Pages

Monday, March 16, 2009

Coke, Cigarette and the Power Puffs....




Tuesday (March 10)….. May dalawang oras akong bakante bago Creative Writing kung saan ako na nakaschedule sa defense ng sinulat at pinasa naming short stories. Sinamahan ako ni NJ sa hotel ni Luis. Pauwi na sa Iloilo ang aking newfound friendship. Kailangang magbigay pugay bago man lang siya lumipad tungo sa mga bisig ng kanyang minamahal na siyudad. Inabutan namin siyang naninigarilyo at nagmumuni-muni sa kanyang kuwarto. Hhhhhhhhhhhhm nag-iisip kung itutuloy ang pag-uwi. Chikahan portion muna kami. Siempre alam na niya na sa bahay natulog si NJ the night before.

“Pagbalik mo ng Manila, kasal na kami ni NJ,” biro ko.

“Hoy anong kasal? Kailangan nandun ako sa kasal niyo,” pangongorek naman ni Luis. Natatawa lang ang honey ko.

Sinimulan na ni Luis mag-upload ng pics sa kanyang laptop, dala ko kasi ang USB ng camerang ginamit namin sa concert. Si NJ nakahilata sa kama, ako nakahilata sa kanya. Naglalambing. Sanay na si Luis sa amin. Pagkatapos mag-upload ni Luis, browse kami ng ibang mga pics ng kanyang mga kalalakihan, nakikiusyoso lang naman ang honey ko. Hanggang sa maalala ko yung pic ni Luis na napasama sa isang exhibit. Pinagyabang ko kasi kay NJ yun, kaya pinakita namin. Ito yung mega pose ang lola mo sa loob ng isang box in the nude, tapos inedit para silhouette lang ng katawan ang lumabas. Kaya naman mistulang greek god ang drama ng pic. Then naalala ni Luis na may kopya pa pala siya ng mga raw pics. Although nagbababala naman siya na medyo (medyo?) censored ang dating, kaya ok lang. Pinakita sa amin isa-isa ni Luis ang mga ginawa niyang pose sa loob ng box na iyon. At talaga namang buyangyang kung buyangyang ang kanyang kepz, ay nota pala. Hehehehe. Hindi naman talaga malaswa, artistic nga eh. Oha! Kaya lang ang honey ko, mukhang na culture shock na. Sure na, lagi naman siyang nakakakita sa mga bold movies na napapanood niya ng pototoy, pero iba siguro pakiramdam niya na nakikita ang notring ni Luis, dahil kakilala niya ito. Hehehehehe…. Aside from that slight shock in NJ’s eyes, eh mukha namang nag-eenjoy siyang maki-view.

Oist Luis…. Loka-loka, mas nauna pa niyang nasilayan ang kabuuan ng alindog mo kesa sa kabuuan ng balingkinitan kong katawan. Hehehehehe

Then nagbihis na si Luis at fly kami ng robplace para mag-lunch. Forty minutes nalang at start na ng defense ko. Foodcourt kami, pag minamalas ka nga naman, ang daming tao, walang maupuan. Nagkabrasuhan na yung ibang customers. Siempre pa dahil may kalakihan ang kaha ng katawan ni Luis, madali kaming nakakuha ng puwesto. Takot lang nilang makiagaw. Ayun, malungkot kasi uuwi na siya. Tapos binigyan pa niya ako ng fortune plant as a thank you gift. Ito yung maliliit na parang bamboo? Yung cute na halaman. Sabi ni Luis, alagaan ko daw mabuti kasi someday daw mamumunga ito ng lalake. Hahahaha…. Kaya didiligan ko araw-araw para marami siyang bunga balang araw, at bibigyan ko kayo ng bonggang bongga. Dapat lahat tayo tig-isa. Buti nalang nagmamadali kami ni NJ, dahil hinahabol ko nga ang oras. Kung hindi, nakapokus sana ako sa pag-uwi ni Luis at malamang naglulupasay na ako sa iyak. Mamimiss ko kasi ang bruha. Lalo na kakulitan niya.

Nalate ako. Pero okay lang kasi next meeting na daw ang defense. Yes!

