sabi mo: Inaasar mo nanaman ako.
sagot ko: Naglalambing lang.
sabi mo: Naglalandi ka lang.
sagot ko: Nagmamahal ako.
dalawang taon na nating binabasa ang blog ng bawat isa.
halos dalawang taon na din tayong nag-uusap sa chat.
dalawang buwan na mula nung una tayong magkita.
pero HABANG BUHAY na KITANG MAHAL.
kung kinakailangan kong magpaka Ploning, gagawin ko, hihintayin kita. pangako.
Showing posts with label About A Boy. Show all posts

Tuesday, August 2, 2011
Saturday, June 11, 2011
Secret....
How do we ever keep this secret?
How do we keep it in the dark?
And if we dared to taste our weakness,
How do we tear ourselves apart?
Why do we keep this love together?
Didn't we know right from the start?
That we would have to keep this secret,
Or forever stay apart....... (Secret, Heart)

Sunday, February 27, 2011
When Loneliness Kicks In....
Puro panaguyaw ti maaw-awat ko aggapo kadagiti gayyem kon.
Ngem haan da met rikna ti marikriknak. Haan da met nga matarusan nu kasano ti kasasaad ko itatta, ubing.
Manipud ditoy suli nga ayan ko ita, ditoy ko latta nga riknaenen ti rigat ken ladingit ti panagayat ko kenka.
Ngem tandaanam datoy ibagak, uray ipatay ko ti panaguray kanyam, urayen ka!
Ta nu haan met lang nga sika, awan sabalin, ubing.
Awan sabalin.
*****
I'm taking a break from posting here. Gusto kong panatiliin ang blog na to na masaya at punong puno ng kabaklaan. Pero sa ngayon wala akong maisulat kung hindi pagdadalamhati. Kaya dun muna ako mamalagi sa isa kong tahanan.
Pero babalik ako. At pagbalik ko, muli ko kayong bibigyan ng aliw.
Yaiy.
image source

Monday, December 20, 2010
Thursday, October 28, 2010
Kala Mo Ha!
kaninang madaling araw habang ako ay abalang abala sa pag eedit ng pics at ini-stalk ang aking mga crushies sa blogosphere ay may nagtext.... si blogger boy!
blogger boy: hi... how are you? pwede ka ba mabottom?
putang ina tumambling ako!
Yj: sige papabottom ako saiyo kung mas malaki titi mo sakin!
blogger boy: ay tangina mo! maliit lang to! ikaw na! hahahahaha
Yj: bye!

Sunday, March 21, 2010
Saturday, March 6, 2010
The Wish....

In the corner of Tomas Pinpin and Ongpin, there's this golden cross. We were standing in front of it with Chinese candles (I don't know what they're called eh) in our hands. I didn't really know what to do with them, so I watched him intently and did everything he did. On the same wall where the cross was nailed, I saw a paper that says, Prayer Before You Wish.
We were already walking towards Binondo church when he asked.
"So what did you wish for?"
"Wala. Natupad na yung wish ko. Kaya nagpasalamat lang ako," I answered.
He gave me a teasing smile, "gumaganon?"
Just before we were about to enter the church, he faced me and held my hands. "So ano yung wish mong natupad na?"
"Na makarating dito sa Binondo" I said with all the innocence I could muster.
He wrapped his hands around my waist, pulled me close to him and planted a quick kiss on my forehead.
It was my turn to smile.
*****
How do I know he's right for me? He was the only guy who was able to encourage me to go to church. Yaiy.
Monday, November 30, 2009
Moment
In every relationship, there is that MOMENT. A moment that like the pyramids of Egypt will stand the test of time. Not even the end of the world could make it cease to exist. It will just be there, suspended in time, for all eternity.
We were walking down Pedro Gil to Taft Avenue. One of the many walks i knew we're gona take together. I looked up to him and his towering height just had to make me smile. He looked at me intently, his eyes deep and the blackest I've ever seen. I thought, 'if I ever drowned in his eyes, it will be the sweetest way to die."
We finally reached the intersection. I had to cross the street. So i said my goodbye and gave him a pat on his shoulder. He held my hand and i felt something touching my palm. "What's this?" I wanted to know, looking at the little piece of paper. "It's just a note..." and that boyish grin again.
