Thursday (March 12)… Maagang nag text sa akin si NJ. Dalhin ko daw ang PE uniform ko. Sinalubong niya ako sa gate ng school. Suot parin niya yung damit na suot niya nang umalis siya kahapon for the commercial shoot.“Hindi ka pa ba natutulog?” pag-aalala ko. Inangat niya ang kanyang suot na wayfarers. Ang kanyang eyebags, por kilo. Utang na loob.
“Usap tayo mamaya, malelate na ako sa PE,” sabi niya sabay kuha sa paper bag na pinaglagyan ko ng PE uniform kong hiniram niya.
Nagtext bigla sa akin ang girl friend kong si MX – “free your Saturday night. Baby shower ni MNT at birthday celebration ko. Sa columns tayo.”
Nagkita kami ni NJ sa Tspot during breaktime. Pagod na pagod ang honey ko. Dahil nasa house nila sa Paranaque ang isusuot niyang damit for the recognition day sa susunod na araw, dun siya uuwi tonite. Nagpasya nalang kaming pumunta ng robplace para bumili ng damit na isusuot sa columns come Saturday, at para mag-lunch. Sa taxi, kuwentuhan kami tungkol sa experience niya sa commercial. Maaga naman daw natapos ang shoot nung commercial, kaso nag-announce daw sila na magstay yung gustong magstay for the print-ad. Nagstay na daw sila ng caster na si K.
“Magkano naman ibinayad sayo?”
“1700,” natatawa niyang sagot.
“Nagpuyat ka for that? Sana nanahimik ka nalang sa bahay at binigyan kita ng pera,” biro ko sa kanya.
“Ok lang yun. Nahiya naman kasi ako kay K. Tsaka para kunin niya ulit ako pag may ganung raket. Summer pa naman, wala akong gagawin.”
Sa Recipe kami kumain. General’s chicken at mixed seafoods ang pinagdiskitahan namin.
“May sasabihin ako pero huwag mong sasabihin sa iba,” bungad ni NJ habang hinihintay namin ang pagkain.
“What?”
“Si Yj2 nakabuntis din,” at saka siya natawa. Si Yj2 ay yung bestfriend niya sa mga kaklase niya. Kapangalan ko pa. Guapo rin tong lokong toh eh. The konyo type. Chinese-chinesan. Maliit nga lang.
“OMG! Sino nabuntis niya?”
“Taga La Salle… hindi niya girlfriend.”
“Alam ba niya yung tungkol sayo at kay Cinder?” tanong ko.
“Hindi….”
“Ayan… mga gago kayo…. Nag-aaral naman kasi kayo kung bakit tatanga-tanga kayo pagdating jan!!!”
Umismid lang siya….
Pagkakain, diretso kami sa Topman para bumili ng polo shirt. I settled for the light blue na checkered in XS size. Meron din si NJ ng polo shirt nato in dark blue. Yung black sana kukunin ko, pero sabi niya, mukha daw akong sanggano. Then bumili kami ng black slim tie na gagamitin ko bukas. Sa taxi, plakda agad ang mahal ko. Tulog siya ng nakasandal sa dibdib ko habang yakap ko. Ginising ko lang siya ng nasa Lawton na kami, dun kasi siya sasakay ng FX pauwi. Then dumiretso na ako ng school. Late ako sa Creative Writing pero dahil lab na lab ako ng prof ko, ok lang. Tumataginting na flat 1 ang nakuha kong grade for my short story defense. Bungga!!!
Friday (March 13)…. Recognition day na. Maaga ako sa school para mag run ng script. D ko pa actually nakikita ang script kaya wala talaga akong ideya kung pano ako maghohost ng event. Kung bakit kasi nagprisi-prisinta ako eh?! Habang nagpapractice kami ng co-host kong bilat na si M, nagpaalam sakin si NJ. Samahan lang daw niya si Yj2 sa robplace para bumili ng necktie. Ayoko sanang payagan dahil baka malate siya sa recognition pero gusto rin niyang bumili ng bagong belt. Lalo akong napikon dahil nandun na nga kami kahapon d pa niya binili yung belt na gusto niya sa Topman. Pero hindi ko nalang pinahalata. Napaka-sensitive pa naman niya. Kumuha siya sa akin ng isang libo na dadagdagan nalang daw niya. Binigyan ko nalang, papalitan din naman niya.
