Pages

Friday, March 25, 2011

Sakina....

Ayaw na ayaw ng mama ko na nakikipag chat sakin. Kasi nga lagi lang naman daw akong nanghihingi ng pera. Hindi naman kaya!

Pero lately, mabait na ako pag nakikipag chat kay mama. Ingat na ingat at pigil na pigil akong manghingi ng pera kahit kapapadala palang niya. Kasi baka mag sign out siya bigla. Hindi ko makaka-usap si Sakina.

Si Sakina ay ang bagets na anak ng kaibigan ni Mama. Mula nang maging night shift ang work ng mudang ni bagets, kay mama siya dinadala. Si mama, bilang mag-isa lang naman siya sa balor, ay keri na rin niya. At dahil miss na ni mama ang kanyang mga apo, si Sakina ngayon ang pumapawi sa mga pangungulila niya.



ganyan din ka-rosy ang cheeks ko








Masarap ka-chat si Sakina. Bibong bata. Maganda pa. Nakikita ko sa kanya ang sarili ko nung ako ay bata pa. Pareho kasi kaming rosy-cheeks. hihihihi Lagi niya ako pinasisikatan ng kanyang mga talento. Sumasayaw siya. At kinakantahan niya ako ng mga nursery rhymes. Japanese nga lang. Wala naman problema dahil nakakaintndi naman ako kahit konti.

Kagabi ay magka chat nanaman kami. Kinuwento niya sa akin yung madalas na paglindol lately. Takot na takot daw siya. Ayaw din niyang manood ng TV dahil takot daw siyang makita yung tsunami.

Pero bigla niyang naalala na may bago daw siyang toy. Kaya dali-dali niyang pinakita sa kin...


Sakina and Mickey






Sabi niya sa akin, kapag nag tsunami daw, liligtas daw niya si Mickey Mouse. Naiyak ako.

Kumusta na kaya yung napakaraming Sakina na nasalanta ng tsunami at patuloy na pinahihirapan ng epekto ng nuclear plant failure? Sana makuha parin nilang ngumiti. Sana balang araw magkaroon sila ng madaming madaming happy days para madali nilang makalimutan ang mga bangungot na nararanasan nila ngayon. Sana...

20 ang havey ng Ispluk:

Mr. G said...

ang cute ni Sakina!

Mike said...

fuck you! namumula ang pisngi ng puwet mo kamo kasi laging tinitira yan!

Yj said...

Mr. G... oh hello there Mr. G... why do i have a feeling that i know you... hahahahaha

and yes... cute na cute si Sakina. Excited na ako makita siya pag-uwi niya this summer... :)

Mike... i don't understand... ano po ibig mong sabihin? :P

Louie said...

Nakakatuwa naman ung bata. Buti kahit papaano nakaka-smile pa din siya despite of what happened. Her pics made my day. :)

Désolé Boy said...

ready na kong mag-drama, pramis. na-compose ko na ang ita-type ko dito sa comment box. nang mabasa ko ang comment ni mike...para kong nilindol. hehe
.
.
nalito lang ako kasi sabi niya "tinitira yung puwet" mo ate Yj. pwede pala yun? bwahahaha.
.
.
heniway..ang cute niya, grabe..pati hair. uber jet black!. haay bless those kids ;D

poks said...

ahahahaha akala ko sa simula ng kwento eh Fafa si sakina..sowee naman!

cute cute nya!!

Ang bait bait ng kwento mo..ahahaha!

pag naiisip ko ang japan at iba pang bansa ngayon na may kaguluhan....nalulungkot ako =(

Yj said...

Louie... oo nga eh. everytime na nakikita ko siya na ang saya-saya, sumasaya din ako. :)) infectious pa siya tumawa and she calls me Tito... :))

DB... ay naku wag ka maniwala kay Mike. Sinisiraan lang ako niyan kasi mukhang puwet ang mukha niya... hindi ko nga rin alam ibig niyang sabihin sa "tinitira" eh... :))

Ate Powks... ano ka ba, eh talaga namang mabait ako hahahahahaha saka na ang mga boylets... kasawa na hahahahaha :P

Alkapon said...

nakaka panibago ang bahay mo ah... im back..

nOx said...

hongkyutkyut ni sakina! pwede sya maging jpop artist paglaki nya :)

and ditto with wishihg for better and happier days for the japanese people...

raya said...

Somewhere in Japan, merong isang bata dun na umaasa na ililigtas siya ni Ultraman.

My kurot itong entry mo. Sobra, as in sobrang subtle lang.

Yas Jayson said...

Ang galing lang mag-turn ng emotion ng reader. Gujab (:

cArLo said...

ang kyuuuut ni sakina! ^_^
onga kakalungkot ang nangyari sa japan... na may mga namatay at nahihirapan. and pakiramdam ko nga e nandun soulmate ko,. haaay sana buhay pa s'ya... (no i'm not kidding)

Sean said...

awww sakina is such a cutie! and baby pa lang may pagka-hero na.

Anonymous said...

Thanks for this post, it is great

jayps said...

sakina lang si sakina pag-uwi niya sa summer. haha. baby girl, wanted to have one! :)

Anonymous said...

Pretty good post. I just stumbled upon your blog and wanted to say that I have really enjoyed reading your blog posts

Ryan said...

Lovely kid!

Kane said...

Yj, I really love this entry. Naramdaman ko ang naramdaman mo, matagal tagal ka na rin atang hindi sumulat ng ganitong kuwento.

=)

Cheers
Kane

otep said...

hang cute ng cheeks nya.. hohoho red na red :)

Jpy Dee said...

ang cute ni Sakina.

hampula ng pisngi. :)