He turned his back and started to walk. A step, another and then another. He looked back at me. A smile started to form in his lips, slow, grand, remarkable. And right there, his deep black brilliant eyes. Full brows. Captivating smile. It was just a moment. A split second in history. A sight that imprinted itself in my sensibility for all time to come.
*****
I love you baby ostrich boy....

Monday, March 16, 2009
Coke, Cigarette and the Power Puffs....

Tuesday (March 10)….. May dalawang oras akong bakante bago Creative Writing kung saan ako na nakaschedule sa defense ng sinulat at pinasa naming short stories. Sinamahan ako ni NJ sa hotel ni Luis. Pauwi na sa Iloilo ang aking newfound friendship. Kailangang magbigay pugay bago man lang siya lumipad tungo sa mga bisig ng kanyang minamahal na siyudad. Inabutan namin siyang naninigarilyo at nagmumuni-muni sa kanyang kuwarto. Hhhhhhhhhhhhm nag-iisip kung itutuloy ang pag-uwi. Chikahan portion muna kami. Siempre alam na niya na sa bahay natulog si NJ the night before.
“Pagbalik mo ng Manila, kasal na kami ni NJ,” biro ko.
“Hoy anong kasal? Kailangan nandun ako sa kasal niyo,” pangongorek naman ni Luis. Natatawa lang ang honey ko.
Sinimulan na ni Luis mag-upload ng pics sa kanyang laptop, dala ko kasi ang USB ng camerang ginamit namin sa concert. Si NJ nakahilata sa kama, ako nakahilata sa kanya. Naglalambing. Sanay na si Luis sa amin. Pagkatapos mag-upload ni Luis, browse kami ng ibang mga pics ng kanyang mga kalalakihan, nakikiusyoso lang naman ang honey ko. Hanggang sa maalala ko yung pic ni Luis na napasama sa isang exhibit. Pinagyabang ko kasi kay NJ yun, kaya pinakita namin. Ito yung mega pose ang lola mo sa loob ng isang box in the nude, tapos inedit para silhouette lang ng katawan ang lumabas. Kaya naman mistulang greek god ang drama ng pic. Then naalala ni Luis na may kopya pa pala siya ng mga raw pics. Although nagbababala naman siya na medyo (medyo?) censored ang dating, kaya ok lang. Pinakita sa amin isa-isa ni Luis ang mga ginawa niyang pose sa loob ng box na iyon. At talaga namang buyangyang kung buyangyang ang kanyang kepz, ay nota pala. Hehehehe. Hindi naman talaga malaswa, artistic nga eh. Oha! Kaya lang ang honey ko, mukhang na culture shock na. Sure na, lagi naman siyang nakakakita sa mga bold movies na napapanood niya ng pototoy, pero iba siguro pakiramdam niya na nakikita ang notring ni Luis, dahil kakilala niya ito. Hehehehehe…. Aside from that slight shock in NJ’s eyes, eh mukha namang nag-eenjoy siyang maki-view.
Oist Luis…. Loka-loka, mas nauna pa niyang nasilayan ang kabuuan ng alindog mo kesa sa kabuuan ng balingkinitan kong katawan. Hehehehehe
Then nagbihis na si Luis at fly kami ng robplace para mag-lunch. Forty minutes nalang at start na ng defense ko. Foodcourt kami, pag minamalas ka nga naman, ang daming tao, walang maupuan. Nagkabrasuhan na yung ibang customers. Siempre pa dahil may kalakihan ang kaha ng katawan ni Luis, madali kaming nakakuha ng puwesto. Takot lang nilang makiagaw. Ayun, malungkot kasi uuwi na siya. Tapos binigyan pa niya ako ng fortune plant as a thank you gift. Ito yung maliliit na parang bamboo? Yung cute na halaman. Sabi ni Luis, alagaan ko daw mabuti kasi someday daw mamumunga ito ng lalake. Hahahaha…. Kaya didiligan ko araw-araw para marami siyang bunga balang araw, at bibigyan ko kayo ng bonggang bongga. Dapat lahat tayo tig-isa. Buti nalang nagmamadali kami ni NJ, dahil hinahabol ko nga ang oras. Kung hindi, nakapokus sana ako sa pag-uwi ni Luis at malamang naglulupasay na ako sa iyak. Mamimiss ko kasi ang bruha. Lalo na kakulitan niya.
