Pages

Thursday, March 26, 2009

Pool Parties and Plays....

Sunday (March 22)… pasado alas siete na ng gabi ng lumabas ako ng bahay. Pool party ang drama ni Ez pero wala akong dalang gamit. Alak lang talaga sadya ko dun. Hahaha. Wala akong balak mag-swimming. Dito nga sa bahay d ako nagtatampisaw, sa ibang bahay pa? Pagdating ko sa kanto, parang doomsday na. Stuck lahat ng sasakyan patungong Kalentong. Walang kumikilos, at ang magkabilang side ng daan ang sakop nila. Parang huling araw na rin ng busina sa ingay ng mga pesteng sasakyan. Paano pa makakadaan ang mga sasakyan patungong V.Mapa. Shet…. Buti nalang may matalinong drayber na nakaisip pumasok sa village sa tapat ng Lourdes hospital at nag short cut. Lumabas siya sa kanto ng Don Bosco kung saan ako nakatayo. Pinara ko agad at fly ako ng Pureza. LRT to Araneta. MRT to Ayala. From there nilakad ko na patungong Century Plaza kung saan nakatira ngayon ang birthday girl at friendship kong si Ez. Pinagbuksan ako ni Ate Marg, “nasa rooftop na sila.” So fly ako ng rooftop kung saan naroon ang kanilang pool. Medyo marami ng tao. Nasa kabilang dulo nakapuwesto ang mga lamesa. Sa kanan ng pool, may mga lalakeng kumpulan sa pagkain at pag-inom habang nakaupo sa mga tanning decks. Scan…. Plenty ng future. Mamaya lang! Wait lang kayo! Choz! Beso sa birthday girl. Hinanap ko ang asawa niya, umuwi daw ng Israel. Nandun na rin ang Luningning look alike naming friend na si San kasama ang jowa niyang after 48 years niyang pagpapantasya eh napasakanya finally. Habang hinihintay namin yung iba, chikahan. Dahil si San ang kasama, puro kalibugan ang usapan. Dedmang kaharap ang jowa niya. Nasanay na siguro. Imperness naman to San, kahit puro kabalahuraan na ang lumalabas sa bibig niya, poise at finesse parin ang execution ng bawat word.

Dumating sina AK at Rin, na may kasamang boylet. Nakapink. Kalbo. Matipuno ang pangangatawan. May slightly umbok lang na beer belly. Pero over all eh ulam na ulam ang arrive niya. Sa tinagal tagal naming magkaibigan ni Rin, ngayon ko lang nakilala ang baby brother niya. Punyeta, can not be. Babangasan ako ng babaeng boksingera pag nagkataon. Sina A at M hindi makakarating dahil nasa mga probinsiya nila. Si L naman next week pa ang dating from Doha. Dahil kami-kami lang naman pala ang present, sinimulan na ang okrayan.

“Ano gift ng asawa mo sayo?” tanong ni AK kay Ez.

“Titi… hahahah” pilyang sagot ni Ez.

“Kanino?” banat ni AK. At formally opened na ang table for the okrayan to the max extravaganza.

Naiinis ako na hindi nakasama si NJ. Pero anong magagawa ko kung may family affair din sila. Nag-sorry naman siya ng sobra-sobra sa hindi niya pagsama sa akin tonight. Kaya ok lang. Pero naging mas masaya sana kung nandito siya at nakilala niya ibang friends ko. Kilala na kasi siya ni Ez at medyo close na sila. The whole night may mga boylets na nagpaparamdam. Kung nung nakaraang lingo nangyari ito, d ako mag-aatubiling magpakaladkad sa shower room, lumuhod at tumuwad, luhuran at magpatuwad. Pero iba na ngayon, pakiramdam ko napakaling kasalanan kay NJ ang gagawin ko pag nagkataon. Pero aaminin ko, muntik-muntikan na.

Mga alas-tres na ng umagang mag-uwian ang ibang bisita. Ako, AK, Rin at ang kanyang baby bro, si M na jowa ni AK na humabol, kami nalang ang natira. Bitbit namin lahat ng pagkain at alak, lumipat na kami sa balcony ng unit ni Ez. Tuloy ang okrayan. Hanggang mapunta sa seryosong usapan. Si Rin ang bangka. Share galore niya mga pinagdadaanang adjustments sa piling ng asawang kano. Somehow nakakarelate naman ako dahil totoo ang mga sinasabi ni Rin. Matama ko siyang pinakinggan dahil imperness may sense ang mga sinasabi ng lola ko. And somehow kailangan ko ang mga ganitong insights lalo pa at nasa adjustment stage kami ni NJ sa relasyon namin. By 5am nagpaalam na ako.


San and jowa, Ez, Yj, AK, Rin and her baby bro.....

Monday (March 23)… Nagtext sakin si NJ about lunch time. Inis na inis. Kasi naman, ang pesteng si Cinder, nagsend ng kung ano-anong kabulastugan sa mga contacts ni NJ sa friendster. Kaya naman umaga palang panay na ang tawag ng mga friends ni NJ sa kanya asking him if he was alright. Volt in bigla ang mga TLs to give support. Kung anong damage control ang pwede naming gawin. How long bago i-involve ni Cinder ang parents ni NJ sa mga kadramahan niya. Peste talaga. Bakit ba hindi niya kami patahimikin? Nagpractice si NJ with his groupmates para sa play nila. He was supposed to come over kaso ginabi na ng practice at maaga pa ang call time nila the following day. Dumaan ang gabing puro emote lang. Buti nalang nanjan si Luis. Laging handang makinig sa mga kadramahan ko. Thanks friendship for keeping my sanity intact.

