Pages

Monday, March 16, 2009

The first night...






Monday (March 9)… Diretso kami ng Tspot pagkatapos ng SocArts. Inabutan namin si NJ dun. Dahil wala na kaming klase nagkayayaan mag-mall. Saan pa? Robplace. Si LA asar talo, yung ibinayad ni Cinder sa kanyang 500pesos, nawala. May sumpa talaga ang babaeng yun, mantakin mo siya na nga yung may utang, siya pa ang galit magbayad. Nung biyernes kasi na naginarte siya at dinala sa ospital, kay LA siya nangutang ng pampa-ultrasound daw. Dahil nangakong magbabayad kinaumagahan, pinahiram ni LA yung allowance niya for this week. Eh kaso hindi yata nagbayad si Cinder nung Sabado. Sabi ni LA okay lang basta magbayad siya ng Monday para may allowance siya. So kanina nagbayad na nga si Cinder, pinaabot kay Asia.

“Ayan ang 500… baka NAGUGUTOM NA SIYA!” sabi daw ni Cinder kay Asia ng may halong pang aasar. Kaya naman umagang-umaga palang sira na ang araw ni LA. Ayun, nawala pa niya yung pera. CINDER = SALOOOOOOOOOOOOOT!!!

So ending, kaming tatlo lang ang tumuloy sa rob. Asia, NJ at ako. Dumaan muna kami sa dorm ni Asia, magbabayad daw kasi siya. Ewan ko ba sa mga batang to. Gaya nitong si Asia, nagbabayad ng pagkamahal-mahal sa dorm niya, tapos sa jowa naman niyang si Graham siya nakatira most of the time. Nagsasayang lang ng pera.

Yayayain sana naming mag-lunch si Luis pero walang reply ang lola. Baka natutulog pa. Nag-lunch nalang kaming tatlo sa C2. Tinolang binakol, binagoongang lechon kawali, shrimp maruya at bagoong rice. Okay naman lahat ng pagkain maliban sa maruya. Feeling ko, masarap pa pag ako ang gumawa nun. Isa nga lang ang nakain namin sa tatlong maruya, pilitan pa. yung dalawang natira, pinaglaruan nalang ni NJ. Nasabi ko na bang mahilig maglaro ng pagkain yan? At walang nagagawa ang galit ko.

Dahil busog, tumambay muna kami dun. Sarap kasing humilata sa mga upuan nila. Nag moktyur moktyur nalang kami using NJ’s fone. Dahil lagi namang masayang kasama si Asia, panay ang tawa ni NJ. Natutuwa lang naman ako. Nakakalimutan niya problema niya. Nag-ikot muna kami. Tumingin ng puwedeng mabiling damit for the recognition day. Then nagkape nalang sa starbucks. Kuwentuhan. Si Asia nagpapakanerd, gumagawa ng outline ng reviewer using her uber-biggie book na talaga namang pampatulog sa may insomnia. Isang hampasan lang sa ulo at tiyak bagsak ka.

“Nandun kaya sa dorm si Cinder? Ayoko ng umuwi dun…” si NJ.

“Eh d huwag kang umuwi dun. Sa bahay ka nalang muna,” ewan ko kung bakit ko sinabi yan.

“Talaga? Sige…. Pano yung mga gamit ko?”

“Ay naku… kunin mo na mamaya yung pwede mong kunin. Yung iba, ako ng bahala. Hahakutin ko nalang pag wala siya at ilagay ko muna sa kuwarto ni Graham,” si Asia na nakakaloko na ang tingin sa akin.

Dumaan kami sa hotel ni Luis para sana ibigay yung USB ng camera na pinahiram ko sa kanya para makapag-upload agad siya ng pics. Pero d namin siya inabutan. Nakaalis na daw. Nag text siya later at nakipag-meet pala sa friend niyang si Charm. Nag-taxi na kami pauwi ng dorm. Habang nag-iimpake si NJ, nag-upload naman ng mga pics si Asia sa laptop. Pero panay ang tayo at lipat sa kuwarto kung nasan kami para lang mang-asar.

