Pages

Showing posts with label TL. Show all posts
Showing posts with label TL. Show all posts

Saturday, September 11, 2010

TL Reunion Part 2: Da Bar

Pag ganitong wala kaming mga pera, tatlong bote lang ng DaBar at isang case ng Red Horse, solve na kami! Halos kumpleto kami, maliban kay Jhay na hindi nagparamdam. Si NJ, napikon nanaman yata sa akin the day before kay hindi din pumunta. Pinag sigawan ko kasi sa canteen na magpapabinyag na yung anak niyang hindi niya kinilala at tinanong ko kung pupunta ba kami. Ayun, nag walk out nanaman.

"Masama loob mo, wala yung pinaka importanteng tao sa buhay mo noh?" pang-aasar sa akin ni Maine.

"Letse ka, tigilan mo ako. Tsaka masaya ako, nandito si Barbie, at darating si Dada mamaya," sagot ko.

Ito kami noon. September 2008


Ito na kami ngayon. September 2010.

 May tama na kami ng dumating si Dada. Ang Asia ayaw akong tantanan. Lahat nalang ng makita niya, ni-rerelate niya sa amin ni NJ. Bwisit lang!

"Yj, umaasa ka pa?" tanong niya sa akin.

"Umaasang ano?" tanong ko.

"Na magkakabalikan pa kayo?" sabay tawa ng nakakaloko. Kahit paos na siya't lahat, makapang asar lang.

"Hindi na," sagot ko.

"Mahal mo pa?" tanong niya ulit.

Ngumiti nalang ako.

"Shot mo nalang yan..." si Dada, sabay abot sa akin ng isang basong Red Horse.

Ampait ng potah!




Friday, September 10, 2010

TL Reunion Part 1: Isaw

Kahapon napag desisyunan naming mag-inom dahil wala ngang pasok ngayon. At minsan lang magawi dito ang isang TL boylet namin mula nang lumipat siya sa Baguio. Gaya ng dati, garahe parin nina EllaB ang lugar. Ang tagal ko nang hindi sumasama sa kanila pag may mga inuman lalo na't kina EllaB ang ganap. Pinaka huli yata nung nag-break kami ni NJ. April pa last year yun.

Dinaanan ko si Asia sa school at dumiretso kami sa dorm niya para makapagbihis siya bago lumarga. Malapit na kami sa dorm niya ng may madaanan kaming nagtitinda ng isaw at iba pang ihaw-ihaw.

"Yj, isaw oh! Naaalala mo pa?" pang-aasar niya sakin.

"Huwag mo ng ipaalala!" giit ko. Pero huli na ang lahat. Lahat ng alaala ko na may kinalaman sa isaw, biglang bumaha sa utak ko.

Hindi naman talaga ako kumakain ng isaw. Pakiramdam ko kasi dati ang dumi-dumi. Pero si NJ, walang takot. Lamon kung lamon yun ng isaw. At dahil sa kanya, natuto akong kumain ng isaw. The stupid things you do for love, no?

Yung gabing natuto akong kumain ng isaw. UP Fair 2009



The second time was in Tagaytay



The third time, sa isang tabi ng kalsada sa bayan ng Alaminos. Holy Week 2009



Hindi pa nakuntento, hanggang sa Bolinao, kumain ng isaw.


At nang gabing maghiwalay kami, may isaw parin. Pesteng isaw yan!

Ilang buwan pagkatapos naming maghiwalay, sinubukan ko ulit kumain ng isaw. Pero ang sama na ng lasa. Ewan ko kung panlasa ko ang masama o yung nararamdaman ko. Mapait na kasi!

"Ang pag-ibig nga naman.... MADUMI!" bulong sa akin ni Asia sabay hagalpak ng tawa.

Yaiy...

Wednesday, November 25, 2009

Bernard Is Soooooo Back!


isang sem ding nawala ang TL baby naming si Bernard.... siya yung batang hindi marunong mag body shot.... if you remember....

siya ang batang nuknukan ng talino sa math, pero sa lahat ng bagay, tanga na siya... pero ang katangahan niya ay yung nakakatuwa, at hindi nakakainis....

pero kahit ganyan siya, mahal na mahal namin yan.....


eto eksena sa tiangge sa Malacanang nitong nagdaang linggo.... bumibili ang mga TLs ng pagkain sa isa sa mga booth dun... habang hinihintay ang pakaing inorder, may batang pulubi na biglang lumapit sa isa sa amin at humihingi ng limos.... gusgusin ang batang lalaki at unang una mong mapapansin ang mapupula niyang mga mata...

tindero: naku umiwas po kayo sa batang yan, kanina pa yan eh.... may sore eyes po yan...

napatingin ulit kami sa bata....

ngumiti si Bernard sa tindero sabay sabing, "okay lang yun kuya. nagka sore eyes na po kaming lahat....."

tumambling ako..... bwahahahahaha

* ang larawan ay isa sa paborito kong kuha kasama si Bernard.... :)

Tuesday, September 1, 2009

starting over....

and now we're starting over again...
it's not the easiest thing to do
i'm feeling inside again
'cause everytime i look at you...
and now we're starting over again
this time we'll chase all the pain away
welcome home my lover and friend...
'cause we are starting over, all over again....

nyahahahahaha videoke mode daw sabi ni Nyl....

Merry Christmas everyone sabi ni Viktor....

Happy Holidays daw sabi ni Dave....

well well well..... midterms ko na.... kainis sumabay pa siya sa midterms.... di tuloy ako makapag aral ng matino....

bwah!!!

Friday, July 31, 2009

Villa De Vera...

Halika na.... Tuklasin ang mga lihim.... pumasok ka sa Villa De Vera...




more to follow....

yebaaaaaaaaaaaaaaaaaah.... this bitch is very much alive.... thank you very much!!!!

Friday, May 22, 2009

Dahil Dyan....

Ngayong araw na ito, hiwa-hiwalay naming ginugunita ang ikasampung buwan ng aming pagkakaibigan....

Text ni Maine kanina....

GMTL. to comemorate r 10th, heto ang sampung ultimate memories ng TLs:

1. sa pad ni barbie, buo ang katorse... pictures, inuman at kainan galore. may mega sharing din pero ung mga nasa matinong kaisipan lang ang nakinig. c Cinder at NJ nagtatago sa mahiwagang batik na kumot, c LA at BBB may payakap yakap habang nagpipicture. C Yj nag imbita sa bahay nila, may anak na daw siya. Nawala nya ung gucci pendant na nakita naman. C Lou naging alalay ni Barbie. Nagsleep over ang ilan....

2. Dagdag na

Siempre pa hindi ako nagdagdag. Basta nag GM din lang ako ng greeting. Pero bilang paggunita ko sa 10th monthsary ng grupo.... heto ang sampung dahilan kung bakit hindi ko malilimutan ang mga TLs kahit anong mangyari.........

