Pages

Monday, January 17, 2011

Bad Coco....

Isang araw, nakasalampak ako sa sofa at nanonood ng TV, nang makita ko ang trailer ng bagong teleserye ng ABS-CBN na Minsan Lang Kitang Iibigin. Pagkakita ko kay Coco, bigla akong nag wet kaya naman napa usal nalang ako ng...

"Sheeeet. Ang sarap ni Coco!"

A few moments later, napansin ko na tumigil sa paglalaro ang uber-pretty kong pamangkin na si Nika at nakatitig lang sakin with her spotlight eyes. Yeiz, pinaglihi yan sa spotlight kaya nuknukan ng laki ang mga eyeballs.




The following day, katatapos ko lang maligo at palabas na ng banyo nang marinig ko ang sigaw ng kapatid kong si Jen mula sa living room...

"Nikaaaaaaaaaaaaaaa! Anong ginagawa moooooooo?"

Napatakbo ako ng di oras dahil akala ko eh nagkasakitan nanaman yung mga bata na napapadalas lately. Lagi kasing inaagawan ng dalawang boys ng mga barbie si Nika, kaya ayun, nagwawala minsan.



Pagdating ko living room, nakatayo si Nika sa harap ng TV. Nakatitig lang sa kapatid ko with a blank face.

"Anong ginagawa mo?" tanong ulit ng kapatid ko sa batang pagka ino-inosente ang mukha.

Heto pala ang nangyari.... A good two minutes earlier:

Naglalaro si Nika at ang sisteret ko. Nang biglang lumabas si Coco Martin sa kanyang Nescafe commercial. At sa dulo ng commercial, nang sabihin ni Coco na "Tikman mo!", dali daling tumayo ang Nika, tinakbo ang TV at dinilaan ng bongang bongga ang mukha ni Coco Martin.





"Anong ginagawa mo?" tanong ulit ng kapatid ko na natatawa na.

At naloka lang ako sa sagot ni bagets.

"Sabi po kasi ni Tito Yj masarap daw si Coco," sabay turo sakin.

Kung nakamamatay lang ang tingin, isang iglap lang nategi ako sa tingin ng kapatid ko sakin.

"Wala akong alam diyan..." sabi ko nalang sabay walk out.


Laking pasasalamat ko nalang at hindi yung mga pamangkin kong boylets ang gumawa nun... pag nagkataon!

Yaiy

25 comments:

Raymond said...

bwhahaha! si tito yj talaga oh! tsktsk. bad influence!

ZaiZai said...

hahaha tawa ako ng tawa dito te, ang cute ng pamangkin mo at ang ganda mong halimbawa no? try ko nga din dilaan si coco, baka malasahan ko sya :)

Yj said...

@ Rj... waaaaaaaa ayaw na ako pauwiin sa amin... baka daw kung ano mangyari sa mga pamangkin ko pag ako ang nag-alaga... lalo na dun sa mga boys... :((

@ Zai... ay teh, dinilaan ko din ng bonggang bongga si Coco sa TV, masarap siya, pero feeling ko, it's all in the mind hahahahaha

claudiopoi said...

pambihira! hahaha :)) tawa ako ng tawa dito YJ! feeling ko magiging fag hag ang pamangkin mo paglaki nya! hahaha :)) posing pa lang eh!

Nishi said...

haha! shit, alaman talaga!

Sean said...

hahaha! hayst! kung ano ano natutunan ng pamangkin mo sa yo! yung pose ba nya sa pic sa yo rin nya natutunan? :)

LoF said...

lmao

Anonymous said...

bwahahahahaha! putangina mo! bad influence ka talaga di lang sa amin kundi pati na din sa mga bata.

-andypogi

the geek said...

the cover of the book on the right got me hooked...

off topic? hahaha

glentot said...

Hindi ka mabuting ehemplo sa mga kabataan!

Anonymous said...

bad influence ka sa mga bata! hahaha. delikado mga pamangkin mo sa'yo.

napadaan lang ang Suplado. bye!

Unknown said...

May future talaga yang pamangkin mo...

MkSurf8 said...

wahaha laf trip! madilaan nga yan next time

Momel said...

Yan naman talaga ang isang magandang halimbawa ng kasabihang:

Ang lahat ng bagay ay nagiging tama, sa mata ng isang bata.

Or some fucking rock and roll shet like that, yow. Eksena naman kasi ang pagdila ng shumangkekang mo ng TV, YJ. Kailangan talaga ng explanation nun! Sigurado ka bang hindi mo rin dinilaan yung commercial ni Mang Coco? At dahil sa bet na bet mo yan eh I'm sure may ilang kopya ka ng pelikulang Serbis, ano?

Muahness from Pasig Citehh!

Lester David said...

Ikaw naman pala may kasalanan eh..wahahahaha:D

Yj said...

ahahahahaha mga hayup kayo, uulitin ko, wala akong kinalaman dun!!!!

@ Momel... nakadikit na nga sa kisame ng kwarto ko ang tarpaulin ng nota ni Coco eh... hahahahaha

wanderingcommuter said...

ahahahahaha!!!

siraulo ka talaga! lol!

tandaan: ang gawain ng matanda, sa mata ng bata ay... YUMMY! hahahaha

NOX said...

hangeleng nomon ni famangkin. manang-mana kay tita. hahahaha!

great post :D

Chyng said...

nika is a fast learner. abangan ko ang batang yan! ^_^

Anonymous said...

ahaha. winner si ineng! napakembot lang ditey.

http://akosicinderella.wordpress.com

Luis Batchoy said...

naman kasi! Ako gusto ko ring i-try dilaan ang bago kong crush na si Sid Lucero kung yummy din ba sya, pero gusto ko, sa wide screen sa sinehan ko sha didilaan. Hekhekhek kaloka ka lang!

citybuoy said...

totoo naman! masarap talaga si coco!

Kane said...

Yj naman, nakakaloka si Nika. Ang galing ng instincts. I love.

Kane

LoF said...

On second look, coco looks lesbian in this pic

Rome Diwa said...

kakaloka mga pamangkin mo. ahahaha