Pages

Friday, January 28, 2011

Tired....

Physically exhausted.

Mentally drained.

Emotionally wrecked.


And this is how it feels pag nagkasabay sabay?

No. I'm not telling you why. This time I will have to carry my own hell. I brought this upon myself anyways.

I just need to be happy again. Because I used to. And I miss being happy.

So I am going home.


Mapapasaya ako ng mga pamangkin ko.

At alam kong matutuwa sila sa mga binili kong goggles nila.

See you in a bit BOLINAO!

and oh, HAPPY BIRTHDAY BASTI! Tita Yj loves you so muuuuuuuuuuuuuch!

Saturday, January 22, 2011

Si Melvin at ang Headband na Pink...

Isang araw, nagmamadali akong pumasok dahil late nanaman ako. Isa pa, isang beses ko palang pinapasukan ang subject na yun mula ng magsimula ang semester. Papasok na ako sa gate ng school nang mamataan ko ang beking si Lou. Nagmamando sa pagkabit ng napakalaking tarp sa gilid ng school chapel.

"Yj... eto na official candidates for Mr. and Miss University... sino bet mo?" bungad niya sa akin ng makita niya ako.

"Bakla, wala akong panahon! Male-late na ako!" sagot ko habang naglalakad palayo.

"Kasali si Ben!!!" pahabol na sigaw niya sabay tawa. Alam niya kasing crush na crush ko ang batang si Ben na ka-college namin.

Kaya naman may I about face ako. Ano ba naman ang ilang minuto pa tutal eh late na ako ng kalahating oras sa isang oras na klase.

Tumabi ako kay Lou at mega quick scan ako sa giant tarp.

"Aaaaaaaaaaaaay bakit ang payat ni Ben?" tanong ko pagkakita ko sa picture ni crushie.

"Nagpapayat daw siya eh... mas guapo siya dati no?" si Lou.

"Mukha siyang adik...." dugtong ko.

More scan pa... hanggang makita ko siya. May kung ano akong naramdaman. Hindi maipaliwanag. Mainit. Dumadaloy.

"Yj... naihi ka!" si Lou.

"Puta ka, nag wet lang ako ng slight..." sabay blush. "Sino siya?" turo ko sa isang pic.

"Si Melvin yan... mas guapo yan sa personal, magugustuhan mo."

"Putah ka, ang tanong eh magugustuhan ba niya ako?"

"Sa headband mong yan teh? Naman! Pak na pak! Mahuhumaling yan sa yo, hahahahaha" pang aasar ni Lou.

Sinalat ko ang semi-kal kong ulo. At putang ina, naka headband nga ako. Sa bahay pa ako nung isuot ko ang napag tripan kong headband ng kapatid ko na nakakalat sa kuwarto ko. Kaya pala nagtitinginan mga tao sa akin sa labasan hanggang sa makasakay ako ng jeep. Kaya pala panay ang sipol ng mga tambay samin, na sinusuklian ko lang ng matamis na ngiti na sinasabayan ko pa ng mas exag na pagkembot. Bwisit lang.

Nang masiguro ni Lou na maayos na ang tarp, bumalik na siya sa USC office. Ako naman ay pumasok na sa klase. Ang saya lang, wala ang prof.... yehey! Hindi pa ako mada drop. Kaya naman dali dali akong bumalik sa gilid ng chapel, umupo sa tapat ng giant tarp at buong maghapon na tinitigan si Melvin. Ang bagong boylet na laman ng mga pantasya ko gabi-gabi. Kasi naman, kamukha niya ang babyboy ko.

Sige, guessing game tayo... Sa mahigit isan daang babyboy ko, sino ang kamukha ni Melvin? Ang makahula may libreng chupa.

Eto pala bangungot na itsura ko nang araw na yun, na pumasok akong may headband.

sorry ka!!!


At eto naman ang bago kong crushie. Ang nagpapakilig sa tinggil kong pink!







That's all! Yaiy....

Monday, January 17, 2011

Bad Coco....

Isang araw, nakasalampak ako sa sofa at nanonood ng TV, nang makita ko ang trailer ng bagong teleserye ng ABS-CBN na Minsan Lang Kitang Iibigin. Pagkakita ko kay Coco, bigla akong nag wet kaya naman napa usal nalang ako ng...

"Sheeeet. Ang sarap ni Coco!"

A few moments later, napansin ko na tumigil sa paglalaro ang uber-pretty kong pamangkin na si Nika at nakatitig lang sakin with her spotlight eyes. Yeiz, pinaglihi yan sa spotlight kaya nuknukan ng laki ang mga eyeballs.




The following day, katatapos ko lang maligo at palabas na ng banyo nang marinig ko ang sigaw ng kapatid kong si Jen mula sa living room...

"Nikaaaaaaaaaaaaaaa! Anong ginagawa moooooooo?"

Napatakbo ako ng di oras dahil akala ko eh nagkasakitan nanaman yung mga bata na napapadalas lately. Lagi kasing inaagawan ng dalawang boys ng mga barbie si Nika, kaya ayun, nagwawala minsan.



Pagdating ko living room, nakatayo si Nika sa harap ng TV. Nakatitig lang sa kapatid ko with a blank face.

"Anong ginagawa mo?" tanong ulit ng kapatid ko sa batang pagka ino-inosente ang mukha.

Heto pala ang nangyari.... A good two minutes earlier:

Naglalaro si Nika at ang sisteret ko. Nang biglang lumabas si Coco Martin sa kanyang Nescafe commercial. At sa dulo ng commercial, nang sabihin ni Coco na "Tikman mo!", dali daling tumayo ang Nika, tinakbo ang TV at dinilaan ng bongang bongga ang mukha ni Coco Martin.





"Anong ginagawa mo?" tanong ulit ng kapatid ko na natatawa na.

At naloka lang ako sa sagot ni bagets.

"Sabi po kasi ni Tito Yj masarap daw si Coco," sabay turo sakin.

Kung nakamamatay lang ang tingin, isang iglap lang nategi ako sa tingin ng kapatid ko sakin.

"Wala akong alam diyan..." sabi ko nalang sabay walk out.


Laking pasasalamat ko nalang at hindi yung mga pamangkin kong boylets ang gumawa nun... pag nagkataon!

Yaiy