Pages

Showing posts with label College Life. Show all posts
Showing posts with label College Life. Show all posts

Wednesday, February 23, 2011

Patience is aVirtue...

ano daw?

kasi naman ang status ng aking friendship na si EllaB (ang babaeng mas malaki ang suso kesa ulo) kagabi sa FB ay ganito:

I'm so proud of you mareng YJ. good things come those who wait talaga. after 13 years in college may recognition ka na! bwahahahaha

nieta lang. kailangan ipagdiinan na 13 years na ako sa kolehiyo?

at kung itatanong mo kung anong recognition yan, siempre Miss Gay University!

Char. Kahapon kasi ginanap ang search for best undergraduate research sa school namin and I represented the Education program.

Yes mga ate, panagarap kong maging guro. Dream ko ang magkaroon ng school of faggotry at si Miss Chuniverse ang magdedesign ng curriculum bilang siya ang nangunguna sa kabaklaan.

I did my research 2nd sem of last school year pa. Sobrang pasasalamat ko lang sa mga blogger friends natin diyan na tumulong at sumuporta. Kasama ko kayong lahat sa tagumpay ko. Char!

Bwisit lang, kung may cash prize sana eh di magpapabaha ako ng alak at mga go-go boys.

Pagdating ko sa auditorium, sobrang nanginig ang tinggil ko. Nasa dalawang libong estudyante yata ang nandun. Lalo akong kinabahan nang malaman ko na lahat pala ng kalaban ko ay grupo-grupo, ako lang ang solo. Hinanap ko si loverboy sa crowd, pero di ko nakita. Lalo akong pinanghinaan ng loob. 






Kung title palang ng research mo ay binubusisi na ng mga judges, hindi magandang pangitain yun. Malas lang ng mga kalaban ko at sa kanila nangyari yun. Well, sinabi lang naman nila sa akin na napaka interesting lang daw ng topic ko at nag enjoy daw silang basahin ang research ko na nasubmit na sa kanila a week before the contest pa.




Saglit na nga lang ang oras para sa presentation, nakukuha ko pang mag-pose pag kinukunan ako ng picture ng assigned photographer. At one point nag couture pose pa akez ahahaha.




Siempre ginamitan ko ng visuals na bongang bongga ang presentation ko. Nagpakita ako ng mga hubad na boylets na ikinatuwa ng mga merlat na judges concrete examples on how learning takes place sa blogging world. Dito, ang ginamit ko ay ang comments section ni Kuya Ewik sa kanyang Everyone Has His Own Story post. I was trying to point out that some readers comment on the the errors that they notice, but the learning only occurs if the blogger take into consideration the criticisms he receives. Powerful da vah!


Miss B., Dr. Lucas, Dr. Navarro and Prof. Lucero

Needless to say, ako ang wagi!

Kasi naman, sa criteria for judging eh 100% pala ang audience impact! Yun lang pala basehan. Eh buong educ nandun para pumalakpak for me!

with the ever supportive 4th year educ


Sa next post na yung list ng mga pasasalamatan ko. Need to prepare na, bilang nanalo ako, treat ko sarili ko sa gay bar!! nyahahahahahaha

*****

Isa pa pala, kagabi magkachat kami ni loverboy. Siya yung bago kong crushie. Loverboy na tawag ko sa kanya ngayon ahahahahaha

Loverboy: Congrats Yj.

Yj: Thanks. Hindi ka naman nanood.

Loverboy: Sinong may sabi? Nandun ako.

At umabot ng isang oras ang walang katapusang landian sa chat! Nyahahahaha....

Pero kanina, kachat ko ulit siya. May sakit daw kaya hindi pumasok. Hindi din ako pumasok kasi may sakit din ako. Vaginal pains.

Pero ang loko-loko, may sakit na at lahat nakuha pang mag moktyur. Sa lahat ng may sakit eh siya ang pinaka healthy at cute.... Yaiy


 Nagpaalam ako na ipopost ko yang pic niya! Wag niyo akong artihan!


That's all. Yaiy....

Monday, November 15, 2010

I Need Help... Again...

Okay so i got myself in deep shit again...


