Pages

Sunday, March 22, 2009

Salamat....


Friday (March 20 2009)… Pigang-piga ang utak ko. Lahat ng exam ko, tatlong majors, religion na feeling major, at SocArts, nagsabay-sabay. Pero by 2:30 tapos na lahat. Tambay na kami sa Tspot. Waiting for my honey. Habang naghihintay ng ibang TLs, nagyosi muna kami ni Puff sa labas ng school. Napag-usapan ang lagay namin ni NJ, at ng lagay namin ni AG at ang kagustuhan niyang subukan namin ulit.

"Mare, bakit d mo subukang bigyan ng pagkakataon ulit si AG kesa naghihintay ka sa wala kay NJ?" tanong niya.

"At kung magiging kami ni AG, how long bago niya maisipang mag=settle down, nasa edad na kami na yan ang pinag-iisipan...." sagot ko.
"Ang sa akin lang naman, si AG, bigas na yan, isasaing mo nalang at ma-eenjoy mo na. Si NJ, binhi palang, mag-aararo ka pa, magtatanim, maghihintay maging palay, at sa kalaunan, d ka pa sigurado kung magiging maganda ang ani mo."

At sinong mag-aakala na may pagka-makata ang babaeng dragona? Napaisip tuloy ako. Dumiretso na ng uwi si Puff, susubukan daw niyans sumunod sa bahay later.
Sa bahay ang venue ng celebration ng last day ng second sem. Balak talaga namin na sandali lang, tutal maaga kaming magsisimula. By 3:30 fly na kami sa savemore sa Nagtahan. Asia, BBB, NJ at ako. Yung madali lang lutuin, chicken and pork adobo. Mga chichiria. Food trip nanaman itoh. Nung nagcelebrate kami ng last day ng first sem, sosyalan. Absolut citron at chivas regal ang nomo. Ngayon, dahil purita mirasol kaming lahat, granma. Mga present:

Maine
LA
Asia
EllaB
Honey
BBB
Gilbeys
Bernard
NJ
Yj

Guest of honors:

Sarah (Girlfriend ni Gilbeys)
Bart (Boyfriend ni EllaB)

Hindi na nakasunod sina Puff, RJ, Jhay at ang bayot na si Lou.

Unang pinaikot ang isang litro ng granma. Walang kamatayang icedtea ang chaser. Habang nag-iinuman mega reminisce sa mga kalokohan sa nagdaang sem. Binuksan ni Maine ang celebration with her opening remarks. Yes, may ganun. Siempre pa gustuhin man naming iwaksi ang ala-ala ni Cinder, naging bahagi parin siya ng buhay namin. Kaya naman ang Gilbeys may naisip na kalokohan. Binuksan ang video, hinila ang mga powerpuff girls.

“Ikaw kunyari si Cinder,” utos niya kay Asia.

Hinila niya si Bernard at “Ikaw naman si NJ.”

“Magkakaroon tayo ng reincarnation ng unang inuman natin,” excited na sabi ni Gilbeys. Natawa kaming lahat.

“Tang ina mo, re-enactment!!! Anong reincarnation?” sabi ko.

“Ay oo nga pala,” sagot niyang napapakamot ng ulo. Natatawa lang naman ang super shutiful niyang jowa na si Sarah na medyo nahihiya pa dahil first time niya kaming nakasama.

Ayun na nga, sa gitna ng inuman, nagkulitan. Pagkatapos ng mahaba-habang re-enactment ng kung ano-anong naaalala namin, naglagay kami ng upuan sa gitna ng living room at bawat isang miyembro eh uupo, at sasagutin ang tanong na, “What’s the best thing about being a TL.”

Kanya kanya kami ng drama. Kanya kanya ng moment… kanya kanyang pasasalamat sa bawat isa.

“The world fears time. But time fears TL. For the bond of our friendship will stand the test of time. It will linger long after the pyramids of Egypt had vanished, and the great wall of china is no longer great. Thank You my TL family. I love you so much guys.!!!”

