Pages

Showing posts with label Family. Show all posts
Showing posts with label Family. Show all posts

Friday, March 25, 2011

Sakina....

Ayaw na ayaw ng mama ko na nakikipag chat sakin. Kasi nga lagi lang naman daw akong nanghihingi ng pera. Hindi naman kaya!

Pero lately, mabait na ako pag nakikipag chat kay mama. Ingat na ingat at pigil na pigil akong manghingi ng pera kahit kapapadala palang niya. Kasi baka mag sign out siya bigla. Hindi ko makaka-usap si Sakina.

Si Sakina ay ang bagets na anak ng kaibigan ni Mama. Mula nang maging night shift ang work ng mudang ni bagets, kay mama siya dinadala. Si mama, bilang mag-isa lang naman siya sa balor, ay keri na rin niya. At dahil miss na ni mama ang kanyang mga apo, si Sakina ngayon ang pumapawi sa mga pangungulila niya.



ganyan din ka-rosy ang cheeks ko








Masarap ka-chat si Sakina. Bibong bata. Maganda pa. Nakikita ko sa kanya ang sarili ko nung ako ay bata pa. Pareho kasi kaming rosy-cheeks. hihihihi Lagi niya ako pinasisikatan ng kanyang mga talento. Sumasayaw siya. At kinakantahan niya ako ng mga nursery rhymes. Japanese nga lang. Wala naman problema dahil nakakaintndi naman ako kahit konti.

Kagabi ay magka chat nanaman kami. Kinuwento niya sa akin yung madalas na paglindol lately. Takot na takot daw siya. Ayaw din niyang manood ng TV dahil takot daw siyang makita yung tsunami.

Pero bigla niyang naalala na may bago daw siyang toy. Kaya dali-dali niyang pinakita sa kin...


Sakina and Mickey






Sabi niya sa akin, kapag nag tsunami daw, liligtas daw niya si Mickey Mouse. Naiyak ako.

Kumusta na kaya yung napakaraming Sakina na nasalanta ng tsunami at patuloy na pinahihirapan ng epekto ng nuclear plant failure? Sana makuha parin nilang ngumiti. Sana balang araw magkaroon sila ng madaming madaming happy days para madali nilang makalimutan ang mga bangungot na nararanasan nila ngayon. Sana...

Monday, March 21, 2011

Alone Again...

I'm used to living alone. But I get lonely sometimes. Artih?

Kaya naman laking tuwa ko nang bumisita baby bro ko dala ang anak niyang si Nika. Si Tantan naiwan sa Tarlac. Ayaw daw kasi maiwan ni Papa na mag-isa dun. Malulungkot daw siya pag walang matitira kahit isa sa mga apo niya. Dahil isang linggo daw si baby bro dito, sinundo ko si Basti para may kasama si Nika habang nandito siya.



Last Thursday, ginising ako ni Nika ng pagka-aga-aga. Alas otso palang yata.

"Tito, gising na. Gusto namin ni Basti punta sa jump-jump."

Jump-jump = Kids Republic

Pero dahil makikipagkita ako kay Edz that day, minabuti kong dalhin nalang sila sa Greenbelt. Dala din ni bakler ang anak niyang si Kath na dambuhala. Kunsabagay eh Russian-Israeli ang tatay ni bagets.

Ayun, kain sa Mcdo dahil si spongebob ang featured toy sa happy meal. At lagasan ng pera sa timezone.

with Nika and Basti





"Tito, let's play gun," yaya sa akin ni Basti.

"Naku baby, hindi ako marunong humawak ng baril," sagot ko.

"Sige na please," sabay hila sa kamay ko.


effort ha!











with Kath



When we got home, Tito MJ (my brother's brother-in-law) had a surprise for them kids. He bought them a puppy.


Ayun, tuwang-tuwa ang mga kids. At na-upstage lang ang timezone ko. Pag nagkapera ako, bibili ko sila ng elepante.
baby bro and Tito MJ

"Ano ipapangalan natin sa puppy?" tanong ko.

"Tsunami!" sagot ni Nika.

"Alam mo ba kung ano ang tsunami?" tanong ko sa kanya.

"Opo. Japan!"

Toinks.


Habang ginagawa ko tong post na ito ay nag-iimpake na ng mga gamit ang kapatid ko. Uuwi na sila ng Tarlac. Sinundo na din si Basti nung isang araw pa. 

Mag-isa nanaman ako. Hayst.

Thats' all. Yaiy




































































Monday, February 7, 2011

Bolinao 2011

Yun na nga.. depres-depresan ang artih ko nitong mga nakaraang linggo. Kasi naman magbabalentayms na wala pa akong jowa. Napre-pressure ako! Bakit ba?

Si Julia at si A, may dresser na. Si Richard at Lucy, ipinauso ang pagkakaroon ng brand new washing machine at ref bilang sukatan ng isang relasyon. MASAYANG RELASYON! At may bago na rin silang rice cooker... putang ina lang!

Kaya naman ayoko nagsasasama sa kanila lately. Lalo akong nasa-sad. Kasi ang saya-saya nila. Huling kita ko sa kanila eh nung Saturday pa. Ang tagal na. Shet!