I was forced by my dean to attend the elimination round for the university wide debate earlier today.

there were about a hundred students from different colleges. kinabahan ako ng bongga.

may panel of judges. may mic sa gitna ng maluwang na conference room. isa-isang tinawag ang mga nagpapanggap na may alam sa pakikipag debate, gaya ko.

Nakita ko pa yung bekibelles na kinaasaran ko. nagmamaganda kasi mukha namang used diaper. At whadbout siya ang unang unang natawag...

Si bakler more rampa papunta sa gitna ng room...

Nagpakilala siya. I'm Chaka Doll and i'm representing the college of Pharmacy! Tama, mukha kang drug user, drug pusher, mukha kang tooter ng shabu!

May lumapit sa kanyang member ng event committee at pinabunot siya ng tanong from a fishbowl... at ang tanong na napunta sa kanya ay something like.... basta may narinig akong nuclear proliferation....  ahahahaha nanginig si bakla..... siempre sumigaw lang ako ng napakalakas na BOOOOOOOOOOOOOOO! LIGWAK NA YANG CHAKANG YAN! nyahahahahaha ang saya ko lang.

punyeta kamusta naman na pang 60 plus yata ako. kaya naman by the time na ako tinawag eh nanginginig na ako sa gutom at more more minola oil na ang pezlak kech... ang dami pa namang cutie.... lalo na ang mga boylets from the college of dentistry.... gusto ko bungiin ang sarili ko at magtanong kung magkano papustiso.... yaiy.....

so ayun, tinawag na akech. dahan dahan akong naglakad papunta sa mic stand. kailangan bongga ang rampa ko... isang hakbang tatlong kendeng. after mga 15 minutes eh nakarating na ako sa mic. nagulat ako, ang sama ng tingin sakin ng mga tao. amffffffff...

Mabuhay. My name is YJ the Manilabitch and I am representing the school of education liberal arts music and social weeeeerk... and what you are looking at is nothing but a taste of what is about to come... I in front (sabay lingon akech sa mga co-debaters sa likod ko) and all the rest behind me! Thank You....

oh di vah! intro ko palang yan, standing ovary ovation na! lumapit na ang bilatsing na may hawak ng fish bowl... pinasok ko ang kamay ko at hinalo halo ang mga natitirang papel sa loob... halukay, more halukay pa... maya maya pa eh napaplabas na ang dila ko at napapatirik ang mata habang patuloy ako sa pagfinger sa mga papel sa loob ng fish bowl.... at ang nabunot kong tanong ay...

"Are social networking sites doing us any good? or are they merely sophisticated means to stalk people?


tinignan ko lang ng masama ang mga judges. masamang masama ang tingin ko sa kanila.

"Are you trying to insinuate that i'm a stalker?" sigaw ko sabay walk out.

and that's how i got in the final round on wednesday.

At ang topic ay:

"What's yout take on the suspension of the APECO project?"

nasa proposition side ako!

******

Now you, my dear readers, have the most brilliant minds out there.... kaya tulungan niyo ako utang na loob... ayoko masigawan ni Chaka Doll ng booooooo sa miyerules.... please, please.... pretty please....

that's all... muahz

Wednesday, August 11, 2010

Breathe Yj.... Breathe...

I'm juggling practicum at a catholic highschool and 28 units at the university.
My English to Filipino and Filipino to English poem translations are due this Saturday. I haven't started working on them.
I need to start preparing instructional materials, think of a motivation, and proper evaluation, (not to mention the presentation of the digital short story) for my teaching-demo next Friday.
Prepare a script for Thursday's Speech Fest's host... oh wait, that's me!!!!
Create my curriculum pacing guide for Monday.
Revise marketing speech for Saturday.
Work on my textbook's chapters 2 and 3, due next Friday.
Answer My Practicum's Learning Episodes 7 and 8.
Review for the upcoming mid-terms.

These are some of the reasons why I keep reminding myself to breathe every other second.

I just received a text from Med-boy asking if I have anything to do this weekend, he wants to meet for coffee.

Shiiiiiiiiiiiiiiiiiiit!

Tuesday, February 9, 2010

I Need Help....

