Pages

Tuesday, January 27, 2009

Kalbo...



Lunes na lunes. Chinese new year na chinese new year pumuputok ang fuse ko. Imbey talaga kahapon. Bonggang bongga pa naman ang gising ko dahil nakatulog ako ng walong oras, ng hindi binabangungot. So maaga akong pumunta sa skul para iwas sa araw. Scan ako ng ID sa gate, diretso pasok. Naloka ako, may guwardiyang humabol sa akin.

‘Bakit manong?’

‘Yan na ba ang tamang hairstyle ngayon sa skul sir?’ sabay turo sa buhok kong tirik patungo sa lahat ng direksiyon.

‘Bakit manong? Sa tingin ko wala akong nilalabag na rules sa student’s handbook,’ sagot ko, kahit hindi ko pa nababasa ang handbook. Pero confident ako na hindi sakop ng mga bawal dun ang mahawk na gupit.

‘Bawal po yan sir,’ diin niya. Pero halatang asiwa. Nanlilisik na mata ko eh.

‘Manong buong first sem na ganyan ang gupit ko. Bakit ngayon niyo lang ako sisitahin? Kahit dalhin mo ako kay Dean. Siya mismo sinabihan akong trendy ang hair ko last sem, basta daw huwag kong pahabain. May isang buong klaseng magpapatunay niyan,’ banat ko.

‘Eh outlandish po kasi eh,’ ganti niya.

‘May kulay ba manong? Mahaba ba? Sige define outlandish!!!’ napipikon na ako eh.

‘Ay hindi na. dalhin na lang kita sa Dean niyo.’

Nyahahahaha ayaw magdefine. Pero seryoso siya. mega escort niya ako sa office ng college namin. Shet. Sakto nasalubong namin ang secretary ni Dean. Close kami nito, yes!

‘Mam E, tong estudyante ng college niyo, violation po ang buhok eh gusto daw niyang makausap si Dean,’ paliwanag ni manong.

‘Eh kasi ate (yan tawag ko sa kanya) sabi niya ngayon lang daw niya ako nakitang ganito ang gupit. Last sem ganito rin naman ang hairstyle ko di nila ako sinisita. Sana hindi na ako nagpagupit ng ganito kung alam kong bawal,’ sabat ako.

‘Ma’am ngayon lang namin napansin eh,’ paliwanag ni manong.

‘Imposible yun. Araw-araw akong labas pasok sa gate, never niyo akong sinita. Bakit ngayon lang? Ibig sabihin hindi niyo ginagawa ng maayos ang trabaho niyo,’ I swear rinding rindi na ako.

‘Hind naman po sa ganun,’ paliwanag parin ni manong kay Ate E. nakahalta yata si ate na walang patutunguhan ang usapan.

‘Sige po manong, ako na ang bahala. Ako na magdadala sa kanya sa office,’ sabi ni ate.

‘Thank you mam,’ sabi pa ni manong. TSE! Thank u thank u ka jan!!!

‘Wala si Dean. Pano yan? Baka bukas tuluyan ka ng d papasukin ng mga guards,’ sabi ni ate habang paakyat kami.

‘Sige ate, papaayos ko nalang po gupit ko after classes,’ sagot ko. ayaw ko namang makipagtalo pa kay ate E. Tsaka ang bait bait niya sa akin. Nahiya naman ako. Shet talaga si manong. Sana mangisay na siya. D ko pa nai-enjoy ang buhok ko eh.

*****

After classes diretso ako sa salon ni Rey. Inabutan ko ang mga bayot na naglilinis ng salon. Tinanghali ng gising dahil nag-inuman daw sila the night before at natutulog sa taas ang isang long lost lover ni Rey. Tarayful. Sinabayan talaga ng putukan ang chinese new year.

‘Para buong taon na may dilig,’ diin ni bayot. Inayudahan naman nina Red at Yuki.

Dumating ang Rhea na naka green. At may dalang feng shui magazine.

‘Potah ka. Late ka na nga iba pa ang uniform mo. Pula tayo ngayon. PULA!’ salubong ni Rey.

‘Yan ang suwerteng kulay sa araw na ito. Sabi sa horoscope ko,’ sagot naman ni Rhea sabay wagayway ng dalang magazine.

