Pages

Thursday, April 16, 2009

Enchanting Bolinao.....

April 9, Thursday.... Okay na kami ni NJ pagkagising. Parang wala lang nangyari. Medyo late na kami bumangon dahil ang sarap matulog sa kubo. Tawag agad ako kay PB para malaman kung nakontak niya yung kilala niya sa Bolinao na trykee driver para ihatid kami sa Patar. Kaso nagkaroon ng konting misunderstanding. Si Asia naman at mga sisteret niya ang naghanap ng sasakyan, kaso nga dahil bakasyon lahat ng mga friendship at family na may karamba eh nasa galaan din. Alas-diyes na ng umaga. Shetness, anong gagawin?


"Commute na tayo?" tanong ko kay Asia.


"Go go go..." sagot naman niya.


By 10:30 nakasakay na kami sa likuran ng van papuntang Bolinao. Dahil sa pagmamadali, nagtake out nalang kami sa mcdo. Papak kami ng frenchfries, kain ng burger at chicken nuggets, at siempre, ang walang kamatayang coke float. Pagdating namin sa bayan ng Bolinao, bumili kami ng mga chichiria. Pumunta sa paradahan ng trykee na biyaheng Patar. Siksikan kaming tatlo sa loob. Pwede namang may umupo sa likod ni manong drayber pero peste naman ang init. D pa kami nakakarating ng beach, tustado na kami. On the way, tumigil ang trykee sa isang tindahan para ibaba ang isang kahon ng GSM blue na pinabili marahil ng may ari ng tindahan. Napagkasunduan naming tumagay, kaya bumili kami ng isang malaking bote ng inuming para sa mga diyosa. At hinatid na kami ni manong sa lighthouse. Kaloka, ang sabi sa akin ng friend kong si AK, okay lang daw magtrykee dahil maayos na daw ang daan. So wrong. Bungal-bungal pa ang pagkakasemento ng daan papuntang Patar. Kaya naman pag nasa rough road kami at may mag oover take na sasakyan.... para kaming mga espasol na pinupulbusan ng bonggang bongga. Buti nalang nakarating na kami ng lighthouse. Dahil magmomoktyur lang naman kami, hinintay na kami ni manong, para siya na rin ang maghatid sa amin sa beach. Ang sarap sanang kumuha ng picture sa lighthouse, kaso sobrang init, hindi ko kinaya. Kaya nagpak-ap agad kami. Pagkahatid sa amin ni manong sa beach nagprisinta siyang sunduin na din kami later in the afternoon kung gusto namin. Siempre wit na kami choosy, any moment d pa kami makauwi.




The lighthouse.....


Nasa likod namin ang malanding jipelya na kapatid yata ni CHAR LANG!





Pondering.......



For a moment, I owned the world....


For a moment, the world was OURS





My honey loves thermal water......





My honey showing off.... hahahaha

Fullpack lahat ng mga cottages. So walkathon kami sa tabing dagat para maghanap ng pupuwestuhan. Shetnes ang init ng sand. Kaya dali-dali kaming sumilong sa lilim ng isang tindahan. Pero kung kulay ng tubig at pino lang naman ng buhangin ang pag-uusapan, hindi napahiya si Glen. Maganda talaga ang beach ng Patar. Pero yun lang, ang mga alon na pinagmamalaki ni Glen na nakakadonselya daw, wala parin hehehehe. Hindi ko naman kasing powerful si Glen, kahit anong pakiusap ko sa inang dagat, hindi siya nagpaalon. Stagnant siya hanggang sa kami ay lumisan.


"Ilan kayo?" tanong ni manang. Madaling hulaan na sa kanya ang tindahan, at feeling ko siya rin ang may ari ng mga cottages na nakapaligid dito.


"Tatlo lang po kami," sagot ko naman.


"Gusto niyo dito nalang kayo? Wala na rin kasing bakanteng cottage dito eh..." sabi ni manang sabay turo sa lamesa sa harap ng kanyang tindahan.


Why not choconut. Binigyan kami ni manang ng mga upuan. At siempre pinahiram din niya kami ng pitcher at mga baso. Ang bait niya, super. May dumating pang isang matanda na may dala-dalang mga sea urchin, fresh from the sea, na MARATANGTANG daw ang lokal na tawag.


at the lagoon.......




taloooooooooooooooooooooooon........
sunblock time.......


ganyan ka spoiled ang honey ko......


PRIDE...
Beach Boys......

Dahil first time kong makakita, tinanong ko si manang tindera kung ano yun.