Nalate ako. Pero okay lang kasi next meeting na daw ang defense. Yes!
So nauna akong umuwi. Sabi ko kay NJ, text nalang siya pag pauwi na siya at susunduin ko siya sa gate. Mag-aalas otso na yata ng magtext siyang pauwi na siya. Akala ko kasi magjijeep or fx siya kaya pumunta pa ako ng kanto para dun siya sunduin. Habang naghihintay ako, tinext ko si Luis. Kinumusta ko ang biyahe niya.
“Namiss ko ang flight ko teh…. Nagpenalty pa ako ng 2k.”
“HA? Asan ka ngayon?” tanong ko.
“Dito galleria. Hinihintay si Charm. Magmemetro-walk kami mamaya.”
Bongga. D nagpaawat ang lola ko. Extend kung extend ang kanyang Manila tour. Hahahahaha
Tapos may humintong taxi sa harap ko, honey ko kasama sina Asia at BBB. Sumakay na ako sa taxi papunta sa amin. Tumambay kami sa poolside. Bumili sina NJ at BBB ng mga chichiria, yosi at isang 1.5 na coke. Walang baso-baso. Straw. Usap kami. Okrayan. Nagpowerpuff meeting pala sila sa jollibee after class. Actually sina Maine, Asia, LA at EllaB lang naman ang powerpuff girls. Kaso lagi lang kasama si BBB kapag may meeting/okrayan/bastusan sila kaya napasama sa grupong PPG itong si BBB kahit boylet siya na may pagkabayot (amoy ko, ayaw lang umamin ng damuho). Minsan nga gusto ko ng budburan ng asin ang loko para lang malaman kung mangingisay siya. Hahahaha….
Ayun, dahil sa kakulitan ni Asia naglaro kami. Lahat ng gusto naming sabihin idadaan sa mga songs…. Banat ako…
“Kung ako nalang sana ang iyong minahal….”
Sagot si NJ… “Bakit ngayon ka lang?... bakit ngayon….”
“Matagal na akong nandito. Hindi mo lang ako napapansin dahil binulag ka ng sarili mong libog….” Pang-aasar ko sa kanya. Natawa lang sina BBB at Asia.
“Eh hindi naman kanta yang sagot mo eh…” sabi ni NJ ng may halong paglalambing.
“Hon mahal mo ako?” tanong ko. Ang Asia at BBB, nanahimik, pokus, pigil ang mga hininga, hinihintay ang sagot ni NJ sa tanong ko.
“Siempre…” sagot niya.
“Yeeeeeeeeeeeeeeeeee-ha!” chorus nung dalawa.
“Gaano mo ako kamahal?” tanong ko parin.
“Hindi ko alam. Basta lab kita…” sabay tingin ng pagkalagkit-lagkit.
Ito na yung pakiramdam na sinasabi ni Santino…. “ANG SARAP SARAP!!!”
Nang medyo nakaramdam ng init, naghubad ng pangitaas si NJ at nag-dive sa pool. Tuloy naman ang chikahan naming tatlong naiwan. Mostly kinukulit nalang ako nina BBB at Asia. Alam kong natutuwa sila para sa akin.
“Ikaw Yj, gaano mo kamahal si NJ?” tanong sa akin ni Asia ng may pakindat kindat pa at ngiting aso.
“Hindi ko rin alam…” seryoso kong sagot.
“Hmmmm dapat alam mo ah!” sundot pa ni Asia.
“Ay naku… tigilan niyo nga ako….” Sabi ko sabay sindi ng bagong yosi.
Hinatid namin sa kanto yung dalawa bago mag-alas dose. Pagpanhik sa bahay, pinaligo ko agad si NJ dahil basa pa ang kanyang boardshorts, baka magkasakit. Okay, I don’t know about you, pero may isang bahagi ng katawan ni NJ na adik na adik ako. Kili-kili niya. Hahahahahaha…. Natulog ako ng nakasuksok ang face ko dun, the whole night. Ang bango-bango kasi eh… ewan ko ba…. Nasisiraan na yata ako ng ulo sa sobrang pagmamahal ko sa damuhong ito.
