Bago ang lahat, hindi ito kuwentong kalibugan. Kaya Glentot Bansot at Jepoy Payatot (ayan hindi kita tinawag na tabatsoy ha), kung kuwentong kalibugan ang hanap niyo, sa ibang blog kayo pumunta. Blog is a mirror of one's personality. Kaya wholesome ang blog ko, dahil ganyan din ako sa tunay na buhay. Promise!Anyhow, may friend ako. Boylet. Sobrang hot. Ipinanganak ang gago na may 6-pack abs. Yeiz. Pagkasilang sa kanya, may abs na siya. Taray di bah. Sobrang tangkad ng friend kong toh. Puro kanto ang mukha, kahit saang anggulo mo tignan parang model lang. May pagka blonde pa ang buhok kasi nga sabi niya half-Pinoy half-Swedish daw siya. Pero feeling ko, half-fish half-bitch lang naman. Feeling ko talaga isa ring sirena ang friend kong to.
Anyhow ulit, mahilig magpamasahe si friendship. Pero hindi naman sa mga mahahalay na massage parlor na lagi kang tinatanong ng "anong gusto mo sir? Sop o moderet?" At kapag tinanong mo naman ng "Ano ba yung kaibahan ng soft at moderate mo?" Sasagutin ka ng "gusto mo ba sir sopsopin ko pa o gusto mo deretso na?" Serbis parlor pala napuntahan mo teh!
Anyhow for the third time. Sa massage parlor na to, may suki ng masahista ang friendship ko. At lalake ang masahista ng higad. Pero isang araw, wala ang suki niya kaya kinailangan ni friendship na mamili ng ibang masahista. Cut the story short nasa massage room na ang dalawa. Nakadapa ang hubad na si friendhip habang sinisimulan nang lagyan ni masahista ng grasa ang kanyang buong katawan. Saka sisilaban. Bongga!
Tapos, karindi na ang anyhow, itong si masahista, mukhang naramdaman na medyo asiwa ang friendship ko sa kanya. Kasi nga first time nila sa isa't isa kumbaga. Kaya si kuya nag try mag fire up ng conversation.
Masahista: Sir may asawa na po ba kayo?
Friendship: Wala pa kuya. Bata pa ako eh.
Masahista: Eh anak sir? Meron na?
Friendship: Wala din kuya.
About this time, medyo feel at ease na ang friendship. Kaya siya naman ang mega ask ng mga tanong.
Friendship: Ikaw kuya may asawa ka na?
Masahista: Meron na po sir.
Friendship: May anak ka kuya?
Masahista: Meron na din po sir.
Tuloy ang masahe. Si friendship nanahimik na dahil wala ng maisip itanong. Nang biglang...
Masahista: Hindi ako makapaniwalang wala pa kayong anak sir.
Friendship: Huh? Kuya wala nga akong asawa pano ako magkakaroon ng anak?
Masahista: Naiintindihan ko naman po yun kung wala kayong asawa. Hindi lang ako makapaniwala na wala pa kayong anak.
Friendship: Bakit naman po?
Masahista: Eh di ba sir, sabi nila kung may stretch mark ka daw may anak ka na?
Bwahahahahahahaha BANG! BANG! yun lang.....
******
Siya nga pala, totoo lahat yan, maliban sa abs, beerbelly kasi meron tong friend kong to.... niyahahahahaha
17 comments:
natawa ako dun sa huli! good thing di ako umiinom ng tubig, baka napunta sa ilong ko yun. :D
ano reaksyon ng friend mo?
buti di nya sinipa yung guy sa inis jejejej
omg kuwawa naman yung friend mo!! siguro pag nabasa niya to, tatambling siya hanggang lourdes. lol
bwahahaha! putakels, nagbuntis ba yung friendship mo kaya nagka-stretch marks at tinanungan tuloy kung nagka-anak ba sya?
Si JEPOY TABATCHOY to no?
Stretch mark saan kaya ang nakita nya...? LOL..
Grabe ang plot twist! In fairness!!!
bigla akong napaisip at me mga mukha na puimasok sa isip ko---pero since sabi mo hindi sila sige na nga. diko na lang kilala para mas may thrill.
hihihihih. So nung makilala ko pala ang mister ko dapat tinanong ko kung may anak na rin sya...kse may stretch marks sya eh- hahahah!
hahahaha
shompalin mo yang atribidang yan!
AHAHAHAHAHAHAHAHA
nakakalurkey si masahista!
Si Doc Mike a.k.a Andy ba ito?!
Yj,
Napa check ako kung may stretch marks ako!
Kane
nung unang binabasa ko to, sabi ko nakarelate ako sa "sop o moderet" pero napatumbling mo ako dun sa stretchmarks! hak hak!
si jepoy to no? umamin ka? haha!
(peace jepoy! may stretchmarks din naman ako kaya quits lang! hehe)
hohoho
anong stretchmark yun? malamang di na uli sya kukuning masahista hehe
:-)
HMMMMMMMFFFFFFFFFFFPPPPTTTTTTTT putangina ka not only for the mention kundi natawa talaga ako sa ending anong akala ni koyang masahista, pag may nabuntis ka tutubuan ka ng stretch marks??? Mabuti na lang nagmasahista si Koya, hindi doktor. Baka akala nya sa pwet lumalabas ang babies...
Pero puta ka pa rin.
hahaha :)
i like your post
Natawa ako kay kuya masahista in fairness hahaha!
Post a Comment