Guys... i need your help... if i sound desperate in this post, that's because i am. i am working on my thesis and it's about blogging. THE INFLUENCE OF BLOGGING ON THE WRITING SKILLS OF YOUNG FILIPINO WRITERS (who write in English) to be exact. kaya kailangan ko ng mga respondents.... i have sent the questionnaire to the following bloggers:

Galen
Padsiefoot
Xallternative
Pie of dreaming in the attic
Maxwell
Tristan Tan
Tripper
MkSurf
Manech
Engel
Waiting Shade
Dudes
Maccallister
Mr. Scheez
Dabo
Wandering Commuter
Kris Canimo
Turismoboi

so far, these are the people who have sent back the answered questionnaires:

01. Galen
02. Manech
03. Padsiefoot
04. Xallternative
05. Mr. Scheez
06. Turismoboi
07. Dabo
08. Maxwell
09. Eternal Wanderer
10. Dhon Pal
11. Gram Math
12. RJ Pebs
13. Chyng
14. Tristan Tan
15. Line of Flight
16. Herbs
17. Red the Mod
18. Ewik the Wandering Commuter
19. The Closet Geek
20. Johnny Cursive
21. Dudes
22. Daddy Kuri
23. Lemon Writer
24. Kawadjan
25. Kris Canimo
26. Odin Hood
27. Toilet Thoughts




thanks guys...:)

if you guys want to participate, kindly copy and answer the questions below (preferably in MS Office Word) and send it to me at:

cynthshiria@yahoo.com


The Influence of Blogging on the Writing Skills of Young Filipino Writers

Name: (optional)
Blog URL:
Age:
Gender:
Educational Attainment:
High School:
College:

Why did you start blogging?

How long have you been blogging?

Why did you choose to blog in English?

What is the nature of your blog?

How many blogs do you maintain?

How often do you read other people's blog?

Do you keep track of your followers? How many followers do you have?

Do you comment on other blogger's grammar?

In the last six months, what is the average number of comments you receive per post?

Do you receive comments/criticisms about your writing style and grammar?

Do you receive comments/criticisms about your choice of words?

Do you receive comments/criticisms about the relevance of your chosen post topic?

If so, do you take them into consideration or do you give the leave-me-alone-this-is-my-blog-i'm-gona-write-what-i-want-to-write attitude?

Has your writing style changed since you started blogging? In what way?


*****

Gooooooooow copy paste and answer na.... hahahaha thanks in advance.... muahz.... ang hindi magparticipate, walang cookies at kisses.... bwah

Saturday, August 15, 2009

Mr. and Miss Sportsfest.....

Last Wednesday, the opening of our Sportsfest was held at the Rizal stadium. Siempre pa naglandi lang ako dun. Wala naman talaga akong pakialam sa mga sumali sa Miss Sportsfest, but for the sake of my straight readers, nyahahahaha parang ang dami..... nandito na sila....




Miss Makati...




Miss Accountancy and Management...




Miss Nutrition and Hospitality Management...



Pero kinabog silang lahat ni....

Miss Pharmacy.....


Pretty-pretty-han naman sila imperness, pero feeling ko mag-ahit lang ako, maganda pa ako sa kanila.... hmmmmmmmmmp. Now hindi ko alam kung ano nangyari at mukhang nawindang na ang mga judges sa sobrang init noon, dahilan para itong mga sumusunod ang gawing title sa Mr. Sportsfest....



2nd runner up... Mr. Medtech...



1st runner up... Mr. Pharmacy...



Mr. Sportsfest 2009-2010... Mr. Science.... I mean... WTF?




Hindi naman sa bitter ako pero eto talaga ang mga gusto kong manalo....


2nd runner up ko... si Mr. Nutrion and Hospitality Management



1st runner up at bagong baby ko.... si Mr. Makati.....


Ayokong i-post ang picture ng dapat eh naging Mr. Sportsfest para sa akin... kasi baka sabihin niyo bias ako... kasi minsan ko siyang minahal.... hahahaha alam na!!! Bwah....

Friday, June 19, 2009

First Day High....