1. Tambay kami sa isang bakanteng room. Full force ang aircon. D pa ako memeber ng TL. Naglalaro sila ng card game sumthing... tinulugan ko sila. Nagising ako, nagyayaya si Maine maglaro ng charade, tinanggihan ko. Pumasok si NJ sa kwarto, hindi ko pa siya kilala nun. Pero crush ko na. Sumali na ako sa laro. Pinakilala ako ni Maine sa lahat ng TLs na nandun. Grupo namin ang nanalo dahil kami ang mas matanda, mas marami kaming alam na pelikula. Yun ang kategoryang pabor samin. Nakilala ko na crush ko...... Dahil dyan, naging TL ako.

2. Lahat kami may mga TL names. Si Bernard, Talinong Langaw. Kasi daw tanga siya. Pero siempre biruan lang yun. Pero minsan nakatambay kami sa Tspot. Napag uusapan ang inuman.

Maine: Next na inuman body shot naman.

Barbie: Oo nga para masaya.

Bernard: Ate ano yung body shot?

Maine: Yung mag iinuman. Tapos ilalagay sa katawan mo yung salt, kunyari sa dibdib, tapos didilaan tapos iinumin yung alak.....

Tuloy ang usapan. Maya-maya pa, napansin ko na si Bernard, nakayuko, nakalabas ang dila na tila inaabot ang dibdib. Inginuso ko siya kay Maine.

Maine: Anong ginagawa mo?

Bernard: Ate hindi ko kayang mag body shot......

Dahil dyan, napatunayan kong may katangahan nga si Bernard. Bwahahahahaha

3. Isang gabi nagtext si Gilbeys. Kailangan daw niya ng kausap. Naguguluhan daw siya sa nararamdaman niya. Naiinlab daw siya sa isa sa mga TLs. Siempre dahil super close kami, inisip ko na ako. Hahahaha. Okay, hindi ako. It turned out na si EllaB. At ang malupit nagkakagusto narin si EllaB sa kanya. Ang mas malupit pareho silang committed nun sa kani-kanilang mga jowa. Ang pinakamalupit naging sila... yata?! Kaso hindi rin nagtagal dahil napagtanto nilang hindi tama. Sikreto yun eh, pero somehow nalaman ng ilan. Pero still, exciting parin. Relasyon na itatago mula sa closest friends? Hmmmmmmmm.... Dahil dyan, nagka ideya ako.... hahahaha

4. Si Asia ang pinakamasayahin sa lahat. Walang araw na hindi siya pumapasok ng hindi nakangiti o nakabungisngis o nakatawa. Lahat maganda para sa kanya. Kung nasan siya, lahat gumaganda, lahat sumasaya. Kahit may sakit na, nakukuha pa rin niyang tumawa. Sa kabila ng mala Romeo and Juliet na love story nila ni Graham, patuloy siyang naging masaya. Walang iniintindi, animo'y walang problema. Pero minsan nag-inuman sa bahay. Pinakahuling dumating si Asia, nagpagupit kasi. Nakabangs ang potah. Yung por kilong bangs. Nagkalasingan. Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Asia nakatuntong sa sandalan ng sofa. Sa tabi ng bukas na bintana. Yakap ang mga binti, ang baba sa tuhod. Umiiyak siya, First time ko siyang makitang umiyak. Pero sa pagitan ng mga hikbi, siya ay kumakanta.... If ever you're in my arms again.... natawa ako sa eksena. Turned out na nag break pala si Graham dahil tinawag niyang pokpok ang nanay ng jowa niya. Pero dahil diyan napagtanto ko, kahit gaano kalakas ang loob ng isang tao sa mga pagsubok sa buhay, kahit gaano kapositibo ang pananaw mo sa buhay, bibigay ka pagdating sa pag-ibig.

5. Nagkaroon ng kaaway si LA. Kaklase rin namin. Nagkaroon tuloy ng mga grupo grupo sa block namin dahil sa nangyari. One time, sumobra na ang mga pasaring na binibitiwan ng kaaway niya. As in below the belt na. Sorry, nag volt in ang mga TL girls at pinagtanggol si LA mula sa kaaway. Isang matinding komprontasyon ang naganap. Umiyak ang kaaway ni LA. Nagsorry ang dalawa sa isa't isa. Wala ng away na naganap sa pagitan nila mula noon. Dahil diyan napatunayan ko na kahit sa gulo, maasahan mo ang mga TL..... girls. Ewan ko lang sa mga boys.

6. Sa dorm nina NJ at Cinder. Nag-iinuman yung iba. Birthday ni BBB. Sumunod kami ni Honey. Inabutan namin sila sa napakainit na kuwarto. Tanghaling tapat kasi. Hindi kaya ng electric fan ang init ng panahon. Sabayan mo pa ang init ng katawan ng mga walang hiya dahil may mga landian na palang nagaganap. Pagkakain namin ni Honey, biglang nagkantiyawan yung mga nauna. Ituloy na daw...... ang alin? Tumayo si Puff, nagsimulang sumayaw. Yung mapang akit na sayaw. Sheeeeeeeet. Bigla siyang pumatong sa nakahigang si Barbie at sinimulang gumiling. Naloka ako. Dahil diyan napagtanto ko din na pwede palang magbalahuraan ang mga magkakaibigan. Ang saya.....

7. Si Cinder ang pinakasira ulong miyembro ng TL. Literal na kringkring ang merlat. May sayad talaga. Pakantot pa. Pero sa kabila ng lahat ng kanyang kapansanan, tinanggap siya ng grupo. Walang halong pag-iimbot. Sa lahat ng kanyang kaaway pinagtanggol namin siya. Tampulan siya ng paninira ng sa kalakhang unibersidad. Dahil sa kalandian niya. Pero kami ang gumawa ng paraan para mapabulaanan ang mga paninirang yan. Dahil sa TL, nagkaroon ng konting respeto ang mga tao sa kanya. Kaso pati kami kinalaban niya. At bago yun, ginawa pa niya kaming tanga. Ayun, ang pakantot na merlat, naging kawawang pakantot na merlat. Dahil nilabas namin ang lahat ng kanyang baho. In and out na baho. Bwahahahahahaha. Narealize ko na kayang kaya namin gawing diyos o diyosa ang isang tao kung gusto namin, at kayang kaya rin naming gawing impiyerno ang buhay ng taong yan pag kinalaban kami. Dahil dyan naranasan ko kung pano maging isang mean girl...... Bwahahahahaha.....

8. Recognition day. Si Lou, BBB, NJ, Maine, LA at ako. Mga awardees. Academic, sports, service, at leadership(yata?!). Dahil dyan, napatunayan ng college namin na ang grupo namin ang pinakabonggang grupo sa school. Sikat kami hindi lang sa kagandahan, kundi sa talino at talent din. Hindi gaya ng iba......... eeeeeeeeeeeeeeew. Hahahahaha echoz lang.....

9. Nabuntis (DAW!) ni NJ si Cinder. Dahil dyan, napatunayan kong mas tanga si NJ kay Bernard.

10. Minahal ko si NJ. Naniwala ako nang sabihin niyang mahal din niya ako. Dahil diyan, napagtanto ko AKO pala ang pinaka-TANGA sa grupo.

HAPPY TENTH MONTHSARY TLs..................

