Pages

Showing posts with label NJ. Show all posts
Showing posts with label NJ. Show all posts

Saturday, September 11, 2010

TL Reunion Part 2: Da Bar

Pag ganitong wala kaming mga pera, tatlong bote lang ng DaBar at isang case ng Red Horse, solve na kami! Halos kumpleto kami, maliban kay Jhay na hindi nagparamdam. Si NJ, napikon nanaman yata sa akin the day before kay hindi din pumunta. Pinag sigawan ko kasi sa canteen na magpapabinyag na yung anak niyang hindi niya kinilala at tinanong ko kung pupunta ba kami. Ayun, nag walk out nanaman.

"Masama loob mo, wala yung pinaka importanteng tao sa buhay mo noh?" pang-aasar sa akin ni Maine.

"Letse ka, tigilan mo ako. Tsaka masaya ako, nandito si Barbie, at darating si Dada mamaya," sagot ko.

Ito kami noon. September 2008


Ito na kami ngayon. September 2010.

 May tama na kami ng dumating si Dada. Ang Asia ayaw akong tantanan. Lahat nalang ng makita niya, ni-rerelate niya sa amin ni NJ. Bwisit lang!

"Yj, umaasa ka pa?" tanong niya sa akin.

"Umaasang ano?" tanong ko.

"Na magkakabalikan pa kayo?" sabay tawa ng nakakaloko. Kahit paos na siya't lahat, makapang asar lang.

"Hindi na," sagot ko.

"Mahal mo pa?" tanong niya ulit.

Ngumiti nalang ako.

"Shot mo nalang yan..." si Dada, sabay abot sa akin ng isang basong Red Horse.

Ampait ng potah!




Friday, September 10, 2010

TL Reunion Part 1: Isaw

Kahapon napag desisyunan naming mag-inom dahil wala ngang pasok ngayon. At minsan lang magawi dito ang isang TL boylet namin mula nang lumipat siya sa Baguio. Gaya ng dati, garahe parin nina EllaB ang lugar. Ang tagal ko nang hindi sumasama sa kanila pag may mga inuman lalo na't kina EllaB ang ganap. Pinaka huli yata nung nag-break kami ni NJ. April pa last year yun.

Dinaanan ko si Asia sa school at dumiretso kami sa dorm niya para makapagbihis siya bago lumarga. Malapit na kami sa dorm niya ng may madaanan kaming nagtitinda ng isaw at iba pang ihaw-ihaw.

"Yj, isaw oh! Naaalala mo pa?" pang-aasar niya sakin.

"Huwag mo ng ipaalala!" giit ko. Pero huli na ang lahat. Lahat ng alaala ko na may kinalaman sa isaw, biglang bumaha sa utak ko.

Hindi naman talaga ako kumakain ng isaw. Pakiramdam ko kasi dati ang dumi-dumi. Pero si NJ, walang takot. Lamon kung lamon yun ng isaw. At dahil sa kanya, natuto akong kumain ng isaw. The stupid things you do for love, no?

Yung gabing natuto akong kumain ng isaw. UP Fair 2009



The second time was in Tagaytay



The third time, sa isang tabi ng kalsada sa bayan ng Alaminos. Holy Week 2009



Hindi pa nakuntento, hanggang sa Bolinao, kumain ng isaw.


At nang gabing maghiwalay kami, may isaw parin. Pesteng isaw yan!

Ilang buwan pagkatapos naming maghiwalay, sinubukan ko ulit kumain ng isaw. Pero ang sama na ng lasa. Ewan ko kung panlasa ko ang masama o yung nararamdaman ko. Mapait na kasi!

"Ang pag-ibig nga naman.... MADUMI!" bulong sa akin ni Asia sabay hagalpak ng tawa.

Yaiy...

Tuesday, August 4, 2009

goodbye.....

Dear NJ,

today i start to forget.
today i finally forgive you.
because today, you die.....

R.I.P


Love,
Yj

Sunday, April 19, 2009

Daplis..... Tinamaan ang Lintik


Akala ko dati, kapag sinabi nilang 'hearthache' o 'heartbreak', alam mo yung tipong patalinghaga lang. Figure of speech kumbaga. Metapora. Pero putang ina sa lahat ng putang ina.... literal pala. Ang sakit. Shetness.


Hindi ako kagandahan. Ahmmmmmm.... dahil una sa lahat, hindi nga ako maganda. Pero ewan ko kung anong nangyari, kahit anong pilit kong pag-arok, hindi ko maintindihan. Kung naalala niyo na ilang linggo na ang nakakaraan mula nung gabi-gabi akong kinukulit ni Gilbeys at inuusisa kung ano na lagay ng relasyon namin ni NJ. Sabi niya nun, kung sa kanya ko daw naramdaman ang nararamdaman ko kay NJ, hindi siya magdadalawang isip at ibabalik niya ang pagmamahal na yun. Siempre inisip ko nun na nagtitrip lang ang gago. WRONG! Seryoso pala ang walang hiya.


April 14, Tuesday.... nagkita kami ng mga TLs sa Mendiola around 6pm. Sabay sabay kaming pupunta kina EllaB, para sa celebration ng birthday niya. Inabutan ko sina Gilbeys at NJ dun. Ang NJ, bagong gupit. At bago ang suot na sapatos. Pero shetness black and orange. Kahit ibigay sakin ng libre yun hindi ko isusuot. Anyways maaga akong nagtext sa kanya para manghiram ng pera. Said nanaman kasi ako. Binigyan niya ako ng 800pesos. Isang libo daw sana, kaso bumili nga siyang shoes, at tinamad ng bumalik ng bahay para kumuha ng pera. Dumating si Honey, nakakaloka dahil sobrang taba, considering dalawang linggo palang naman kaming hindi nagkikita.


"Bakit ang taba mo?" tanong ko.


"Ehhhhhhh.... boring kasi eh," sagot niya.


