Pages

Friday, January 9, 2009

HAPPY NEW YEAR..... December 31- January 01



Alas nuwebe na yata ako nakarating sa Tenement kung saan ako nagcountdown. Kasi naman, uuwi na sa Roxas City sina Rose bukas. Gusto ko rin siempre silang makasama pa kahit sandali lang. Sina mommy, Rose, Ramil, Rodel, Winnie, Limar at Nate lang ang inabutan ko. Wala si Bob, nasa San Pedro daw. Subukan daw niyang ayusin ang sigalot sa pagitan nilang mag-ama. Mabuti naman. Wala din ang asawa at mga anak ni Winnie, maliban sa bunsong si Nate, nasa Subic daw.Siempre pa unlimitted ang usapan sa buhay-buhay habang nagdi-dinner. Sarap ng nilutong kaldereta ni mommy. The best talaga siyang magluto. Watch kami ng tv pagkakain. Panay naman ang laro nina Limar at Nate habang hinihintay ang alas-dose. Malabo ang channel 2, kainis, kaya pinagtiyagaan ko nalang ang countdown special ng channel 7. Impernez, nagustuhan ko ang fireworks display nila. Winner talaga. Nang magka-countdown na, binigay na ni Ramil kay Limar ang mga lusis na kanina pa niya gustong sindihan. Si Nate nakatulog na sa paghihintay. Panay naman ang alog namin ng mga tig-lilima at sampung pisong barya sa mga palad. Pamapasuwerte ba. Nang mag alasdose uno, pinagulong na ni Rose ang mga bilog na prutas sa sahig, hindi ko alam kung para sa saan, pero malamang pampaswerte rin. Walang humpay ang dating ng mga text messages sa cellphone. Maya’t maya ang mga tawag. Ang lakas ng mga paputok sa labas, balot na ng usok ang buong Manila. Nakakaloka. Sabay-sabay kaming nag media noche. Gusto ko mang magtagal pa, nakapangako rin ako kay Vanz na pupunta ako sa kanila. Kaya pagpatak ng ala-una hinatid na ako nina Rodel at Ramil sa sakayan, suwerte ko namang may napadaan agad na taxi.

Sinuyod ko ang mga nadaanan kong convenience store sa C-5 para makabili ng beer at yelo. Takti nagkaubusan na yata. Buti nalang may nabili na ako sa huling gas station na nadaanan ko. pagbaba ko kina Vanz, nasa labas ang mga kapatid niyang sina AJ at Adrian, nakikipaglaro ng taguan sa mga katropa nila na kainuman ko nung nakaraang bagong taon. Natuwa ako sa ginagawa nila. Mga binata na pero enjoy parin sa mga simpleng laro na mga bata nalang ngayon ang gumagawa. Nakita ako ni Sak, binati niya ako, inuman daw kami later. Oo naman ako. Naalala ko tuloy si F, yung kaibigan nilang super cute na kausap ko the whole time na nagiinuman kami last new year. Sana dumating siya.

Inabutan ko sina Vanz, Josh at John sa kusina. Wala ang Gray. Nagtatampo daw dahil iniwanan namin siyang tulog nung pasko. Naloka ako. Pero for sure inarte lang niya yun at baka bangag na kaya hindi na makapunta. Sinimulan agad naming inumin ang mga dala kong strong ice. More chika kami. Tinanong ni Vanz sa katulong na si Jelyn kung pwede na yung pinapakuluang bulalo sa labas. Hindi pa daw. Naloka ang Vanz dahil alas-nuwebe pa daw nakasalang yun at magaalas dos na bakit hindi pa lumalambot? Pumuwesto nalang kami sa labas. Nakakaloka, wala na palang baga ang uling, pano maluluto ang bulalo. Naghubad ng shirt si Josh, nagdagdag ng uling at mano-mano ang pagpaypay na ginawa. More paypay more fun ang drama niya. More pictorials naman kami nina Vanz at John. Si Tristan alas-singko pa daw ang out. Isang oras ang lumipas, matigas parin. Kumuha ng mga tinidor si John, nilagay sa kaserola, para daw mas mabilis maluto ang bulalo, mukhang epektib, isang oras lang lumambot na. Lagay ng repolyo, isang minuto pa, sa wakas. Kung may tiyaga, may nilaga…. Trulili itey. May pinatunguhan ang pagpapagod ni Josh sa pagpaypay sa apoy, deserving ang bulalo. Ang sarap sarap. Talaga namang ang lambot-labot. Ultimo litid, melts in your mouth. Deadma na sa cardiac arrest, minsan lang naman. Alas-singko na ng magpasya kaming umuwi, hindi na namin nahintay si Trista. Pupunta pa kasi ako kina Shrek ng lunchtime dahil fiesta sa kanila. Kailangan ko rin ng pahinga. Paglabas namin nina John at Josh sa gate, sandun sina Aj, Sak at mga kapatid nitong boylets, nag-iinuman.

‘Bakit uuwi na kayo?’ tanong ni Sak, ‘inom muna tayo.’

‘May mga pasok pa eh,’ sagot ni John, ‘next time.’

May lumabas sa gate nina Sak, nakasumbrero ng hat ni santa claus. Pakshet si F. Nakangisi, ang guwapo guwapo.

‘Yj, happy new year. Musta cellphone mo?’ pang-aasar niya. Nalaglag kasi yung cellphone ko last new year sa ice box habang nagkukulitan kami ni F sa pagkuha ng picture. Imbes na hanguin ko agad, natuwa ako na lumalangoy yung telepono kasama ang mga bote ng sanmig light kaya naghanap pa ako ng camera para kunan ng litrato. Ayun sira ang cellphone. Natuwa ako na naalala niya, pero tangina, mas natuwa ako na naalala niya pati pangalan ko. Last new year lang kami nagkakilala at isang taon kaming hindi nagkita, pero naalala niya. Sheeeeeeeeeeeet.

‘Inom pa tayo,’ anyaya ni F. Tangina, hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas loob para tumanggi, pero pag umoo ako, alam kong hindi na ako makakapunta kina Shrek. Sheeeeeeeeeeeet.

‘Sige next time. Happy new year nalang,’ sabi ko sabay ngiti ng pinakamatamis na ngiting aso.
artwork from joe phillips

1 comment:

wanderingcommuter said...

hahaha... i can imagine myself on your shoe on this. hahahaha!

nakakakilig pala. nyahahaha...

hampey new year!