So nauna akong umuwi. Sabi ko kay NJ, text nalang siya pag pauwi na siya at susunduin ko siya sa gate. Mag-aalas otso na yata ng magtext siyang pauwi na siya. Akala ko kasi magjijeep or fx siya kaya pumunta pa ako ng kanto para dun siya sunduin. Habang naghihintay ako, tinext ko si Luis. Kinumusta ko ang biyahe niya.

“Namiss ko ang flight ko teh…. Nagpenalty pa ako ng 2k.”

“HA? Asan ka ngayon?” tanong ko.

“Dito galleria. Hinihintay si Charm. Magmemetro-walk kami mamaya.”

Bongga. D nagpaawat ang lola ko. Extend kung extend ang kanyang Manila tour. Hahahahaha

Tapos may humintong taxi sa harap ko, honey ko kasama sina Asia at BBB. Sumakay na ako sa taxi papunta sa amin. Tumambay kami sa poolside. Bumili sina NJ at BBB ng mga chichiria, yosi at isang 1.5 na coke. Walang baso-baso. Straw. Usap kami. Okrayan. Nagpowerpuff meeting pala sila sa jollibee after class. Actually sina Maine, Asia, LA at EllaB lang naman ang powerpuff girls. Kaso lagi lang kasama si BBB kapag may meeting/okrayan/bastusan sila kaya napasama sa grupong PPG itong si BBB kahit boylet siya na may pagkabayot (amoy ko, ayaw lang umamin ng damuho). Minsan nga gusto ko ng budburan ng asin ang loko para lang malaman kung mangingisay siya. Hahahaha….

Ayun, dahil sa kakulitan ni Asia naglaro kami. Lahat ng gusto naming sabihin idadaan sa mga songs…. Banat ako…

“Kung ako nalang sana ang iyong minahal….”

Sagot si NJ… “Bakit ngayon ka lang?... bakit ngayon….”

“Matagal na akong nandito. Hindi mo lang ako napapansin dahil binulag ka ng sarili mong libog….” Pang-aasar ko sa kanya. Natawa lang sina BBB at Asia.

“Eh hindi naman kanta yang sagot mo eh…” sabi ni NJ ng may halong paglalambing.

“Hon mahal mo ako?” tanong ko. Ang Asia at BBB, nanahimik, pokus, pigil ang mga hininga, hinihintay ang sagot ni NJ sa tanong ko.

“Siempre…” sagot niya.

“Yeeeeeeeeeeeeeeeeee-ha!” chorus nung dalawa.

“Gaano mo ako kamahal?” tanong ko parin.

“Hindi ko alam. Basta lab kita…” sabay tingin ng pagkalagkit-lagkit.

Ito na yung pakiramdam na sinasabi ni Santino…. “ANG SARAP SARAP!!!”

Nang medyo nakaramdam ng init, naghubad ng pangitaas si NJ at nag-dive sa pool. Tuloy naman ang chikahan naming tatlong naiwan. Mostly kinukulit nalang ako nina BBB at Asia. Alam kong natutuwa sila para sa akin.

“Ikaw Yj, gaano mo kamahal si NJ?” tanong sa akin ni Asia ng may pakindat kindat pa at ngiting aso.

“Hindi ko rin alam…” seryoso kong sagot.

“Hmmmm dapat alam mo ah!” sundot pa ni Asia.

“Ay naku… tigilan niyo nga ako….” Sabi ko sabay sindi ng bagong yosi.

Hinatid namin sa kanto yung dalawa bago mag-alas dose. Pagpanhik sa bahay, pinaligo ko agad si NJ dahil basa pa ang kanyang boardshorts, baka magkasakit. Okay, I don’t know about you, pero may isang bahagi ng katawan ni NJ na adik na adik ako. Kili-kili niya. Hahahahahaha…. Natulog ako ng nakasuksok ang face ko dun, the whole night. Ang bango-bango kasi eh… ewan ko ba…. Nasisiraan na yata ako ng ulo sa sobrang pagmamahal ko sa damuhong ito.