Gusto naming tumambling ni NJ sa katatawa. Imperness, at least may pinagkakaabalahan siya pag nabobored, ang kumain. Eh ako, wala ng makain. Punyeta. Pagdating nina Graham at Asia, fly na kami sa Lealtad. Lafang agad kami pagdating kina EllaB. Pagkakain, sinimulan agad ang inuman. Nakakalahati palang ang bote ng gin premium nang magtext ang PB na nasa labas na daw siya ng bahay nina EllaB. Okay, inimbayt ko ang ex ko dahil una, nabanggit ko na sa kanila before na kapit bahay lang siya nina EllaB at gusto daw nilang makilala. Pangalawa, dahil napag uusapan na nga, mabuti ring magkaroon ng mukha ang pangalan na laging nababanggit. Pangatlo, mabuting magkaibigan na kami ngayon. So yun, nasa kanan ko si NJ at nasa kaliwa naman si PB. Okay naman, wala namang awkward moments whatsoever. Besides, alam naman ni PB ang tungkol sa amin ni NJ dahil wala akong nililihim sa kanya. Pero ang mga TLs, wala ni isa ang nakakaalam ng totoong lagay ng relasyon namin ni NJ, dahil napag-usapan na nga naming ililihim namin. Akala nila, hanggang ngayon ay magkabigan parin kami na mahilig lang maglambingan sa isa't isa. Umikot ang tagay, hanggang sa....


"Yj, honey tawag mo kay NJ d bah? Ano naman tawag mo kay PB nung kayo pa?" gustong malaman ni Asia.


"Lakay, yun ang tawag niya sa akin nun," si PB ang sumagot.


"Wow, ang bigat," bungisngis ni Asia, na dahil palibhasa Ilokano din kaya alam niya ibig sabihin ni PB.


"Well actually, mas madalas ko siyang tawagin nun ng 'dada'," dugtong ko.


"DADA ang putang ina....." bulong ni NJ sabay tayo. Lumipat siya ng upuan, at hindi na ulit tumabi sa akin nang gabing yun. Hindi ko naman pinansin dahil inisip ko naman na katarantaduhang magselos siya kay PB. Kaya tuloy ang inuman.


May mga dumating na highschool friends si EllaB. Puro mga merlats kaya deadma, walang kabig. Sumabay sila sa tagay. Okay naman ang pakikitungo ng mga TLs kay PB, halatang nag-eenjoy naman ang mokong. Paminsan-minsan bubulungan niya ako ng....


"Masama na tingin ng boyfriend mo sa akin..." sabay tatawa, kaya d ko naman sineryoso.


Pagkaubos ng tatlong bote ng gin premium at dalawang malaking bote ng GSM blue, medyo may tama na lahat. Ang NJ panay ang kwento sa kung ano-anong bagay. Bumabangka na ang loko. Pinababayaan ko lang naman dahil mukha namang masaya siya sa ginagawa niya. Napansin ko nalang na si Gilbeys ang umupo sa upuang iniwan ni NJ sa tabi ko. Pasimpleng dinantay niya ang kamay niya sa hita ko sa ilalim ng lamesa.


"Kumusta na kayo ni NJ?" bulong niya sa akin.


"Okay lang..."


"Ahhhhmm.... kayo na ba?" gustong malaman ni Gilbeys.


"Nope, magkaibigan lang kami. Alam mo naman yun di ba?" sagot ko.


"Yun naman pala eh, so pwedeng tayo na?" bulong ni Gilbeys. Palapit ng palapit ag mukha niya sa mukha ko, at napepeste ako.


Yung ibang kainuman namin, nakahalata na....


"Naman, bulungan ng bulungan, share niyo naman yan," panunukso nila.


Si NJ, iba na ang tingin sa akin. Si PB din, tinatapunan na ako ng matanong na tingin.


"Ahmmmm, Gilbeys, mahal ko si NJ...." bulong ko.


"Bakit, mahal ka ba niya?"


"Ewan ko, pero handa akong maghintay..." pagsisinungaling ko.


"Eh, tanungin mo na ngayon. Para alam mo na. Para hindi ka na naghihintay. Nandito naman ako eh..."


Putang ina.... gusto ko ng tumambling. Ano ba nangyayari. Gusto ko sanang yayain si PB sa labas para kausapin tungkol sa mga pinagsasasabi ni Gilbeys pero bigla na siyang nagpaalam dahil maaga pa ang pasok niya at ilang oras nalang ang itutulog niya. Hinatid ko sa labas si PB. Naupo nalang ako sa gilid ng kalsada. Ayokong bumalik sa loob. Naguguluhan ako sa kay Gilbeys. Hindi ko alam kung saan galing ang mga pinagsasasabi niya. Kaso lumabas ang gago. Shetness.


"Ano Yj... tanungin mo na. Kausapin mo na si NJ. Tatanungin mo lang naman kung mahal ka niya. Kung sasagot ng "oo" eh di mabuti, may katuparan na yang pangarap mo na maging kayo. Kung sasagot ng "hindi" eh di ako naman ang bigyan mo ng chance," pangungulit niya.


"Ano ba Gilbeys.... ako, handa nga akong maghintay kay NJ. Hindi ko siya tatanungin ngayon okay. Kung gusto mo ikaw magtanong sa kanya," giit ko. Bwisit na bwisit na ako. Kung pwede lang sasabihin ko na. MAHAL DIN AKO NI NJ...... ano ba!!! TIGILAN MO NA AKO!!!


Lumabas si NJ, nagsindi ng yosi. Si Gilbeys nakasandal sa likod ng nakaparadang sentra. Si NJ, sumandal sa likod ng katapat na jeep. Nakaupo ako sa gilid ng kalsada, sa gitna nila.


"Ayan na si NJ, tanungin mo na," utos ni Gilbeys sa akin na ikinagulat ko. Putang ina ang gago, sobrang lasing ka ba ha? Nandilat mga mata ko sa gulat. Malay ko bang sasabihin niya yun?


"Anong itatanong mo?" tanong ni NJ sa akin. Nagtataka.


Hindi pa ako sumasagot, nagsalita na ang Gilbeys....


"Mahal mo ba si Yj pare? Kasi kung hindi..... ako kasi mahal ko eh. At gusto kong maging kami...." diretsa ni Gilbeys kay NJ.


Nanlaki mata ni NJ. Lalong naguluhan ang kanina pang lamukos na niyang mukha. Hindi niya sinagot si Gilbeys.


"Yj, mag-usap nga tayo...." yaya ni NJ sa akin. Lumayo kami kay Gilbeys. Nakita ko na pumasok siya sa loob ng garahe, kung saan nag-iinuman parin yung iba.


"Anong kalokohan yun?" tanong ni NJ.


"Ewan ko... hindi ko talaga alam," sagot ko.


"Mahal mo ba si Gilbeys? Kung gusto mo kayo na..... itigil na natin toh..." madiin ang pagkakasabi niya.