Sunday, April 19, 2009

Daplis..... Tinamaan ang Lintik


Akala ko dati, kapag sinabi nilang 'hearthache' o 'heartbreak', alam mo yung tipong patalinghaga lang. Figure of speech kumbaga. Metapora. Pero putang ina sa lahat ng putang ina.... literal pala. Ang sakit. Shetness.


Hindi ako kagandahan. Ahmmmmmm.... dahil una sa lahat, hindi nga ako maganda. Pero ewan ko kung anong nangyari, kahit anong pilit kong pag-arok, hindi ko maintindihan. Kung naalala niyo na ilang linggo na ang nakakaraan mula nung gabi-gabi akong kinukulit ni Gilbeys at inuusisa kung ano na lagay ng relasyon namin ni NJ. Sabi niya nun, kung sa kanya ko daw naramdaman ang nararamdaman ko kay NJ, hindi siya magdadalawang isip at ibabalik niya ang pagmamahal na yun. Siempre inisip ko nun na nagtitrip lang ang gago. WRONG! Seryoso pala ang walang hiya.


April 14, Tuesday.... nagkita kami ng mga TLs sa Mendiola around 6pm. Sabay sabay kaming pupunta kina EllaB, para sa celebration ng birthday niya. Inabutan ko sina Gilbeys at NJ dun. Ang NJ, bagong gupit. At bago ang suot na sapatos. Pero shetness black and orange. Kahit ibigay sakin ng libre yun hindi ko isusuot. Anyways maaga akong nagtext sa kanya para manghiram ng pera. Said nanaman kasi ako. Binigyan niya ako ng 800pesos. Isang libo daw sana, kaso bumili nga siyang shoes, at tinamad ng bumalik ng bahay para kumuha ng pera. Dumating si Honey, nakakaloka dahil sobrang taba, considering dalawang linggo palang naman kaming hindi nagkikita.


"Bakit ang taba mo?" tanong ko.


"Ehhhhhhh.... boring kasi eh," sagot niya.


Gusto naming tumambling ni NJ sa katatawa. Imperness, at least may pinagkakaabalahan siya pag nabobored, ang kumain. Eh ako, wala ng makain. Punyeta. Pagdating nina Graham at Asia, fly na kami sa Lealtad. Lafang agad kami pagdating kina EllaB. Pagkakain, sinimulan agad ang inuman. Nakakalahati palang ang bote ng gin premium nang magtext ang PB na nasa labas na daw siya ng bahay nina EllaB. Okay, inimbayt ko ang ex ko dahil una, nabanggit ko na sa kanila before na kapit bahay lang siya nina EllaB at gusto daw nilang makilala. Pangalawa, dahil napag uusapan na nga, mabuti ring magkaroon ng mukha ang pangalan na laging nababanggit. Pangatlo, mabuting magkaibigan na kami ngayon. So yun, nasa kanan ko si NJ at nasa kaliwa naman si PB. Okay naman, wala namang awkward moments whatsoever. Besides, alam naman ni PB ang tungkol sa amin ni NJ dahil wala akong nililihim sa kanya. Pero ang mga TLs, wala ni isa ang nakakaalam ng totoong lagay ng relasyon namin ni NJ, dahil napag-usapan na nga naming ililihim namin. Akala nila, hanggang ngayon ay magkabigan parin kami na mahilig lang maglambingan sa isa't isa. Umikot ang tagay, hanggang sa....


"Yj, honey tawag mo kay NJ d bah? Ano naman tawag mo kay PB nung kayo pa?" gustong malaman ni Asia.


"Lakay, yun ang tawag niya sa akin nun," si PB ang sumagot.


"Wow, ang bigat," bungisngis ni Asia, na dahil palibhasa Ilokano din kaya alam niya ibig sabihin ni PB.


"Well actually, mas madalas ko siyang tawagin nun ng 'dada'," dugtong ko.


"DADA ang putang ina....." bulong ni NJ sabay tayo. Lumipat siya ng upuan, at hindi na ulit tumabi sa akin nang gabing yun. Hindi ko naman pinansin dahil inisip ko naman na katarantaduhang magselos siya kay PB. Kaya tuloy ang inuman.


May mga dumating na highschool friends si EllaB. Puro mga merlats kaya deadma, walang kabig. Sumabay sila sa tagay. Okay naman ang pakikitungo ng mga TLs kay PB, halatang nag-eenjoy naman ang mokong. Paminsan-minsan bubulungan niya ako ng....


"Masama na tingin ng boyfriend mo sa akin..." sabay tatawa, kaya d ko naman sineryoso.


Pagkaubos ng tatlong bote ng gin premium at dalawang malaking bote ng GSM blue, medyo may tama na lahat. Ang NJ panay ang kwento sa kung ano-anong bagay. Bumabangka na ang loko. Pinababayaan ko lang naman dahil mukha namang masaya siya sa ginagawa niya. Napansin ko nalang na si Gilbeys ang umupo sa upuang iniwan ni NJ sa tabi ko. Pasimpleng dinantay niya ang kamay niya sa hita ko sa ilalim ng lamesa.


"Kumusta na kayo ni NJ?" bulong niya sa akin.


"Okay lang..."


"Ahhhhmm.... kayo na ba?" gustong malaman ni Gilbeys.


"Nope, magkaibigan lang kami. Alam mo naman yun di ba?" sagot ko.


"Yun naman pala eh, so pwedeng tayo na?" bulong ni Gilbeys. Palapit ng palapit ag mukha niya sa mukha ko, at napepeste ako.


Yung ibang kainuman namin, nakahalata na....


"Naman, bulungan ng bulungan, share niyo naman yan," panunukso nila.


Si NJ, iba na ang tingin sa akin. Si PB din, tinatapunan na ako ng matanong na tingin.


"Ahmmmm, Gilbeys, mahal ko si NJ...." bulong ko.


"Bakit, mahal ka ba niya?"


"Ewan ko, pero handa akong maghintay..." pagsisinungaling ko.


"Eh, tanungin mo na ngayon. Para alam mo na. Para hindi ka na naghihintay. Nandito naman ako eh..."


Putang ina.... gusto ko ng tumambling. Ano ba nangyayari. Gusto ko sanang yayain si PB sa labas para kausapin tungkol sa mga pinagsasasabi ni Gilbeys pero bigla na siyang nagpaalam dahil maaga pa ang pasok niya at ilang oras nalang ang itutulog niya. Hinatid ko sa labas si PB. Naupo nalang ako sa gilid ng kalsada. Ayokong bumalik sa loob. Naguguluhan ako sa kay Gilbeys. Hindi ko alam kung saan galing ang mga pinagsasasabi niya. Kaso lumabas ang gago. Shetness.


"Ano Yj... tanungin mo na. Kausapin mo na si NJ. Tatanungin mo lang naman kung mahal ka niya. Kung sasagot ng "oo" eh di mabuti, may katuparan na yang pangarap mo na maging kayo. Kung sasagot ng "hindi" eh di ako naman ang bigyan mo ng chance," pangungulit niya.


