Pages

Sunday, April 19, 2009

Daplis..... Tinamaan ang Lintik


Akala ko dati, kapag sinabi nilang 'hearthache' o 'heartbreak', alam mo yung tipong patalinghaga lang. Figure of speech kumbaga. Metapora. Pero putang ina sa lahat ng putang ina.... literal pala. Ang sakit. Shetness.


Hindi ako kagandahan. Ahmmmmmm.... dahil una sa lahat, hindi nga ako maganda. Pero ewan ko kung anong nangyari, kahit anong pilit kong pag-arok, hindi ko maintindihan. Kung naalala niyo na ilang linggo na ang nakakaraan mula nung gabi-gabi akong kinukulit ni Gilbeys at inuusisa kung ano na lagay ng relasyon namin ni NJ. Sabi niya nun, kung sa kanya ko daw naramdaman ang nararamdaman ko kay NJ, hindi siya magdadalawang isip at ibabalik niya ang pagmamahal na yun. Siempre inisip ko nun na nagtitrip lang ang gago. WRONG! Seryoso pala ang walang hiya.


April 14, Tuesday.... nagkita kami ng mga TLs sa Mendiola around 6pm. Sabay sabay kaming pupunta kina EllaB, para sa celebration ng birthday niya. Inabutan ko sina Gilbeys at NJ dun. Ang NJ, bagong gupit. At bago ang suot na sapatos. Pero shetness black and orange. Kahit ibigay sakin ng libre yun hindi ko isusuot. Anyways maaga akong nagtext sa kanya para manghiram ng pera. Said nanaman kasi ako. Binigyan niya ako ng 800pesos. Isang libo daw sana, kaso bumili nga siyang shoes, at tinamad ng bumalik ng bahay para kumuha ng pera. Dumating si Honey, nakakaloka dahil sobrang taba, considering dalawang linggo palang naman kaming hindi nagkikita.


"Bakit ang taba mo?" tanong ko.


"Ehhhhhhh.... boring kasi eh," sagot niya.


Gusto naming tumambling ni NJ sa katatawa. Imperness, at least may pinagkakaabalahan siya pag nabobored, ang kumain. Eh ako, wala ng makain. Punyeta. Pagdating nina Graham at Asia, fly na kami sa Lealtad. Lafang agad kami pagdating kina EllaB. Pagkakain, sinimulan agad ang inuman. Nakakalahati palang ang bote ng gin premium nang magtext ang PB na nasa labas na daw siya ng bahay nina EllaB. Okay, inimbayt ko ang ex ko dahil una, nabanggit ko na sa kanila before na kapit bahay lang siya nina EllaB at gusto daw nilang makilala. Pangalawa, dahil napag uusapan na nga, mabuti ring magkaroon ng mukha ang pangalan na laging nababanggit. Pangatlo, mabuting magkaibigan na kami ngayon. So yun, nasa kanan ko si NJ at nasa kaliwa naman si PB. Okay naman, wala namang awkward moments whatsoever. Besides, alam naman ni PB ang tungkol sa amin ni NJ dahil wala akong nililihim sa kanya. Pero ang mga TLs, wala ni isa ang nakakaalam ng totoong lagay ng relasyon namin ni NJ, dahil napag-usapan na nga naming ililihim namin. Akala nila, hanggang ngayon ay magkabigan parin kami na mahilig lang maglambingan sa isa't isa. Umikot ang tagay, hanggang sa....


"Yj, honey tawag mo kay NJ d bah? Ano naman tawag mo kay PB nung kayo pa?" gustong malaman ni Asia.


"Lakay, yun ang tawag niya sa akin nun," si PB ang sumagot.


"Wow, ang bigat," bungisngis ni Asia, na dahil palibhasa Ilokano din kaya alam niya ibig sabihin ni PB.


"Well actually, mas madalas ko siyang tawagin nun ng 'dada'," dugtong ko.


"DADA ang putang ina....." bulong ni NJ sabay tayo. Lumipat siya ng upuan, at hindi na ulit tumabi sa akin nang gabing yun. Hindi ko naman pinansin dahil inisip ko naman na katarantaduhang magselos siya kay PB. Kaya tuloy ang inuman.


