I'm vaaaaaaaaaaaaaaack.... actually been back here in Manila since Saturday. Medyo busy lang sa mga rampa. Tuliro ako ngayon. Sobra. To the point na hindi ko na alam gagawin ko. Kung sino-sino na kinakausap ko. Dahil hindi ko kayang mag-isa to.... Pero sabi ng isang friend ko, huwag ko daw munang isipin. Mag-update nalang daw ako ng blog para madivert ang atensiyon ko. Kaya ito..... ang mga pangyayari sa aming Holy Week trip ng minamahal kong honey na si NJ.
April 8 (Wednesday).... Go sa victory liner Cubao. Yan ang official carrier ng mga TLs up north. Almost six hours din ang biyahe namin to Alaminos. More sleep more fun kami ni NJ sa bus. Ginising ko lang siya nung makalagpas na kami ng Tarlac City. Itinuro ko ang bahay namin na along the highway lang. Tinuro ko rin ang school kung saan ako nagtapos ng highschool. Then borlogs ulit. Sinalubong kami ni Asia sa terminal ng victory sa Alaminos. May kasama siyang highschool friend na beki. Si Jayson na bayotelang bayotela. Ang lambot lambot ng ate. Parang tae lang, na tinapak-tapakan. Ganun siya kalambot hehehehe. Dinala kami ni Asia sa Nepo, parang mall pero super liit. Naglunch lang kami at pinakilala sa iba pang friendship nina Asia at ate Jayson. Then umuwi na kina Asia sa Lucap. Sakay kami ng trykee. Medyo malayo rin pala mula sa bayan. Mga tatlong kilometro rin siguro. Nilagpasan namin ang Alaminos National High School kung saan nabuo ang pag-iibigan nina Asia at Graham. Nakakalungkot dahil isa itong pag-ibig na kagaya ng meron ang iba sa atin, kahit gaano katotoo, kailangang itago. May Romeo and Juliet factor ang lovers na ito. May family feud kumbaga. Kaya hindi pwede. Bawal. Kasalanang mortal.
Pinakilala kami sa mga miyembro ng pamilya. Mama ni Asia na kamukha niya, sa panganay niyang ate at sa dalwnag anak nito na sina John at Shane. Nasa La Union pa daw ang padre de pamilya kasama ang dalawa pang ate ni Asia. Very accommodating and mama at ate. Binigyan kami ng kuwarto sa taas, dinala namin ang mga gamit dun. Pero dahil may malaking kubo sila sa harap ng bahay na sobrang presko, dun kami nagpahinga, at nagdesisyon na dun na rin kami matutulog. Mga alas kuwatro yata ng magkayayaan ang barkada nina Asia na pumunta sa Bolo beach. Nakilala namin halos buong tropa nila. Sumakay kami sa dalawang trykee, halos kalahating oras din ang biyahe. Sa Bolo daw sila madalas pumunta pag trip nilang mag-inuman. Kaya yun, tamang shot ng GSM blue. Kaloka na sobrang cool lang sina Graham at Asia sa harap ng mga friends nila. Wala kasing nakakaalam. Parang kami din lang ni NJ sa harap ng mga TLs.
Kulit Pics.....

Sakay na......

Hon, you have to pump HARDER!!!

Food trip.....

Sino nga ulit toh?