Tuesday (March 24)… Fly ako ng school to support my honey. Nagkita kami sa Tspot. Nakakamiss. Nakakapanibago dahil hindi kami kumpleto sa lugar. Nasa probinsiya na ang karamihan. Si Maine pumunta sa Dubai to visit her family. Habang hinihintay si Honey na kasama kong manonood, lumabas muna kami ni NJ para magyosi.

“Hon, samahan mo ako sa Laguna tomorrow for my cousin’s graduation…” panimula ko.

“Ngek. May outing ang grupo. Punta kami Bulacan hanggang Friday,”

“What? Bakit ang tagal? Huwag ka ng sumama please.”

“Nakakahiya naman. Dapat ngayon ang alis, kaso pinadelay ko dahil bukas pa ako magkakapera. Pumayag sila tapos magka-cancel ako, d ba?” paliwanag niya.

“Lahat ba kayo kasama?” nag-aalala ako dahil kagrupo niya yung isang bilat na minsan ay hinalikan niya dahil sa isang laro ng minsang nagkainuman sila. Tapos dahil sa simpleng smack na yun, nainlababo na sa kanya yung bilat.

“Huwag kang mag-alala. Tignan mo naman yung mga kasama ko….” natatawa niyang sabi.

“Behave ka. No stupid games,”

“Yup. No stupid games.”

“That means no flirting, no making out, no sex…. No nothing!!!”
“Siempre…” sabay tawa siya.

Out of the ten plays na ipe-present, pang lima sila. Kami lang ni Honey ang TLs na nanood. But after the first play, pumasok si BBB sa auditorium. Tinagalog na The Condemned ang piyesa ng grupo nina NJ. May naunang grupo na nagpresent ng kaparehong play pero opening palang ng play nina NJ, alam na alam ng mas maganda ang sa kanila. Nasurprise talaga ako sa transition ng mga eksena, sobrang smooth. Pati mga linya, natural. Ang galing ng actor na gumanap sa papel na Simon. Si NJ gumanap sa supporting role na Andres. Walang kwenta ang role pero nadeliver naman ni NJ ng maayos. Mahusay. Kahit papano pala eh, may pinatunguhan ang mga pagpupuyat nila. Nagkaroon ng 30-minute break after the fifth presentation. Dahil puro kami poverty, nag-Jollibee nalang kami. Siempre pa puring-puri namin si NJ habang kumakain kaming apat. Nagyosi lang kami then balik na sa audi. Kasama na namin si NJ sa panonood ng five remaining plays. Everytime na aalis siya sa tabi ko, lagi siyang nagpapaalam, telling me where he’d go. Gusto ko yun. Wala lang. Ginanap ang awarding…. And no doubt, yung kagrupo nilang gumanap sa papel na Simon ang nag best supporting actor. Napanalunan din ng grupo nila ang 1st runner up for best actress and 2nd runner up for best director. Sige na nga, may dahilan na para sila mag-outing.




NJ in his role as Andres... and the warden

Lumabas na kami para mag-yosi. Pareho naming gustong gumala pa ni NJ. Tinatanong niya ako kung anong plano ko. Kaso nga pareho kaming poverty. Kaya tumambay nalang kami dun at nagyosi ng nagyosi. Plinaplano ang mga pwede naming gawin for the holy week. Ang sarap ng feeling, kahit sa hirap magkasama kami. Then tumawag ang Daddy niya at pinapasundo ang kanyang Mommy at younger sister somewhere in Quirino Ave. Dali-dali kaming sumakay ng kotse. Binigyan ko siya ng wipes para punasan ang mga kamay niya, baka kasi maamoy ng Mommy niya ang yosi. Bumaba na ako sa Nagtahan.

“Enjoy your outing. Remember the things you are not supposed to do,” paalala ko.

“Yup. I’ll behave.”

“And text me from time to time?”

“I’ll text you from time to time,” at saka siya ngumiti ng ngiti niyang nakakaadik.

After an hour. Nag text na siya…..

Yj, I’m home. So tired.

Then you get some rest. But be sure to eat dinner first.

Thank you. I really appreciate everything you’re doing for me.

Hindi ako magsasawang gawin lahat yan para sayo……


Masked....

8 comments:

Herbs D. said...

ang sweet. ipakita mo naman kasi mga boys mo YJ! daya evar haaha

Herbs D. said...

ang sweet. ipakita mo naman kasi mga boys mo YJ! daya evar haaha

Yj said...

hihihihi hayaan mo one of these days makikita mo na si NJ hehehehe

Luis Batchoy said...

RELASYON? Kahit ano basta, relasyon! Chos! Hehehehe

Imma always be here for yah atcheng. Im just a text away, pramis kahit sa gitna ng totnakan, try ko magreply.
Operative word... try!

Luis Batchoy said...

RELASYON? Kahit ano, basta relasyon! Hehehehee

Imma be here for you always atcheng. Im just a text away. PRamis, kahit in the middle of totnakan, try ko mag reply.

Operative word... try! Ahmisha, sayang ang shower room gaga!

Pakasanta pa kasi eh!

Yj said...

hahaha virgin pa ako noh.... at saving for the one i love ang drama ko... at kay NJ yun bwahahahaha

melo said...

may sayad na talaga yang si cinder no..

wow, gf na gf ang dating mo sisteret.. daig mo pa ko sa mga pabilin bilin effect mo..

feel na feel.. hahaha
sweet sweet naman ni NJ talga.. bwahahaha

Anonymous said...

hai naku alam na kasi ni cinder na there is no hope for her diba???

hahaha! bongga ka talaga ateng. gogo gurl.