Pages

Wednesday, January 14, 2009

Perslab...

Ilang araw na rin mula ng mapanood ko sa TV ang pinakamagandang commercial na nakita ko sa loob ng napakahabang panahon. Kung sino man ang mga nasa likod ng ad na yan, congratulations sa inyo. Instant sikat ang proyekto. Pinag-uusapan na sa bawat sulok ng Pilipinas, at sa bawat espasyo sa blogworld. Siempre pa napakalakas ng epekto ng ad. Nanjan kang makisimpatiya sa kinahantungan ng pag-ibig ni boylet sa kanyang perslab. Nanjan kang mainis sa kaharutan ng bilat (although feeling ko iisipin mo lang na maharot siya dahil sa inis, dahil iisipin mong kung ikaw siya, hindi mo pakakawalan si boylet na uber cute). Nanjan kang mapaiyak sa pagtatapos ng maikling kuwento ng pag-ibig na ito, na lalong naging powerful dahil sa kantang ginamit sa background. Pero pinakamalaking epekto na ang panandalian mong pag-alala sa taong yun, na unang-unang nagpatibok ng puso mo. Siya na unang-unang nagbigay kulay sa iyong mundo. Siya na unang-unang naging dahilan ng iyong pagpupuyat. At siya na unang-unang naging dahilan ng iyong pag-iyak.

First year highschool ako nun, nagenrol ako sa pinakamalapit na catholic school sa bayan namin. Magkaklase kami sa cream section. Hindi siya ang tipo ng lalake na magugustuhan ko agad. Kaya walang love at first sight na eksena. Ang itim kasi, pero guapo. Negro nga ang palayaw sa kanya ng mga dati na niyang kaklase. Yun siya, guapong negro. Nagtapos siya ng elementarya na una sa klase. Matalino ang kumag, kaya naman laging bida sa klase. Pero hindi yung tipong nerdy-nerdy. Palabiro kasi at maporma. At dahil dito, marami sa mga girls ang agad nagka-crush sa kanya. Matalino naman ako, pero talagang lagi siyang mas matalino sa akin, katibayan jan ang resulta ng maya’t mayang pagsusulit. Naging magkaibigan kami agad. Dahil mabait siya at dahil malandi ako. Lahat naman kaibigan ko. Dahil nga sobrang active kami pareho sa school at halos pareho ang mga organisayon kung saan kami kabilang, naging close agad kami. Marami agad akong nalaman tungkol sa kanya. Galing sa isang buo, masaya at konserbatibong pamilya. Yung tipong walang pumapalyang pag-attend ng misa tuwing Linggo at pagkatapos ay kakain sa labas o mamasyal. Siya yung larawan ng masunurin at ulirang anak. Kaya naman malaki ang respeto ko sa kanya. Dahil nga natural na sa kanya ang pagiging makulit, hindi ako nakatakas sa mga kakulitan niya. Minsan bigla nalang akong babanatan ng ‘mukha kang puyat, inisip mo nanaman ako magdamag noh?’, na sasagutin ko lang naman ng simpleng ‘TSE!’. Nakakainis pa na kapag tumitig siya, malagkit, mapang-akit. Kasi nga maganda ang mga mata niya, matang pusa. Bilugan, pero medyo singkit sa sides, tapos malalim. Alam mo yung mata ni ate Reg? Ganun. Kaya naman pagdaan ng mga araw, unti-unti ng nahulog ang loob ko sa kanya. Pero siempre hindi ako nagpahalata. Feelingero kasi. Kaya naman ayokong dagdagan lalo ang ere niya. Never akong umamin kahit sa mga closest gay at girlfriends ko na may gusto ako sa kanya. Mega press release pa ako na crush ko si ganito, si ganyan, para lang masabi na wala nga akong gusto kay PL. Pero the more na sinisikil lalong nagpupumiglas and feeling. Siya ang naging laman ng mga baklang-baklang pangarap ko bawat gabi. Sa sobrang kampante namin sa isa’t isa, ang dami rin naming naging moment, well para sa akin moment na yun.

Second year kami ng magkaroon ng fundraising, nakalimutan ko na kung para saan. December yun kaya naisip ng section namin na mangaroling. Dahil nga mula pa kami sa ibang bayan, kinailangan naming mag-sleep over sa bahay ng friend. Magkatabi kaming natulog sa futon na nilatag sa sahig ng kuwarto ni J. Mahilig matulog si J ng nakatodo ang aircon. Dahil iisa ang kumot namin, nagsiksikan kami ni PL sa ilalim nito. Siempre pa lahat na ng santo natawag ko para lang bigyan ako ng lakas ng loob na pigilan ang sarili ko sa kung ano man ang pwede kong gawin sa kanya. Nagising akong nakatalikod sa kanya, pero siya, yakap-yakap ang bewang ko. Ginising ko siya para lang ipakita na siya ang nakayakap sa akin. Mula noon, lagi ko na siyang binibiro na siya pala ang may pagnanasa sa akin. Bagay na tinatawanan lang naman niya.