Master of Ceremonies Yj and MNakakaloka, dahil hindi lang pala recognition day itey. May surprise salute to our beloved dean na magreretire na. Kaya naman pati university president, nag-attend. Naloka ako. Lalo akong kinabahan. Peste, basta kung ano nakasulat sa script, yun ang sinunod ko. Walang ad lib ad lib…. Go lang ng go. For a first timer, feeling ko nakapag deliver naman ako ng maayos. Proud na proud kami dahil anim kami from TL ang may award.
Lou – service awardee
BBB – sports awardee
NJ – sports awardee
LA – consistent honor student
Yj – consistent honor student
Maine – consistent honor student (consistent ang lola sa top ng dean’s list)
LA, Maine, Yj and NJO d vah… bagay na bagay kami ng honey ko. Siya, smart, guapo, athletic, at yummy. Ako, smart, sexy, fabulous, pretty at SMART ulit hahahaha… although yang pagiging fabulous ko at sexy, hindi galing sakin yan. Si Luis may sabi niyan… minsan lang makatanggap ng bonggang bonggang papuri, wag ng magpahumble hehehehehe. Char lang!
Parang Prom Night Lang Hahahaha Sina Honey at Asia ang in charge sa personal photo at video coverage namin. After the recognition, bonggang bonggang pictorials ang ginawa namin. Nagmistula pang prom night ang ibang pics namin ng honey ko. Then nagkayayaang kumain. Hindi na kami lumayo, sa KFC nalang sa tapat ng school. Dumating din ang kababata at manliligaw ni Maine na si AHM. Galing daw ng Baguio. Kahit pagod na pagod na, kinailangan parin ni NJ magpractice para sa play nila the following day. Inuwi ko nalang lahat ng gamit niya para wala na siyang masyadong dala.
Pasado alas-dose na ng gabi ng magtext si NJ na pauwi na siya. Inabangan ko siya sa gate. Nang makita ko, parang pinagsakluban ng langit at lupa. Bagsak na bagsak na ang balikat niya sa sobrang pagod. Basang basa pa ng pawis ang damit niya.
“Kumain ka na ba? Iiinit ko yung nilagang baka,” sabi ko habang paakyat ang elevator. Siempre pa yakap ko siya, kahit pawisan, ang bango-bango niya.
“Nalipasan na ako ng gutom eh, papahinga lang ako saglit at maliligo, tulog na tayo.”
Habang pinapatuyo niya ang buhok niya, pinanood namin ang video ng recognition. Panay ang pang-aasar niya sa akin dahil halatang kabado ako. Ang bilis ko palang magsalita. Mabilis pa sa takbo ng kabayong sinilaban ng sili sa puwet. Sabi ko nga sa kanya, hinding hindi na ako uulit mag-emcee. Pakshet na kahihiyan yan. Malamang usap-usapan na ako ng mga inggiterang bading sa ibang course. Hmmmmp. Patulog na kami ng mapasin kong panay ang katikot ni NJ sa nielpon niya.
“Hon, tulog ka na. Mag-aalas dos na oh.”
“Yup. Ito kasing leader namin eh. Gusto alas singko nandun na kami para daw makapag handa at magpractice pa ulit before the play,” reklamo niya.
“Ano? Gago pala siya eh. Madaling araw ka na nga pinauwi, gusto pa niya maaga ka dun? Anong oras ba yung start ng play niyo?” asar-talo kong tanong.
“Seven.”
“Puwes nandun ka na ten minutes before seven, pero hindi 5!!! Huwag magmamaganda yang leader mo dahil makakatikim yan sakin.”
Ilang sandali pa, naghihilik na honey ko. Natulog na rin ako.