Kinaumagahan, (Wednesday March 11) nagpaalam sa akin ng maaga si NJ. Susunduin daw siya ni K, isang kaklase niya na kakilala ko rin. Caster kasi itong si K sa mga commercials. At isasama niya si NJ sa commercial na ginagawa para sa isang brand ng alak. Sina Tim Yap, Jake Cuenca at Angelica Panganiban daw ang main endorsers.

“Baka naman paghintayin ka ng pagkatagal-tagal diyan tapos barya lang ibayad sayo ha… bigyan nalang kita ng pera at pumasok ka nalang sa school,” sabi ko.

“Papasok ako sa school, promise. Sandali lang daw to sabi ni K. Tsaka para may pera tayo.”

Ayun… hindi umuwi kinagabihan. The following day ko na nalaman kung bakit. Nagtext ako sa mga PPG….

“Sheeeeeeeeeet sanay na akong matulog ng katabi siya. Hindi ko kayang matulog mag-isa.”

“Tse! Tumigil ka nga…. Para ngayon lang mawawala yung tao eh…” sagot ni EllaB.

Hmmmmmmp hindi man lang ako pagbigyan sa pag-iinarte ko. Natulog na nga lang ako.

Bwahahahahaha……………..
****
Si Asia yang nasa second pic... kuha yan last sem. Noong maisipang mag-inuman at magswimming dito sa bahay.
artwork from steve walker

9 comments:

Herbs D. said...

nice. an in depth story of Louis' trip in the big city. :)

Anonymous said...

bongga. minsan nga magpost ka naman ng pic na me picture ni NJ yung mejo halata naman yung face... tsaka sau din.

sobrang mahal mo na talaga no? pati kilikili kinaaadikan mo na eh. hehehe!

Luis Batchoy said...

gaga ka ba? Anong kalalakihan ang pinagsasabi mo? Walang kalalakihan! Ako lang ang nag iisang lalaki sa buhay ko! Tama ba yun? Hehehehe... Natakot naman daw ako sa pagnanasa sa mga mata ng honey mo habang pinapanood ang mala adonis bundat kong mga larawan. Hekhekhek!

Diosa said...

in fairness ha at nagbubunga na ang pagod mo kay NJ. You deserved only the best. Nakakainggit ang kaharutan mo ma'am...

gusto kitang kurutin ng tsane ung pinong pino dahil naiinggit na ako sa mga lambutan nyo na umaatikabo.

nakita ko kay luis si NJ mukhang promising ito ha adams apple palang. Promising sa level na gusto kong bigyan ng guillermo mendoza lifetime award. kems!

Aris said...

kaysarap marinig mula sa mahal mo na mahal ka rin niya. hindi maipaliwanag ang kaligayahan, di ba?

kilig ako sa "bakit ngayon ka lang" portion. feel na feel ko ang maigting ninyong pagmamahalan.

natawa ako sa "notring"! ang naughty ni luis hahaha! :)

Anonymous said...

yeeeeeeehaaaaaaaa.. honest naman ng lolo NJ.. hahaha... mahal ka daw nya?? nyahehehe

Yj said...

@herbs.... d pa in depth yan hahahaha

@karakrus.... hahaha parang d ko kaya teh.... mabuti nang ganyan, para may mistery... baka pag nakita mo itsura ko d ka na bumalik dito bwahahahaa choz...

@luis... siya siya... walang kalalakihan hahahahha.... sino nga yung nagba-violin? bwahahahaha

@Diosa.... hahahaha oo ateh... kailangan ko na yata ng kurot na yan... para magkaalaman na kung nananaginip lang ba ako... mishu sister....

@Aris.... yep yep... ANG SARAP SARAP hahahahahaa

@Melo... alam mo yan!!! hahahahha

Luis Batchoy said...

YJ: hindi ko sya lalaki! Minahal ko sya! Chos! Hehehehe...

Herbs: How in-"depth" do you want to get? Talk to me... I can drive it deeper for you!

Luis Batchoy said...

dyosa: gimo mendoza talaga? Ayaw mo gawing Dangal ng Lahi award? Etchos! Nag iinarte ka pa kasing mag text naka balandra naman ang number ko sa blog ko no! Sabi nga nila The more the Many-ier