Third year, camping. May sarili akong tent, meron din siya. Pero giniit niya na tent nalang niya ang gamitin naming dalawa. Ayaw daw niyang iba ang makishare sa kanya. Isang malaking YEIZ! Pero dinala ko parin ang tent ko, para may magamit kami ng mga sisteret kong badichi for booking purposes. Etong mga panahon na ito, sobra-sobra na akong inlove kay PL. Pero dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin, wala akong ginawa. Tabi kaming matutulog sa tent niya, pero maliban sa paglalambing niyang pagyakap sa akin, wala na akong nakitang ibang senyales na pwede kong isiping nagpapakita siya ng motibo. Sa tagal naming magkaibigan, natural na sa amin ang ganitong lambingan. Kaya naman todo behave ako. Nang maghiking, kami ang magkasabay. Dahil nga nuknukan ako ng arte, maya’t maya ang pagkatisod at pagkadapa ko. Pero lagi siyang nandun para pagtawanan ako, pero pagkatapos ay aalalayan din naman ako sa pagtayo. Sweet noh? Everynight, fly kami ng mga friendships ko sa campsite ng ibang school para maghanap ng booking, at tent ko ang ginawang motmot. Siempre pa mega imagine ko na sana si PL ang boylet na kaulayaw ko, na sana siya ang kahalikan ko, na siya ang sinasamba ko ng todo-todo on bended knees. Pagkatapos ay babalik ako sa tent niya para matulog. At makakaramdam ako ng guilt, dahil pakiramdam ko niloko ko siya. Nakakaloka….

Grumaduate kami ng highschool ng hindi siya nagkakaroon ng girlfriend. Subsob kasi sa pag-aaral. Siempre pa iniyakan ko yung thought na magkakalayo na kami. Pero pagdating ng college, magkapitbahay lang naman pala ang mga unibersidad na papasukan namin. Nasa Mendiola ako at nasa Recto siya. Kaya naman panay parin ang tambay namin tuwing may pagkakataon. By first year second sem, magkakasama na kami sa isang 2-bedroom apartment. Yung dalawang bilat sa smaller room. Kami ni PL kasama si R sa bigger room.

Second year. Isang weekend yun na umuwi yung tatlo sa probinsiya. Naiwan kami ni PL. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing yun. Dahil walang nagluto, nagdinner nalang kami sa jollibee Dapitan, sa likod ba ng uste. Alas nuwebe palang nakahiga na siya sa kama. Wala daw siya sa mood manood ng TV, kuwentuhan nalang daw kami. Nagtatampo daw siya. Madalang na daw kasi akong magkuwento sa kanya, hindi na gaya ng dati. Pero sa mga freindship naming girls, panay daw ang bangka ko. Nieta, puro kalandian ang kinukuwento ko sa mga bilat eh. Gusto ba niyang marinig ang mga kabalahuraan ko?

‘Bakit hindi?’ sabi nya. Nagulat ako siempre. Pero napaisip na ako. Heto siya, mag-i-eighteen na at virgin pa rin. Taglibog ang gagoh. CHANCE! CHANCE!
So umupo ako sa may paanan niya at mega kuwento ako. Lahat yata ng mga sexcapades ko mula ng dumating ako sa Manila naikwento ko na. Seryoso lang naman siyang nakikinig. Paminsan-minsang bubungisngis pag may medyo nakakatawa. Pero pagkatapos ng lahat,

‘Hindi ko parin ma-imagine kung pano niyo ginagawa,’ yun lang ang nasabi niya.

‘Gusto mo ng demo?’ biro ko.

‘Uhmmmmmmmmm sige…’ Nagulat ako sa sagot niya. Tiningnan ko ang mukha niya. Sheeeet seryoso siya. Kinabahan ako bigla. Tangna taranta akong bigla. Sanay na sanay na ako sa ganito pero bakit parang first time kong gagawin. Sa bawat minutong tulala ako dahil kaiisip sa kanya. Sa bawat gabing puyat ako dahil sa mga pangangarap na kasama ko siya. Heto na. Matatapos na aking paghihintay. Get a grip, bulong ko sa sarili. Ngumiti ako sa kanya, ngumiti rin siya pero halatang kinakabahan. Tumayo ako para patayin ang ilaw. Tumabi ako sa kanya.

‘Yj, promise mo na walang makakaalam please,’ pagsusumamo niya.

‘Promise.’

At nagkaroon na ng katuparan ang mga pangarap ko. Isang gabi ng langit. Hindi na muling naulit yun. Hindi na rin napag-usapan. Hindi rin naging kami. Pero sapat na sa akin na kahit sa ganoong paraan lang, naipakita ko kung gaano ko siya kamahal. Alam ko naman kasi na nung gabing yun, gusto lang talaga niyang maranasan yun. Wala ng iba. Kaya hindi ko parin nasabi sa kanya kung ano yung tunay kong nararamdaman. Natakot ako na baka masira ng isasagot niya yung moment.

Last month, nagsend sa akin si PL ng e-invitation sa kasal niya sa Australia. Siempre pa kinongrats ko naman. Three days ago, magkachat kami ng friend kong si M. Photosharing kami, pinakita niya sakin yung mga pics sa kasal ni PL. Ang ganda ng asawa niya. Masaya ako para sa kanila. Sana maging masaya si PL. Sana…
Gayunpaman, malalaki ang pasasalamat ko. Dahil hindi man naging kami sa huli, siya parin ang first love ko. At AKO ANG FIRST TIME NIYA!!! bwah...

4 comments:

Aris said...

may kurot din sa puso ang kwento ng first love mo katulad ng sa mcdo.

naka-relate ako. :)

Luis Batchoy said...

hindi ako makarelate at ayoko ikwento ang first lab kong bilat na maharot

wanderingcommuter said...

hahaha... may ganito din akong experience. siya nag first lab ko, at ako naman first experience niya.

nung last time namin ginawa, nalaman ko na lang, two months after, kinasal na siya...

hidni man lang sinabi na despedida na pala niya yun, eh di sana pala binongga ko na yung nangyari. hahaha!!!

Anonymous said...

utang na loob.. panalo. hahahaha.

nashock ako... hahahah..

maganda ka dyan..