"What? Anong itigil.....? Mahal kita..... ano ba pinagsasasabi mo?" punyetang Gilbeys yan.


"Okay.... Itigil na natin. Masyado ng kumplikado. With everything that had happened, si Cinder, si N*****, tapos ngayon si Gilbeys.... ang hirap. Ayoko na....."


"But why?" shet huwag kang iiyak bakla ka!!! Pigilan mo ang umiyak.


"Okay, i kinda promised N***** that i'll try to be a better boyfriend from now on. Hindi ko magagawa yun kung nanjan ka. Hindi ko kayang mawala girlfriend ko...."


Putang ina... tinanggap ko na nga d bah na may girlfriend ka. I'm more than willing na makihati. Ganun kita kamahal. Tang ina naman.


"Say you don't love me then..." d ko na kaya. Umiyak na ako.


"Why would i say that? I love you....." sagot niya.


"Then what's the problem? Bakit natin ihihinto? Mahal mo ako, mahal kita? Anong problema dun? Our love deserves a chance......" tang ina, d ba pinangako ko na nga sa sarili ko na hindi na ako iiyak dahil sa kanya?


"Eh kumplikado na nga eh..... Basta..."


"Then tell me that you don't love me...." giit ko.


"I'm not gona say it.... because i love you... i do...."


"Just say it.... putang ina..."


"Okay... if that's what you want to hear.... then... I DON'T LOVE YOU ANYMORE!!!"


Just like that.... nag walk out na siya. Ang Gilbeys, mabilis pa sa kidlat, nasa tabi ko na agad.


"Anong sabi? Bakit ka umiiyak?" tanong niya.


"Huwag mo muna akong kausapin..." at tinalikuran ko na siya. Pumasok na din ako sa loob. Yung ibang bisita nagtayuan na. Tapos na ang inuman. Nagpaalam narin kami nina NJ. Ayun apat na TL boys, naglalakad papuntang Lealtad circle. Wala kaming imikan nina NJ at Gilbeys, ang kawawang BBB, walang kamalay malay sa mga nangyayari. Sumakay ng trycicle si BBB. Putang ina, kaming tatlo pa ang naiwan. Di ako nakatiis....


"Would you like to sleep in my place?" tanong ko kay NJ.


"Nope.... i have to go home... may lakad ako maaga," sagot niya.


"Magtataxi ka ba?"


"Wala na akong pera..."


Kinuha ko yung two hundred sa perang binigay niya, inabot ko sa kanya.


"Here... galing sa pera mo," sabi ko.


"Nope... pera mo yan.... May pera ka pa nga sa kin... bigay ko pag nagkita tayo ulit..."


Lumapit ako sa kanya. "N.... look at me straight in the eyes and say it one more time..." pagsusumamo ko. Sinasadista ko sarili ko eh.


Tumalikod siya. Pesteng taxi naman at wrong timing. Ayun pinara agad ng gago at sumakay. Iniwan akong masamang masama ang loob, sa kanya, kay Gilbeys, sa sarili ko.


"Sabay na tayo sa taxi... kahit hanggang sa Nagtahan lang...." si Gilbeys. Ano pa magagawa ko?


Nasa taxi na kami. Wala akong imik. Hindi nakatiis ang gagoh.


"Umiyak ka dahil hindi ka niya mahal?" tanong niya. Hindi ako sumagot.


"Yj, bigyan mo TAYO ng chance....."


Tinignan ko siya. Hindi ko alam kung dahil sa pagsusumamo ng tinig niya, o yung lungkot sa mga mata niya, o yung sama ng loob ko. Pero walang sapat na dahilan para sa katangahan ko.


"Sige..." bulong ko.


Niyakap niya akong mahigpit. Hindi alintana ang drayber na nasa harapan na malamang eh diring diri na sa kabaklaan namin. O baka kinikilig din.


Sumandal ulit siya sa upuan. Hinawakan ng lanang kamay niya ang kaliwang kamay ko. Pinisil niya, mahigpit na mahigpit. Parang ayaw na niya akong pakawalan. Gamit ang kanang kamay ko, nagtext ako kay NJ.


"I'm sorry for forcing you to say you don't love me, when in fact you do. That was stupid. I'll give you time and space to think things over. But know that i love you so much. I LOVE YOU FOREVER!!!"


Bumaba si Gilbeys sa Nagtahan.


"Usap tayo bukas..." at humalik sa pisngi ko.


"Sige... ingat..."


Natulog akong umaasa na magigising ako bukas at mapagtatantong masamang panaginip lang ang lahat......




Saturday, April 18, 2009

Leaving Alaminos....

April 10... Biyernes Santo na. Maaga kaming namalengke ni Asia sa Nepo market. Iniwan ko si NJ sa kubong naghihilik pa. Pagbalik namin ni Asia naghihilik parin ang loko. Inayos ko na ang mga gamit namin na dadalhin ng hundred islands. Kasama namin sina Ate Jan (panganay na kapatid ni Asia) at mga anak niya na sina John at Shane. Tuwang-tuwa si Shane kasi crush daw niya si Kuya NJ niya. Lagi siyang nagpapacute kay NJ at talaga namang kinikilig pa pag nilalambing siya ni NJ tapos magpapapicture. Habang naghihintay kami ng bangka sa pantalan, kumain kami ng taho. Yummy. Maliit lang ang bangka, eksakto lang para sa aming anim. Dahil sa harapan umupo si Shane, panay ang talsik ng tubig dagat sa mukha niya. Tawa kami ng tawa dahil noong una, tuwang-tuwa pa siya, kaso padami ng padami yung tubig na tumatalsik sa kanya, hindi rin nakatiis at nagreklamo na ang kawawang bata.
Shane and Kuya NJ.....