May mga dumating na highschool friends si EllaB. Puro mga merlats kaya deadma, walang kabig. Sumabay sila sa tagay. Okay naman ang pakikitungo ng mga TLs kay PB, halatang nag-eenjoy naman ang mokong. Paminsan-minsan bubulungan niya ako ng....


"Masama na tingin ng boyfriend mo sa akin..." sabay tatawa, kaya d ko naman sineryoso.


Pagkaubos ng tatlong bote ng gin premium at dalawang malaking bote ng GSM blue, medyo may tama na lahat. Ang NJ panay ang kwento sa kung ano-anong bagay. Bumabangka na ang loko. Pinababayaan ko lang naman dahil mukha namang masaya siya sa ginagawa niya. Napansin ko nalang na si Gilbeys ang umupo sa upuang iniwan ni NJ sa tabi ko. Pasimpleng dinantay niya ang kamay niya sa hita ko sa ilalim ng lamesa.


"Kumusta na kayo ni NJ?" bulong niya sa akin.


"Okay lang..."


"Ahhhhmm.... kayo na ba?" gustong malaman ni Gilbeys.


"Nope, magkaibigan lang kami. Alam mo naman yun di ba?" sagot ko.


"Yun naman pala eh, so pwedeng tayo na?" bulong ni Gilbeys. Palapit ng palapit ag mukha niya sa mukha ko, at napepeste ako.


Yung ibang kainuman namin, nakahalata na....


"Naman, bulungan ng bulungan, share niyo naman yan," panunukso nila.


Si NJ, iba na ang tingin sa akin. Si PB din, tinatapunan na ako ng matanong na tingin.


"Ahmmmm, Gilbeys, mahal ko si NJ...." bulong ko.


"Bakit, mahal ka ba niya?"


"Ewan ko, pero handa akong maghintay..." pagsisinungaling ko.


"Eh, tanungin mo na ngayon. Para alam mo na. Para hindi ka na naghihintay. Nandito naman ako eh..."


Putang ina.... gusto ko ng tumambling. Ano ba nangyayari. Gusto ko sanang yayain si PB sa labas para kausapin tungkol sa mga pinagsasasabi ni Gilbeys pero bigla na siyang nagpaalam dahil maaga pa ang pasok niya at ilang oras nalang ang itutulog niya. Hinatid ko sa labas si PB. Naupo nalang ako sa gilid ng kalsada. Ayokong bumalik sa loob. Naguguluhan ako sa kay Gilbeys. Hindi ko alam kung saan galing ang mga pinagsasasabi niya. Kaso lumabas ang gago. Shetness.


"Ano Yj... tanungin mo na. Kausapin mo na si NJ. Tatanungin mo lang naman kung mahal ka niya. Kung sasagot ng "oo" eh di mabuti, may katuparan na yang pangarap mo na maging kayo. Kung sasagot ng "hindi" eh di ako naman ang bigyan mo ng chance," pangungulit niya.


"Ano ba Gilbeys.... ako, handa nga akong maghintay kay NJ. Hindi ko siya tatanungin ngayon okay. Kung gusto mo ikaw magtanong sa kanya," giit ko. Bwisit na bwisit na ako. Kung pwede lang sasabihin ko na. MAHAL DIN AKO NI NJ...... ano ba!!! TIGILAN MO NA AKO!!!


Lumabas si NJ, nagsindi ng yosi. Si Gilbeys nakasandal sa likod ng nakaparadang sentra. Si NJ, sumandal sa likod ng katapat na jeep. Nakaupo ako sa gilid ng kalsada, sa gitna nila.


"Ayan na si NJ, tanungin mo na," utos ni Gilbeys sa akin na ikinagulat ko. Putang ina ang gago, sobrang lasing ka ba ha? Nandilat mga mata ko sa gulat. Malay ko bang sasabihin niya yun?


"Anong itatanong mo?" tanong ni NJ sa akin. Nagtataka.


Hindi pa ako sumasagot, nagsalita na ang Gilbeys....


"Mahal mo ba si Yj pare? Kasi kung hindi..... ako kasi mahal ko eh. At gusto kong maging kami...." diretsa ni Gilbeys kay NJ.


Nanlaki mata ni NJ. Lalong naguluhan ang kanina pang lamukos na niyang mukha. Hindi niya sinagot si Gilbeys.


"Yj, mag-usap nga tayo...." yaya ni NJ sa akin. Lumayo kami kay Gilbeys. Nakita ko na pumasok siya sa loob ng garahe, kung saan nag-iinuman parin yung iba.