Kulitan Pics....




wet na wet hahahaha


honey ko...



Nipple play with BBB... hahaha char lang

"Yj, please don't leave me...."




Nagkasayawan. Paulit-ulit ang awit kong tumutugtog sa bagong biling ipod ni NJ na nakasalpak sa altec lansing na speaker ko.

I never thought that I'd fall in love, love, love
Because I can't sleep til you're next to me
No I can't live without you no more
Oh I stay up til you're next to me
Til this house feels like it did before
Feels like insomnia ah ah,
Feels like insomnia ah ah,
Feels like insomnia ah ah,
Feels like insomnia ah ah...


Akmang-akma ang song sa nararamdaman ko ngayon. Siempre hindi mawawala ang mga pasabog na pictorials. Naunang umuwi sina Gilbeys at Sarah. Nang maubos ang isang litro ng granma, nagkayayaang magswimming sa baba. More kulitan. Si Bernard lasing na lasing na. Ang ingay ng damuho. Dahil may hyper sensitivity reaction ako to just about anything, hindi ako makapag swimming dahil hindi nga ako pwedeng mababad sa tubig ng matagal. Kami nalang nina EllaB at Bart ang kumuha ng pictures sa mga nakalusong sa tubig. Umuwi sina EllaB at Bart dahil naghihintay na ang mudra ng bilat. Si Honey, nagbihis din after about half an hour dahil babalik pa siya sa ospital. Hinatid nina BBB at Nj si Honey. Naiwan naman ako with Bernard, Asia at LA, na enjoy na enjoy sa pagbababad at pagpictorials. Mga feeling FHM models ang mga bilatsing. Bihis na kaming lahat ng dumating sina BBB at NJ dala-dala ang isang bucket ng chicken joy na pinabili ko. Kumain muna kami bago sinimulang itagay ang natirang isa pang bote ng granma. Apat nalang kaming umiinom. Kami ni NJ at yung dalawang bilat. Ewan ko kung bakit nag-iinarte nanaman ang BBB at ayaw uminom. Si Bernard natulog muna. Pagkaubos ng granma, hinatid namin ni NJ sa labasan yung mga girls. Dumiretso kami sa convenience store para bumili ng dalawang redhorse mucho. Alas kuwatro na ng umaga, si BBB tulog na sa kuwarto ko. Si Bernard nagising at nanood ng mga kalibugan sa net. Kaming dalawa nalang ni NJ ang uminom at nag-usap. Kung ano ang pakiramdam niya na lumaking wala sa piling ng tunay na ama. Kung ano ang pakiramdam ko na lumaki ng wala sa piling ng parehong magulang. Mga plano niya in case na sa kanya nga ang dinadala ni Cinder. Marami kaming napag-usapan. Hanggang sa mapunta kami sa lagay ng relasyon namin…

“Is it wrong for me to think that there is something going on between us already implied but not stated?” tanong ko.

Tumingin siya sa akin, ngumiti, “NO…”

Kung ano man ang mga sumunod na linya sa usapan at kung pano nangyari, gusto ko munang sarilinin. Balang araw, isusulat ko din dito at ng malaman niyo kung gano kaganda ang moment na yun. Basta ang masasabi ko lang, kahit pagsama-samahin pa ang lahat ng droga sa mga bansa sa latin amerika, hindi kayang pantayan ang “HIGH” na nararamdaman ko ngayon. At hindi na binhi lang ng palay si NJ. Hindi rin bigas. Yang chow na.... hahahahaha. Char lang.

Sa lahat ng mga sumuporta sa akin at kay NJ…. Powerpuff girls, buong TL family, Melo, Ace, Luis, Aris, sa lahat ng mga nagbabasa ng blog na ito (kahit d kayo karamihan hehehehe), sa mga kinilig, sa mga naaasar na dahil puro tungkol kay NJ ang sinusulat ko, SALAMAT NG MARAMI sa inyo.