Dahil may mga kasama kaming bata, sa children's island kami pumunta. Hindi kasi ganun kalalim ang tubig. Ang daming tao, wala ng cottage na bakante at ang dami na ring nakapuwesto sa mga ilalim ng puno. Naghanap nalang din kami ng mapupuwestuhan. Dail excited magswimming, sinamahan ni Asia yung dalawang bata. Kami naman nina NJ at ate Jan, kumain na. Pagkakain ng mga bata, bumalik sila sa beach kasama ng mama nila. Kami namang mga TLs sinimulan nanaman ang inuman. GSM blue ulit. Shetness, buti sana kung may pangako ang alak nato na kapag ininom mo araw-araw eh magiging kamukha ka ni diyosa Ann. Si Asia ulit ang tanggera, ang garapal mandaya. Kalahati palang naiinom namin ng maubusan kami ng sprite, naghanap si NJ sa buong isla. May nabili siyang 1.5 na sprite pero putang ina, ginto. 80pesos na naman. As usaul nagkulitan nanamankami. As much as we wanted na hindi mabanggit ang pangalan ng demonyang si Cinder dahil Biyernes Santo nga, nabanggit parin. Kung saan saan na napunta ang usapan. Pagkaubos ng alak, nagjoin na kami ni Asia sa mga pamangkin niya sa pagtatampisaw. Si NJ panay ang kuha ng pics, ayaw ng lumusong sa tubig dahil ang itim na daw niya.


Asia, Yj, NJ..... the best of Tls nyahahahaha



magbigay pugay sa gintong Sprite......




Alas kuwatro na ng dumating ang bangka. Nakakainis dahil, hindi niya kami dinala sa governor's island, kung saan pwede kang umakyat sa tuktok para makita ang kabuuan ng mga isla sa paligid. Dun ko pa naman bet magmoktyur. Hmmmmmmmmmp.


Pagdating sa bahay nina Asia, naligo na agad kami. Nagmotor papuntang bayan para manood ng prusisyon. Hindi ko alam kung kaninong pakana, pero nagkaroon ng bar-b-q eating contest sa pagitan naming tatlo. Bumili kami ng tig-isang isaw, tenga, balat, balunbalunan, at..... betamax! Kinain namin yan in order. Shetness, deadma sa cardiac arrest. Mga walang takot. Lafang kung lafang. Ayun, honey ko nanalo. Matakaw kaya yun sa mga ihaw-ihaw. Si Asia ang second place, ako, d ko na inubos. Pasimple ko nalang tinapon yung huling stick na hawak ko. Nyahahaha. Tumambay kami sa simbahan at nagkulit pics. Nakita namin ang mga highschool friends ni Asia bago kami umuwi.




isaw eating contest........


homeless lovers.......


palimos po..................

Santino ng buhay ko......



i swear, NJ was covering his hard on.... hahahaha


T-L

April 11, Saturday.... maaga kaming nagbreakfast with the family. Alas-sais palang pero tirik na tirik na ang araw. Bago kami umalis, lubos lubos ang pasasalamat namin ni NJ sa pailya ni Asia. Sana makabalik kami ulit. Almost 7am na ng umalis ang victory liner na sinakyan namin pabalik ng Manila. Tulog kami all the way to Tarlac kung saan nagstop over ang bus. Nasa biyahe na ulit kami ng mapansin kong hindi nanaman mapakali si NJ at panay ang kalikot sa cellphone.




NJ preparing to go home.....

with the loving Mr. and Mrs. Rivera


"Anong problema?" tanong ko.


"Si N***** eh, nakikipag break sa akin. Pati daw kasi si S*** tinetext na siya na may nabuntis nga ako."


"Shet talaga yang si Cinder. Nakahanap ng kakampi," naiirita na rin ako. Paulit ulit nalang na ganito. Kelan ba niya kami titigilan?


"Hayaan mo na. Puntahan ko nalang si N mamaya, ayusin ko to," pagtatapos ni NJ sa usapan.

Thursday, April 16, 2009

Enchanting Bolinao.....

April 9, Thursday.... Okay na kami ni NJ pagkagising. Parang wala lang nangyari. Medyo late na kami bumangon dahil ang sarap matulog sa kubo. Tawag agad ako kay PB para malaman kung nakontak niya yung kilala niya sa Bolinao na trykee driver para ihatid kami sa Patar. Kaso nagkaroon ng konting misunderstanding. Si Asia naman at mga sisteret niya ang naghanap ng sasakyan, kaso nga dahil bakasyon lahat ng mga friendship at family na may karamba eh nasa galaan din. Alas-diyes na ng umaga. Shetness, anong gagawin?


"Commute na tayo?" tanong ko kay Asia.


"Go go go..." sagot naman niya.


By 10:30 nakasakay na kami sa likuran ng van papuntang Bolinao. Dahil sa pagmamadali, nagtake out nalang kami sa mcdo. Papak kami ng frenchfries, kain ng burger at chicken nuggets, at siempre, ang walang kamatayang coke float. Pagdating namin sa bayan ng Bolinao, bumili kami ng mga chichiria. Pumunta sa paradahan ng trykee na biyaheng Patar. Siksikan kaming tatlo sa loob. Pwede namang may umupo sa likod ni manong drayber pero peste naman ang init. D pa kami nakakarating ng beach, tustado na kami. On the way, tumigil ang trykee sa isang tindahan para ibaba ang isang kahon ng GSM blue na pinabili marahil ng may ari ng tindahan. Napagkasunduan naming tumagay, kaya bumili kami ng isang malaking bote ng inuming para sa mga diyosa. At hinatid na kami ni manong sa lighthouse. Kaloka, ang sabi sa akin ng friend kong si AK, okay lang daw magtrykee dahil maayos na daw ang daan. So wrong. Bungal-bungal pa ang pagkakasemento ng daan papuntang Patar. Kaya naman pag nasa rough road kami at may mag oover take na sasakyan.... para kaming mga espasol na pinupulbusan ng bonggang bongga. Buti nalang nakarating na kami ng lighthouse. Dahil magmomoktyur lang naman kami, hinintay na kami ni manong, para siya na rin ang maghatid sa amin sa beach. Ang sarap sanang kumuha ng picture sa lighthouse, kaso sobrang init, hindi ko kinaya. Kaya nagpak-ap agad kami. Pagkahatid sa amin ni manong sa beach nagprisinta siyang sunduin na din kami later in the afternoon kung gusto namin. Siempre wit na kami choosy, any moment d pa kami makauwi.




The lighthouse.....


Nasa likod namin ang malanding jipelya na kapatid yata ni CHAR LANG!





Pondering.......



For a moment, I owned the world....


For a moment, the world was OURS





My honey loves thermal water......