"Anong kalokohan yun?" tanong ni NJ.


"Ewan ko... hindi ko talaga alam," sagot ko.


"Mahal mo ba si Gilbeys? Kung gusto mo kayo na..... itigil na natin toh..." madiin ang pagkakasabi niya.


"What? Anong itigil.....? Mahal kita..... ano ba pinagsasasabi mo?" punyetang Gilbeys yan.


"Okay.... Itigil na natin. Masyado ng kumplikado. With everything that had happened, si Cinder, si N*****, tapos ngayon si Gilbeys.... ang hirap. Ayoko na....."


"But why?" shet huwag kang iiyak bakla ka!!! Pigilan mo ang umiyak.


"Okay, i kinda promised N***** that i'll try to be a better boyfriend from now on. Hindi ko magagawa yun kung nanjan ka. Hindi ko kayang mawala girlfriend ko...."


Putang ina... tinanggap ko na nga d bah na may girlfriend ka. I'm more than willing na makihati. Ganun kita kamahal. Tang ina naman.


"Say you don't love me then..." d ko na kaya. Umiyak na ako.


"Why would i say that? I love you....." sagot niya.


"Then what's the problem? Bakit natin ihihinto? Mahal mo ako, mahal kita? Anong problema dun? Our love deserves a chance......" tang ina, d ba pinangako ko na nga sa sarili ko na hindi na ako iiyak dahil sa kanya?


"Eh kumplikado na nga eh..... Basta..."


"Then tell me that you don't love me...." giit ko.


"I'm not gona say it.... because i love you... i do...."


"Just say it.... putang ina..."


"Okay... if that's what you want to hear.... then... I DON'T LOVE YOU ANYMORE!!!"


Just like that.... nag walk out na siya. Ang Gilbeys, mabilis pa sa kidlat, nasa tabi ko na agad.


"Anong sabi? Bakit ka umiiyak?" tanong niya.


"Huwag mo muna akong kausapin..." at tinalikuran ko na siya. Pumasok na din ako sa loob. Yung ibang bisita nagtayuan na. Tapos na ang inuman. Nagpaalam narin kami nina NJ. Ayun apat na TL boys, naglalakad papuntang Lealtad circle. Wala kaming imikan nina NJ at Gilbeys, ang kawawang BBB, walang kamalay malay sa mga nangyayari. Sumakay ng trycicle si BBB. Putang ina, kaming tatlo pa ang naiwan. Di ako nakatiis....


"Would you like to sleep in my place?" tanong ko kay NJ.


"Nope.... i have to go home... may lakad ako maaga," sagot niya.


"Magtataxi ka ba?"


"Wala na akong pera..."


Kinuha ko yung two hundred sa perang binigay niya, inabot ko sa kanya.


"Here... galing sa pera mo," sabi ko.


"Nope... pera mo yan.... May pera ka pa nga sa kin... bigay ko pag nagkita tayo ulit..."


Lumapit ako sa kanya. "N.... look at me straight in the eyes and say it one more time..." pagsusumamo ko. Sinasadista ko sarili ko eh.


Tumalikod siya. Pesteng taxi naman at wrong timing. Ayun pinara agad ng gago at sumakay. Iniwan akong masamang masama ang loob, sa kanya, kay Gilbeys, sa sarili ko.


"Sabay na tayo sa taxi... kahit hanggang sa Nagtahan lang...." si Gilbeys. Ano pa magagawa ko?


Nasa taxi na kami. Wala akong imik. Hindi nakatiis ang gagoh.


"Umiyak ka dahil hindi ka niya mahal?" tanong niya. Hindi ako sumagot.


"Yj, bigyan mo TAYO ng chance....."


Tinignan ko siya. Hindi ko alam kung dahil sa pagsusumamo ng tinig niya, o yung lungkot sa mga mata niya, o yung sama ng loob ko. Pero walang sapat na dahilan para sa katangahan ko.


"Sige..." bulong ko.


Niyakap niya akong mahigpit. Hindi alintana ang drayber na nasa harapan na malamang eh diring diri na sa kabaklaan namin. O baka kinikilig din.


Sumandal ulit siya sa upuan. Hinawakan ng lanang kamay niya ang kaliwang kamay ko. Pinisil niya, mahigpit na mahigpit. Parang ayaw na niya akong pakawalan. Gamit ang kanang kamay ko, nagtext ako kay NJ.