NJ, honey ko, I know you hate promises, so I won’t promise you this, pero makakaasa ka na gagawin ko… KAHIT KAILAN, KAHIT ANONG MANGYARI, HINDING HINDI KITA IIWAN. MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA. MAHAL NA MAHAL KITA. SALAMAT SA PGBIBIGAY MO SA AKIN NG PAGKAKATAONG MARAMDAMAN ULIT KUNG PANO MAGING MASAYA AT KUNG PANO MAGING MALAYA. MARAMING SALAMAT SAYO NJ, HONEY KO.




12 comments:

wanderingcommuter said...

minsan kapag nakikita ko ang mga pictures na ito, ayaw kong maniwalang hidni ka happy sa lovelife mo.. hahaha

Luis Batchoy said...

Tigilan ang Drama Recipe!

Chos!

Im happy for you friend! Kahit natatakot ako, sige go lang ng go sa Honey natin... Natin daw oh!

For a shot at happiness, everything is worth it... kemverklous sa mga bigas bigas na yan, may arocera tayo!

Go lang ng go... andito lang ako... mura lang ang tisyu and there is nothing that a hot mug of coffee and yosi can not heal.

Take the plunge! Ahmisha and Ahlabia

Yj said...

@ewik... ngayon, masayang masaya na ako ewik... hahahaha salamat ng marami sa suporta mo.... alam ko isa ka sa mga dahilan kung bakit humantong sa moment na ito ang buhay namin ni NJ, dahil isa ka sa mga nag wish and pray na matupad ang mga pangarap ko... thank u... muahz

@Luis... alam na alam ko yan!!! hahahaha at yes... honey naten hehehehehe

Anonymous said...

Reincarnation?? pinatay si cinder hahaha.

Torn between two lovers ang drama mo sisteret. di ko alam yun ah.. mahirap ba mamili or mas matimbang na talga si lolo NJ.. sige na mga mag MU na kayo.. hahaha..

sobrang kakakilig.. after soooooooooooo long you are inlove again.. kala ko puro joke lang that time. I never thought that both of you will go that far.. at sana mas malayo pa..

i'm so so happy for you... hayz sana mameet ko din sya... ahihihi... siguro nagssparkle din ang mata nya at may puso puso pa.. hahaha..

sana naman mabasa ni NJ yung message mo sa kanya.. hihihi

Anonymous said...

ka-sweetan na naman. hinding-hindi ako magsasawa na basahin ang luvlife niyo ni NJ... napakagandang kuwento.

sana maging masaya kayong pareho. hehehe!

glentot said...

Hmm, gray talaga mga mukha nyo?


heheheee joke

Yj said...

@melo... mas matimbang? kanino? wala na bang ibang nagmamay-ari ng puso ko... hahahaha choz!!! mishu sister...

@karakrus... salamat... at go, balik-balik ka lang and then spread the sweetness virus hehehehe

@glen... next time try ko yung bioman colors naman hehehehehe red to pink.... hahahaha

Aris said...

friend, ang lakas natin kay God. sinagot ang dasal natin. :)

masayang-masaya ako sa kwento mong ito. sarap ma-in love noh? damang-dama ko. :)

Yj said...

@Aris... salamat ng marami friend... ang saya ng buhay... ang saya saya... somehow itinakda talaga na maging bahagi kayo ng kabanata ng buhay kong ito..... at kung mabibigyan ng pagkakataon, wala akong babaguhin.... salamat ng marami....

Diosa said...

Mare.. I am happy about what's happening sa love life mo.

Carpe Diem!

Yj said...

thank you inang diyosa.... at alam mong may kinalaman ka sa mga nangyayari sa buhay ko.... kagustuhan niong mga diyos at diyosa ito....

hehehehe thank u...

muah

Rome Diwa said...

I must admit, naaddict na ako sa story nyo.