"Ano ba Gilbeys.... ako, handa nga akong maghintay kay NJ. Hindi ko siya tatanungin ngayon okay. Kung gusto mo ikaw magtanong sa kanya," giit ko. Bwisit na bwisit na ako. Kung pwede lang sasabihin ko na. MAHAL DIN AKO NI NJ...... ano ba!!! TIGILAN MO NA AKO!!!


Lumabas si NJ, nagsindi ng yosi. Si Gilbeys nakasandal sa likod ng nakaparadang sentra. Si NJ, sumandal sa likod ng katapat na jeep. Nakaupo ako sa gilid ng kalsada, sa gitna nila.


"Ayan na si NJ, tanungin mo na," utos ni Gilbeys sa akin na ikinagulat ko. Putang ina ang gago, sobrang lasing ka ba ha? Nandilat mga mata ko sa gulat. Malay ko bang sasabihin niya yun?


"Anong itatanong mo?" tanong ni NJ sa akin. Nagtataka.


Hindi pa ako sumasagot, nagsalita na ang Gilbeys....


"Mahal mo ba si Yj pare? Kasi kung hindi..... ako kasi mahal ko eh. At gusto kong maging kami...." diretsa ni Gilbeys kay NJ.


Nanlaki mata ni NJ. Lalong naguluhan ang kanina pang lamukos na niyang mukha. Hindi niya sinagot si Gilbeys.


"Yj, mag-usap nga tayo...." yaya ni NJ sa akin. Lumayo kami kay Gilbeys. Nakita ko na pumasok siya sa loob ng garahe, kung saan nag-iinuman parin yung iba.


"Anong kalokohan yun?" tanong ni NJ.


"Ewan ko... hindi ko talaga alam," sagot ko.


"Mahal mo ba si Gilbeys? Kung gusto mo kayo na..... itigil na natin toh..." madiin ang pagkakasabi niya.


"What? Anong itigil.....? Mahal kita..... ano ba pinagsasasabi mo?" punyetang Gilbeys yan.


"Okay.... Itigil na natin. Masyado ng kumplikado. With everything that had happened, si Cinder, si N*****, tapos ngayon si Gilbeys.... ang hirap. Ayoko na....."


"But why?" shet huwag kang iiyak bakla ka!!! Pigilan mo ang umiyak.


"Okay, i kinda promised N***** that i'll try to be a better boyfriend from now on. Hindi ko magagawa yun kung nanjan ka. Hindi ko kayang mawala girlfriend ko...."


Putang ina... tinanggap ko na nga d bah na may girlfriend ka. I'm more than willing na makihati. Ganun kita kamahal. Tang ina naman.


"Say you don't love me then..." d ko na kaya. Umiyak na ako.


"Why would i say that? I love you....." sagot niya.


"Then what's the problem? Bakit natin ihihinto? Mahal mo ako, mahal kita? Anong problema dun? Our love deserves a chance......" tang ina, d ba pinangako ko na nga sa sarili ko na hindi na ako iiyak dahil sa kanya?


"Eh kumplikado na nga eh..... Basta..."


"Then tell me that you don't love me...." giit ko.


"I'm not gona say it.... because i love you... i do...."


"Just say it.... putang ina..."


"Okay... if that's what you want to hear.... then... I DON'T LOVE YOU ANYMORE!!!"


Just like that.... nag walk out na siya. Ang Gilbeys, mabilis pa sa kidlat, nasa tabi ko na agad.


"Anong sabi? Bakit ka umiiyak?" tanong niya.


"Huwag mo muna akong kausapin..." at tinalikuran ko na siya. Pumasok na din ako sa loob. Yung ibang bisita nagtayuan na. Tapos na ang inuman. Nagpaalam narin kami nina NJ. Ayun apat na TL boys, naglalakad papuntang Lealtad circle. Wala kaming imikan nina NJ at Gilbeys, ang kawawang BBB, walang kamalay malay sa mga nangyayari. Sumakay ng trycicle si BBB. Putang ina, kaming tatlo pa ang naiwan. Di ako nakatiis....


"Would you like to sleep in my place?" tanong ko kay NJ.


"Nope.... i have to go home... may lakad ako maaga," sagot niya.


"Magtataxi ka ba?"


"Wala na akong pera..."


Kinuha ko yung two hundred sa perang binigay niya, inabot ko sa kanya.


"Here... galing sa pera mo," sabi ko.


"Nope... pera mo yan.... May pera ka pa nga sa kin... bigay ko pag nagkita tayo ulit..."


Lumapit ako sa kanya. "N.... look at me straight in the eyes and say it one more time..." pagsusumamo ko. Sinasadista ko sarili ko eh.


Tumalikod siya. Pesteng taxi naman at wrong timing. Ayun pinara agad ng gago at sumakay. Iniwan akong masamang masama ang loob, sa kanya, kay Gilbeys, sa sarili ko.


"Sabay na tayo sa taxi... kahit hanggang sa Nagtahan lang...." si Gilbeys. Ano pa magagawa ko?


Nasa taxi na kami. Wala akong imik. Hindi nakatiis ang gagoh.


"Umiyak ka dahil hindi ka niya mahal?" tanong niya. Hindi ako sumagot.


"Yj, bigyan mo TAYO ng chance....."


Tinignan ko siya. Hindi ko alam kung dahil sa pagsusumamo ng tinig niya, o yung lungkot sa mga mata niya, o yung sama ng loob ko. Pero walang sapat na dahilan para sa katangahan ko.


"Sige..." bulong ko.


Niyakap niya akong mahigpit. Hindi alintana ang drayber na nasa harapan na malamang eh diring diri na sa kabaklaan namin. O baka kinikilig din.


Sumandal ulit siya sa upuan. Hinawakan ng lanang kamay niya ang kaliwang kamay ko. Pinisil niya, mahigpit na mahigpit. Parang ayaw na niya akong pakawalan. Gamit ang kanang kamay ko, nagtext ako kay NJ.


"I'm sorry for forcing you to say you don't love me, when in fact you do. That was stupid. I'll give you time and space to think things over. But know that i love you so much. I LOVE YOU FOREVER!!!"


Bumaba si Gilbeys sa Nagtahan.


"Usap tayo bukas..." at humalik sa pisngi ko.


"Sige... ingat..."


Natulog akong umaasa na magigising ako bukas at mapagtatantong masamang panaginip lang ang lahat......




Saturday, April 18, 2009

Leaving Alaminos....

April 10... Biyernes Santo na. Maaga kaming namalengke ni Asia sa Nepo market. Iniwan ko si NJ sa kubong naghihilik pa. Pagbalik namin ni Asia naghihilik parin ang loko. Inayos ko na ang mga gamit namin na dadalhin ng hundred islands. Kasama namin sina Ate Jan (panganay na kapatid ni Asia) at mga anak niya na sina John at Shane. Tuwang-tuwa si Shane kasi crush daw niya si Kuya NJ niya. Lagi siyang nagpapacute kay NJ at talaga namang kinikilig pa pag nilalambing siya ni NJ tapos magpapapicture. Habang naghihintay kami ng bangka sa pantalan, kumain kami ng taho. Yummy. Maliit lang ang bangka, eksakto lang para sa aming anim. Dahil sa harapan umupo si Shane, panay ang talsik ng tubig dagat sa mukha niya. Tawa kami ng tawa dahil noong una, tuwang-tuwa pa siya, kaso padami ng padami yung tubig na tumatalsik sa kanya, hindi rin nakatiis at nagreklamo na ang kawawang bata.
Shane and Kuya NJ.....

