Pages

Friday, April 24, 2009

Si Olay at Ang Baklang G.I. Jane...

Earlier today, mega browse ako ng friendster at na sight tsina kez ang newly uploaded pics ng mga bayots sa Ray's Salon. Mga mokchurs nila nitong nagdaang holy week sa Mauban Quezon. Matagal na akong niyayayang rumampa ng friendship kong si Ray dahil ang tagal na rin niyang hindi umuuwi dun, pero wala lang talaga akong time. Gaya nitong nakaraan, yung araw na nasa Mauban sila ang siya ding araw na nasa Pangasinan kami ni NJ, kaya hindi ako nakasama. Nawindang ako sa mga mokchurs lalo na kay baklitang Melvin na walang takot magpanty sa tabing dagat kesehodang malaki pa kay Erap ang chanda. Naintriga ako na wititit appear sa mga mokchurs ang mga bayotelang sina Red at Rhea kaya naman dali-dali akong nagfly sa salon para makichizmax.


Inabutan ko silang busy-busy-han sa mga kustomer na merlat na nagpaparebond. Si Inay Yuki ang gumagawa, si Ray may ginugupitan, si Melvin kalmado lang. Kembot. Ang jowa ni Ray na si K, nandun din nakatambay. Mukhang malungkot.


"Nasan ang Red at Rhea?" tanong ko sabay salampak sa sofa.


"Hay naku... mahabang kuwento. Pinalayas ko na..." sagot naman ni Ray. Waing ko na inurirat dahil alam kong madaling pumutok ang fuse ng bakla.


"Kumusta ka naman?" tanong ni Yuki.


"Eto... lungkot-lungkutan... waing na sa buhay ko si NJ...." sagot ko.


"Sure na... iniwan ka niyan dahil sa bigote at balbas mo... Bakla naman. Kahit ako ang lalake iiwan kita dahil dyan eh..." banat ni Melvin.


"Potang ina mo!!!" binato ko siya ng throw pillow, alert ang bakla, nasalo at panay ang tawa.


"Hay naku... ayan ipakuwento mo kay Melvin ang mga nangyari nung holy week. Ang pota may winarla nanaman dun...." sabi ni Ray. At ang Melvin, pumuwesto sa harap ko na akala mo eh huling araw na ng kwento at ang lakas lakas ng boses...


"Bakla huwag kang sumigaw, magkaharap lang tayo oh!!!" pang ookray ko sa kanya. Hininaan naman niya ng konti ang boses niya.....


"Kasi ganito yun....." at nagkuwento na nga ang potah....


Da Adbentyurs of Olay

Isang araw, napagdiskitahan ng mga bayotelang sina Ray, Yuki at ang pinakabatang si Melvin na mag-semana santa sa probinsiya nina Ray. Sa Mauban Quezon. Dahil nauna ng bumiyahe ang mga kapamilya ni Ray, sumabay nalang sila sa bunsong kapatid niyang isang pulis at sa asawa nito. Gamit ang karamba ng kapatid, bumiyahe na nga ang mga bayot. Pagdating sa bahay nina Ray na nasa gitna ng palayan, eksayted na bumaba ng kotse ang mga bakla. Sinalubong sila ng mga pinsan at nagkumustahan sa labas ng bahay. Nawindang ang mga bakla ng malaman na hindi pa dumarating ang mga kapamilyang naunang bumiyahe. Dahil dito nagkaroon ng konting commotion...

Ray: bunso wala pa daw sina mama.... sigaw niya sa kapatid

Yuki: natural na mahuli sila... nag commute sila eh...

Melvin: baka nadisgrasya yung bus....

Ray at Yuki: TSE!!!

Nang biglang mula sa terrace ng kapitbahay ay may mamang sumigaw ng: "HOY!!! Ang iingay niyo mga bakla!!!"

Sagot ang Ray: "HOY KA RIN!!! Huwag mo kaming mahoy-hoy dyan ha. At hindi kami maingay noh!!!"

"Buhusan ko kayo ng tubig eh...." nanakot ang mama.

"Sige subukan mo lang... hindi mo ba ako kilala?" hamon ng baklang Ray.

Nanahimik na ang mama at mukhang bumalik sa loob ng bahay. Balik naman sa pag-uusap ang mga bakla. SPLAAAAAAAAAAAAAAAAASH.