"I'm sorry for forcing you to say you don't love me, when in fact you do. That was stupid. I'll give you time and space to think things over. But know that i love you so much. I LOVE YOU FOREVER!!!"


Bumaba si Gilbeys sa Nagtahan.


"Usap tayo bukas..." at humalik sa pisngi ko.


"Sige... ingat..."


Natulog akong umaasa na magigising ako bukas at mapagtatantong masamang panaginip lang ang lahat......




14 comments:

melo said...

ouch!!!:(

speechless :(

Luis Batchoy said...

Masama na kung masama akong kaibigan, pero di ba nga, para ka ring si rex kasi eh. Pangalawa. Option. Kabit. Nasabi ko na sa yo yan teng.

More importantly... please... wag mo na akong takutin tulad ng ginawa mo kanina...

Panic kaya ako... tangna naman kasi eh

Herbs D. said...

gaga to! hoy ikaw! kaya pala tumawag si Louis bigla kasi akala magpapakamatay ka.

hay nako Jeofff. pag ikaw nagpakamatay-hahabulin kita sa impyerno at papatayin kita ulit ng bonggang bongga. lalake lang yan-umaayos ayos ka nga!

tara na kasi sa Malate dali-titi lang ang kailangan mo teh! marami diyna!!! *hugsies*

Aris said...

unang-una, gusto kong itirintas ang buhok mo na sa sobrang haba umaabot na sa taft mula sa orosa.

but seriously, nalulungkot ako sa kwentong mo. umaasa ako na maaayos ito at babalik sa dati ang lahat.

and even more seriously, nabasa ko ang blog ni luis. jusko, utang na loob, wag na wag mong gagawin yan! kalokah ka. kung kailangan mo ng kausap, andito ako.

alagaan mo sarili mo, friend.

*hugs*

Yj said...

guys... sorry for my stupidity... and thank you for your efforts in keeping my sanity intact....

i've already had some realizations and i promise.... things will be better now....

thank you... lab na lab ko kayo...

muahz

citybuoy said...

haay.. kakasad naman.. ganto lang yan eh. sabay sabay tayo kumanta:

are you gonna stay with the one who loves you or are you coming back to the one you love?

tama talaga si kuya. mahirap yan.

Yj said...

@cb... ang nakakaburaot, pareho niya akming mahal.... well, at least yun ang sabi niya... pero mas pinili niya yun... kaya anong magagawa ko....?

pero go.... makiki-chorus na rin ako huhuhuhuhu

citybuoy said...

*sigh* pag-ibig nga naman. sana may instruction manual.

Kokoi said...

heartache pala kaya masama luob mo... pag-ibig nga naman.. tsk tsk tsk...

parteeboi said...

"Nandilat mga mata ko sa gulat." - I can totally picture out how it popped out.

"Mahal mo ba si Yj pare? Kasi kung hindi..... ako kasi mahal ko eh. At gusto kong maging kami...." - Whatabout? ANG HABA NG HAIR!!!

"Mahal mo ba si Gilbeys? Kung gusto mo kayo na..... itigil na natin toh..." - Huh?! So predictable. Wala na ba silang ibang masabi? Well, ako din ganun sasabihin ko. Ahehehe.

"What? Anong itigil.....? Mahal kita..... ano ba pinagsasasabi mo?" - Susan Roces to the late Fernan in an old movie inside my head.

"girlfriend ko...." - what the pak! buti girlfriend lang, saken ng boyfriendS.

Sadness... :-(

Yj said...

hay naku juber... walanghiya... feel na feel ko pa naman mag emote dahil umuulan.... pero nawala kaemohan ko sa katatawa.....

thank you friend.... kahit ginawa mo akong si lola susan hahahahaha

Anonymous said...

hainaku. hindi ako naaawa sayo YJ kasi unang-una mahal ka ni Gilbeys at halatang mahal ka rin talaga ni NJ. nakakalungkot lang yung pangyayari.

pero sabi nga nila...

haba nG hAIR mo neng...

Kane said...

Binasa ko ang iyong mga kuwento dati.

Ang intense nito, grabe. Parang ... buhay na buhay sa isip ko ang iyong pag kuwento. =)

Kane

Rome Diwa said...

I feel it