“Hala bilisan niyo. Aabutan kayo ni Cinder dito… d ka na makakaalis NJ,” sabay bubungisngis.

Biglang umulan. Pati yata langit nakikidalamhati na sa mga kamalasang nangyayari sa TLs. Nang tumila ang ulan, dali-dali kaming lumabas. Basta ang usapan, sasabihin ni Asia kay Cinder na umuwi ng Paranaque si NJ. Nag-iwan din ng note si NJ sa nakitang post it na nakakalat dun. Ako pa pinagsusulat niya, pero tinuruan ko nalang siya ng isusulat niya. Heler, alam kaya ni Cinder mga handwriting namin.

“Gone home to Paranaque. I need some time so I could think.” Sabay dikit sa pader.

Paglabas namin ng gate, nagyaya si Asia na sabayan nalang namin siya pabalik ng school at dun nalang daw kami sumakay. Kaso naisip namin na baka makita pa kami ni Cinder kaya naglakad nalang kami patungong Nagtahan. Ayun putang ina. Sa dami ng masasalubong namin, si Cinder pa. Nakita ko na siya eh, malayo palang. Yayayain ko sanang bumalik si NJ kaso nakita na rin niya kami. Lakad kami, ng malapit na kami sa kanya, yumuko na ang bilat.

“Cinder,” bati ni NJ. Huminto naman siya. Pero nakayuko parin. Paawa epek. Best actress talaga ang potah. Sarap sabunutan. Dahil wala ng masabi si NJ at nabibingi na ako sa katahimikan…

“Where have you been?” tanong ko.

“School.”

“How come na galing ka diyan?”

“Sumakay ako kasi ang sakit ng mga paa ko. Hindi ko kayang maglakad,” pa-sweet pa rin ang gagah.

“Okay… see you…” paalam ko.

“Okay…”

At naglakad na ulit kami. Nang medyo makalayo, pinakawalan na ni NJ ang kanina pa niya pinipigilang tawa. Kung minamalas ka nga naman.

Nasa balcony kami, nagyoyosi.

“Tang ina d ko na alam gagawin ko…” si NJ habang pinagmamasdan ang Makati skyline.

“Ikaw kasi eh…. Kung nakinig ka sa amin….”

“Taman na Yj… alam ko na yan… gagoh ako…” halos pabulong nalang ang boses niya.

Niyakap ko siya.

“Sorry… sige na, nandiyan na yan. Huwag na tayong magsisihan,” pang-aalo ko sa kanya.

“Sorry din.”

Nanonood kami ng TV, hinihintay makapagluto si Manang. Nagtext ang Asia.

“Putang ina Yj, si Cinder nagwawala sa kabilang kuwarto. Kung ano-ano binabasag.”

“Sabihin mo na huwag siyang mag-inarte at walang magagawa yan ngayon. Sabihin mo na bigyan niya si NJ ng panahong mag-isip.”

“Sinabi ko na yan. Sagot nga niya, bakit pa daw eh wala namang isip si NJ.”

Nakakapikon ang potah. Bakit siya ba may isip? Nag-isip ba ang potang ina niya nung magdesisyon siyang magpabuntis. Nag-iinarte siya…. Buti sana kung first time niyang mabuntis, eh sanay na sanay naman siya!!!

Ilang minuto ang lumipas. Nag-text si Graham.

“Yj, magpapakamatay si Cinder.”

Potang ina talaga ang babaeng itoooooooooooooooh!!! Tawag ako kay Graham. Si NJ deadma.

“Ano bang eksena nanaman niya?”

“Pagdating ko, binuksan ni Cinder kuwarto nila. Nagbasag siya ng salamin at kumuha ng bubog. Hihiwain niya yung pulso niya. Pinigilan ko.” Kuwento ni Graham.

