April 10... Biyernes Santo na. Maaga kaming namalengke ni Asia sa Nepo market. Iniwan ko si NJ sa kubong naghihilik pa. Pagbalik namin ni Asia naghihilik parin ang loko. Inayos ko na ang mga gamit namin na dadalhin ng hundred islands. Kasama namin sina Ate Jan (panganay na kapatid ni Asia) at mga anak niya na sina John at Shane. Tuwang-tuwa si Shane kasi crush daw niya si Kuya NJ niya. Lagi siyang nagpapacute kay NJ at talaga namang kinikilig pa pag nilalambing siya ni NJ tapos magpapapicture. Habang naghihintay kami ng bangka sa pantalan, kumain kami ng taho. Yummy. Maliit lang ang bangka, eksakto lang para sa aming anim. Dahil sa harapan umupo si Shane, panay ang talsik ng tubig dagat sa mukha niya. Tawa kami ng tawa dahil noong una, tuwang-tuwa pa siya, kaso padami ng padami yung tubig na tumatalsik sa kanya, hindi rin nakatiis at nagreklamo na ang kawawang bata.
Shane and Kuya NJ.....Dahil may mga kasama kaming bata, sa children's island kami pumunta. Hindi kasi ganun kalalim ang tubig. Ang daming tao, wala ng cottage na bakante at ang dami na ring nakapuwesto sa mga ilalim ng puno. Naghanap nalang din kami ng mapupuwestuhan. Dail excited magswimming, sinamahan ni Asia yung dalawang bata. Kami naman nina NJ at ate Jan, kumain na. Pagkakain ng mga bata, bumalik sila sa beach kasama ng mama nila. Kami namang mga TLs sinimulan nanaman ang inuman. GSM blue ulit. Shetness, buti sana kung may pangako ang alak nato na kapag ininom mo araw-araw eh magiging kamukha ka ni diyosa Ann. Si Asia ulit ang tanggera, ang garapal mandaya. Kalahati palang naiinom namin ng maubusan kami ng sprite, naghanap si NJ sa buong isla. May nabili siyang 1.5 na sprite pero putang ina, ginto. 80pesos na naman. As usaul nagkulitan nanamankami. As much as we wanted na hindi mabanggit ang pangalan ng demonyang si Cinder dahil Biyernes Santo nga, nabanggit parin. Kung saan saan na napunta ang usapan. Pagkaubos ng alak, nagjoin na kami ni Asia sa mga pamangkin niya sa pagtatampisaw. Si NJ panay ang kuha ng pics, ayaw ng lumusong sa tubig dahil ang itim na daw niya.
Asia, Yj, NJ..... the best of Tls nyahahahaha
magbigay pugay sa gintong Sprite......
Alas kuwatro na ng dumating ang bangka. Nakakainis dahil, hindi niya kami dinala sa governor's island, kung saan pwede kang umakyat sa tuktok para makita ang kabuuan ng mga isla sa paligid. Dun ko pa naman bet magmoktyur. Hmmmmmmmmmp.
Pagdating sa bahay nina Asia, naligo na agad kami. Nagmotor papuntang bayan para manood ng prusisyon. Hindi ko alam kung kaninong pakana, pero nagkaroon ng bar-b-q eating contest sa pagitan naming tatlo. Bumili kami ng tig-isang isaw, tenga, balat, balunbalunan, at..... betamax! Kinain namin yan in order. Shetness, deadma sa cardiac arrest. Mga walang takot. Lafang kung lafang. Ayun, honey ko nanalo. Matakaw kaya yun sa mga ihaw-ihaw. Si Asia ang second place, ako, d ko na inubos. Pasimple ko nalang tinapon yung huling stick na hawak ko. Nyahahaha. Tumambay kami sa simbahan at nagkulit pics. Nakita namin ang mga highschool friends ni Asia bago kami umuwi.

homeless lovers.......
Santino ng buhay ko......
i swear, NJ was covering his hard on.... hahahaha
T-LApril 11, Saturday.... maaga kaming nagbreakfast with the family. Alas-sais palang pero tirik na tirik na ang araw. Bago kami umalis, lubos lubos ang pasasalamat namin ni NJ sa pailya ni Asia. Sana makabalik kami ulit. Almost 7am na ng umalis ang victory liner na sinakyan namin pabalik ng Manila. Tulog kami all the way to Tarlac kung saan nagstop over ang bus. Nasa biyahe na ulit kami ng mapansin kong hindi nanaman mapakali si NJ at panay ang kalikot sa cellphone.

NJ preparing to go home.....
with the loving Mr. and Mrs. Rivera"Anong problema?" tanong ko.
"Si N***** eh, nakikipag break sa akin. Pati daw kasi si S*** tinetext na siya na may nabuntis nga ako."
"Shet talaga yang si Cinder. Nakahanap ng kakampi," naiirita na rin ako. Paulit ulit nalang na ganito. Kelan ba niya kami titigilan?
"Hayaan mo na. Puntahan ko nalang si N mamaya, ayusin ko to," pagtatapos ni NJ sa usapan.
6 comments:
anakng. so biased ka palang bakla ka. hindi mo prinotectahan yung batang bebe. hindi blur ang fezzzz! biased! BIASEDD
ahahahaha gagah... keri lang yan... it's not like she's got issues with her sexual orientation or anything like that....
Nagutom ako.
Hindi sa isaw.
Sa hard-on.
Bwahaha!
hmmm. i think NJ is better off alone. kung di sya masuportahan ng jowa nya eh lalo lang manggugulo si cinder.. hahaha..
drama dramahan.. magulo pala isip ni NJ, kaya ganun na lang ang drama nya lately.. :(
dyan ka naman for him di ba :)
lol at hard-on. haha
hahaha Gintong Sprite talaga??? pero di nga???? talaga bang konicoveran niya yung katigasan niya dun>??? hhehehe la lang.
Post a Comment