My honey showing off.... hahahaha

Fullpack lahat ng mga cottages. So walkathon kami sa tabing dagat para maghanap ng pupuwestuhan. Shetnes ang init ng sand. Kaya dali-dali kaming sumilong sa lilim ng isang tindahan. Pero kung kulay ng tubig at pino lang naman ng buhangin ang pag-uusapan, hindi napahiya si Glen. Maganda talaga ang beach ng Patar. Pero yun lang, ang mga alon na pinagmamalaki ni Glen na nakakadonselya daw, wala parin hehehehe. Hindi ko naman kasing powerful si Glen, kahit anong pakiusap ko sa inang dagat, hindi siya nagpaalon. Stagnant siya hanggang sa kami ay lumisan.


"Ilan kayo?" tanong ni manang. Madaling hulaan na sa kanya ang tindahan, at feeling ko siya rin ang may ari ng mga cottages na nakapaligid dito.


"Tatlo lang po kami," sagot ko naman.


"Gusto niyo dito nalang kayo? Wala na rin kasing bakanteng cottage dito eh..." sabi ni manang sabay turo sa lamesa sa harap ng kanyang tindahan.


Why not choconut. Binigyan kami ni manang ng mga upuan. At siempre pinahiram din niya kami ng pitcher at mga baso. Ang bait niya, super. May dumating pang isang matanda na may dala-dalang mga sea urchin, fresh from the sea, na MARATANGTANG daw ang lokal na tawag.


at the lagoon.......




taloooooooooooooooooooooooon........
sunblock time.......


ganyan ka spoiled ang honey ko......


PRIDE...
Beach Boys......

Dahil first time kong makakita, tinanong ko si manang tindera kung ano yun.


"Yan ang talagang nilulunok ni Narda bago siya sumigaw ng DARNA!" sagot niya with conviction. Naloka ako, gusto kong tumambling sa kabaklaan ng thunders na itey. Nag-iwan yung matanda ng tatlong piraso para sa aming mga turista (yeiz... siempre turista arrive namin). Inihaw naman ni manang para sa amin. Kaya lang, ng luto na siya, si NJ d kinayang kainin, kaya kami nalang ni Asia ang tumikim. Face your fears ala pinoy fear factor itey, dahil kadiri talaga ang itsura. Pero ang lasa naman..... mas kadiri. Hahahaha.

maratangtang

Tamang inuman lang kami. Si Asia ang tanggera na garapalan ang pandaraya sa amin ni NJ. Kunsabagay, iinom nga naman para malasing tapos magrereklamo sa taas ng tagay, minsan praning ang mga umiinom. Inubos namin ang alak at saka nagkayayaang mag swimming. Saglit din lang kaming nagtampisaw, mas inuna kasi namin ang moktyur. Before we knew it, mag-aalas singko na. Shetness, alas kuwatro ang usapan namin ni manong drayber. Kaya dali-dali kaming nagpak-ap, binayaran si manang at fly sa parking lot. Nandun na si manong. Basang basa pa kami pero deadma, pupunta pa naman kami ng enchanted cave, dun nalang magbabanlaw.


Bongga ang enchanted cave, ang lamig ng tubig. Malinaw na malinaw pa. Nagtataka lang ako na kahit nasa tabing dagat siya, fresh water itey. Sa sobrang lamig ng tubig, nanigas na at lumabas ang mickey mouse ears ng honey ko. Tipong pag pinitik mo eh, lilipad ng bonggang bongga More moktyur more fun. Tapos may isang lalaking talaga namang nagliliparan ang ingles. Balikbayan. Matangkad, moreno. Tipong Derek Ramsey ang arrive. Naglalaro kami ni Asia sa tubig ng lumapit ang boylet sa amin. Si NJ naman nakapuwesto sa mga bato-bato at panay ang kuha ng moktyur.


tahanan ng mga psssssssst.....


kunyari totoo.........

CAUTION: NO MOVING OF UNDERWEAR!

Flexing......


Cave Men.....



mickey mouse ears.......


"What's in there?" tanong ng boylet sa amin, tinuturo ang pinakadulong bahagi ng kuweba kung saan wala ng ilaw. May lagusan pa kasi sa dulo kaya lang kashokot na dahil super dark.


"I don't know, would you like to find out?" sagot ko, siempre sinabi ko yan sa pinaka sweetness na tono na kayang hugutin lalamunan ko. Si Asia naman, natatawa lang. Ang NJ masama na ang tingin sa akin. Wow, nagselos?


"But i don't think people are allowed to go there..." bawi ko sa boylet, at lumangoy na ako papunta kay NJ. Bahala si Asia makipag inglisan jan. Dahil kokonti narin lang ang tao, umakyat na kami at nagbanlaw. Ang kulit, salinsinan kami sa pagbomba ng poso. Pinauna namin si Asia, at pagkatapos ay iniwanan niya kami, dahil ang banyong bihisan ay malapit lang sa entrance. May isang banyong gawa sa pawid sa tabi ng poso.


"Hon...." bulong ko sa kanya sabay nguso sa banyo.


"No!"


Natawa nalang ako. Kinarir ko nalang ang pagbobomba ng tubig para matapos na kami. Dumidilim na. Mga alas otso na yata ng makarating kami kina Asia. Naghapunan kami at tsaka muling tumambay sa kubo. Sa sobrang pagod, d na kami ulit nakabalik ng pantalan.


Hindi ko alam, pero nang gabing yun, may napansin ako kay NJ. Hindi na siya kasing lambing gaya ng dati. Pero baka paranoid lang ako, o baka sobrang pagod lang siya. Hindi ko alam.

John, Shane, Asia, NJ and Yj... sa kubo.....

Wednesday, April 15, 2009

Sa Piling Mo Pangasinan......

I'm vaaaaaaaaaaaaaaack.... actually been back here in Manila since Saturday. Medyo busy lang sa mga rampa. Tuliro ako ngayon. Sobra. To the point na hindi ko na alam gagawin ko. Kung sino-sino na kinakausap ko. Dahil hindi ko kayang mag-isa to.... Pero sabi ng isang friend ko, huwag ko daw munang isipin. Mag-update nalang daw ako ng blog para madivert ang atensiyon ko. Kaya ito..... ang mga pangyayari sa aming Holy Week trip ng minamahal kong honey na si NJ.