‘Gagah. Pano ka susuwertehin eh may penalty ka dahil jan. kahit ilan ang mercy mo ngayon, kalahati lang ang sahod mo,’ si Rey natatawa.

‘Ay okray. Huwag naman mami,’ pacute naman si Rhea.

Bumaba na si red na bagong ligo at bihis. Sumalang na ako para mapaayos ko ang buhok ko. Paninipisan ko lang. Read akey ng feng shui mag. Madami ek-ek, yung iba may sense, yung iba naman purong patawa lang.

‘Anong nangyari sa boylet mo kagabi Red? Construction worker yun d ba?’ may halong panlalait na tanong ni Rhea.

‘Ay naku. Hindi ko nahada. Puntahan ko daw sa construction site nila mamaya. Pero day aminin mo, fresh. Mukhang bagong salta. Masarap pang balahurain. Ahm!’ sagot ni Red na may patikom pa ng bibig. “Hoy Yj. Basahin mo nga sa akin ang horoscope ko. Aries. Baka suwertehin ako ngayon,’ baling ni Red sakin habang nire-razor ang natitirang buhok sa ulo ko. Hinanap ko naman agad ang horoscope page.

‘Aries,’ panimula ko. ‘May umaali-aligid na pag-ibig.’

‘Aaaayyyyyyyyyyyyy,’ sigaw ni bakla sabay talon.

‘Oy tangina mo, marazor mo tenga ko!!!’

‘Ano pa? ano pa?’ excited na si bakla.

‘Masuwerteng lugar ang mga construction sites. Makakahanap ka dito ng hada. At hindi magpapabayad, dahil ganun ka kaganda sa paningin niya. Pero mag-ingat dahil habang palabas ka ng site ay matitisod ka at madadapa sa nakausling bakal. Tutusok ang bakal sa tiyan mo at tagos hanggang likod. Pero hindi ka jan mamamatay. Malalaglagan ka ng patong patong na hollow blocks mula sa mataas na palapag. Babasagin nito ang mukha mong lutong luto sa astringent. Pero buhay ka parin. Maliligo ka sa sarili mong dugo. Hihingi ka ng tulong. Lalapit ang boylet na hinada mo pero hindi ka makikilala. Aakalain niyang magnanakaw ka kaya tatadyakan ka ng tatadyakan sa buong katawan at pati mukha. Pero marerealize niyang ikaw pala yung bayot na mukhang babae sa paningin niya na kanina lang eh nakasiping niya. Tutulungan ka niya at dadalhin sa ospital. Takbo siya habang buhat ka sa kanyang mga bisig. Matitisod siya at madadapa. Maiitya ka at malalaglag sa manhole. Mamatay kang hindi mo alam ang dahilan,’ pang aasar ko.

Natatawa lang sina Rhea, Rey at Yuki.

‘Ah ganun?’ si Red mukhang d natutuwa.

‘Joke lang,’ sabi ko.

Kalbo na ako ngayon. Kinalbo ako ni bakla. Shet!!! Hindi ako natawa sa biro niya.

5 comments:

NOMS said...

LMAO if ur hair grew back check me site i have a hair styling tips. i go to college aswell but because im asian im excuse to have a wicked hair syle ^_^

Luis Batchoy said...

seryoso? Mega sita sa hair? Naman! That is so 70's. By the way, salamat sa pag alala nung mawala ako sanlinggo sa blogosphere.. in fairney na touch ako. sa susunod bigyan kita cell number para ko para di ka na nag aalala. how sweet, how goldilax!

wanderingcommuter said...

hahaha... papampam na sekyu, makulit na mga parlorista at above all asteeg na horoscope! nyahaha

Yj said...

@ NOMS--- thanks sa pagdalaw. be sure na ready na mga tips mo pag humaba hair ko hehehe...

@ Luis --- oo noh... kainis mga guwardiya sa amin, puro kupal. at oo namiss kita fotah ka.... hahaha.. ang mahal ng e-heads tiket ha... parang dko kaya hmf.

@ Ewik --- magpopost ako ng mga predictions for this year later, basahin mo ang prediction ko sayo hehehehe joke....

glentot said...

haha hanep na horoscope