Kinaumagahan, (Wednesday March 11) nagpaalam sa akin ng maaga si NJ. Susunduin daw siya ni K, isang kaklase niya na kakilala ko rin. Caster kasi itong si K sa mga commercials. At isasama niya si NJ sa commercial na ginagawa para sa isang brand ng alak. Sina Tim Yap, Jake Cuenca at Angelica Panganiban daw ang main endorsers.
“Baka naman paghintayin ka ng pagkatagal-tagal diyan tapos barya lang ibayad sayo ha… bigyan nalang kita ng pera at pumasok ka nalang sa school,” sabi ko.
“Papasok ako sa school, promise. Sandali lang daw to sabi ni K. Tsaka para may pera tayo.”
Ayun… hindi umuwi kinagabihan. The following day ko na nalaman kung bakit. Nagtext ako sa mga PPG….
“Sheeeeeeeeeet sanay na akong matulog ng katabi siya. Hindi ko kayang matulog mag-isa.”
“Tse! Tumigil ka nga…. Para ngayon lang mawawala yung tao eh…” sagot ni EllaB.
Hmmmmmmp hindi man lang ako pagbigyan sa pag-iinarte ko. Natulog na nga lang ako.
Bwahahahahaha……………..

****
Si Asia yang nasa second pic... kuha yan last sem. Noong maisipang mag-inuman at magswimming dito sa bahay.
artwork from steve walker
Wednesday, January 14, 2009
Perslab...
Ilang araw na rin mula ng mapanood ko sa TV ang pinakamagandang commercial na nakita ko sa loob ng napakahabang panahon. Kung sino man ang mga nasa likod ng ad na yan, congratulations sa inyo. Instant sikat ang proyekto. Pinag-uusapan na sa bawat sulok ng Pilipinas, at sa bawat espasyo sa blogworld. Siempre pa napakalakas ng epekto ng ad. Nanjan kang makisimpatiya sa kinahantungan ng pag-ibig ni boylet sa kanyang perslab. Nanjan kang mainis sa kaharutan ng bilat (although feeling ko iisipin mo lang na maharot siya dahil sa inis, dahil iisipin mong kung ikaw siya, hindi mo pakakawalan si boylet na uber cute). Nanjan kang mapaiyak sa pagtatapos ng maikling kuwento ng pag-ibig na ito, na lalong naging powerful dahil sa kantang ginamit sa background. Pero pinakamalaking epekto na ang panandalian mong pag-alala sa taong yun, na unang-unang nagpatibok ng puso mo. Siya na unang-unang nagbigay kulay sa iyong mundo. Siya na unang-unang naging dahilan ng iyong pagpupuyat. At siya na unang-unang naging dahilan ng iyong pag-iyak.
First year highschool ako nun, nagenrol ako sa pinakamalapit na catholic school sa bayan namin. Magkaklase kami sa cream section. Hindi siya ang tipo ng lalake na magugustuhan ko agad. Kaya walang love at first sight na eksena. Ang itim kasi, pero guapo. Negro nga ang palayaw sa kanya ng mga dati na niyang kaklase. Yun siya, guapong negro. Nagtapos siya ng elementarya na una sa klase. Matalino ang kumag, kaya naman laging bida sa klase. Pero hindi yung tipong nerdy-nerdy. Palabiro kasi at maporma. At dahil dito, marami sa mga girls ang agad nagka-crush sa kanya. Matalino naman ako, pero talagang lagi siyang mas matalino sa akin, katibayan jan ang resulta ng maya’t mayang pagsusulit. Naging magkaibigan kami agad. Dahil mabait siya at dahil malandi ako. Lahat naman kaibigan ko. Dahil nga sobrang active kami pareho sa school at halos pareho ang mga organisayon kung saan kami kabilang, naging close agad kami. Marami agad akong nalaman tungkol sa kanya. Galing sa isang buo, masaya a
t konserbatibong pamilya. Yung tipong walang pumapalyang pag-attend ng misa tuwing Linggo at pagkatapos ay kakain sa labas o mamasyal. Siya yung larawan ng masunurin at ulirang anak. Kaya naman malaki ang respeto ko sa kanya. Dahil nga natural na sa kanya ang pagiging makulit, hindi ako nakatakas sa mga kakulitan niya. Minsan bigla nalang akong babanatan ng ‘mukha kang puyat, inisip mo nanaman ako magdamag noh?’, na sasagutin ko lang naman ng simpleng ‘TSE!’. Nakakainis pa na kapag tumitig siya, malagkit, mapang-akit. Kasi nga maganda ang mga mata niya, matang pusa. Bilugan, pero medyo singkit sa sides, tapos malalim. Alam mo yung mata ni ate Reg? Ganun. Kaya naman pagdaan ng mga araw, unti-unti ng nahulog ang loob ko sa kanya. Pero siempre hindi ako nagpahalata. Feelingero kasi. Kaya naman ayokong dagdagan lalo ang ere niya. Never akong umamin kahit sa mga closest gay at girlfriends ko na may gusto ako sa kanya. Mega press release pa ako na crush ko si ganito, si ganyan, para lang masabi na wala nga akong gusto kay PL. Pero the more na sinisikil lalong nagpupumiglas and feeling. Siya ang naging laman ng mga baklang-baklang pangarap ko bawat gabi. Sa sobrang kampante namin sa isa’t isa, ang dami rin naming naging moment, well para sa akin moment na yun.
