman eh…. Pumayat na ako noh.” Sabay tawa.

“Echos lang sister….. ang seksi mo nga ngayon….” Bawi ko sabay halik sa pisngi niyang lagi mong nakikitang pinipisil sa commercial ng pampers. Parang puwet ng bata…. Sa tambok at kinis hehehehe.

Maghahating gabi na rin nung magpaalam kami. Nagkayayaan magkape. Minsan na nga lang naman kami magkita-kita, i-todo na. Habang naghihintay kami ng taxi…..

“Oh bakit tayo magtataxi? Kala ko may dalang sasakyan si Yj?” tanong ni Pot.

Biglang humagalpak ng tawa si MX. Ang putah at matagal na pala siyang nag press release kay Pot na nag buyla ako ng karamba.

“Ayan oh. Hellboy!!!” sabi ni MX sabay turo sa sapatos ko.

“Tangna ka talaga… topak ka ngah!!! Naniwala ako dun ha…” si Pot na natawa na rin.

Heller naman. Utang na loob. Wala akong pambili ng sasakyan. At takot ako sa manibela. Hindi ako marunong magdrive. Ayoko talagang mag-aral. Kaya kailangan kong yumaman ng todo para magkaroon ng sariling sasakyan at dahil kailangan ko rin ng pambayad sa driver. Unless magkatuluyan kami ni NJ at siya na magiging driver ko habambuhay. Hehehehehe…. Kahit hanggang buwan niya ako ipag-drive… GO!

Anyways…. Ayun at nakakita kami ng picture gallery ng mga local celebs sa greenbelt 5. dahil kasama sina papa Jake at Enchong, moktyur to the max. Inabot kami ng alas-dos ng umaga sa tsismisan over kape at yosi. Siempre pa ang pinag-usapan namin ay ang mga ka-office mates na mahal na mahal naming laiitin. Si Kuto… as in holy dinkydumdum shet, may kuto pa pala ngayon? Akala ko dati super idol lang ng bilat na ito si Madonna at Debbie Gibson back in the 80’s at laging naka tease ang matayog niyang bangs ala Elvis Presley. Pero wag ka super shining shimmering splendid na akala mo ginamitan ng spraynet na punom puno ng glitters. Pero yung spraynet lang pala ang tumama sa akala ko. Dahil yung mga shining shimmering splendid things ay wa pala glitters kundi lisa. As in kuto eggs…. Nakakadiri…..

Isa pa siempre si Nguso… ang baklang laging nakanguso. Ha, anong sinabi ni Diego sa nguso ng baklang toh?! Friendly friends rin naman sana kami nito. Hindi ko lang matagalan ang ugali niyang laging pabida. Lalo na pag break time at kumpulan kami sa yosi area. Kahit hindi niya alam ang pinag-uusapan biglang sisingit yan at mega talak…. Dahil wa relevance ang talak niya sa topic, nganga nalang kami. Kaya mahal lang namin siya pag nasa cubicle na. Lagi kasing tulog….. Katabi ko pa ang potah. Minsan hindi siya pumasok. Tumawag sa bisor namin at nasa ospital daw. Ang gaguh nakagat ng…. of all animals eh PUSA. Tangna, narinig ko nalang sa kwento the next day na dahil daw sa tinapa. Kung pano nangyari? D ko na inalam. Alam ko narin namang dahil sa katangahan.

“Wag ka… wala na siya ngayon sa office. At enjoy na enjoy siya sa bagong trabaho niya somewhere in Ortigas,” pag-a-update ni Pot sakin.

“Ano work niya?” tanong ko.

“Security guard…. Ayun laging tulog ang gaguh. Night shift eh.”

Marami pang kuwento. Hanggang sa mapunta ang usapan sa mga kabalahuraan. Pag nangyayari ito, pak-ap na. Nieta. Balahura na nga kaming lahat, magbabalahuraan pa?

Imperness…. Nag-enjoy ako kahit wala honey ko.

Char lang. Bwah.

4 comments:

wanderingcommuter said...

ang sosyal naman columns... hehehehe

Anonymous said...

bonggang lab story naman yan sisteret..

at ang panlalait di nagbabago.. bonggang bongga pa rin.. bwahahaha..

Yj said...

@ewik..... hahahhahaha diyosa ang lola mong nagpa baby shower eh heheehhehehehehehe

@melo.... again.... alam mo yan!!!

Anonymous said...

aba aba aba! bongga ka talaga. hahaha. kala ko naman karumba talaga yun palang hellboy mo. hahaha!