Oh d vah, feeling high school lang. Classes officially started last Monday (June 15).... Isa lang ang klase ko at hindi dumating ang prof. Bongga. Inaayos ni friendship Ez ang kanyang schedule na talaga namang pagdurusa gaya ng sked ko. At dahil hindi nakatutuwa ang maglakbay from one college to another lalo nakung kailangan mong mag-pumanhik panaoog sa hagdanan dahil wala namang elevator ang purita mirasol naming school, nagkayayaan nalang kaming mag…. Greenbelt. At unang araw palang ng klase, lagas na ang allowance ko for the whole month. Kasi naman pag kami ni Ez ang magkasama, hindi talaga maiwasang hindi gumastos. Buti nalang at iniwan ko sa bahay ang andalucia na pang open ko ng bagong bank account para sa aking maliit na “business”, at may friendship pa akong kailangang bayaran sa perang pinahiram niya para sa aking puhunan. Gudlak Melo! Echoz….

Dahil ayoko ng gumamit ng shoulder bag, baka kasi pagkamalan akong bading, bumili ako ng backpack. Kailangan yung boyish ang design. Yung pink. Choz. Siempre black ang kulay na pinili ko. Kaya lang napag isip-isip ko na parang boylet na boylet ang aura ko sa design at kulay ng bag, kaya para magkaroon naman ng touch of girliness, kinabitan ko ng keychain….






At hindi pa diyan nagtapos ang gastos, more pasok pa kami sa kung ano-anong shop. Hanggang sa mapunta sa topman. At nagsusumigaw na yung checkered shirt in black and yellow… BAKLA! BILHIN MO AKO! BILHIN MO AKO!.... ako naman si tanga sinukat ko. XS. Ang taray ng fit. May korte pa sa side. Pero may kuda ang Ez…

“Ay hindi bagay sayo… ang itim mo kasi….” ismid ng bilat. Kala mo kung sinong kaputian kung laiitin ang kulay ko. Pero impernez trulili… parang hindi nga bagay sakin. Palabas nalang kami ng shop ng kumuda nanaman ang hitad….

“Ay… try mo tong black and red….”

At dahil favorite color ko ang red, kesehodang chakaru sa akin, buy! Pero ang pinakahighlight ng araw ko ay nang makita ko tong store na to sa greenbelt 5. Hindi ko na nga napansin yung name ng store. Nakita ko kasi yung shoes na naka-display sa gitna ng store. Highcut. Metallic “red”. Supra. Halos lumuwa ang mga mata ko at maghugis puso. Kakainlab ang shoes. Hinaplos ko. Aaaaaaaay.

“Would you like to try them on?” ang shoray ng accent ng nagsasalita.

Sobra akong amazed sa sapatos hindi ko man lang napansin yung boylet na nasa cashier at nagtutupi ng mga damit. Siempre nilingon ko siya. Gusto kong umiyak. Ang guapo ng gago. Anak ng mga diyos at diyosa. Mas nakakainlab pa siya kesa sa sapatos na hawak ko. Dahil iniwan na niya ang kanyang ginagawa at lumapit sa amin, nahiya ako bigla kaya balik sa shoes ang tingin ko. At nakita ko ang presyong nakasulat sa maliit na papel na nakadikit sa suwelas ng sapatos.

9,999.00Php

WTF!.... sampung libo? Biglang naglaho ang pagmamahal ko sa boylet, I mean sa sapatos pala.

“Would you like to try them on?” tanong ulit niya sabay ngiti ng super super sweet.

Dahan dahan kong binalik ang shoes sa lamesa.

“No… thank you,” ngiti din ako ng mas sweet sa ngiti niya. Nag byutipul eyes pa ako. San ka pa?

“No problem,” sagot niya at tumango pa ng bahagya.

Walk out na kami ni Ez. Habang kapi-kapihan kami sa starbucks, kuda nanaman ang merlat tungkol sa mga plano niyang bilhin before the month ends. Ispluk lang siya ng ispluk habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya na kunway nakikinig, pero may malalim talaga akong iniisip…. Kung may sampung libo lang ako, nagamit ko na sana ang linya ni Tristan… “ so do these shoes come with a date?”

Ang saya ng unang araw ng klase….

Blep…:P

Tuesday, March 17, 2009

Puyat bago mag.... Prom Night?