"Aaaaaaaaay putang inaaaaaaaaaaaaaaaaaa...." sigaw ang mga bayot.

"Ano ka ngayon ha?" sabi ng mama sa terace ng kapitbahay, may hawak na planggana.

"Bumama kayo dyan!!! Ipapabarangay ko kayo!!!" sigaw ni Ray habang dinuduro ang kapitbahay. "Bunsoooooooooooooooo..." tawag niya sa bunsong kapatid na pulis na dali-dali namang lumabas.....

"Oh anong nangyari?" tanong ni bunso.

Biglang may lumabas na ale mula sa kabilang bahay. "Naku pasensiya na kayo at lasing lang ang
mga iyon...." sabi ng ale at tinutukoy ang mga kapamilyang nag-iinuman sa taas ng kanilang bahay.

"Nakow, at bakit tayo magpapasensiya eh ang iingay ng mga baklang yan!!!" sabat ng mamang lasing na nakadungaw parin sa terrace.

"Tse... manahimik ka. Palibhasa wala kang pinag-aralan...." sigaw ng baklang warlatik na si Melvin na pinakabasang basa sa lahat.

"Hoy ang sakit mo magsalita ha!!!" sigaw ng mamang lasing at tinuturo pa ang bayot.

"Tiyong naman... Si kuya Junjun toh...." sigaw ni bunso sa lalake sa terrace sabay akbay sa kuya niyang si Ray. Mukha namang nagulat sa narinig at biglang nahimasmasan ang lasing.

"Ha? Junior ikaw na ba yan? Anak ng... anong nangyari sayo? Bakit mukha ka ng babae..." tanong ng lasenggo sabay tawa.

"Si Tiyo Ziriaco yan... d mo na ba naaalala? Pinsang buo ni papa yan. Tagal mo kasing d umuwi eh......" sabi ni bunso kay Ray.

"Pasensiya ka na pamangkin.... akala ko kasi kung sinong maiingay na mga bakla eh... ikaw pala.." paumanhin ni tiyo Ziriaco sa mga bakla.

"Tse!!!" sigaw ni bakla at hinatak ang dalawang bayot papasok sa loob ng bahay. Naiwan naman sina bunso, at ang ale, at si tiyo Ziriaco sa terrace.... tumatawa.


Itutuloy......

11 comments:

melo said...

hahaha. kala ko sa movie lang nangyayari yun..

i wonder, kelan kaya ang susunod na kabanata.

hmp..

kakatawa talga..

wanderingcommuter said...

gusto kong tumawa pero hidni ko maiwasang hindi isipin si NJ. huhuhu

Dabo said...

hahahhaah... nawala ako sa sarili ko.. ang kulit ng mga vesta virgins..

Anonymous said...

tarayful naman ni Ray. eh ano naman kung tito niya eh bastos naman talaga...

Yj said...

@melo..... oo isasara na tong blog... blep

@ewik.... naman eh huhuhhuhuhu.... d ko na nga siya iniisip, pinaalala mo pa huhuhuhu.... Echoz.... pwamis... im doing good na.... muahz

@dabo.... tulungan kitang hanapin ang nawala mong sarili hehehehehe

@karakrus..... day, pag nakasalamuha mo ang mga bayotelang yan...maririndi ka rin sa ingay bwahahahahahaha

NOMS said...

i like reading ur post. thou is kinda long, i just love ur words mate

i cut my hair already im bald now. hehe summer time is just way too cool... i mean hot

Yj said...

@ Noms...Thanks for finding time to read my stories... and enjoy your summer.....

kalbo na rin ako ngayon hehehehehe

wanderingcommuter said...

well, its nice to hear that youa re doing good na! pero hala naman, paano n ang lumalawak niyong fans club na tinatayo ko... haaay. may feeling ko kayo pa rin yan sa dulo. pwamis!

Mac Callister said...

nawindang ako sa istorya hahaha

glentot said...

in connection with that story pwede magtanong kung anong pinaka-effective na brand ng glutathion thanks mwahchupah. alam kong ikaw ang master sa mga ganyan.

chat-chat one time, tabarejos16 ym ko thanks mwahchupah.

Bart Tolina said...

Punta kayo sa blog ko at may libreng pagkain!
barttolina.blogspot.com
salamat!