Pages

Saturday, September 11, 2010

TL Reunion Part 2: Da Bar

Pag ganitong wala kaming mga pera, tatlong bote lang ng DaBar at isang case ng Red Horse, solve na kami! Halos kumpleto kami, maliban kay Jhay na hindi nagparamdam. Si NJ, napikon nanaman yata sa akin the day before kay hindi din pumunta. Pinag sigawan ko kasi sa canteen na magpapabinyag na yung anak niyang hindi niya kinilala at tinanong ko kung pupunta ba kami. Ayun, nag walk out nanaman.

"Masama loob mo, wala yung pinaka importanteng tao sa buhay mo noh?" pang-aasar sa akin ni Maine.

"Letse ka, tigilan mo ako. Tsaka masaya ako, nandito si Barbie, at darating si Dada mamaya," sagot ko.

Ito kami noon. September 2008


Ito na kami ngayon. September 2010.

 May tama na kami ng dumating si Dada. Ang Asia ayaw akong tantanan. Lahat nalang ng makita niya, ni-rerelate niya sa amin ni NJ. Bwisit lang!

"Yj, umaasa ka pa?" tanong niya sa akin.

"Umaasang ano?" tanong ko.

"Na magkakabalikan pa kayo?" sabay tawa ng nakakaloko. Kahit paos na siya't lahat, makapang asar lang.

"Hindi na," sagot ko.

"Mahal mo pa?" tanong niya ulit.

Ngumiti nalang ako.

"Shot mo nalang yan..." si Dada, sabay abot sa akin ng isang basong Red Horse.

Ampait ng potah!




11 comments:

wanderingcommuter said...

huwaw... ang friendship, ang saya. nyahahaha! kelan kaya tayo magsasabugan ulit? my gawd, the term sabugan. i mean, wasakan... oooh wasakan! hahahaha! inuman na nga lang!!!

citybuoy said...

shot pah, friend. pag-usapan natin yan habang laseng.

toffer said...

tsk...super back read yung drama ko last month sa mga past posts mo about nj and you...

sana nagkatuluyan kayo..everybody deserves a second chance dba?heheh

kaloy said...

yufee elbi ka? prang familiar kasi yung room sa first photo - prang sa Agapito yan ah... hehehe.

glentot said...

Hehehehe. I have a nasty comment I'll tell you when we all meet up again.

Drei said...

anu naman kaya ang nasty comment na yan.haha!

John Ahmer said...

si glentot ang nasty ang wholesome ng post eh hehe

pusangkalye said...

ikaw? of all people, mawawalan ng pera? anung ginagawa ng mga sako sakong lapad dyan? bwahaha. pero mas okay nga yan minsan, basta kompleto ang barkada di namn na talaga kailangan ng fancy na resto o pub....

Unknown said...

Oo nga, iniinom na lang dapat yan. :D

VICTOR said...

Ginusto mo yan... Hehe.

toxic disco boy said...

manila bitch! hi! ^^ it's mike from last time. hahaha.

anyway, up na yung site namin. pls. do check it out. ^^ di pa tapos kasi ako lang isa ang gumagawa. hahaha.

pls. support us. ^^

http://paradigmshiftclothing.tk/