***
Saturday (March 14) Alas kuwatro palang naririnig ko ng nagriring ang nielpon ni NJ. Buti nalang at malalim matulog ang kumag. Yung tipong kahit nagkakasunog na at panay ang daan ng maiingay na trak ng bumbero eh hindi talaga magigising. Inabot ko ang nielpon at nilagay sa ilalim ng unan. Manigas yang pesteng leader na yan. Alas sais ko na ginising si NJ. Dahil tulog pa si manang, ako na nagplantsa ng uniform niya habang naliligo siya. Habang nagbibihis, napansin ko na panay ang singhot niya. Ayun, sinisipon na nga. Nakow, pag nagkataon.
Dahil hapon pa ang pasok ko, pinag-usapan nalang namin na uuwi siya ng Paranque after the play at matutulog muna. Sa columns nalang kami magkikita for the birthday and baby shower.
By 12 noon, nakauwi na si NJ sa bahay nila at matutulog daw muna. After NSTP class pumunta kami ni LA sa robplace para bumili ng regalo kay MX at sa baby ni MNT. Nagtext s NJ – “Okay lang ba na hindi ako sumama mamaya, nilalagnat na ako eh.”
Kung pwede ko lang siyang puntahan para ako mismo mag-alaga sa kanya.
“Sige, pahinga ka muna. Pag bumuti pakiramdam mo, sumunod ka nalang, 9pm pa naman yun eh. Kain ka at inom ng gamot.” Reply ko.
“Okay.”
*****
Saturday (March 14) Alas kuwatro palang naririnig ko ng nagriring ang nielpon ni NJ. Buti nalang at malalim matulog ang kumag. Yung tipong kahit nagkakasunog na at panay ang daan ng maiingay na trak ng bumbero eh hindi talaga magigising. Inabot ko ang nielpon at nilagay sa ilalim ng unan. Manigas yang pesteng leader na yan. Alas sais ko na ginising si NJ. Dahil tulog pa si manang, ako na nagplantsa ng uniform niya habang naliligo siya. Habang nagbibihis, napansin ko na panay ang singhot niya. Ayun, sinisipon na nga. Nakow, pag nagkataon.
Dahil hapon pa ang pasok ko, pinag-usapan nalang namin na uuwi siya ng Paranque after the play at matutulog muna. Sa columns nalang kami magkikita for the birthday and baby shower.
By 12 noon, nakauwi na si NJ sa bahay nila at matutulog daw muna. After NSTP class pumunta kami ni LA sa robplace para bumili ng regalo kay MX at sa baby ni MNT. Nagtext s NJ – “Okay lang ba na hindi ako sumama mamaya, nilalagnat na ako eh.”
Kung pwede ko lang siyang puntahan para ako mismo mag-alaga sa kanya.
“Sige, pahinga ka muna. Pag bumuti pakiramdam mo, sumunod ka nalang, 9pm pa naman yun eh. Kain ka at inom ng gamot.” Reply ko.
“Okay.”
*****
Mga Kulit Pics...

The Editorial Shot

Asia, LA, NJ, Maine, Yj and Honey
Forming Family Ties Bwah!!!

The Athlete and The Dean's Lister
7 comments:
congratulations to you both! what a perfect match! :)
how sweet and how nice both of you are. congratulations! :D *hugs*
@Aris... thanks friend.... natouch talaga ako na isasama mo ang lablayp ko sa mga prayers mo.... hayaan mo at ganun din ang gagawin ko para sayo.... sabi nga nila mas powerful ang prayers pag mas marami ang umuusal nito.... labshu!!!
@Herbs.... thanks.... sana sa susunod magkaroon din tayo ng pagkakataon makapag chikahan in person.... sureness dami rin nating things in common hehehhehe
mapapasubo na ata kami sa gift sa grad mo ah.. mukhang masarap ang may lablayp pag nag-aaral.. inspired na ang puso inspired pa ang utak.. hahhaha..
sweet sweet naman ni lolo NJ.. hihihi..
can't wait for more kwento sisteret.. hahahaha
@melo.... alam mo yan!!! hahahaha
pag nagkataon trip to europe na ang gift niyo nina ace at ven sakin.... at pag nagkataong kami na ni NJ by that time... TRIP FOR TWO na hahahaha
labs you guys....
naman naman. napakasweet niyo naman ni NJ... para kayong mag-asawa...
congratulations!!
Post a Comment