Pages

Tuesday, December 7, 2010

The Letter V....

kapag nag-cha-chat kami dati ni mama ay ganito:

Mama: hi ganda, kumusta ka na jan?

Yj: okay naman... maganda parin...

tapos magkukwentuhan... hanggang sa:

Yj: ma, wala na akong pera... padala ka na!

*******

Kaya biglang nagbago ang eksena. Umagang umaga mag o-online si mama. Yung sigurado niyang tulog pa ako dahil sa sobrang pagod sa pagtuturo kung pano magsabi ng tamang oras. (yung iba alam na ibig kong sabihin!). Kaya pag nag-online ako sa YM, mababasa ko sa mga off line messages ko ang mga IMs niya.

Mama: hi ganda, maganda ka pa ba?

sasagutin ko naman.

Yj: oo naman, pero wala na akong pera. padala ka na! please... please....

sasagot siya the following day:

Mama: hi anak, nakita ko yung bagong album mo sa FB. maganda ka parin nga. at mukha namang may pera ka pa. byeeee....

kaya ni block ko na siya sa FB.
**********

Kagabi, pag on-line ko, instang buzz talaga sa kin ang babaeng nagbigay buhay sa diyosa ng mga sumpa.

Mama: Kanina pa kita hinihintay!

Yj: nagpadala ka na allowance ko?

Mama: mamaya na natin pag-usapan yan. may chika ako sayo!

Yj: buntis ka nanaman?

Mama: gaga! hindi no! may bago akong TV.... 32 inches.... super flat!

Yj: taray naman....

Mama: oo, bigay ng kapatid mo.... galing siya kanina dito....ni-set up niya sa sala....

Yj: ambisyosa ka talaga... bigay mo na sakin yan, kawawa naman ako, ang chaka ng TV ko, galing surplus!

Mama: ahahahaha hayaan mo na, maganda ka naman. sobrang excited nga ako eh... pumunta ako Tsutaya kanina at nag rent ng dvd.... nanood ako ng Air Vender... ang ganda!

Yj: nyahahahahahaha Vender talaga?

Mama: ay sorry... Vendor ba yun?

*********

nalaglag ako sa upuan katatawa nasipa ko cord ng DSL at natanggal ang saksakan... ayun na disconnect tuloy ako!


HAPPY BIRTHDAY MAMA.... I LOVE YOU!


that's all.... bwah!

21 comments:

the geek said...

happy Virthday, mama ni YJ!!!

wanderingcommuter said...

hahaha! alam ko na kung kanino ka nagmana! LOL!

makiki hampey bewtdey

Dhang said...

ahahaha! ang kulit nyong mag-ina! :) happy bday po sa mama nyo. :)

Gwapo said...

anglandi mo! at tlagang paulit ulit ung pagmention na maganda sya! bwhhahahah :P

Happy Bday 2 ur mom! :P

Yj said...

@ Geek.... Vongga si mudrax di vah! thanks Moi... muahz

@ Wiwik.... TSE! hindi naman ako ma-V noh! ay tama... vungangera nga ako hihihihi

@ Dhang... thank you.... makulit talaga nanay ko...

@ Gwapo... bagay tayo... maganda ako at gwapo ka hihihihihi... kuya miss na kita... hihihihi mag YM tayo, mag shoshow ako para sayo hihihihi

citybuoy said...

Wala namang masama sa air vendor. haha masaya nga yun. napagkakakitaan yung hangin.

Anonymous said...

ahahahaha. happy virthday sa mama mo!

napa-LOL mo ko today. :)

Kane said...

Yj, maganda rin ba Mama mo? =)

Kane

Anonymous said...

lupet ni mami parang dabarkads mo lng :D padaan po at happy bday to ur mom

Sean said...

Nagkulitan ang mag-inang maganda. Best wishes on her birthday,

Unknown said...

hi yj, mukhang cool kau ng mama mo.. nice!

Herbs D. said...

ganda mo lang talaga gurl! Happpy birthday to yo mama-san <3

Yj said...

@ Julia/Vina... since wala akong pera try ko na din maging Air Vendor hahahaha

@ Suplado... salamat... at tama yan, tawa ka lang para hindi ka pagkamalang suplado hihihihi


@ Kane... siempre naman Kane... hindi ko nga namana kagandahan niya, pag nagkataon, ako na ang reyna ng primetime ng ABS! hope to see you soon....

@ BheniPot... oo, bilang 16 years lang agwat namin... ang aga kasi niya naglandi hahahahaha

@ Sean... thanks Sean... sa susunod ikaw na kukulitin ko. humanda ka! hahahahaha

@ Keaton... bakit naman may drunk yang name mo? lasenggo ka? hahahaha joke lang... thanks for dropping by..

@ Herbs... alam mo yan bebegurl! thanks... mishu!

glentot said...

Hahaha i lav et. Vloopers!!! Happy Birthday sa iyong mamittah.

MkSurf8 said...

hahaha luvvv ko si mudra mo! paki greet narin ng bonggang bonggang happy birthday!

Anonymous said...

ang cute ni mama iggy ka lagi pag manghihingi ka na ng pera..ahahaha

hapi bertdey sa mama ni YJ!!!

~Carrie~ said...

Isang maligayang maligayang at happy na birthday sa iyong mama, teh. Natawa ako sa vender.

POPOY said...

natapatawa mo ako.. love the way you talk with your mom so Cool...


Happy Birth kay nanay mo... :)

Anonymous said...

Hahahaha, kulet, close talaga kayo ni mama mu nuh? I like! Happy birthday to her! I love you na because you love your mom so much! :]

ZaiZai said...

feeling ko pinatawa ka ng mama mo ng madistract ka sa paghingi ng allowance :) natawa naman ako sa vendor haha

Bi-Em Pascual said...

ahahahaha ngayun ko lang to nabasa! belated ke mudra!