Sabi ni Nelia, "wala kang karapatang mag-emo! Si YJ ka!"

Na ginatungan pa ni Momelia, "hindi ka si YJ kung hindi kabaklaan ang ipo-post mo!"

Aaaaaaaaay... so wala akong karapatang mag drama ganun? Fine!

Heto na... hinding hindi na ako mag e-emo evaaaaaaaaaaaaaaaaah!

Basta, masaya na ako ngayon. Sobra akong nag-enjoy sa Bolinao trip with the family.

Sabi ko na matutuwa mga pamangkin ko sa mga goggles na binili ko para sa kanila.






Si Ethan, naghahanda palang kami, suot na niya ang kanyang goggles. Excited si bagets!




Ethan, Nika and Sebastian

Ang saya lang ng mga bagets. Sobrang na enjoy nila ang pagbaboy sa mga buhangin ng hometown ni Glentot Bansot. (you can read his Bolinao post here)






Baby sister Jen ko, sinulit ang maikling panahon na makakasama niya ang anak niya. Baka matagal nanaman kasi bago siya ulit magbakasyon. As you can see, totoong nakaka-devirginize ang mga waves ng Patar Beach. Kaya hindi ako naligo sa Patar, baka madonselya ako. I'm saving my virginity pa naman para dun sa crush kong blogger. Yaiy.




Yj, Jen, Lan, and Joe
Madalas, pag nagsasama-sama kaming magkakapatid eh panay ang bangayan namin. Surprisingly, we survived the three-day vacation ng hindi nagkakasakitan. Siguro dahil nag-mature na ako. Madalas kasing ako ang dahilan ng away. Considering na ako ang panganay. Nyahahahaha...




baby bro, pudra and me
Yeiz, kasama si Pudrabells. At nung makita niya akong naka swimsuit, sinabi niyang ako talaga ang pinakamaganda sa mga anak niyan merlat. Laban?




Siempre hindi mawawala ang mga patawang pictorials. Mga pang bwisit lang.

baby bro Joe


baby sis Lan

baby sis Jen

Papakabog ba ako?































Op Kors Not Choco Nut!!! Pinalaki yata ako sa Bona Kid Milk... Isa akong BATANG MAY LABAN!






Gooooooow samabahin niyo ang alindog ko!!!

Andy and Glentot, alam ko namang todo wet nanaman kayo sa beauty ko, kaya nag send ako sa mga e-mails niyo ng original file ng mga pics ko... para achieve na achieve ang pagtitikol niyo. Bwahahahahaha

That's all.... Yaiy

Friday, January 28, 2011

Tired....

Physically exhausted.

Mentally drained.

Emotionally wrecked.


And this is how it feels pag nagkasabay sabay?

No. I'm not telling you why. This time I will have to carry my own hell. I brought this upon myself anyways.

I just need to be happy again. Because I used to. And I miss being happy.

So I am going home.


Mapapasaya ako ng mga pamangkin ko.

At alam kong matutuwa sila sa mga binili kong goggles nila.

See you in a bit BOLINAO!

and oh, HAPPY BIRTHDAY BASTI! Tita Yj loves you so muuuuuuuuuuuuuch!

Tuesday, December 21, 2010

The Next Maria Venus Raj...

NOT ME! Potah ka....

so finally after 48 years eh umuwi ako sa ancestral home namin... ang sarap i-type ng ancestral home. hahaha


Halos buo ang pamilya, kaso hindi umuwi si Mama. So far eh, okay naman. Wala pang nagbabangayan sa aming magkakapatid na madalas mangyari... Siguro eh dahil kahit papaano, nag mature na kami. Lalo na sila, bilang pamilyado na silang lahat. Oh baka dahil magpapasko. Yaiy. Basta, susubukan kong magpa sweetness ngayon. Gusto ko maging masaya ang paskong to.

O baka dahil in-love ako, kaya ambait bait ko ngayon. Promise. Ang bait bait ko na. Di ba sabi nila, if you're in love, you try to be a better person for the one you love. I don't even try. Automatic nalang na nangyayari. Hellooooo Utada!

Anyways... Birthday ng pamangkin kong si Ethan kahapon. Bago ang kiddie party eh nag photo-op muna kami ng mga pamangkin ko. Inuna ko si Nika...

Yj: Nika, tingin sa camera.

Nika: No tito. Dapat sa iba ako nakatingin. Mas maganda. Ganun si Venus Raj sa mga pictures niya.

Tumambling ako. Tatlong taon lang si pechayita.


the next Venus Raj




my constant sources of happiness


Kinakabog ako sa projection!

That's all.Yaiy.

Tuesday, December 7, 2010

The Letter V....

kapag nag-cha-chat kami dati ni mama ay ganito:

Mama: hi ganda, kumusta ka na jan?

Yj: okay naman... maganda parin...

tapos magkukwentuhan... hanggang sa:

Yj: ma, wala na akong pera... padala ka na!

