Pages

Monday, March 21, 2011

Alone Again...

I'm used to living alone. But I get lonely sometimes. Artih?

Kaya naman laking tuwa ko nang bumisita baby bro ko dala ang anak niyang si Nika. Si Tantan naiwan sa Tarlac. Ayaw daw kasi maiwan ni Papa na mag-isa dun. Malulungkot daw siya pag walang matitira kahit isa sa mga apo niya. Dahil isang linggo daw si baby bro dito, sinundo ko si Basti para may kasama si Nika habang nandito siya.



Last Thursday, ginising ako ni Nika ng pagka-aga-aga. Alas otso palang yata.

"Tito, gising na. Gusto namin ni Basti punta sa jump-jump."

Jump-jump = Kids Republic

Pero dahil makikipagkita ako kay Edz that day, minabuti kong dalhin nalang sila sa Greenbelt. Dala din ni bakler ang anak niyang si Kath na dambuhala. Kunsabagay eh Russian-Israeli ang tatay ni bagets.

Ayun, kain sa Mcdo dahil si spongebob ang featured toy sa happy meal. At lagasan ng pera sa timezone.

with Nika and Basti





"Tito, let's play gun," yaya sa akin ni Basti.

"Naku baby, hindi ako marunong humawak ng baril," sagot ko.

"Sige na please," sabay hila sa kamay ko.


effort ha!











with Kath



When we got home, Tito MJ (my brother's brother-in-law) had a surprise for them kids. He bought them a puppy.


Ayun, tuwang-tuwa ang mga kids. At na-upstage lang ang timezone ko. Pag nagkapera ako, bibili ko sila ng elepante.
baby bro and Tito MJ

"Ano ipapangalan natin sa puppy?" tanong ko.

"Tsunami!" sagot ni Nika.

"Alam mo ba kung ano ang tsunami?" tanong ko sa kanya.

"Opo. Japan!"

Toinks.


Habang ginagawa ko tong post na ito ay nag-iimpake na ng mga gamit ang kapatid ko. Uuwi na sila ng Tarlac. Sinundo na din si Basti nung isang araw pa. 

Mag-isa nanaman ako. Hayst.

Thats' all. Yaiy




































































16 ang havey ng Ispluk:

Axl Powerhouse Production Inc, said...

ang cute naman ng puppy :D
ang kulit ng name tsunami heheh :D

Mu[g]en said...

Sarap ng may pamangkin no? Hehehe. Nung isang araw, tuwang tuwa yung pamangkin ko kay Baabaa. Kinakabahan naman ako.

BOK said...

Mag-asawa ka na kasi nang hindi ka na mag-isa. lol

ang bibo ni Nika ah. Tsunami = Japan, onga naman. kyut din nung puppy. Gusto ko nun, pre!

~Carrie~ said...

Ikaw pa, mare. Marunong kang humawak ng pumuputok, baril pa? Hehehe! Labya!

ie said...

Alam mo, totoo. Nakakabaliw minsan ang pag-iisa.

Yj said...

AXL... siempre hindi namin pinangalanan ng Tsunami... lol

Mugen... hala kuya, baka sabihin ni Babaaaa na gusto na niyang mag-baby kayo, handa ka na ba? hihihihi

BOK... ihanap mo ako ng mapapangasawa. lol

Carrie... hahaha tse! i don't know what you are talking about. vergen ako! LOL

@ Ie... kaya nga lagi ko kayong pinapapunta dito eh... oist ako nalang ang hindi pa nakakarating sa bago mong tahanan... yaiy

xall percé said...

Wayjey, hindi ka marunong humawak ng baril? weh?

...He bought them a puppy.
Ayun, tuwang-tuwa ang mga kids. At na-upstage lang ang timezone ko. Pag nagkapera ako, bibili ko sila ng elepante.

&

tsunami = japan

- natawa ako sa mga to. hehe.

iurico said...

hahaha. ang cute ng mga pamangkin mo.

Yj said...

kuya Xall, alam mo namang hindi ako bayolente kaya batuta lang ang alam kong hawakan... :))

Mac Callister said...

di daw marunong humawak ng baril!!!!hahaha

mabuti pa mag ampon ka na lang..ng mga lalaki!

Kane said...

Baka kailangan natin si Puki Pie Saint Laurent sa mga ganitong panahon =)

Kane

Sean said...

ang kukyuuuut

Anonymous said...

I bet u'r 1 hel of a crazy roomie, crazy-as-hell enemy & crazy-ass friend, single kba now te?it'l b hard 2bliv though, if dat's d case.U'r 1 of thos bloggrs dat I'v bakread,soltero's.buqui's,darc&kane..hilarious lng.hehe'.. .i cud b a frend if u nid 1.hehe'.. .tc",



-grace\m/

Yj said...

Iurico... siempre mana sakin... hihihi

Mac Callister.. ihanap mo ako jan ng cute na pwede ampunin...

Kane... ahihihi tamaaaaa... maaliw ko man lang ang sarili ko pansamantala...:)

Grace.. thanks for droppin by... balik ka ha :)

cArLo said...

"Naku baby, hindi ako marunong humawak ng baril,"
-are you sure??? (evil smile) haha ^_^
onga pala, sa links mo under coffee babies, lumang blog ko yung andun... eto na blog ko: http://withcheeseontop.blogspot.com/

Nishiboy said...

sus para baril lang. putok lang nang putok.

kuha ka din ng puppy.