April 8 (Wednesday).... Go sa victory liner Cubao. Yan ang official carrier ng mga TLs up north. Almost six hours din ang biyahe namin to Alaminos. More sleep more fun kami ni NJ sa bus. Ginising ko lang siya nung makalagpas na kami ng Tarlac City. Itinuro ko ang bahay namin na along the highway lang. Tinuro ko rin ang school kung saan ako nagtapos ng highschool. Then borlogs ulit. Sinalubong kami ni Asia sa terminal ng victory sa Alaminos. May kasama siyang highschool friend na beki. Si Jayson na bayotelang bayotela. Ang lambot lambot ng ate. Parang tae lang, na tinapak-tapakan. Ganun siya kalambot hehehehe. Dinala kami ni Asia sa Nepo, parang mall pero super liit. Naglunch lang kami at pinakilala sa iba pang friendship nina Asia at ate Jayson. Then umuwi na kina Asia sa Lucap. Sakay kami ng trykee. Medyo malayo rin pala mula sa bayan. Mga tatlong kilometro rin siguro. Nilagpasan namin ang Alaminos National High School kung saan nabuo ang pag-iibigan nina Asia at Graham. Nakakalungkot dahil isa itong pag-ibig na kagaya ng meron ang iba sa atin, kahit gaano katotoo, kailangang itago. May Romeo and Juliet factor ang lovers na ito. May family feud kumbaga. Kaya hindi pwede. Bawal. Kasalanang mortal.


Pinakilala kami sa mga miyembro ng pamilya. Mama ni Asia na kamukha niya, sa panganay niyang ate at sa dalwnag anak nito na sina John at Shane. Nasa La Union pa daw ang padre de pamilya kasama ang dalawa pang ate ni Asia. Very accommodating and mama at ate. Binigyan kami ng kuwarto sa taas, dinala namin ang mga gamit dun. Pero dahil may malaking kubo sila sa harap ng bahay na sobrang presko, dun kami nagpahinga, at nagdesisyon na dun na rin kami matutulog. Mga alas kuwatro yata ng magkayayaan ang barkada nina Asia na pumunta sa Bolo beach. Nakilala namin halos buong tropa nila. Sumakay kami sa dalawang trykee, halos kalahating oras din ang biyahe. Sa Bolo daw sila madalas pumunta pag trip nilang mag-inuman. Kaya yun, tamang shot ng GSM blue. Kaloka na sobrang cool lang sina Graham at Asia sa harap ng mga friends nila. Wala kasing nakakaalam. Parang kami din lang ni NJ sa harap ng mga TLs.


Kulit Pics.....




Sakay na......





Hon, you have to pump HARDER!!!


Food trip.....



Sino nga ulit toh?



Si Limahong......

Pagbalik namin ng Lucap, kumain kami ng hapunan with the family. Masaya, may interview portion pa sa amin ang mama ni Asia. After dinner, pumunta kami sa pantalan kung saan nakadaong ang mga bangka papuntang hundred islands. Ang sarap ng hangin. Tapos nag-ikot ulit kami sa bayan gamit ang motor ng papa ni Asia. Si NJ ang nagmaneho, si Asia ang tagabigay ng direksiyon. Napagtripan naming umikot sa sementeryo. Pagbalik namin sa bahay, dumating na ang papa at dalawang ate ni Asia. Pinakilala kami. Ang gaganda ng mga ate ni Asia. Apat silang babae. Si Asia ang bunso, at siya nalang ang nag-aaral. Ganun siguro talaga kapag parehong educators ang magulang. Alam na alam mo ang importansiya ng pag-aaral. Pagkatapos makapag freshen up, tumambay na kami sa kubo. Nakapaglagay na si Asia ng mga futon sa magkabilaang maluluwang na upuan ng kubo. Matutulog si Asia sa isa, at magtatabi nalang kami ni NJ sa kabila. Nakahiga ako at nakikipag chikahan kay Asia at sa ate niya ng dumating si NJ na nagshower. Nakahiga ako sa outer part ng upuan.


"Yj, usog ka. Yan ang side ko eh," sabi ni NJ.

"Eh nakahiga na ako eh. Ikaw nalang lumaktaw, dito ka sa loob," sagot ko.


Nang magpatay si Asia ng ilaw, si NJ pumuwesto sa monoblock chair. Earphones sa tenga, yakap ang unan, pinatong ang paa sa lamesa, at nagpikit na ng mata.


"Hon, lika na. Dito ka na sa tabi ko," paglalambing ko. Pero hindi niya ako pinansin. Kaya tumayo ako at kinalabit ko siya. Hindi parin niya ako pinansin. Tinanggal ko ang earphones sa tenga niya.


"Hon, lipat ka na. Baka magka stiff neck ka diyan."


"Ano ba? Tulog na ako eh. Dito na ako matutulog," sagot niya. Halatang asar.


"Eh bakit nga?"


"Kanina pinapausog kita, ayaw mo. Tapos ngayon kukulitin mo ako," binalik niya ang earphones.


Tinanggal ko ulit. "Eh kasi naman kanina nakikipag-usap pa ako sa kanila. Ano ba problema mo? Lumipat ka na nga. Sasakit katawan mo diyan sa itsura mong yan eh."


"Ayoko nga! Dito na ako matutulog!!!"


At nagsimula na nga ang away na kung tutuusin eh wala namang kwenta. Si Asia, natatawa. Humahagikhik. Ako umiiyak na. Nakakasama naman kasi siya ng loob. Pero hindi natinag ang NJ. Gustong gusto ko ng magpak-ap ng gamit at bumalik ng Manila. Yan kasi ang sakit ng honey ko. Sensitive masyado. Tapos hindi siya makikipag usap. Mananahimik lang. Pero ayokong makilala bilang walk-out queen. Dalawa na ang may titulo niyan sa TLs, isa na ang honey ko. Ayoko ng makipa-agawan sa titulong yan. Bumalik nalang ako sa paghiga. At bago ako natulog ito ang nasa isip ko.... it's not about him promising that he will never make me cry. it's about me, making a promiseto my self that i will never cry 'again' because of him....


Madaling araw na yun ng maramdaman kong lumipat siya sa tabi ko. Niyakap ko siya agad at binulungan... "I'm sorry.... I love you..."


Hindi siya sumagot. Niyakap lang niya ako ng mahigpit.



The twilight effect.... CHOZ!



Wednesday, April 8, 2009

Silang Mga Laki Sa Promil.......

Haaaaaaaaaaayz..... pagkalipas ng isang linggo at dalawang araw na pangungulilang muli siyang mayakap at mahagkan. Pagkalipas ng isang linggo at dalawang araw na animo'y taon na nagdaan. Pagkatapos ng lungkot, pagkabalisa, at kung ano-anong ka-ek-ekan.... KASAMA KO NA HONEY KO!!!! Nyahahahaha.....