*******

Kaya biglang nagbago ang eksena. Umagang umaga mag o-online si mama. Yung sigurado niyang tulog pa ako dahil sa sobrang pagod sa pagtuturo kung pano magsabi ng tamang oras. (yung iba alam na ibig kong sabihin!). Kaya pag nag-online ako sa YM, mababasa ko sa mga off line messages ko ang mga IMs niya.

Mama: hi ganda, maganda ka pa ba?

sasagutin ko naman.

Yj: oo naman, pero wala na akong pera. padala ka na! please... please....

sasagot siya the following day:

Mama: hi anak, nakita ko yung bagong album mo sa FB. maganda ka parin nga. at mukha namang may pera ka pa. byeeee....

kaya ni block ko na siya sa FB.
**********

Kagabi, pag on-line ko, instang buzz talaga sa kin ang babaeng nagbigay buhay sa diyosa ng mga sumpa.

Mama: Kanina pa kita hinihintay!

Yj: nagpadala ka na allowance ko?

Mama: mamaya na natin pag-usapan yan. may chika ako sayo!

Yj: buntis ka nanaman?

Mama: gaga! hindi no! may bago akong TV.... 32 inches.... super flat!

Yj: taray naman....

Mama: oo, bigay ng kapatid mo.... galing siya kanina dito....ni-set up niya sa sala....

Yj: ambisyosa ka talaga... bigay mo na sakin yan, kawawa naman ako, ang chaka ng TV ko, galing surplus!

Mama: ahahahaha hayaan mo na, maganda ka naman. sobrang excited nga ako eh... pumunta ako Tsutaya kanina at nag rent ng dvd.... nanood ako ng Air Vender... ang ganda!

Yj: nyahahahahahaha Vender talaga?

Mama: ay sorry... Vendor ba yun?

*********

nalaglag ako sa upuan katatawa nasipa ko cord ng DSL at natanggal ang saksakan... ayun na disconnect tuloy ako!


HAPPY BIRTHDAY MAMA.... I LOVE YOU!


that's all.... bwah!

Saturday, October 23, 2010

Jen...

I just want to thank you for putting up with my eccentricities. I'm the eldest but you have been the most responsible one, always the responsible one. I know you have sacrificed a lot just to keep our family intact. Things may not be as good as they used to be for you, but things will get better.

Huwag munang isipin ang mga problema. Pakasaya ka muna lalo na ngayon. Pag-uwi mo, sosolusyunan natin yan. Nandito lang si kuya ate para sayo!!!







Happy Birthday Sis... I Love You... I'll see you soon.

Yung LV ko ha! Choz!

Bwah!

Sunday, May 9, 2010

Don't You Wish?

This happened about two weeks ago. My mom and I were talking over YM.

Mom: sabi ng uncle mo may bago ka daw boyfriend.

Me: uhum.....

Mom: nasan siya? pag pumunta siya jan mag webcam kayo at ipakilala mo sa akin.

Me: ayoko nga. :P

Mom: eh pano ko malalaman kung sinong hahabulin ko pag nabuntis ka?

Tumbling! Now don't you wish your mom was as cool as mine?

I Love You Mama.... Happy Mother's Day....

Thursday, January 28, 2010

Nanay Po Ako....


nandito sa bahay ko ngayon ang tatlo kong pamangkin... ito ang mga pagkakataong ramdam na ramdam ko ang pagiging babae... para akong isang ulirang ina... ako kasi nag-aalaga sa kanila... yaiy... sobrang kukulit pero sobrang enjoy na enjoy ako....

Wednesday, June 10, 2009

Oh Well....

I was talking to my mom over the phone earlier and we almost got into a fight, again. It took me all the strenght i could muster to control my temper. Apparently, my brother didn't pass a single subject last semester. How the hell was i supposed to know about this? He lives with his girlfriend in their own apartment. He was doing good in school the year before and that's when they were still living with me. Since I'm the eldest, I made the house rules. I gave them curfews which they broke occasionally. They would usually sneak out at night and come home drunk, I'd get mad and scold them. They probably got sick of this, so they decided to move out and get their own place. I was so against the idea but my mom approved of it. And now she's blaming me for what happened to his studies?






I just had to get out of the house or I would lose my sanity or what's left of it. I sent a GM asking who wants to have coffee, but everybody seemed to be busy or probably resting already since it was half past ten. Ten minutes later and my girlfriend Ez texted me saying she was bored out of her skull and was thinking of going to greenbelt for coffee. Half an hour and we're already in starbucks drinking hot cafe mocha. As if the coffee wasn't enough to calm my nerves (siempre kape kasi ang gawing pampakalma... eh d lalong ninerbiyos... may katangahan talaga ako palagi) i had to lit a stick of frost. Ten, twenty minutes later and i was smiling. Parang adik lang. We just let our eyes feast on the cutie cute guys scattered all over the place. We waited for Ez' husband, Alek, who came from a poker game.






We went to their place for a quick recap. Alek and Ez invited me to sleep over but i decided to go home. I was browsing through some Idol videos and i found this. Surprisingly, i found myself humming to its tune on the second chorus. Humming to the tune of a love song... okay, maybe i'm not totally over him, but this is a good sign. Wala lang..... bangag nanaman eh....