Thursday (March 12)… Maagang nag text sa akin si NJ. Dalhin ko daw ang PE uniform ko. Sinalubong niya ako sa gate ng school. Suot parin niya yung damit na suot niya nang umalis siya kahapon for the commercial shoot.

“Hindi ka pa ba natutulog?” pag-aalala ko. Inangat niya ang kanyang suot na wayfarers. Ang kanyang eyebags, por kilo. Utang na loob.

“Usap tayo mamaya, malelate na ako sa PE,” sabi niya sabay kuha sa paper bag na pinaglagyan ko ng PE uniform kong hiniram niya.

Nagtext bigla sa akin ang girl friend kong si MX – “free your Saturday night. Baby shower ni MNT at birthday celebration ko. Sa columns tayo.”

Nagkita kami ni NJ sa Tspot during breaktime. Pagod na pagod ang honey ko. Dahil nasa house nila sa Paranaque ang isusuot niyang damit for the recognition day sa susunod na araw, dun siya uuwi tonite. Nagpasya nalang kaming pumunta ng robplace para bumili ng damit na isusuot sa columns come Saturday, at para mag-lunch. Sa taxi, kuwentuhan kami tungkol sa experience niya sa commercial. Maaga naman daw natapos ang shoot nung commercial, kaso nag-announce daw sila na magstay yung gustong magstay for the print-ad. Nagstay na daw sila ng caster na si K.

“Magkano naman ibinayad sayo?”

“1700,” natatawa niyang sagot.

“Nagpuyat ka for that? Sana nanahimik ka nalang sa bahay at binigyan kita ng pera,” biro ko sa kanya.

“Ok lang yun. Nahiya naman kasi ako kay K. Tsaka para kunin niya ulit ako pag may ganung raket. Summer pa naman, wala akong gagawin.”

Sa Recipe kami kumain. General’s chicken at mixed seafoods ang pinagdiskitahan namin.

“May sasabihin ako pero huwag mong sasabihin sa iba,” bungad ni NJ habang hinihintay namin ang pagkain.

“What?”

“Si Yj2 nakabuntis din,” at saka siya natawa. Si Yj2 ay yung bestfriend niya sa mga kaklase niya. Kapangalan ko pa. Guapo rin tong lokong toh eh. The konyo type. Chinese-chinesan. Maliit nga lang.

“OMG! Sino nabuntis niya?”

“Taga La Salle… hindi niya girlfriend.”

“Alam ba niya yung tungkol sayo at kay Cinder?” tanong ko.

“Hindi….”

“Ayan… mga gago kayo…. Nag-aaral naman kasi kayo kung bakit tatanga-tanga kayo pagdating jan!!!”

Umismid lang siya….

Pagkakain, diretso kami sa Topman para bumili ng polo shirt. I settled for the light blue na checkered in XS size. Meron din si NJ ng polo shirt nato in dark blue. Yung black sana kukunin ko, pero sabi niya, mukha daw akong sanggano. Then bumili kami ng black slim tie na gagamitin ko bukas. Sa taxi, plakda agad ang mahal ko. Tulog siya ng nakasandal sa dibdib ko habang yakap ko. Ginising ko lang siya ng nasa Lawton na kami, dun kasi siya sasakay ng FX pauwi. Then dumiretso na ako ng school. Late ako sa Creative Writing pero dahil lab na lab ako ng prof ko, ok lang. Tumataginting na flat 1 ang nakuha kong grade for my short story defense. Bungga!!!

Friday (March 13)…. Recognition day na. Maaga ako sa school para mag run ng script. D ko pa actually nakikita ang script kaya wala talaga akong ideya kung pano ako maghohost ng event. Kung bakit kasi nagprisi-prisinta ako eh?! Habang nagpapractice kami ng co-host kong bilat na si M, nagpaalam sakin si NJ. Samahan lang daw niya si Yj2 sa robplace para bumili ng necktie. Ayoko sanang payagan dahil baka malate siya sa recognition pero gusto rin niyang bumili ng bagong belt. Lalo akong napikon dahil nandun na nga kami kahapon d pa niya binili yung belt na gusto niya sa Topman. Pero hindi ko nalang pinahalata. Napaka-sensitive pa naman niya. Kumuha siya sa akin ng isang libo na dadagdagan nalang daw niya. Binigyan ko nalang, papalitan din naman niya.
Master of Ceremonies Yj and M