Second year kami ng magkaroon ng fundraising, nakalimutan ko na kung para saan. December yun kaya naisip ng section namin na mangaroling. Dahil nga mula pa kami sa ibang bayan, kinailangan naming mag-sleep over sa bahay ng friend. Magkatabi kaming natulog sa futon na nilatag sa sahig ng kuwarto ni J. Mahilig matulog si J ng nakatodo ang aircon. Dahil iisa ang kumot namin, nagsiksikan kami ni PL sa ilalim nito. Siempre pa lahat na ng santo natawag ko para lang bigyan ako ng lakas ng loob na pigilan ang sarili ko sa kung ano man ang pwede kong gawin sa kanya. Nagising akong nakatalikod sa kanya, pero siya, yakap-yakap ang bewang ko. Ginising ko siya para lang ipakita na siya ang nakayakap sa akin. Mula noon, lagi ko na siyang binibiro na siya pala ang may pagnanasa sa akin. Bagay na tinatawanan lang naman niya.
Third year, camping. May sarili akong tent, meron din siya. Pero giniit niya na tent nalang niya ang gamitin naming dalawa. Ayaw daw niyang iba ang makishare sa kanya. Isang malaking YEIZ! Pero dinala ko parin ang tent ko, para may magamit kami ng mga sisteret kong badichi for booking purposes. Etong mga panahon na ito, sobra-sobra na akong inlove kay PL. Pero dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin, wala akong ginawa. Tabi kaming matutulog sa tent niya, pero maliban sa paglalambing niyang pagyakap sa akin, wala na akong nakitang ibang senyales na pwede kong isiping nagpapakita siya ng motibo. Sa tagal naming magkaibigan, natural na sa amin ang ganitong lambingan. Kaya naman todo behave ako. Nang maghiking, kami ang magkasabay. Dahil nga nuknukan ako ng arte, maya’t maya ang pagkatisod at pagkadapa ko. Pero lagi siyang nandun para pagtawanan ako, pero pagkatapos ay aalalayan din naman ako sa pagtayo. Sweet noh? Everynight, fly kami ng mga friendships ko sa campsite ng ibang school para maghanap ng booking, at tent ko ang ginawang motmot. Siempre pa mega imagine ko na sana si PL ang boylet na kaulayaw ko, na sana siya ang kahalikan ko, na siya ang sinasamba ko ng todo-todo on bended knees. Pagkatapos ay babalik ako sa tent niya para matulog. At makakaramdam ako ng guilt, dahil pakiramdam ko niloko ko siya. Nakakaloka….
Grumaduate kami ng highschool ng hindi siya nagkakaroon ng girlfriend. Subsob kasi sa pag-aaral. Siempre pa iniyakan ko yung thought na magkakalayo na kami. Pero pagdating ng college, magkapitbahay lang naman pala ang mga unibersidad na papasukan namin. Nasa Mendiola ako at nasa Recto siya. Kaya naman panay parin ang tambay namin tuwing may pagkakataon. By first year second sem, magkakasama na kami sa isang 2-bedroom apartment. Yung dalawang bilat sa smaller room. Kami ni PL kasama si R sa bigger room.