Dahil may mga kasama kaming bata, sa children's island kami pumunta. Hindi kasi ganun kalalim ang tubig. Ang daming tao, wala ng cottage na bakante at ang dami na ring nakapuwesto sa mga ilalim ng puno. Naghanap nalang din kami ng mapupuwestuhan. Dail excited magswimming, sinamahan ni Asia yung dalawang bata. Kami naman nina NJ at ate Jan, kumain na. Pagkakain ng mga bata, bumalik sila sa beach kasama ng mama nila. Kami namang mga TLs sinimulan nanaman ang inuman. GSM blue ulit. Shetness, buti sana kung may pangako ang alak nato na kapag ininom mo araw-araw eh magiging kamukha ka ni diyosa Ann. Si Asia ulit ang tanggera, ang garapal mandaya. Kalahati palang naiinom namin ng maubusan kami ng sprite, naghanap si NJ sa buong isla. May nabili siyang 1.5 na sprite pero putang ina, ginto. 80pesos na naman. As usaul nagkulitan nanamankami. As much as we wanted na hindi mabanggit ang pangalan ng demonyang si Cinder dahil Biyernes Santo nga, nabanggit parin. Kung saan saan na napunta ang usapan. Pagkaubos ng alak, nagjoin na kami ni Asia sa mga pamangkin niya sa pagtatampisaw. Si NJ panay ang kuha ng pics, ayaw ng lumusong sa tubig dahil ang itim na daw niya.


Asia, Yj, NJ..... the best of Tls nyahahahaha



magbigay pugay sa gintong Sprite......




Alas kuwatro na ng dumating ang bangka. Nakakainis dahil, hindi niya kami dinala sa governor's island, kung saan pwede kang umakyat sa tuktok para makita ang kabuuan ng mga isla sa paligid. Dun ko pa naman bet magmoktyur. Hmmmmmmmmmp.


Pagdating sa bahay nina Asia, naligo na agad kami. Nagmotor papuntang bayan para manood ng prusisyon. Hindi ko alam kung kaninong pakana, pero nagkaroon ng bar-b-q eating contest sa pagitan naming tatlo. Bumili kami ng tig-isang isaw, tenga, balat, balunbalunan, at..... betamax! Kinain namin yan in order. Shetness, deadma sa cardiac arrest. Mga walang takot. Lafang kung lafang. Ayun, honey ko nanalo. Matakaw kaya yun sa mga ihaw-ihaw. Si Asia ang second place, ako, d ko na inubos. Pasimple ko nalang tinapon yung huling stick na hawak ko. Nyahahaha. Tumambay kami sa simbahan at nagkulit pics. Nakita namin ang mga highschool friends ni Asia bago kami umuwi.




isaw eating contest........


homeless lovers.......


palimos po..................

Santino ng buhay ko......



i swear, NJ was covering his hard on.... hahahaha


T-L

April 11, Saturday.... maaga kaming nagbreakfast with the family. Alas-sais palang pero tirik na tirik na ang araw. Bago kami umalis, lubos lubos ang pasasalamat namin ni NJ sa pailya ni Asia. Sana makabalik kami ulit. Almost 7am na ng umalis ang victory liner na sinakyan namin pabalik ng Manila. Tulog kami all the way to Tarlac kung saan nagstop over ang bus. Nasa biyahe na ulit kami ng mapansin kong hindi nanaman mapakali si NJ at panay ang kalikot sa cellphone.




NJ preparing to go home.....

with the loving Mr. and Mrs. Rivera


"Anong problema?" tanong ko.


"Si N***** eh, nakikipag break sa akin. Pati daw kasi si S*** tinetext na siya na may nabuntis nga ako."


"Shet talaga yang si Cinder. Nakahanap ng kakampi," naiirita na rin ako. Paulit ulit nalang na ganito. Kelan ba niya kami titigilan?


"Hayaan mo na. Puntahan ko nalang si N mamaya, ayusin ko to," pagtatapos ni NJ sa usapan.

Thursday, April 16, 2009

Enchanting Bolinao.....

April 9, Thursday.... Okay na kami ni NJ pagkagising. Parang wala lang nangyari. Medyo late na kami bumangon dahil ang sarap matulog sa kubo. Tawag agad ako kay PB para malaman kung nakontak niya yung kilala niya sa Bolinao na trykee driver para ihatid kami sa Patar. Kaso nagkaroon ng konting misunderstanding. Si Asia naman at mga sisteret niya ang naghanap ng sasakyan, kaso nga dahil bakasyon lahat ng mga friendship at family na may karamba eh nasa galaan din. Alas-diyes na ng umaga. Shetness, anong gagawin?


"Commute na tayo?" tanong ko kay Asia.


"Go go go..." sagot naman niya.


By 10:30 nakasakay na kami sa likuran ng van papuntang Bolinao. Dahil sa pagmamadali, nagtake out nalang kami sa mcdo. Papak kami ng frenchfries, kain ng burger at chicken nuggets, at siempre, ang walang kamatayang coke float. Pagdating namin sa bayan ng Bolinao, bumili kami ng mga chichiria. Pumunta sa paradahan ng trykee na biyaheng Patar. Siksikan kaming tatlo sa loob. Pwede namang may umupo sa likod ni manong drayber pero peste naman ang init. D pa kami nakakarating ng beach, tustado na kami. On the way, tumigil ang trykee sa isang tindahan para ibaba ang isang kahon ng GSM blue na pinabili marahil ng may ari ng tindahan. Napagkasunduan naming tumagay, kaya bumili kami ng isang malaking bote ng inuming para sa mga diyosa. At hinatid na kami ni manong sa lighthouse. Kaloka, ang sabi sa akin ng friend kong si AK, okay lang daw magtrykee dahil maayos na daw ang daan. So wrong. Bungal-bungal pa ang pagkakasemento ng daan papuntang Patar. Kaya naman pag nasa rough road kami at may mag oover take na sasakyan.... para kaming mga espasol na pinupulbusan ng bonggang bongga. Buti nalang nakarating na kami ng lighthouse. Dahil magmomoktyur lang naman kami, hinintay na kami ni manong, para siya na rin ang maghatid sa amin sa beach. Ang sarap sanang kumuha ng picture sa lighthouse, kaso sobrang init, hindi ko kinaya. Kaya nagpak-ap agad kami. Pagkahatid sa amin ni manong sa beach nagprisinta siyang sunduin na din kami later in the afternoon kung gusto namin. Siempre wit na kami choosy, any moment d pa kami makauwi.




The lighthouse.....