Si Limahong......
Pagbalik namin ng Lucap, kumain kami ng hapunan with the family. Masaya, may interview portion pa sa amin ang mama ni Asia. After dinner, pumunta kami sa pantalan kung saan nakadaong ang mga bangka papuntang hundred islands. Ang sarap ng hangin. Tapos nag-ikot ulit kami sa bayan gamit ang motor ng papa ni Asia. Si NJ ang nagmaneho, si Asia ang tagabigay ng direksiyon. Napagtripan naming umikot sa sementeryo. Pagbalik namin sa bahay, dumating na ang papa at dalawang ate ni Asia. Pinakilala kami. Ang gaganda ng mga ate ni Asia. Apat silang babae. Si Asia ang bunso, at siya nalang ang nag-aaral. Ganun siguro talaga kapag parehong educators ang magulang. Alam na alam mo ang importansiya ng pag-aaral. Pagkatapos makapag freshen up, tumambay na kami sa kubo. Nakapaglagay na si Asia ng mga futon sa magkabilaang maluluwang na upuan ng kubo. Matutulog si Asia sa isa, at magtatabi nalang kami ni NJ sa kabila. Nakahiga ako at nakikipag chikahan kay Asia at sa ate niya ng dumating si NJ na nagshower. Nakahiga ako sa outer part ng upuan.
"Yj, usog ka. Yan ang side ko eh," sabi ni NJ.
"Eh nakahiga na ako eh. Ikaw nalang lumaktaw, dito ka sa loob," sagot ko.
Nang magpatay si Asia ng ilaw, si NJ pumuwesto sa monoblock chair. Earphones sa tenga, yakap ang unan, pinatong ang paa sa lamesa, at nagpikit na ng mata.
"Hon, lika na. Dito ka na sa tabi ko," paglalambing ko. Pero hindi niya ako pinansin. Kaya tumayo ako at kinalabit ko siya. Hindi parin niya ako pinansin. Tinanggal ko ang earphones sa tenga niya.
"Hon, lipat ka na. Baka magka stiff neck ka diyan."
"Ano ba? Tulog na ako eh. Dito na ako matutulog," sagot niya. Halatang asar.
"Eh bakit nga?"
"Kanina pinapausog kita, ayaw mo. Tapos ngayon kukulitin mo ako," binalik niya ang earphones.
Tinanggal ko ulit. "Eh kasi naman kanina nakikipag-usap pa ako sa kanila. Ano ba problema mo? Lumipat ka na nga. Sasakit katawan mo diyan sa itsura mong yan eh."
"Ayoko nga! Dito na ako matutulog!!!"
At nagsimula na nga ang away na kung tutuusin eh wala namang kwenta. Si Asia, natatawa. Humahagikhik. Ako umiiyak na. Nakakasama naman kasi siya ng loob. Pero hindi natinag ang NJ. Gustong gusto ko ng magpak-ap ng gamit at bumalik ng Manila. Yan kasi ang sakit ng honey ko. Sensitive masyado. Tapos hindi siya makikipag usap. Mananahimik lang. Pero ayokong makilala bilang walk-out queen. Dalawa na ang may titulo niyan sa TLs, isa na ang honey ko. Ayoko ng makipa-agawan sa titulong yan. Bumalik nalang ako sa paghiga. At bago ako natulog ito ang nasa isip ko.... it's not about him promising that he will never make me cry. it's about me, making a promiseto my self that i will never cry 'again' because of him....
Madaling araw na yun ng maramdaman kong lumipat siya sa tabi ko. Niyakap ko siya agad at binulungan... "I'm sorry.... I love you..."
Hindi siya sumagot. Niyakap lang niya ako ng mahigpit.

The twilight effect.... CHOZ!
9 comments:
Bitin. Walang sex. LOL
sumosobra ka na sa kalambutan... para ka ng cotton candy na nahanginan sa lambot or tissue na 8 oras sa pressure cooker.
Anong drama mo at bakit nasabi mong malungkot ka? everything seems fine, di ba?
i chikka mo sa akin.
haay.. totoo nga yung sabi ni juber. the ones you love can also cause you the most pain. nasad naman ako sa kwentong to. ang mature nung ginawa mo. baka kung ako yun nagsisisigaw nalang ako. sigh. at least okay na kayo. :D
ateng! hindi mo pa palanakuah yung edited pichur na giniveshang mo itech. ayyyyy! sowee soweee nakalimutan kong isend kagabi. bigay ko mamaya ha!
mwah mwah.
akala ko ba.....
*HUGSIES*
@mel.... ahahaha khit may maganap d ko rin ipopost hehehehe i dont kiss a tell... choz.... hihihihi ang landi mo!!!
@diosa, cb and herbs.... tatapusin ko ang pagpost ng holy week trip namin ni NJ dahil ito na marahil ang huling pagakakataon na magsasama kami ng ganito.... alam ko naman na nanjan lang kayo kapag handa na akong ibahagi ang lungkot na pinagdadaanan ko ngayon.... thank you guys....
bata batuta ilang taon ka na?
kahit nagkausap na tayo magcocomment pa rin ako..
kayong dalawa masyado kayong sweet..at ang lalim ng pinag-aawayan niyo sobra di ko maarok. bwahahaha..
iyakin ka pala sisteret. hihihi
@melo... siya lang nakagawa sa akin niyan... ewan ko ba... nasisiraan na ako ng ulo.... huhuhu i need help
"hindi siya sumagot. niyakap lang niya ako ng mahigpit."
*sigh*
mas gusto ko ang ganito. nararamdaman kesa naririnig.
kakainggit ka, friend! pakurot, pwede? :)
ayan cuteness naman ng mga pics... kulang na lang eh lagyan mo naman ng kaunting pang pa-CLUE effect. kahit yung mata o ilong naman eh nakikita para me thrill. hehehe! ang swweet niyo naman sa Twilight Effect!
Post a Comment