Galing kami as usual sa peyborit naming mall, ROBPLACE. Wala lang, dun lang kami nagkita.


Kanina lang pagkatapos naming magchat ni Emil na atat na atat ng makilala si NJ kaya naman napa-webcam akei ng wit sa oras.... Si NJ naman ang mega surf ng net. Nakatayo ako sa likod niya habang pinagmamasdan ang mga pictures na mega view niya sa friendster. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi, sabay bulong...."sobra kitang na-miss." Tumingin siya sa akin na ngiting ngiti...."nandito na ako..." bulong din niya. Go tambling. Hehehehehe.


Actually wit talaga ganyan ang original script na nabuo kaninang tanghali nang magkachat kami ni.... Emil parin hehehehe. Connected 24ever ang bayot. Kesehodang madiskaril ang internet konexion, find ng way ang lola to the point na magmatudnila ng signal sa kapitbahay. Yung ginawa naming eksena ng susunod na pagkikita namin ni NJ at may imbolb na heavy drama, tipong crayola ala Hilda Koronel na isang mata lang ang papatak ang luha. Sabay banat ng linya ni ate LT, "kay tagal kitang hinintay." Tapos may jombagang magaganap dahil sadista pala ang NJ, pero hindi talaga. Imaginary nga lang tong script nato. Tapos may spanking achuchu na sa mga susunod na eksena. Kilala niyo naman yang si Emil. Malibog ang batang yan, kaya laging sa kabalahuraan napupunta ang usapan. Hahahaha. Echoz......


Anyhow..... dahil inanyayahan kami ng prinsesa ng isang daan at isang isla sa Barangay Lucap Alaminos Pangasinan para mag spend ng Holy Week, fly kami dun mamaya ng honey ko. Ang loko-loko, isang oras nalang at lalarga na kami patungong bus terminal, natulog pa sa sofa. Kani-kanina lang tutok na tutok pa siya sa pinapanood na Episode 2 ng Star Wars, ngayon naghihilik na. Kunsabagay, musika sa pandinig ko yan.


Anyhow ulit.... ang post na ito ay dedikeyted sa apat na batang maagang namulat sa kamunduhan. ECHOZ.... Maagang namulat pala sa mundo ng blog. Iyon na yun. Kaso baka hindi ko matapos ng buo ang post, kasi for the first time ditey na ako nagtype. Dati kasi sa word pa, tapos copy-paste nalang. Eh madami pa naman akong kuwento tungkol sa coffee party na naganap. Kaya pagbalik ko nalang from our honey moon. Ay Holy Week trip pala.


Hmmmmmmmmmm pakabanal kayo ha. Lumuhod at sumamba. Bwahahahahaha.


Babelz.

Friday, April 3, 2009

Balisa... The Morning After


beer and ramen anyone?

Sunday (March 29)..... nagising ako pero somehow, tinatamad akong idilat ang mga mata ko. Parang gumegewang pa ang mundo. Masakit ang ulo ko. Niyakap ko si NJ sa bewang palapit sa kin. Alam kong nakaharap siya sa kin dahil ramdam ko ang mainit niyang hininga. Tulog na tulog pa siya, dahil hindi man lang kumilos. Nilaro ko nalang ang buhok niya. Bagay na sarap na sarap akong ginagawa lalo na sa umaga. Kaso may mali.... bakit parang manipis ang buhok na hinahagod ko. Napadilat ako. At tumambad sa mukha ko ang mukha ng bayot na si L. Nakangisi ang gagah.

"Palit tayo..." bulong niya.

Dali-dali akong pumatong sa kanya, roll over. Palit kami ng puwesto. Shet... natulog siya sa gitna namin ni NJ? Pano nangyari yun? Eh ang pagkakaalam ko, yakap-yakap ko si NJ bago ako nakatulog. Ginala ko ang paningin ko, may natutulog sa nakalatag na futon sa sahig. Balot na balot sila ng comforter pero nakalitaw ang dalawang pares ng mga paa. Si San at Rin? Pumikit ulit ako. Niyakap ko si NJ na nakatalikod sa akin. Pagkagising ko, wala na si NJ sa tabi ko. Nakatayo sa labas ng pintuan ng CR.

"Hon...." tawag ko sa kanya.

"Naiihi na ako..." sabi na lukot na ang mukha.

"Oh...?"
"May tao eh," sabay turo sa banyo.

Wala ng tao sa futon. Lumipat ako, nilalamig na ako sa lakas ng aircon. Si L, nakabaluktot narin at yakap ang sarili. Lumabas si San mula sa banyo, balot ng tuwalya. Dali-dali namang pumasok si NJ. Pumasok si Ez at may inabot na damit kay San.

"Keri na ba ito?" tanong ni Ez.

"Oo... basta puti..keri na," sagot ni San at walang kiyemeng nagbihis.
Paglabas ni NJ sa banyo, niyaya ko siyang matulog ulit. Pumailalim siya sa comforter. Niyakap ko agad siya. Gumanti ng yakap. Inangat ko ang kamay niya, adik nga ako sa kili-kili niya d bah? Pero masama yata ang gising ng gagoh, nakulitan sa akin. Tumayo. Ayun, nakatayo lang siya sa paanan ko. Nakatingin sa kin.


"N... ano bah?" pag-iinarte ko. Yung pagirl na inarte to the millionth power na kanda error error na ang calculator.
"Eh angkulit mo eh...." pagmamaktol niya with matching dabog ng isang paa.


"Kasi naman eh.. naglalambing lang..." pagmamaktol ko rin sabay talukbong ng comforter.