Nakakaloka, dahil hindi lang pala recognition day itey. May surprise salute to our beloved dean na magreretire na. Kaya naman pati university president, nag-attend. Naloka ako. Lalo akong kinabahan. Peste, basta kung ano nakasulat sa script, yun ang sinunod ko. Walang ad lib ad lib…. Go lang ng go. For a first timer, feeling ko nakapag deliver naman ako ng maayos. Proud na proud kami dahil anim kami from TL ang may award.

Lou – service awardee
BBB – sports awardee
NJ – sports awardee
LA – consistent honor student
Yj – consistent honor student
Maine – consistent honor student (consistent ang lola sa top ng dean’s list)

LA, Maine, Yj and NJ

O d vah… bagay na bagay kami ng honey ko. Siya, smart, guapo, athletic, at yummy. Ako, smart, sexy, fabulous, pretty at SMART ulit hahahaha… although yang pagiging fabulous ko at sexy, hindi galing sakin yan. Si Luis may sabi niyan… minsan lang makatanggap ng bonggang bonggang papuri, wag ng magpahumble hehehehehe. Char lang!

Parang Prom Night Lang Hahahaha

Sina Honey at Asia ang in charge sa personal photo at video coverage namin. After the recognition, bonggang bonggang pictorials ang ginawa namin. Nagmistula pang prom night ang ibang pics namin ng honey ko. Then nagkayayaang kumain. Hindi na kami lumayo, sa KFC nalang sa tapat ng school. Dumating din ang kababata at manliligaw ni Maine na si AHM. Galing daw ng Baguio. Kahit pagod na pagod na, kinailangan parin ni NJ magpractice para sa play nila the following day. Inuwi ko nalang lahat ng gamit niya para wala na siyang masyadong dala.

Pasado alas-dose na ng gabi ng magtext si NJ na pauwi na siya. Inabangan ko siya sa gate. Nang makita ko, parang pinagsakluban ng langit at lupa. Bagsak na bagsak na ang balikat niya sa sobrang pagod. Basang basa pa ng pawis ang damit niya.

“Kumain ka na ba? Iiinit ko yung nilagang baka,” sabi ko habang paakyat ang elevator. Siempre pa yakap ko siya, kahit pawisan, ang bango-bango niya.

“Nalipasan na ako ng gutom eh, papahinga lang ako saglit at maliligo, tulog na tayo.”

Habang pinapatuyo niya ang buhok niya, pinanood namin ang video ng recognition. Panay ang pang-aasar niya sa akin dahil halatang kabado ako. Ang bilis ko palang magsalita. Mabilis pa sa takbo ng kabayong sinilaban ng sili sa puwet. Sabi ko nga sa kanya, hinding hindi na ako uulit mag-emcee. Pakshet na kahihiyan yan. Malamang usap-usapan na ako ng mga inggiterang bading sa ibang course. Hmmmmp. Patulog na kami ng mapasin kong panay ang katikot ni NJ sa nielpon niya.

“Hon, tulog ka na. Mag-aalas dos na oh.”

“Yup. Ito kasing leader namin eh. Gusto alas singko nandun na kami para daw makapag handa at magpractice pa ulit before the play,” reklamo niya.

“Ano? Gago pala siya eh. Madaling araw ka na nga pinauwi, gusto pa niya maaga ka dun? Anong oras ba yung start ng play niyo?” asar-talo kong tanong.

“Seven.”

“Puwes nandun ka na ten minutes before seven, pero hindi 5!!! Huwag magmamaganda yang leader mo dahil makakatikim yan sakin.”

Ilang sandali pa, naghihilik na honey ko. Natulog na rin ako.
***

Saturday (March 14) Alas kuwatro palang naririnig ko ng nagriring ang nielpon ni NJ. Buti nalang at malalim matulog ang kumag. Yung tipong kahit nagkakasunog na at panay ang daan ng maiingay na trak ng bumbero eh hindi talaga magigising. Inabot ko ang nielpon at nilagay sa ilalim ng unan. Manigas yang pesteng leader na yan. Alas sais ko na ginising si NJ. Dahil tulog pa si manang, ako na nagplantsa ng uniform niya habang naliligo siya. Habang nagbibihis, napansin ko na panay ang singhot niya. Ayun, sinisipon na nga. Nakow, pag nagkataon.

