December 30, huling gabi ng lamay para sa daddy ni GG. Attend kami ni Shrek siempre.
‘Mare, magsasawa ka sa mga bi mamaya. Ang dami, sila ang mga bet na bet mo d vah?’ tanong sa akin ni Shrek.
Hindi ako sumagot. Simple ang tanong niya pero may bahaging hindi ko maarok. Bi, straight acting gay, bet ko, minsan nga although madalang, kahit sa effem nagkakagusto ako. Masasabi kong ang pinakamalaking impluwensiya sa sexual orientation ko ngayon ay ang mga baklang parlorista sa munting bayan sa Tarlac kung saan ako lumaki. Noong bata ako, aliw na aliw ako na makita sila sa kanilang mga bonggang bonggang damit pambabae, ayos na ayos na buhok na animoy laging sasagala, at sa kanilang makukulay na kulurete sa mukha. Para silang mga anghel sa paningin ko. Sila ang pinakamagagandang nilalang na nasilayan ko sa murang buhay ko. Kaya naman pagkatapos ng klase, lagi kaming tatambay ng ibang friendship kong beki sa mga parlor. Hindi ako nagkainteres sa mga ginagawa nilang panggugupit at pag-aayos, kundi sa salita nila. Araw-araw, matiyaga nila akong tinuruan ng gay-lingo. Bago pa ako mag high school fluent na ang lola mez. Sila rin ang nagbigay ng daan para masaksihan ko ang makulay na mundo ng Miss Gay Pageants. Siempre pa kahit minsan hindi ako sumali, kahit anong pilit sa akin ng mga nanay-nanayan ko. Pero malaking bagay na naranasan kong maging assistant ng mga friends kong beterana sa mga patimpalak na ito. Madami akong natutunan, madami akong masasayang alaala mula sa mga panahong ito. Dahil dito, malaki ang respeto ko sa mga sisteret kong cross dressers.
Bata pa ako, malambot na talaga akong kumilos. Masuwerte lang talaga ako na kahit kaylan hindi naging issue ang pagkabakla ko sa pamilya. Palibhasa lumaki ako sa lolo at lola, kaya wa na spluk ang pudra at mudra, dahil wala nga naman sila para hubugin ako ng pisikal. Basta sabi lang ng pudra, basta magtapos daw ako ng pagaaral para mas madali kong maipaglaban ang lugar ko sa mundo.
Noong ako ay nasa kolehiyo, gustuhin man naming magpa-girl, bawal. Catholic university kasi ang pinasukan namin. May mga usap-usapan pa kami noon na lumipat sa FEU dahil yung ibang mga beki dun eh nakakapagpahaba ng buhok. Samantalang kami, manipis na make-up na lang, nakikipaghabulan pa kami sa mga guwardiya. Hanggang sa give up nalang kami at nag-behave nalang. Malalambot paring kumilos, pero unti-unti nang nawawala ang mga pagkahumaling namin sa mga make-up at mga dresses. Mga paminta na kumbaga, pero durog pa.
Nang ako ay mapadpad sa Japan para tumira with the parents, iba naman ang mundo ng mga beking nasaksihan ko. Madaling madistinguish ang mga beking pinoy dito. Dahil marami nga noon ang mga baklang talento. Pero sa mga hapon, iba ang eksena sa kanila. Kung pagirl ka, kailangan all the way na, as in operada taas-baba. Kung wit mo feel iyenz, straight acting ka na lang. Hindi ko naman talaga pinangarap ang magkaroon ng boobey at kepz noh, kaya naman nagdire-diretso na ang pagka straight acting ko, respeto na rin sa papa ko na araw-araw ko ng nakakasama. Pagbalik ko ng Manila, naloka ako. Lumobo ang papulasyon ng mga sisteret. At talaga namang labananan sa pagpapamin. Nagkalat talaga. Hindi naman tayo nanganganak, kung bakit padami tayo ng padami.
Walang kuwentang pasakalye lang yan. Eto talaga ang isyu. Sa Alabang marami akong friends na pagirl. Ngayon dalawa sa friendship kong ito na dating super gandara ay nagdecide nang mag straight acting. Mahaba-habang transformation din ang pinagdaanan ng dalawa. Mantakin mong noong araw eh talaga namang Via Veloso at Regine Tolentino look alike sila. Laging title sa mga pageant. Ngayon, bruskong brusko na at parehong bigotilyo. Eto namang mga friendship na pagirl parin, medyo naging bitter, dahil tumiwalag daw sila kapatiran. Kaya maya’t maya ang pangungutya ng mga bayot sa dalawa. Naging mga lason daw sila.
Pagdating namin sa lamay, makikita mong may dalawang dominanteng grupo sa loob. Nakapuwesto sila sa dalawang magkahiwalay na lamesa. Isang grupo ang mga pagirl, at isa naman para sa mga pamin. Umupo ako sa mga pagirl dahil mas ka-close ko sila. Nasa dose yata ang mga bayot. At sa kabila naman, sina J at E (dating Via at Regine) lang ang kilala ko, kasama nilang naglalaro ng tong-its at tumatagay ang iba nilang friends na pamin din, nasa isang dosena rin yata ang grupo nila.
Habang naglalaro kami ng tong-its, hindi maiwasan na nagbabatuhan ng pang-ookray ang bawat isa. May pinakilala si J na bagong dating, Kian daw ang pangalan at guwapo impernez. Banat naman ang pagirl na si R, ‘Kian Kian ka jan, eh dating Chinchin Gutierrez yan sa mga pageant,’ sabay halakhak ang potah. Napatawa narin tuloy ang ibang mga beki na nakakaalala sa dating itsura ni Kian. Hindi ko alam kung pano napunta sa akin ang pang-aasar ni R, na dapat daw ay nasa kabilang lamesa ako dahil BI daw ako. Dahil gusto ko ng malinawan ang mga pag-iisip ng mga bayot, tinanong ko si J.
‘J, pumapatol ka ba sa babae?’
‘Hindi no,’ sagot niya.
‘Sino jan ang pumapatol sa babae?’ tanong ko ulit. May dalawang nagtaas ng kamay.
‘R, ayan. Dalawa sa kanila ang BI, dahil they go both ways. Irespeto natin yun. Ngayon, si J at E and the rest, bakla parin kagaya mo at kagaya ko, dahil sa lalake lang sila pumapatol. Ang kaibahan lang namin sa inyo, hindi na kami nagpapagirl. Hindi dahil sa kung ano pa man, pero dahil gusto lang naming magtry ng new things. Nirerespeto namin ang gusto niyo, irespeto niyo rin ang gusto namin. Ganun kasimple.’
Nanahim
ik ang bakla. Tuloy ang tong-its at tagay. Maya-maya pa, nagyaya na si GG, ‘mag miss gay na kayo.’ Tayuan ang mga pagirl, handang handa sumalang. Diretso sila sa labas at inayos ang mga sarili sa kalsada. Tinanong ni GG kung sino sa mga pamin ang gustong sumali. Tumayo ang J at E, pati si Kian tumayo, bakit sila magpapatalo eh sila ang sanay na sanay dito. Tutal, katuwaan lang naman. Nakakaloka, dahil mas pro pa rumampa yung mga pamin sa mga effem. Gusto kong tumambling. Ending, si V na Pauleen Luna look alike ang nagtitle. Pagbalik namin sa loob, pinagdikit na ang dalawang lamesa. Wala naman talaga kasing dahilan para magkaroon ng linyang hahati sa pangkat. Wala…..

No comments:
Post a Comment