Pages

Showing posts with label Eye Candies. Show all posts
Showing posts with label Eye Candies. Show all posts

Saturday, March 12, 2011

Artistic Yj...

I was looking for a book in my jungle of a room when I saw the 24-set stabilo micro 8000 that I bought more than five years ago. Under it a sketch pad with endless pages of unfinished sketches. Debendra Banhart. Eugen Bauder. Marcus Schenkenberg. Men in various state of nudity.

I took the pencil set and sketch pad to my work station. Browsed through cutie's pictures on Facebook and found one that I liked.

Look what boredom did to me.











I'm pursuing my art.....  AGAIN!!!

unfinished

I really need to get out of my house!

Buti nalang may Red Riding Hood bukas with my Kuyas... yehey! Lilibre ako ni Odin, bilang mayaman siya! ahahahahaha

Yaiy.

Wednesday, March 9, 2011

Hindi Pa Huli...

Para magsisi.

Nyahahaha Kasi naman si Yj ay nuknukan ng pasweet.

Minsang nasa T-spot ang mga TLs nang may dumaang cutie. Matagal na siyang crush ni Yj. Ilang beses na niyang nakakasalubong, and everytime, tinatakbuhan si Yj ng suot niyang panty.

Si cutie, lumapit sa table ng mga TLs. Kinausap si Honey. Shet, walang siyang anggulong pangit. Anak ng diyos. Walang duda. Imposibleng aksidente ang pagkakagawa sa kanya. Hindi siya tao. Demi-god pwede pa.

Si Honey, pinakilala si cutie sa mga TLs.

Ngumiti siya. Nangatog tuhod ni bakla. Ngumiti naman si Yj kay cutie. Saglit lang. Tapos kunya-kunyarian siyang nagbasa ng libro. Natakot na baka makita ni cutie sa mga mata ni Yj ang tinatagong pagnanasan paghanga. Nakakahiya. Pano nalang ang reputasyon niya bilang virginal beauty ng mga CBs?

Minsan, nagyaya si Honey ng gimik. Kasama daw si cutie. Hindi sumama si Yj. Nahiya eh.

Ilang beses pa naulit ang mga imbitasyon. Wala siyang pinaunlakan. Pa-sweet si Yj eh.

Tapos kanina, tinitignan lahat ni Yj ang mga pics nina Honey kasama si cutie. Nanghinayang si bakla sa mga pagkakataon na pinalagpas niya. Siguro ngayon, close na sana sila ni cutie, kahit bilang magkaibigan.

Si bakla, nagpanic. Hanggang Biyernes nalang ang klase. Gagraduate ni siya eh. May dalawang araw pa. Kailangan niyang kausapin si Honey. Kailangan niyang gumawa ng paraan.

Kailangang maging close si Yj sa kanya.....







dahil kailangan ni Yj ng bagong babyboy!!!

Yaiy

Wednesday, February 23, 2011

Patience is aVirtue...

ano daw?

kasi naman ang status ng aking friendship na si EllaB (ang babaeng mas malaki ang suso kesa ulo) kagabi sa FB ay ganito:

I'm so proud of you mareng YJ. good things come those who wait talaga. after 13 years in college may recognition ka na! bwahahahaha

nieta lang. kailangan ipagdiinan na 13 years na ako sa kolehiyo?

at kung itatanong mo kung anong recognition yan, siempre Miss Gay University!

Char. Kahapon kasi ginanap ang search for best undergraduate research sa school namin and I represented the Education program.

Yes mga ate, panagarap kong maging guro. Dream ko ang magkaroon ng school of faggotry at si Miss Chuniverse ang magdedesign ng curriculum bilang siya ang nangunguna sa kabaklaan.

I did my research 2nd sem of last school year pa. Sobrang pasasalamat ko lang sa mga blogger friends natin diyan na tumulong at sumuporta. Kasama ko kayong lahat sa tagumpay ko. Char!

Bwisit lang, kung may cash prize sana eh di magpapabaha ako ng alak at mga go-go boys.

Pagdating ko sa auditorium, sobrang nanginig ang tinggil ko. Nasa dalawang libong estudyante yata ang nandun. Lalo akong kinabahan nang malaman ko na lahat pala ng kalaban ko ay grupo-grupo, ako lang ang solo. Hinanap ko si loverboy sa crowd, pero di ko nakita. Lalo akong pinanghinaan ng loob. 






Kung title palang ng research mo ay binubusisi na ng mga judges, hindi magandang pangitain yun. Malas lang ng mga kalaban ko at sa kanila nangyari yun. Well, sinabi lang naman nila sa akin na napaka interesting lang daw ng topic ko at nag enjoy daw silang basahin ang research ko na nasubmit na sa kanila a week before the contest pa.




Saglit na nga lang ang oras para sa presentation, nakukuha ko pang mag-pose pag kinukunan ako ng picture ng assigned photographer. At one point nag couture pose pa akez ahahaha.




Siempre ginamitan ko ng visuals na bongang bongga ang presentation ko. Nagpakita ako ng mga hubad na boylets na ikinatuwa ng mga merlat na judges concrete examples on how learning takes place sa blogging world. Dito, ang ginamit ko ay ang comments section ni Kuya Ewik sa kanyang Everyone Has His Own Story post. I was trying to point out that some readers comment on the the errors that they notice, but the learning only occurs if the blogger take into consideration the criticisms he receives. Powerful da vah!


Miss B., Dr. Lucas, Dr. Navarro and Prof. Lucero

Needless to say, ako ang wagi!