Second year. Isang weekend yun na umuwi yung tatlo sa probinsiya. Naiwan kami ni PL. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing yun. Dahil walang nagluto, nagdinner nalang kami sa jollibee Dapitan, sa likod ba ng uste. Alas nuwebe palang nakahiga na siya sa kama. Wala daw siya sa mood manood ng TV, kuwentuhan nalang daw kami. Nagtatampo daw siya. Madalang na daw kasi akong magkuwento sa kanya, hindi na gaya ng dati. Pero sa mga freindship naming girls, panay daw ang bangka ko. Nieta, puro kalandian ang kinukuwento ko sa mga bilat eh. Gusto ba niyang marinig ang mga kabalahuraan ko?
‘Bakit hindi?’ sabi nya. Nagulat ako siempre. Pero napaisip na ako. Heto siya, mag-i-eighteen na at virgin pa rin. Taglibog ang gagoh. CHANCE! CHANCE!
So umupo ako sa may paanan niya at mega kuwento ako. Lahat yata ng mga sexcapades ko mula ng dumating ako sa Manila naikwento ko na. Seryoso lang naman siyang nakikinig. Paminsan-minsang bubungisngis pag may medyo nakakatawa. Pero pagkatapos ng lahat,
‘Hindi ko parin ma-imagine kung pano niyo ginagawa,’ yun lang ang nasabi niya.
‘Gusto mo ng demo?’ biro ko.
‘Uhmmmmmmmmm sige…’ Nagulat ako sa sagot niya. Tiningnan ko ang mukha niya. Sheeeet seryoso siya. Kinabahan ako bigla. Tangna taranta akong bigla. Sanay na sanay na ako sa ganito pero bakit parang first time kong gagawin. Sa bawat minutong tulala ako dahil kaiisip sa kanya. Sa bawat gabing puyat ako dahil sa mga pangangarap na kasama ko siya. Heto na. Matatapos na aking paghihintay. Get a grip, bulong ko sa sarili. Ngumiti ako sa kanya, ngumiti rin siya pero halatang kinakabahan. Tumayo ako para patayin ang ilaw. Tumabi ako sa kanya.
‘Yj, promise mo na walang makakaalam please,’ pagsusumamo niya.
‘Promise.’
At nagkaroon na ng katuparan ang mga pangarap ko. Isang gabi ng langit. Hindi na muling naulit yun. Hindi na rin napag-usapan. Hindi rin naging kami. Pero sapat na sa akin na kahit sa ganoong paraan lang, naipakita ko kung gaano ko siya kamahal. Alam ko naman kasi na nung gabing yun, gusto lang talaga niyang maranasan yun. Wala ng iba. Kaya hindi ko parin nasabi sa kanya kung ano yung tunay kong nararamdaman. Natakot ako na baka masira ng isasagot niya yung moment.
