Pages

Saturday, March 12, 2011

Aftershock....

Kahapon, hindi ako magkanda-ugaga sa pagtawag sa nanay at kapatid ko sa Japan. Nang makita ko kung ano ang nangyayari sa Sendai, mega google ko agad ang geographical location nito. Medyo naibsan ang kaba ko ng makitang malayo naman siya sa Aichi-ken, pero hindi nawala ang takot ko. Lungkot, takot, awa, halo-halo na ang nararamdaman ko para sa mga taong naapektuhan ng lindol at tsunami.

Sa tinagal-tagal kong nagpatira tumira sa Nippon, nagpapasalamat ako na wala akong inabutang ganyang kalamidad. Wala akong naging masamang karanasan sa piling ng mga Hapon.Puro langit lang. Kaya naman  anything Japanese, malapit yan sa puki  puso ko. Kaya nanlulumo ako na kailangang mangyari ang nangyari kahapon. :((

Alas singko na ng hapon nang maka-chat ko si bestfriend Ana.

"Bakla, mahina signal ko, pasulpot sulpot... pero try naten mag video-chat," banat niya.

Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!

"Baklaaaaaaaaaaaaa.... kaloka ang nangyayari dito. Haym so iskiiiiiiiiiiiiiird! Sugoi kowai yo." hiyaw ni bakla.

"Puta ka. Tawagan mo si mudra at sisteraka... ngayon din. Dengwa de nai kara! Onegaiiiii...." utos ko.

"Baka nasa trabaho sila... to naman.." sagot niya sa akin.

Napansin ko na may nilalagay si bakla sa talukap ng mata niya habang nakikipagusap saken.

"Puta ka.. nag me-make-up ka ba?" tanong ko.

"Yeis... at maglolong gown ako. Mahirap na, baka mamatay ako ngayon. Ayaw kong mamatay ng pangit noh!" sagot niya.

Napahagalpak ako ng tawa at panandaliang nakalimutan ang mga nangyayari.

Ibang klase talaga ang bestfriend ko. Mas sira ulo pa sa akin.

"Wait lang... pakita ko sayo suot ko ngayon. Print screen mo ha para naman may remembrance ka kung sakaling mategi ako ngayon... okay," dugtong niya habang nilalayo ang cam para makita ko ang kabuuan ng itsura niya. Naka long gown  nga si puta. Hindi ko kinaya.

Ang chaka lang... Hindi ko na-printscreen ang damit niya... nadiskonek kasi... hayst. Pero ito itsura ni bakla kahapon...




Kaloka....

Mga around 6 or 7pm ko na nakausap si Mudra. Sa YM din lang. Down daw kasi ang mga fone networks.

Hindi ako nakatulog kagabi. Alas tres na siguro nang dalawin ako ng antok. At least may dumadalaw sa kin! Tse!

Bwisit lang. Puyat na nga, binangungot pa.

I was back in Japan daw. And yes, in the beautiful place called Sendai. Rumarampa daw ako sa highway suot ang long gown ni Ana at ang Nine West stiletto na pasalubong sakin ni Negra nung huling uwi niya. Unti-unti daw naglabasan ang mga friendships na hapon para lang mapanood akong naglalakad at kumakaway-kaway.  Ganda ko lang. Maya-maya pa nagsisigawan na ang mga tao sa hindi kalayuan. Unti-unting nagpulasan ang mga Japanese friends. Naiwan ako sa gitna ng highway mag-isa. At napagtanto ko paparating na ang putang inang tsunami. Pero sa panaginip ko, ang tsunami ay hindi rumaragasang malaking alon ng tubig mula sa dagat na nilalamon lahat ng madaanan nito. Ang tsunami ay ang malakas na bulwak ng tubig mula sa hose na ginagamit ng mga bumbero. At ang hose ay hawak ng bwisit na si Glentot Bansot, na sa panaginip ko ay may sungay, buntot at mga nagbabagang mata. Tinutok ni taning Glenn sa akin yung hose at pilit akong nilulunod ng malakas na puwersa ng tubig, habang humahalakhal si Glenn ala Selina ng Mula Sa Puso....

Nagising akong basang-basa ng pawis. Bwisit lang!

Nakalimutan ko yata magdasal bago matulog. :((

4 comments:

poks said...

ahahahaha naekstra ang glentot!! kakaisip mo yan sa kanya..ahahahaha!

seryus side..nakakaawa ang kalagayan ng mga tao don =( sana lang tumigil na ang kakaseks ng mga higante at ng matigil na ang pag yanig =(

nanood ako ng mga video kahapon...hagulhol na ako ng iyak..kainis lang!! kaya tinigilan ko na at ang sakit sa dibdib...wala pa akong makag anak don ha..lalo na kung meron!!

sana safe ang mga mahal mo sa buhay doon!!

Brian said...

Good thing you're ok :) Ingat ka dyan. Napadaan lang. -Brian

L said...

lol! mabuti naman at okei ang ate mo sa japan. pwedeng pakitanong kung okei rin lang si maria ozawa? hihihi!

at na-extra pa si glentot sa dream sequence mo. XD

glentot said...

Puta ka ako kasi iniisip mo bago matulog. Don't worry YJ panaginip lang yun. Kasi kung totoo yun, itututok ko sa pwet mo yung hose hanggang lumabas ang tubig sa bibig mo...