Dahil hapon pa ang pasok ko, pinag-usapan nalang namin na uuwi siya ng Paranque after the play at matutulog muna. Sa columns nalang kami magkikita for the birthday and baby shower.

By 12 noon, nakauwi na si NJ sa bahay nila at matutulog daw muna. After NSTP class pumunta kami ni LA sa robplace para bumili ng regalo kay MX at sa baby ni MNT. Nagtext s NJ – “Okay lang ba na hindi ako sumama mamaya, nilalagnat na ako eh.”

Kung pwede ko lang siyang puntahan para ako mismo mag-alaga sa kanya.

“Sige, pahinga ka muna. Pag bumuti pakiramdam mo, sumunod ka nalang, 9pm pa naman yun eh. Kain ka at inom ng gamot.” Reply ko.

“Okay.”
*****
Mga Kulit Pics...

The Editorial Shot




Asia, LA, NJ, Maine, Yj and Honey


Forming Family Ties
Bwah!!!





The Athlete and The Dean's Lister

Friday, February 27, 2009

sunog kilay....

things to do:

short story, minimum of 12 pages...( creative writing)
news letter, 4 pages... ( campus journalism )
reflection paper ( religion )
digital autobiography ( educational technology )
digital storytelling ( educational technology )
lesson plan ( principles of teaching )


sleep....... gusto ko ng matulog..... waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

Sunday, November 16, 2008

Nipple Play at ang Demonyang si Mrs. Nogud




So finally nakatulog na ako ng mahaba-haba. Kahapon nag attend ako ng NSTP class. After namin kumain sa mcdo, dumiretso kami ni Honey sa dorm nina NJ at Cinder. Inabutan namin si Gilbeys dun, nanggugulo. At some point, lumabas sina Honey at Gilbeys para bumili ng pagkain. Playtime na. Lagi namang ganito pag kaming tatlo ang magkakasama. Panggulo lang talaga ako. Pero ok lang. Pampalipas oras kumbaga. Higa kami sa dalawang futon na pinagpatong. Gitna ang topless na si NJ. Ang problema kay Cinder, masaydong malibog. Uulitin ko, walang halong eksahersyon yan mga ate. Sakit niya. Basta matipuhan ang boylet, go siya. Until medyo nakakaseryosohan na nga sila ni NJ. Pero dahil puro kami demonyito at demonyita sa TL, nagpupustahan kami kung ilang buwan bago tuluyang bumigay ang bilatsing sa isa sa mga boylets na umaaligid sa kanya. Habang naghahalikan ang dalawa, nilalaro ko naman ang katawan ni NJ. habang panay ang hawi ko sa kamay ni Cinder na panay ang himas sa katawan ko. Yuck!!! Bago pa maglevel up ang laro, may kumatok sa pinto. Si Asia at ang jowa niya. Ilang saglit lang, dumating na rin sina Gilbeys at Honey. Okay, tapos na ang laro.

Pero hindi talaga yan ang gusto kong i-blog ngayon…. Kundi yung nangyari last Friday. Nag attend ako ng religion14 class for the first time. At ito ang masasabi ko. Maldita ang propesor. Bastos at walang modo. Bilang education student, ayokong magkaroon ng gurong kagaya niya dahil baka maimpluwensiyahan ako ng kawalang-modo niya. Bilang presidente ng education 2nd year level, aapila ako sa dean’s office bukas para palitan ang walang kwentang guro na si Mrs. Nogud. Kailangan mga ate. Dahil sa taray kong to, baka kung ano magawa at masabi ko sa kanya sa klase. Imagine, isang meeting palang kami pero nagawa niyang pakuluin ang dugo ko. Kaimbey talaga. Buti sana kung kagandaha ang bilat. Kaso chaka doll talaga. Sa thunders niyang yun, wala siyang pinagkatandaan. Siya ang tipo ng taong madaling basahin ang personalidad. Punong-puno ng lungkot ang buhay niya. Hindi siya masaya sa ginagawa niya. Ang sa akin lang kung ano man ang dinadala niya, huwag niyang dalhin sa klase. Dahil pati mga estudyante niya madadamay sa pagdurusa niya. Gusto kong sumigaw.....