Alam ko na agad. Kadramahan nga lang niya. kung magpapakamatay ka, hindi ka maghihintay ng audience. Bakit kailangang hintayin pa niyang may dumating sa mga kasambahay niya at kailangang buksan ang pinto para ipakita?

Sinabi ko kay NJ ang kinuwento ni Graham.

“Do you think we should go there?” tanong ko.

“Pag pinuntahan natin ngayon yan, mamimihasa yan. Pabayaan mo siya.” Sagot ni NJ.

Good point. Nang masigurado ni Asia na okay na si Cinder, pinaligo ko na si NJ para makapagpahinga na. Pagkaligo ko, inabutan ko si NJ sa kama, d pa natutulog. Hinintay pala ako. Sheeeeeeeeet pano ako makakatulog nito? Katabi ko siya. Pagkahiga ko sa tabi niya, yumakap agad ako sa kanya. Ang ulo ko sa dibdib niya. Ang braso niya, nakayakap sa balikat ko. Pakiramdam ko binabakuran na niya ako. Shet.

“Good night NJ.”

“Good night Yj.”

Napakadaling dalawin ng antok ni NJ. Ilang minuto lang naghihilik na siya. Pero yung mahinang hilik lang. Yung masarap pakinggan. Nahirapan talaga akong matulog, maya’t maya ang balikwas ko sa kama. Isipin niyo ng weirdo ako pero pinagmamasdan ko lang siya habang natutulog. Para siyang anghel. Pwomiz.

But somehow, nakatulog ako. Dahil at one point nagising ako. Si NJ nakahiga sa braso ko. Nakayap sa bewang ko. Hinaplos ko yung buhok niya. Isang bagay na hinding hindi ko pagsasawaang gawin. Hinalikan ko siya sa ulo. Naramdaman siguro niya, dahil bigla siyang kumilos. Siniksik niya lalo ang ulo niya sa pagitan ng braso at leeg ko. Hinigpitan niya ang yakap sa akin. Nagmistulang langit ang kama ko sa mga sandaling yun….

Unang gabi pa lang namin yan…… Bwah!

***
Melo, ngayon ka na tumambling hahahaha Char lang!!!
artwork from Steve Walker

4 comments:

Anonymous said...

nyahahaha! kaartehan nga naman ni CINDER hehehe... mabuti naman at hindi na siya pinansin ni NJ sayang naman ang unforgettable na magdamag kung ganun di ba? hahaha! sabihin mo ke NJ jan na siya tumira at magsama na kau... hahaha!

hihintayin ko ang mga susunod pa. hehehe! love it!

Anonymous said...

sheeeeeeeeeetttttttttt.. pektyur pa lang tumatambling na talga ako.. seryoso ba to??? totoo ba nakikita ko.. ganyan ba talga if you keep your expectations down, tamo nga everything is falling into place without you expecting it...sa sobrang excitement at kilig muntikan ko pang itype ang buo mong name...hahaha.. sabi ko na nga ba talaga kaw magpapabago sa pananaw ng lalaking yan. bwahahaha...

si cinder yaan niyo na yan, papansin lang yan. obvious na nagiinarte at ginagamit lang si NJ.. sureness.. malamang di nga si NJ ang tatay and worse comes to worst baka di naman talaga siya totoong buntis.. bwahahha

nobela na comment ko.. naexcite ako eh.. lakas pa rin ng dating mo.. hihihi

Luis Batchoy said...

boring... walang sex! Chos!

Ate laging paalala ko sa yo ha!

Kung anong mangyari andito lang ako. Kahit lipad ulit ako jan sa Manila...

Yj said...

@karakrus.... actually, naestablish na namin hehehe sabihin ko na para d ka maexcite hehehehe.... dito na nga siya titira.... bwahahaha thanks sa po sa suporta....

@melo.... sabi ko sayo dito ka tatambling eh hehehehe

@luis.... alam mo yan!!! ikaw na nga nagsabi na darating din kami sa meaning ng TL mo d bah hahahaha

thank u thank u.... muahahahahaha

naliligo siya ngayon habang sinusula ko toh....