Naramdaman kong umangat ang makapal na kumot. Tumabi ulit siya sa akin. Niyakap ko siya sa bewang. Tahimik lang siya. Nakatulog ulit ako. Nagising ako, wala na siya sa tabi ko. Nakaupo siya sa gilid ng kama. Nagpupunas ng mukha, nakapag-hilamos na. Si L, nasa likod ni NJ, nag-iinat na. Hinanap ko ang aking bag. Dumiretso sa banyo para maghilamos at sepilyo. Paglabas ko, nasa kuwarto na si Ez, nagyayaya ng mag-almusal. Sabay-sabay kaming kumain. Ako, NJ, L at si Ez. Dumiretso na ng pasok sa trabaho si San. At si Rin pala, umuwi rin pagkatapos ng inuman, silang dalawa lang daw ni Ez ang natira para ubusin yung biniling redhorse. Kape at yosi sa balcony pagkakain. Kanya kanya kaming hilata sa mga sofa sa living room. Watch ng The Mummy. Kanya kanya kami ng eksena. Halatang antok pa ang lahat. Magkatapat kami ni NJ ng kinasasalampakang couch. Si L nakahiga sa mas mahabang sofa, yakap yakap ang dalawang throw pillows. Si Ez busy sa pag-aalaga ng kanyang dambuhalang anak. As in monster size ang dalawang taong bata. Tipong hihiwalay ang kaluluwa mo sa katawan pag binuhat mo. Ikaw na magkaroon ng Russian-Israeli na tatay. No wonder na ganun kalaki ang suweldo ng yaya nila. Ewan ko pero pag magkausap kami ni NJ, biglang magtitinginan sina L at Ez. Nakakapraning pero nanahimik ako. Pagkatapos ng movie. Niyaya na ako ni NJ sa kuwarto. Freshen up lang daw siya at uuwi na. Hinatid ko siya sa baba at pinasakay ng taxi.


"Text mo ako pagkauwi mo ha.... "

"Yup..."

Pagbalik ko sa taas. Naghihilik na ang L sa sa sofa. Si Ez nasa master's bedroom na at tulog din katabi ng anak. Nakaramdam ako ng panlalagkit kaya naligo muna ako bago bumalik sa pagtulog. Pagkagising, naghahanda na si Ez sa lamesa ng super late lunch. Alas tres na yata ng hapon. Pagkaupong pagkaupo sa lamesa, sinimulan na ni L.

"Gago ka. Alam mo bang ngayon lang kami nakilala at nakasam ni NJ tapos ganun-ganun nalang kung awayin mo? Siempre napapahiya yung tao," banat ni L.

"Oo nga. Ang bait bait nun eh tapos inaaway away mo lang. Kala ko ba mahal mo?" si Ez.

Nanlaki mga mata ko.

"Anong inaway?" tanong ko.

"Heller... Nung naglalakad tayo from greenbelt. Hindi ko nga alam kung saan nanggaling yun eh. Bigla ka nalang nagtatatlak. Ang saya-saya naman natin tapos bigla nalang pumutok yang fuse mo. Kung ano-ano ang pinagsasasabi mo regarding sa outing nila sa Bulacan," paliwanag ni L.

"Alam mo naglalakad na si NJ nun mag-isa. Kaya sinabayan ko. Sabi ko nga huwag ka nalang intindihin at lasing ka lang," dugtong ni Ez.

Pinilit kong pigain ang utak ko at alalahanin ang mga nangyari. Pero walang solid na memory, puro fragments. Shit.... naalala ko na.

"Saan ba galing yun? May problema ka ba?" tanong ni L. "Ikaw na ang nagsabi na medyo confused pa yan sa nararamdaman niya sa iyo. Ikaw din, baka matakot yan bigla ka nalang layuan. Pare bata pa yan. Let him enjoy his life with his friends. Hindi naman yata siya nagkukulang ng panahon sayo. Huwag ka namang masyadong possesive. At day, pasalamat ka at mabait yung tao. Kung ako lang ang aarte-artehan mo ng ganyan, babalian talaga kita ng buto."

"Oo nga. Ang aga-aga kanina, panay ang pagmamaktol mo. Eh bagong gising kaya yung tao, hung over pa," naiiling na sundot ni Ez.


Nanahimik nalang ako. So kung inaway ko siya habang pauwi kami kina Ez, how come na okay naman kami nung nag-iinuman na sa kuwarto? Naalala ko pa na sinusubuan ako ni NJ nung kinakain niyang ramen. Napagtanto ko, sobrang pasensiyoso ni NJ sakin. Sobrang bait niya. Bigla akong nakaramdam ng panlulumo. Minsan ko ng pinangako sa sarili ko na hinding hindi ako gagawa ng ikasasakit ng damdamin niya.


"Tawagan mo nalang at magsorry ka bakla..." sabi ni L.


Pagkatapos kumain, pumuwesto kami ulit sa balcony para magyosi. This time, ang mga boylets naman ni L ang pinag-usapan namin. Nang magising ang anak ni Ez, nagyayang magswimming sa rooftop. Kaso hindi ko na maenjoy ang moment, balisang balisa na ako. Gusto ko ng makausap si NJ. Kaso, wala naman siyang sinagot sa mga text ko. Balance check, shet 9.50 nalang ang load ko. D pa pwedeng pang 235.


Nagload ako sa mini stop bago umuwi. Alas-siyete na ng gabi nang makarating ako sa bahay. Tinawagan ko agad si NJ. Sumagot siya.

"Pinagalitan ako ni mommy at daddy...." bungad niya.


"Ha? BAkit?"

"Eh nalow bat ako kagabi eh, d ko nasabi na hindi ako uuwi."

"Bakit d mo sinabi na low bat ka? Akala ko naman nagpaalam ka..." sabi ko.

"Okay lang yun.... Papakabait muna ako dito sa bahay. Para payagan ako sa Holy Week trip natin..."

"Sorry kagabi....." sabi ko.

"Uhhhhmmmm...... saan?"

"Eh kasi inaway kita. Actually hindi ko talaga alam na ginawa ko yun... Sorry talaga. Eh kinuwento sina Ez at L yung mga pinagsasasabi ko sayo.... i didn't have the right to say the things that i said.... Okay lang kung magalit ka...." paliwanag ko.

"Hindi ako galit. Ano ka ba? Okay lang yun..."

Nakakainis... bakit ba ang bait bait mo? Okay lang naman na magalit ka. Tatanggapin ko.

"Kasi naman, may sama ka pala ng loob sa pagpunta ko sa Bulacan d mo sinasabi."

"Ewan ko. Nag-aalala lang ako. Kasi d ba nandun yung girl na inlab-inlaban sayo. Eh pakiramdam ko, lahat ng napapalapit sayong girl, tingin ko si Cinder. Pakiramdam ko gagawin sayo kung ano ang yung ginawa ni Cinder. Natatakot lang ako."

"Huwag mo ng alalahanin yun.... Huwag mo ng iniisip, okay?"

"Okay... sorry ulit...."

Ilang saglit lang pagkahiga ko sa kama, nakatulog na ako.





Si L tumatawag ng male escort hahahahaha