Nasa likod namin ang malanding jipelya na kapatid yata ni CHAR LANG!





Pondering.......



For a moment, I owned the world....


For a moment, the world was OURS





My honey loves thermal water......





My honey showing off.... hahahaha

Fullpack lahat ng mga cottages. So walkathon kami sa tabing dagat para maghanap ng pupuwestuhan. Shetnes ang init ng sand. Kaya dali-dali kaming sumilong sa lilim ng isang tindahan. Pero kung kulay ng tubig at pino lang naman ng buhangin ang pag-uusapan, hindi napahiya si Glen. Maganda talaga ang beach ng Patar. Pero yun lang, ang mga alon na pinagmamalaki ni Glen na nakakadonselya daw, wala parin hehehehe. Hindi ko naman kasing powerful si Glen, kahit anong pakiusap ko sa inang dagat, hindi siya nagpaalon. Stagnant siya hanggang sa kami ay lumisan.


"Ilan kayo?" tanong ni manang. Madaling hulaan na sa kanya ang tindahan, at feeling ko siya rin ang may ari ng mga cottages na nakapaligid dito.


"Tatlo lang po kami," sagot ko naman.


"Gusto niyo dito nalang kayo? Wala na rin kasing bakanteng cottage dito eh..." sabi ni manang sabay turo sa lamesa sa harap ng kanyang tindahan.


Why not choconut. Binigyan kami ni manang ng mga upuan. At siempre pinahiram din niya kami ng pitcher at mga baso. Ang bait niya, super. May dumating pang isang matanda na may dala-dalang mga sea urchin, fresh from the sea, na MARATANGTANG daw ang lokal na tawag.


at the lagoon.......




taloooooooooooooooooooooooon........
sunblock time.......


ganyan ka spoiled ang honey ko......


PRIDE...
Beach Boys......

Dahil first time kong makakita, tinanong ko si manang tindera kung ano yun.


"Yan ang talagang nilulunok ni Narda bago siya sumigaw ng DARNA!" sagot niya with conviction. Naloka ako, gusto kong tumambling sa kabaklaan ng thunders na itey. Nag-iwan yung matanda ng tatlong piraso para sa aming mga turista (yeiz... siempre turista arrive namin). Inihaw naman ni manang para sa amin. Kaya lang, ng luto na siya, si NJ d kinayang kainin, kaya kami nalang ni Asia ang tumikim. Face your fears ala pinoy fear factor itey, dahil kadiri talaga ang itsura. Pero ang lasa naman..... mas kadiri. Hahahaha.

maratangtang

Tamang inuman lang kami. Si Asia ang tanggera na garapalan ang pandaraya sa amin ni NJ. Kunsabagay, iinom nga naman para malasing tapos magrereklamo sa taas ng tagay, minsan praning ang mga umiinom. Inubos namin ang alak at saka nagkayayaang mag swimming. Saglit din lang kaming nagtampisaw, mas inuna kasi namin ang moktyur. Before we knew it, mag-aalas singko na. Shetness, alas kuwatro ang usapan namin ni manong drayber. Kaya dali-dali kaming nagpak-ap, binayaran si manang at fly sa parking lot. Nandun na si manong. Basang basa pa kami pero deadma, pupunta pa naman kami ng enchanted cave, dun nalang magbabanlaw.


Bongga ang enchanted cave, ang lamig ng tubig. Malinaw na malinaw pa. Nagtataka lang ako na kahit nasa tabing dagat siya, fresh water itey. Sa sobrang lamig ng tubig, nanigas na at lumabas ang mickey mouse ears ng honey ko. Tipong pag pinitik mo eh, lilipad ng bonggang bongga More moktyur more fun. Tapos may isang lalaking talaga namang nagliliparan ang ingles. Balikbayan. Matangkad, moreno. Tipong Derek Ramsey ang arrive. Naglalaro kami ni Asia sa tubig ng lumapit ang boylet sa amin. Si NJ naman nakapuwesto sa mga bato-bato at panay ang kuha ng moktyur.


tahanan ng mga psssssssst.....


kunyari totoo.........

CAUTION: NO MOVING OF UNDERWEAR!

Flexing......


Cave Men.....



mickey mouse ears.......


"What's in there?" tanong ng boylet sa amin, tinuturo ang pinakadulong bahagi ng kuweba kung saan wala ng ilaw. May lagusan pa kasi sa dulo kaya lang kashokot na dahil super dark.


"I don't know, would you like to find out?" sagot ko, siempre sinabi ko yan sa pinaka sweetness na tono na kayang hugutin lalamunan ko. Si Asia naman, natatawa lang. Ang NJ masama na ang tingin sa akin. Wow, nagselos?


"But i don't think people are allowed to go there..." bawi ko sa boylet, at lumangoy na ako papunta kay NJ. Bahala si Asia makipag inglisan jan. Dahil kokonti narin lang ang tao, umakyat na kami at nagbanlaw. Ang kulit, salinsinan kami sa pagbomba ng poso. Pinauna namin si Asia, at pagkatapos ay iniwanan niya kami, dahil ang banyong bihisan ay malapit lang sa entrance. May isang banyong gawa sa pawid sa tabi ng poso.


"Hon...." bulong ko sa kanya sabay nguso sa banyo.


"No!"


Natawa nalang ako. Kinarir ko nalang ang pagbobomba ng tubig para matapos na kami. Dumidilim na. Mga alas otso na yata ng makarating kami kina Asia. Naghapunan kami at tsaka muling tumambay sa kubo. Sa sobrang pagod, d na kami ulit nakabalik ng pantalan.


Hindi ko alam, pero nang gabing yun, may napansin ako kay NJ. Hindi na siya kasing lambing gaya ng dati. Pero baka paranoid lang ako, o baka sobrang pagod lang siya. Hindi ko alam.

John, Shane, Asia, NJ and Yj... sa kubo.....

Wednesday, April 15, 2009

Sa Piling Mo Pangasinan......

I'm vaaaaaaaaaaaaaaack.... actually been back here in Manila since Saturday. Medyo busy lang sa mga rampa. Tuliro ako ngayon. Sobra. To the point na hindi ko na alam gagawin ko. Kung sino-sino na kinakausap ko. Dahil hindi ko kayang mag-isa to.... Pero sabi ng isang friend ko, huwag ko daw munang isipin. Mag-update nalang daw ako ng blog para madivert ang atensiyon ko. Kaya ito..... ang mga pangyayari sa aming Holy Week trip ng minamahal kong honey na si NJ.