Last month, nagsend sa akin si PL ng e-invitation sa kasal niya sa Australia. Siempre pa kinongrats ko naman. Three days ago, magkachat kami ng friend kong si M. Photosharing kami, pinakita niya sakin yung mga pics sa kasal ni PL. Ang ganda ng asawa niya. Masaya ako para sa kanila. Sana maging masaya si PL. Sana…
First year highschool ako nun, nagenrol ako sa pinakamalapit na catholic school sa bayan namin. Magkaklase kami sa cream section. Hindi siya ang tipo ng lalake na magugustuhan ko agad. Kaya walang love at first sight na eksena. Ang itim kasi, pero guapo. Negro nga ang palayaw sa kanya ng mga dati na niyang kaklase. Yun siya, guapong negro. Nagtapos siya ng elementarya na una sa klase. Matalino ang kumag, kaya naman laging bida sa klase. Pero hindi yung tipong nerdy-nerdy. Palabiro kasi at maporma. At dahil dito, marami sa mga girls ang agad nagka-crush sa kanya. Matalino naman ako, pero talagang lagi siyang mas matalino sa akin, katibayan jan ang resulta ng maya’t mayang pagsusulit. Naging magkaibigan kami agad. Dahil mabait siya at dahil malandi ako. Lahat naman kaibigan ko. Dahil nga sobrang active kami pareho sa school at halos pareho ang mga organisayon kung saan kami kabilang, naging close agad kami. Marami agad akong nalaman tungkol sa kanya. Galing sa isang buo, masaya a
t konserbatibong pamilya. Yung tipong walang pumapalyang pag-attend ng misa tuwing Linggo at pagkatapos ay kakain sa labas o mamasyal. Siya yung larawan ng masunurin at ulirang anak. Kaya naman malaki ang respeto ko sa kanya. Dahil nga natural na sa kanya ang pagiging makulit, hindi ako nakatakas sa mga kakulitan niya. Minsan bigla nalang akong babanatan ng ‘mukha kang puyat, inisip mo nanaman ako magdamag noh?’, na sasagutin ko lang naman ng simpleng ‘TSE!’. Nakakainis pa na kapag tumitig siya, malagkit, mapang-akit. Kasi nga maganda ang mga mata niya, matang pusa. Bilugan, pero medyo singkit sa sides, tapos malalim. Alam mo yung mata ni ate Reg? Ganun. Kaya naman pagdaan ng mga araw, unti-unti ng nahulog ang loob ko sa kanya. Pero siempre hindi ako nagpahalata. Feelingero kasi. Kaya naman ayokong dagdagan lalo ang ere niya. Never akong umamin kahit sa mga closest gay at girlfriends ko na may gusto ako sa kanya. Mega press release pa ako na crush ko si ganito, si ganyan, para lang masabi na wala nga akong gusto kay PL. Pero the more na sinisikil lalong nagpupumiglas and feeling. Siya ang naging laman ng mga baklang-baklang pangarap ko bawat gabi. Sa sobrang kampante namin sa isa’t isa, ang dami rin naming naging moment, well para sa akin moment na yun.Second year kami ng magkaroon ng fundraising, nakalimutan ko na kung para saan. December yun kaya naisip ng section namin na mangaroling. Dahil nga mula pa kami sa ibang bayan, kinailangan naming mag-sleep over sa bahay ng friend. Magkatabi kaming natulog sa futon na nilatag sa sahig ng kuwarto ni J. Mahilig matulog si J ng nakatodo ang aircon. Dahil iisa ang kumot namin, nagsiksikan kami ni PL sa ilalim nito. Siempre pa lahat na ng santo natawag ko para lang bigyan ako ng lakas ng loob na pigilan ang sarili ko sa kung ano man ang pwede kong gawin sa kanya. Nagising akong nakatalikod sa kanya, pero siya, yakap-yakap ang bewang ko. Ginising ko siya para lang ipakita na siya ang nakayakap sa akin. Mula noon, lagi ko na siyang binibiro na siya pala ang may pagnanasa sa akin. Bagay na tinatawanan lang naman niya.
Third year, camping. May sarili akong tent, meron din siya. Pero giniit niya na tent nalang niya ang gamitin naming dalawa. Ayaw daw niyang iba ang makishare sa kanya. Isang malaking YEIZ! Pero dinala ko parin ang tent ko, para may magamit kami ng mga sisteret kong badichi for booking purposes. Etong mga panahon na ito, sobra-sobra na akong inlove kay PL. Pero dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin, wala akong ginawa. Tabi kaming matutulog sa tent niya, pero maliban sa paglalambing niyang pagyakap sa akin, wala na akong nakitang ibang senyales na pwede kong isiping nagpapakita siya ng motibo. Sa tagal naming magkaibigan, natural na sa amin ang ganitong lambingan. Kaya naman todo behave ako. Nang maghiking, kami ang magkasabay. Dahil nga nuknukan ako ng arte, maya’t maya ang pagkatisod at pagkadapa ko. Pero lagi siyang nandun para pagtawanan ako, pero pagkatapos ay aalalayan din naman ako sa pagtayo. Sweet noh? Everynight, fly kami ng mga friendships ko sa campsite ng ibang school para maghanap ng booking, at tent ko ang ginawang motmot. Siempre pa mega imagine ko na sana si PL ang boylet na kaulayaw ko, na sana siya ang kahalikan ko, na siya ang sinasamba ko ng todo-todo on bended knees. Pagkatapos ay babalik ako sa tent niya para matulog. At makakaramdam ako ng guilt, dahil pakiramdam ko niloko ko siya. Nakakaloka….
