Almost nine years to this date, nag drop out ako from school. Sa sobrang sakit ng nararandaman ko noon. Sobra ko siyang minahal kahit alam kong may kahati ako sa pagmamahal niya. natural na lang naman yun sabi ko sa sarili ko. Kaso nabuntis niya yug babae. D ko kinaya. Kayang kaya kong maging Maricel sa Love Story. Pero wit ko kering mag ate Shawie sa Madrasta. Fast forward. Eto ako, back to college na. Sabi nga nila, natututo daw tayo sa mga sakit na pinaparamdam sa atin ng buhay. Sa tuwing nakakaranas tayo nito, unti-unting tumataas ang bakod na binubuo natin para protektahan natin ang ating mga puso sa mga tao at bagay-bagay na maaaring makasakit pa sa atin. Kaso dumating siya. Isang ngiti lang niya at durog na ang bakod na parang sementong di pa man tuluyang natutuyo, inulan na.
Nakatambay ako sa t-spot. Nakita kong papalapit sa akin si Maine at Cinder. Umupo si Cinder sa tapat ko. Si Maine nakatayo lang sa gilid ng mesa, sa pagitan namin ni Cinder.
“Sabihin mo na kay Yj ate,” si Cinder. May inabot sa aking papel si Maine. Hindi ko kinuha. Alam ko na. Gusto ko ng tumayo at maglakad palayo. Pero kinailangan kong marinig ang katotohanan.
“Ano yan?” patay malisya kong tanong.
“She’s pregnant,” si Maine.
“Kanino?” tanong ko. Bastusan na. Tang ina eh. Hoping ako na by miracle eh sabihin ni Maine o ni Cinder mismo na hindi si NJ ang ama.
“Kanino pa?” sabi ni Maine, “kay NJ.” Gusto kong maiyak. Pero nagpigil ako. Hindi ko ipapakita kay Cinder na apektado ako sa larong ito na matagal na niyang minamanipula.
“I don’t care! Bakit sa akin niyo sinasabi yan?” sagot ko.
“What? We have to support them… nanjan na yan,” si Maine na pinakamatanda. Laging tinitimbang ang mga pagpipilian kahit sa pinakamalala ng sitwasyon.
“What are you talking about? Support them? Kung gusto mo silang suportahan sa mga katarantaduhan nila, GO! Pero huwag niyo akong idadamay!!!”
Gustong gusto kong sabihin kay Cinder lahat ng nararamdaman ko pero nagpigil ako. Gustong gusto kong sabihin:
Masaya ka na? Hindi ka pa nakuntentong buhay mo lang ang sirain mo? Nandamay ka pa ng ibang tao. May tawag sa mga kagaya mo Cinder. KAMPON NI SATANAS!!! Tang ina ka, wala kang konsiderasyon sa pakiramdam ng ibang tao. Sobra-sobrang sakit ang pinaranas mo sa mga magulang mo ng mabuntis ka almost three years ago. Pero pinatawad ka nila. Kinupkop nila kayong mag-ina. Pinag-aral ka ulit. Pero anong ginawa mo. Puro paglalandi. HALIPAROT KA! TALIPANDAS! Yung anak mo, ni hindi mo makuhang alagaan. Tapos ngayon buntis ka nanaman? Wala kang konsiderasyon sa pakiramdam ng ibang tao. Dapat sayo iniiwasan. Dapat ilagay ka sa isang lugar kung saan wala kang mapeperwisyo. Dapat itali ka sa isang giant kwitis at sindihan ng bonggang bongga para lumipad ka na sa kawalan… POTAH KA!!!
Tumayo ako para pumasok sa major subject. Hinabol ako ni Maine. Nasa hagdanan kami.
“Talk to me…”
“Wala akong sasabihin.”
“But are you okay?” tanong niya.
“Naman. Hindi naman ako ang buntis eh.” Sagot ko.
“Yj, alam ko kung anong nangyari sa iyo noon at kay AG.”
“Iba yun… I was in love with him. Si NJ….. wala lang,” at iniwan ko na siya.
Later that afternoon, inaasar na ako ng mga power puff girls na sina Asia at LA.
“Yj iiyak mo na yan….”
“Ha! Bakit ako iiyak. Tang ina, laking tuwa ko lang pag lumabas ang bata at negro.”
“Hahahaha… oo nga. Malay ba natin kung talagang kay NJ yun,” sabi ni LA.
Alam na raw ni NJ. Pero hindi pa niya alam na alam na naming lahat sa grupo. Wala pang nagsasalita. Parang okay lang naman siya. Hindi ko nakikitaan ng pagkabahala. Ang tapang ng mga kabataan ngayon, hindi mo kaiinggitan. Manlulumo ka. Matutulog na ako. Bukas sana mapagtanto ko na masamang panaginip lang ang lahat ng ito.

5 comments:
hold on tight... anjan na ako mamya
kape kape natin yan mare... akong bahala sa tisyu
aaawwwww....
congrats!
speechless...
tsk tsk tsk
naku naman... GRABE! alam ko nasaktan ka. sobra naman pala yang babaeng yan. ngayon ikaw ang tatanungin ko? uulitin mo ba ang desisyon mo noong iwan mo ang past? aysus????
mahirap nga yan. me naaalala na naman ako... parang nangyari na sakin ang ganito!
so sad naman mare... i hope na malampasan mo rin yan.
nga pala added you on my blogroll... add mo din ako ha hehehe! i really want to make friends with you...
Post a Comment