April 8 (Wednesday).... Go sa victory liner Cubao. Yan ang official carrier ng mga TLs up north. Almost six hours din ang biyahe namin to Alaminos. More sleep more fun kami ni NJ sa bus. Ginising ko lang siya nung makalagpas na kami ng Tarlac City. Itinuro ko ang bahay namin na along the highway lang. Tinuro ko rin ang school kung saan ako nagtapos ng highschool. Then borlogs ulit. Sinalubong kami ni Asia sa terminal ng victory sa Alaminos. May kasama siyang highschool friend na beki. Si Jayson na bayotelang bayotela. Ang lambot lambot ng ate. Parang tae lang, na tinapak-tapakan. Ganun siya kalambot hehehehe. Dinala kami ni Asia sa Nepo, parang mall pero super liit. Naglunch lang kami at pinakilala sa iba pang friendship nina Asia at ate Jayson. Then umuwi na kina Asia sa Lucap. Sakay kami ng trykee. Medyo malayo rin pala mula sa bayan. Mga tatlong kilometro rin siguro. Nilagpasan namin ang Alaminos National High School kung saan nabuo ang pag-iibigan nina Asia at Graham. Nakakalungkot dahil isa itong pag-ibig na kagaya ng meron ang iba sa atin, kahit gaano katotoo, kailangang itago. May Romeo and Juliet factor ang lovers na ito. May family feud kumbaga. Kaya hindi pwede. Bawal. Kasalanang mortal.


Pinakilala kami sa mga miyembro ng pamilya. Mama ni Asia na kamukha niya, sa panganay niyang ate at sa dalwnag anak nito na sina John at Shane. Nasa La Union pa daw ang padre de pamilya kasama ang dalawa pang ate ni Asia. Very accommodating and mama at ate. Binigyan kami ng kuwarto sa taas, dinala namin ang mga gamit dun. Pero dahil may malaking kubo sila sa harap ng bahay na sobrang presko, dun kami nagpahinga, at nagdesisyon na dun na rin kami matutulog. Mga alas kuwatro yata ng magkayayaan ang barkada nina Asia na pumunta sa Bolo beach. Nakilala namin halos buong tropa nila. Sumakay kami sa dalawang trykee, halos kalahating oras din ang biyahe. Sa Bolo daw sila madalas pumunta pag trip nilang mag-inuman. Kaya yun, tamang shot ng GSM blue. Kaloka na sobrang cool lang sina Graham at Asia sa harap ng mga friends nila. Wala kasing nakakaalam. Parang kami din lang ni NJ sa harap ng mga TLs.


Kulit Pics.....




Sakay na......





Hon, you have to pump HARDER!!!


Food trip.....



Sino nga ulit toh?



Si Limahong......

Pagbalik namin ng Lucap, kumain kami ng hapunan with the family. Masaya, may interview portion pa sa amin ang mama ni Asia. After dinner, pumunta kami sa pantalan kung saan nakadaong ang mga bangka papuntang hundred islands. Ang sarap ng hangin. Tapos nag-ikot ulit kami sa bayan gamit ang motor ng papa ni Asia. Si NJ ang nagmaneho, si Asia ang tagabigay ng direksiyon. Napagtripan naming umikot sa sementeryo. Pagbalik namin sa bahay, dumating na ang papa at dalawang ate ni Asia. Pinakilala kami. Ang gaganda ng mga ate ni Asia. Apat silang babae. Si Asia ang bunso, at siya nalang ang nag-aaral. Ganun siguro talaga kapag parehong educators ang magulang. Alam na alam mo ang importansiya ng pag-aaral. Pagkatapos makapag freshen up, tumambay na kami sa kubo. Nakapaglagay na si Asia ng mga futon sa magkabilaang maluluwang na upuan ng kubo. Matutulog si Asia sa isa, at magtatabi nalang kami ni NJ sa kabila. Nakahiga ako at nakikipag chikahan kay Asia at sa ate niya ng dumating si NJ na nagshower. Nakahiga ako sa outer part ng upuan.


"Yj, usog ka. Yan ang side ko eh," sabi ni NJ.

"Eh nakahiga na ako eh. Ikaw nalang lumaktaw, dito ka sa loob," sagot ko.


Nang magpatay si Asia ng ilaw, si NJ pumuwesto sa monoblock chair. Earphones sa tenga, yakap ang unan, pinatong ang paa sa lamesa, at nagpikit na ng mata.


"Hon, lika na. Dito ka na sa tabi ko," paglalambing ko. Pero hindi niya ako pinansin. Kaya tumayo ako at kinalabit ko siya. Hindi parin niya ako pinansin. Tinanggal ko ang earphones sa tenga niya.


"Hon, lipat ka na. Baka magka stiff neck ka diyan."


"Ano ba? Tulog na ako eh. Dito na ako matutulog," sagot niya. Halatang asar.


"Eh bakit nga?"


"Kanina pinapausog kita, ayaw mo. Tapos ngayon kukulitin mo ako," binalik niya ang earphones.


Tinanggal ko ulit. "Eh kasi naman kanina nakikipag-usap pa ako sa kanila. Ano ba problema mo? Lumipat ka na nga. Sasakit katawan mo diyan sa itsura mong yan eh."


"Ayoko nga! Dito na ako matutulog!!!"


At nagsimula na nga ang away na kung tutuusin eh wala namang kwenta. Si Asia, natatawa. Humahagikhik. Ako umiiyak na. Nakakasama naman kasi siya ng loob. Pero hindi natinag ang NJ. Gustong gusto ko ng magpak-ap ng gamit at bumalik ng Manila. Yan kasi ang sakit ng honey ko. Sensitive masyado. Tapos hindi siya makikipag usap. Mananahimik lang. Pero ayokong makilala bilang walk-out queen. Dalawa na ang may titulo niyan sa TLs, isa na ang honey ko. Ayoko ng makipa-agawan sa titulong yan. Bumalik nalang ako sa paghiga. At bago ako natulog ito ang nasa isip ko.... it's not about him promising that he will never make me cry. it's about me, making a promiseto my self that i will never cry 'again' because of him....


Madaling araw na yun ng maramdaman kong lumipat siya sa tabi ko. Niyakap ko siya agad at binulungan... "I'm sorry.... I love you..."


Hindi siya sumagot. Niyakap lang niya ako ng mahigpit.



The twilight effect.... CHOZ!



Sunday, March 22, 2009

Salamat....


Friday (March 20 2009)… Pigang-piga ang utak ko. Lahat ng exam ko, tatlong majors, religion na feeling major, at SocArts, nagsabay-sabay. Pero by 2:30 tapos na lahat. Tambay na kami sa Tspot. Waiting for my honey. Habang naghihintay ng ibang TLs, nagyosi muna kami ni Puff sa labas ng school. Napag-usapan ang lagay namin ni NJ, at ng lagay namin ni AG at ang kagustuhan niyang subukan namin ulit.

"Mare, bakit d mo subukang bigyan ng pagkakataon ulit si AG kesa naghihintay ka sa wala kay NJ?" tanong niya.

"At kung magiging kami ni AG, how long bago niya maisipang mag=settle down, nasa edad na kami na yan ang pinag-iisipan...." sagot ko.
"Ang sa akin lang naman, si AG, bigas na yan, isasaing mo nalang at ma-eenjoy mo na. Si NJ, binhi palang, mag-aararo ka pa, magtatanim, maghihintay maging palay, at sa kalaunan, d ka pa sigurado kung magiging maganda ang ani mo."