Grumaduate kami ng highschool ng hindi siya nagkakaroon ng girlfriend. Subsob kasi sa pag-aaral. Siempre pa iniyakan ko yung thought na magkakalayo na kami. Pero pagdating ng college, magkapitbahay lang naman pala ang mga unibersidad na papasukan namin. Nasa Mendiola ako at nasa Recto siya. Kaya naman panay parin ang tambay namin tuwing may pagkakataon. By first year second sem, magkakasama na kami sa isang 2-bedroom apartment. Yung dalawang bilat sa smaller room. Kami ni PL kasama si R sa bigger room.
Second year. Isang weekend yun na umuwi yung tatlo sa probinsiya. Naiwan kami ni PL. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing yun. Dahil walang nagluto, nagdinner nalang kami sa jollibee Dapitan, sa likod ba ng uste. Alas nuwebe palang nakahiga na siya sa kama. Wala daw siya sa mood manood ng TV, kuwentuhan nalang daw kami. Nagtatampo daw siya. Madalang na daw kasi akong magkuwento sa kanya, hindi na gaya ng dati. Pero sa mga freindship naming girls, panay daw ang bangka ko. Nieta, puro kalandian ang kinukuwento ko sa mga bilat eh. Gusto ba niyang marinig ang mga kabalahuraan ko?
‘Bakit hindi?’ sabi nya. Nagulat ako siempre. Pero napaisip na ako. Heto siya, mag-i-eighteen na at virgin pa rin. Taglibog ang gagoh. CHANCE! CHANCE!
So umupo ako sa may paanan niya at mega kuwento ako. Lahat yata ng mga sexcapades ko mula ng dumating ako sa Manila naikwento ko na. Seryoso lang naman siyang nakikinig. Paminsan-minsang bubungisngis pag may medyo nakakatawa. Pero pagkatapos ng lahat,
‘Hindi ko parin ma-imagine kung pano niyo ginagawa,’ yun lang ang nasabi niya.
‘Gusto mo ng demo?’ biro ko.
‘Uhmmmmmmmmm sige…’ Nagulat ako sa sagot niya. Tiningnan ko ang mukha niya. Sheeeet seryoso siya. Kinabahan ako bigla. Tangna taranta akong bigla. Sanay na sanay na ako sa ganito pero bakit parang first time kong gagawin. Sa bawat minutong tulala ako dahil kaiisip sa kanya. Sa bawat gabing puyat ako dahil sa mga pangangarap na kasama ko siya. Heto na. Matatapos na aking paghihintay. Get a grip, bulong ko sa sarili. Ngumiti ako sa kanya, ngumiti rin siya pero halatang kinakabahan. Tumayo ako para patayin ang ilaw. Tumabi ako sa kanya.
‘Yj, promise mo na walang makakaalam please,’ pagsusumamo niya.
‘Promise.’
At nagkaroon na ng katuparan ang mga pangarap ko. Isang gabi ng langit. Hindi na muling naulit yun. Hindi na rin napag-usapan. Hindi rin naging kami. Pero sapat na sa akin na kahit sa ganoong paraan lang, naipakita ko kung gaano ko siya kamahal. Alam ko naman kasi na nung gabing yun, gusto lang talaga niyang maranasan yun. Wala ng iba. Kaya hindi ko parin nasabi sa kanya kung ano yung tunay kong nararamdaman. Natakot ako na baka masira ng isasagot niya yung moment.
Last month, nagsend sa akin si PL ng e-invitation sa kasal niya sa Australia. Siempre pa kinongrats ko naman. Three days ago, magkachat kami ng friend kong si M. Photosharing kami, pinakita niya sakin yung mga pics sa kasal ni PL. Ang ganda ng asawa niya. Masaya ako para sa kanila. Sana maging masaya si PL. Sana…
Gayunpaman, malalaki ang pasasalamat ko. Dahil hindi man naging kami sa huli, siya parin ang first love ko. At AKO ANG FIRST TIME NIYA!!! bwah...
Labelsung
About A Boy,
Boys From My Past
Subscribe to:
Posts (Atom)