Buti nalang nagyaya si NJ manood ng sine that afternoon. Manlilibre daw siya. Ay lalo akong sumaya. Kahit papano nabawasan ang badtrip ko kay Mrs. Nogud. Habang naghihintay ng taxi sa tapat ng schoolgate, naglaro kami ni NJ. Si Cinder ang panggulo sa mga oras na ito. Dahil kung may makakakita sa amin, iisipin na kami ni NJ ang magsiyota sa sweetness namin at alalay lang ang bilat. Laro namin? Pitikan ng nipples. Kaloka. May 3 chances ang bawat isa sa amin na pitikin ang utong ng bawat isa. Paulit-ulit lang. Punyeta, naninigas na utong ko sa lakas ng pitik ni NJ wala pang taxi. Sumuko na ako. Nagtext ang BBB, nasa school pa daw naglalaro ng volleyball, varsity player ang guapo. Puspusan ang ensayo dahil sa nalalapit na laban. Isang oras nalang daw ay tapos na ang laban, kung mahihintay daw namin siya, sasama siya. Dahil gutom na kaming tatlo, fly kami sa jollibee. Kain. Alas-siete na ng gabi d pa tapos si BBB sa practice. Naextend daw ang oras nila. Nauna na kami sa robplace sa Ermita. Mabilis ang paghihintay ng taxi kumpara kanina. Nasa entrance kami ng rob at mega check ang sekyu sa mga bagelya namin. Nasa likod ko si NJ at may tatlong beki sa likod niya. Nasa pila ng mga bubog si Cinder. Hintay kami ni Cinder habang nasa chekpoint ang NJ, pagkatapos macheck ang bag niya, bigla niya akong niyakap at humagalpak ng tawa. Ang gago maluha luha sa katatawa. Narinig daw kasi niya ang tatlong beki sa likod niya na pinag-uusapan ang aking Hellboy shoes.

Beki1: uy ang ganda ng sapatos nun oh….
Beki2: oo nga ang ganda ng kulay….
Beki3: ay day, bibili ako niyan. Meron yan sa kartimar 350 pesos lang.

Okay… hindi ko alam kung ano ang kartimar at kung saan yun pero heleeeeeeeeeeeer!!! Utang na loob!!!


Sa sampung pelikulang pagpipilian, isa lang ang hiyang, at least sa akin. Walang Kawala by direk Joel Lamangan. Pero kahit anong pilit ko ayaw ni NJ. Ending, City of Ember ang pinanood namin. Dahil last full show, ikot muna kami habang hinihintay si BBB. Pagdating ni BBB, angkla agad ako sa braso niya. Amoy pawis, pero yung mabangong pawis… alam mo yun, hindi maasim. Pero alam mong pawis. Lalo kong hinigpitan ang hawak sa mga braso niya. Hanggang ganun lang naman kami ni BBB, holding hands, yakap yakap, halik sa batok, sa pisngi, sa leeg. Hmmmmmmmmm wala pa namang nangyayaring halikan sa labi. Fotang ina, narealize ko lang, halos lahat ng TL boys komportable sa ganitong set-up sa akin. Minsan iniisip ko na okay lang kasi pinagti-tripan ko lang naman sila. Naisip ko lang ngayon, hindi kaya ako ang pinagti-tripan nila? Sheeeeeeeeet. Anyways, pambata ang pelikula. Pero okay lang kasi nagenjoy naman si BBB. Mababaw kasi kaligayahan niya dahil bata pa. sheeeeeeet hindi ako nakapanood ng Pinoy Fear Factor. Okay lang d naman kasali sa bottom three si Ram.

Gagawa pa akong assignment sa social arts, kaya tatapusin ko na ito. Basta hindi ko na muna isusuot ang sapatos ko, hanggang makaget over ako sa kartimar comment na yan. At Mrs. Nogud, please die. Yun lang.