Kasi naman, sa criteria for judging eh 100% pala ang audience impact! Yun lang pala basehan. Eh buong educ nandun para pumalakpak for me!

with the ever supportive 4th year educ


Sa next post na yung list ng mga pasasalamatan ko. Need to prepare na, bilang nanalo ako, treat ko sarili ko sa gay bar!! nyahahahahahaha

*****

Isa pa pala, kagabi magkachat kami ni loverboy. Siya yung bago kong crushie. Loverboy na tawag ko sa kanya ngayon ahahahahaha

Loverboy: Congrats Yj.

Yj: Thanks. Hindi ka naman nanood.

Loverboy: Sinong may sabi? Nandun ako.

At umabot ng isang oras ang walang katapusang landian sa chat! Nyahahahaha....

Pero kanina, kachat ko ulit siya. May sakit daw kaya hindi pumasok. Hindi din ako pumasok kasi may sakit din ako. Vaginal pains.

Pero ang loko-loko, may sakit na at lahat nakuha pang mag moktyur. Sa lahat ng may sakit eh siya ang pinaka healthy at cute.... Yaiy


 Nagpaalam ako na ipopost ko yang pic niya! Wag niyo akong artihan!


That's all. Yaiy....

Monday, February 21, 2011

Mabilisang Landi...

I was watching my sister's friend Ace's cover of Hinahanap-hanap Kita over facebook. Natuwa ako kaya hinanap ko sa Youtube para sana ma-upload dito at ma-dedicate sa isa sa mga Babyboys ko ahahahahaha. Dedicate talaga! Ang cheap ko lang.


Pero peste hanggang ngayon di ko pa rin mahanap. Kaya saka ko nalang a-upload.

Anyways, may bago akong crushie. Super bagets lang niya. Freshness!!! Matagal ko na actually crush yang batang yan. Nung last sem pa. Pero ngayong sem na ito, magkaklase kami sa isang subject. Yung naiwan kong minor. At magkatabi kami. Yun lang ang subject na hindi ako nag-aabsent. yaiy

Friends na pala kami sa FB. ni-add niya ako over a week ago. At lagi kami magka chat. Wala lang. Kinikilig lang ako. Nyahahahahahaha....

Di ba Ate Tristan Tan... ang cute niya sa pic niyang nagda-drums siya?







watchutink?


That's all! Yaiy

Saturday, January 22, 2011

Si Melvin at ang Headband na Pink...

Isang araw, nagmamadali akong pumasok dahil late nanaman ako. Isa pa, isang beses ko palang pinapasukan ang subject na yun mula ng magsimula ang semester. Papasok na ako sa gate ng school nang mamataan ko ang beking si Lou. Nagmamando sa pagkabit ng napakalaking tarp sa gilid ng school chapel.

"Yj... eto na official candidates for Mr. and Miss University... sino bet mo?" bungad niya sa akin ng makita niya ako.

"Bakla, wala akong panahon! Male-late na ako!" sagot ko habang naglalakad palayo.

"Kasali si Ben!!!" pahabol na sigaw niya sabay tawa. Alam niya kasing crush na crush ko ang batang si Ben na ka-college namin.

Kaya naman may I about face ako. Ano ba naman ang ilang minuto pa tutal eh late na ako ng kalahating oras sa isang oras na klase.

Tumabi ako kay Lou at mega quick scan ako sa giant tarp.

"Aaaaaaaaaaaaay bakit ang payat ni Ben?" tanong ko pagkakita ko sa picture ni crushie.

"Nagpapayat daw siya eh... mas guapo siya dati no?" si Lou.

"Mukha siyang adik...." dugtong ko.

More scan pa... hanggang makita ko siya. May kung ano akong naramdaman. Hindi maipaliwanag. Mainit. Dumadaloy.

"Yj... naihi ka!" si Lou.

"Puta ka, nag wet lang ako ng slight..." sabay blush. "Sino siya?" turo ko sa isang pic.

"Si Melvin yan... mas guapo yan sa personal, magugustuhan mo."

"Putah ka, ang tanong eh magugustuhan ba niya ako?"

"Sa headband mong yan teh? Naman! Pak na pak! Mahuhumaling yan sa yo, hahahahaha" pang aasar ni Lou.

Sinalat ko ang semi-kal kong ulo. At putang ina, naka headband nga ako. Sa bahay pa ako nung isuot ko ang napag tripan kong headband ng kapatid ko na nakakalat sa kuwarto ko. Kaya pala nagtitinginan mga tao sa akin sa labasan hanggang sa makasakay ako ng jeep. Kaya pala panay ang sipol ng mga tambay samin, na sinusuklian ko lang ng matamis na ngiti na sinasabayan ko pa ng mas exag na pagkembot. Bwisit lang.

Nang masiguro ni Lou na maayos na ang tarp, bumalik na siya sa USC office. Ako naman ay pumasok na sa klase. Ang saya lang, wala ang prof.... yehey! Hindi pa ako mada drop. Kaya naman dali dali akong bumalik sa gilid ng chapel, umupo sa tapat ng giant tarp at buong maghapon na tinitigan si Melvin. Ang bagong boylet na laman ng mga pantasya ko gabi-gabi. Kasi naman, kamukha niya ang babyboy ko.

Sige, guessing game tayo... Sa mahigit isan daang babyboy ko, sino ang kamukha ni Melvin? Ang makahula may libreng chupa.

Eto pala bangungot na itsura ko nang araw na yun, na pumasok akong may headband.

sorry ka!!!


At eto naman ang bago kong crushie. Ang nagpapakilig sa tinggil kong pink!







That's all! Yaiy....