At sinong mag-aakala na may pagka-makata ang babaeng dragona? Napaisip tuloy ako. Dumiretso na ng uwi si Puff, susubukan daw niyans sumunod sa bahay later.
Sa bahay ang venue ng celebration ng last day ng second sem. Balak talaga namin na sandali lang, tutal maaga kaming magsisimula. By 3:30 fly na kami sa savemore sa Nagtahan. Asia, BBB, NJ at ako. Yung madali lang lutuin, chicken and pork adobo. Mga chichiria. Food trip nanaman itoh. Nung nagcelebrate kami ng last day ng first sem, sosyalan. Absolut citron at chivas regal ang nomo. Ngayon, dahil purita mirasol kaming lahat, granma. Mga present:

Maine
LA
Asia
EllaB
Honey
BBB
Gilbeys
Bernard
NJ
Yj

Guest of honors:

Sarah (Girlfriend ni Gilbeys)
Bart (Boyfriend ni EllaB)

Hindi na nakasunod sina Puff, RJ, Jhay at ang bayot na si Lou.

Unang pinaikot ang isang litro ng granma. Walang kamatayang icedtea ang chaser. Habang nag-iinuman mega reminisce sa mga kalokohan sa nagdaang sem. Binuksan ni Maine ang celebration with her opening remarks. Yes, may ganun. Siempre pa gustuhin man naming iwaksi ang ala-ala ni Cinder, naging bahagi parin siya ng buhay namin. Kaya naman ang Gilbeys may naisip na kalokohan. Binuksan ang video, hinila ang mga powerpuff girls.

“Ikaw kunyari si Cinder,” utos niya kay Asia.

Hinila niya si Bernard at “Ikaw naman si NJ.”

“Magkakaroon tayo ng reincarnation ng unang inuman natin,” excited na sabi ni Gilbeys. Natawa kaming lahat.

“Tang ina mo, re-enactment!!! Anong reincarnation?” sabi ko.

“Ay oo nga pala,” sagot niyang napapakamot ng ulo. Natatawa lang naman ang super shutiful niyang jowa na si Sarah na medyo nahihiya pa dahil first time niya kaming nakasama.

Ayun na nga, sa gitna ng inuman, nagkulitan. Pagkatapos ng mahaba-habang re-enactment ng kung ano-anong naaalala namin, naglagay kami ng upuan sa gitna ng living room at bawat isang miyembro eh uupo, at sasagutin ang tanong na, “What’s the best thing about being a TL.”

Kanya kanya kami ng drama. Kanya kanya ng moment… kanya kanyang pasasalamat sa bawat isa.

“The world fears time. But time fears TL. For the bond of our friendship will stand the test of time. It will linger long after the pyramids of Egypt had vanished, and the great wall of china is no longer great. Thank You my TL family. I love you so much guys.!!!”

Kulitan Pics....




wet na wet hahahaha


honey ko...



Nipple play with BBB... hahaha char lang

"Yj, please don't leave me...."




Nagkasayawan. Paulit-ulit ang awit kong tumutugtog sa bagong biling ipod ni NJ na nakasalpak sa altec lansing na speaker ko.

I never thought that I'd fall in love, love, love
Because I can't sleep til you're next to me
No I can't live without you no more
Oh I stay up til you're next to me
Til this house feels like it did before
Feels like insomnia ah ah,
Feels like insomnia ah ah,
Feels like insomnia ah ah,
Feels like insomnia ah ah...


Akmang-akma ang song sa nararamdaman ko ngayon. Siempre hindi mawawala ang mga pasabog na pictorials. Naunang umuwi sina Gilbeys at Sarah. Nang maubos ang isang litro ng granma, nagkayayaang magswimming sa baba. More kulitan. Si Bernard lasing na lasing na. Ang ingay ng damuho. Dahil may hyper sensitivity reaction ako to just about anything, hindi ako makapag swimming dahil hindi nga ako pwedeng mababad sa tubig ng matagal. Kami nalang nina EllaB at Bart ang kumuha ng pictures sa mga nakalusong sa tubig. Umuwi sina EllaB at Bart dahil naghihintay na ang mudra ng bilat. Si Honey, nagbihis din after about half an hour dahil babalik pa siya sa ospital. Hinatid nina BBB at Nj si Honey. Naiwan naman ako with Bernard, Asia at LA, na enjoy na enjoy sa pagbababad at pagpictorials. Mga feeling FHM models ang mga bilatsing. Bihis na kaming lahat ng dumating sina BBB at NJ dala-dala ang isang bucket ng chicken joy na pinabili ko. Kumain muna kami bago sinimulang itagay ang natirang isa pang bote ng granma. Apat nalang kaming umiinom. Kami ni NJ at yung dalawang bilat. Ewan ko kung bakit nag-iinarte nanaman ang BBB at ayaw uminom. Si Bernard natulog muna. Pagkaubos ng granma, hinatid namin ni NJ sa labasan yung mga girls. Dumiretso kami sa convenience store para bumili ng dalawang redhorse mucho. Alas kuwatro na ng umaga, si BBB tulog na sa kuwarto ko. Si Bernard nagising at nanood ng mga kalibugan sa net. Kaming dalawa nalang ni NJ ang uminom at nag-usap. Kung ano ang pakiramdam niya na lumaking wala sa piling ng tunay na ama. Kung ano ang pakiramdam ko na lumaki ng wala sa piling ng parehong magulang. Mga plano niya in case na sa kanya nga ang dinadala ni Cinder. Marami kaming napag-usapan. Hanggang sa mapunta kami sa lagay ng relasyon namin…

“Is it wrong for me to think that there is something going on between us already implied but not stated?” tanong ko.

Tumingin siya sa akin, ngumiti, “NO…”

Kung ano man ang mga sumunod na linya sa usapan at kung pano nangyari, gusto ko munang sarilinin. Balang araw, isusulat ko din dito at ng malaman niyo kung gano kaganda ang moment na yun. Basta ang masasabi ko lang, kahit pagsama-samahin pa ang lahat ng droga sa mga bansa sa latin amerika, hindi kayang pantayan ang “HIGH” na nararamdaman ko ngayon. At hindi na binhi lang ng palay si NJ. Hindi rin bigas. Yang chow na.... hahahahaha. Char lang.

Sa lahat ng mga sumuporta sa akin at kay NJ…. Powerpuff girls, buong TL family, Melo, Ace, Luis, Aris, sa lahat ng mga nagbabasa ng blog na ito (kahit d kayo karamihan hehehehe), sa mga kinilig, sa mga naaasar na dahil puro tungkol kay NJ ang sinusulat ko, SALAMAT NG MARAMI sa inyo.

NJ, honey ko, I know you hate promises, so I won’t promise you this, pero makakaasa ka na gagawin ko… KAHIT KAILAN, KAHIT ANONG MANGYARI, HINDING HINDI KITA IIWAN. MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA. MAHAL NA MAHAL KITA. SALAMAT SA PGBIBIGAY MO SA AKIN NG PAGKAKATAONG MARAMDAMAN ULIT KUNG PANO MAGING MASAYA AT KUNG PANO MAGING MALAYA. MARAMING SALAMAT SAYO NJ, HONEY KO.