"Yan ang talagang nilulunok ni Narda bago siya sumigaw ng DARNA!" sagot niya with conviction. Naloka ako, gusto kong tumambling sa kabaklaan ng thunders na itey. Nag-iwan yung matanda ng tatlong piraso para sa aming mga turista (yeiz... siempre turista arrive namin). Inihaw naman ni manang para sa amin. Kaya lang, ng luto na siya, si NJ d kinayang kainin, kaya kami nalang ni Asia ang tumikim. Face your fears ala pinoy fear factor itey, dahil kadiri talaga ang itsura. Pero ang lasa naman..... mas kadiri. Hahahaha.

maratangtang

Tamang inuman lang kami. Si Asia ang tanggera na garapalan ang pandaraya sa amin ni NJ. Kunsabagay, iinom nga naman para malasing tapos magrereklamo sa taas ng tagay, minsan praning ang mga umiinom. Inubos namin ang alak at saka nagkayayaang mag swimming. Saglit din lang kaming nagtampisaw, mas inuna kasi namin ang moktyur. Before we knew it, mag-aalas singko na. Shetness, alas kuwatro ang usapan namin ni manong drayber. Kaya dali-dali kaming nagpak-ap, binayaran si manang at fly sa parking lot. Nandun na si manong. Basang basa pa kami pero deadma, pupunta pa naman kami ng enchanted cave, dun nalang magbabanlaw.


Bongga ang enchanted cave, ang lamig ng tubig. Malinaw na malinaw pa. Nagtataka lang ako na kahit nasa tabing dagat siya, fresh water itey. Sa sobrang lamig ng tubig, nanigas na at lumabas ang mickey mouse ears ng honey ko. Tipong pag pinitik mo eh, lilipad ng bonggang bongga More moktyur more fun. Tapos may isang lalaking talaga namang nagliliparan ang ingles. Balikbayan. Matangkad, moreno. Tipong Derek Ramsey ang arrive. Naglalaro kami ni Asia sa tubig ng lumapit ang boylet sa amin. Si NJ naman nakapuwesto sa mga bato-bato at panay ang kuha ng moktyur.


tahanan ng mga psssssssst.....


kunyari totoo.........

CAUTION: NO MOVING OF UNDERWEAR!

Flexing......


Cave Men.....



mickey mouse ears.......


"What's in there?" tanong ng boylet sa amin, tinuturo ang pinakadulong bahagi ng kuweba kung saan wala ng ilaw. May lagusan pa kasi sa dulo kaya lang kashokot na dahil super dark.


"I don't know, would you like to find out?" sagot ko, siempre sinabi ko yan sa pinaka sweetness na tono na kayang hugutin lalamunan ko. Si Asia naman, natatawa lang. Ang NJ masama na ang tingin sa akin. Wow, nagselos?


"But i don't think people are allowed to go there..." bawi ko sa boylet, at lumangoy na ako papunta kay NJ. Bahala si Asia makipag inglisan jan. Dahil kokonti narin lang ang tao, umakyat na kami at nagbanlaw. Ang kulit, salinsinan kami sa pagbomba ng poso. Pinauna namin si Asia, at pagkatapos ay iniwanan niya kami, dahil ang banyong bihisan ay malapit lang sa entrance. May isang banyong gawa sa pawid sa tabi ng poso.


"Hon...." bulong ko sa kanya sabay nguso sa banyo.


"No!"


Natawa nalang ako. Kinarir ko nalang ang pagbobomba ng tubig para matapos na kami. Dumidilim na. Mga alas otso na yata ng makarating kami kina Asia. Naghapunan kami at tsaka muling tumambay sa kubo. Sa sobrang pagod, d na kami ulit nakabalik ng pantalan.


Hindi ko alam, pero nang gabing yun, may napansin ako kay NJ. Hindi na siya kasing lambing gaya ng dati. Pero baka paranoid lang ako, o baka sobrang pagod lang siya. Hindi ko alam.

John, Shane, Asia, NJ and Yj... sa kubo.....

8 comments:

wanderingcommuter said...

hahahaha. tawa ako ng tawa sa mga pics.... it reminded me of lalaki sa parola!!!


hahahaha!

citybuoy said...

nice ng lighthouse!!! buti okay na kayo. hehe

Luis Batchoy said...

pstt teng... pondering po, hindi poundering... bastos yung poundering... hehehehe

Yj said...

@luis... ahahahaha oo nga pala... sorry naman.... yan pala gusto mong gawin sa honey naten hehehehehe

CHOZ.... nagtext na siya hahahahaha

Aris said...

kilig ako sa mga pics at sa kuwento pero parang na-disturb ako sa last paragraph. pagod lang siguro hon mo. wala naman sigurong dahilan para magtampo uli siya kasi ang saya-saya naman ng araw ninyo. ingat kayo lagi. :)

Herbs D. said...

:-| ayaw kop muna magsalita sis. di ko pa keri dahil talagang mahaba ang hair mo. haha

Anonymous said...

ui, yung LIGHTHOUSE parang yung sa Ang Lalaki Sa Parola... oo Promise pato yung bahay. eh kaso sa Lobo naman yun eh. sa Batangas ata. In fairness bonggan rin talaga yung katawan ni NJ. kaya ka siguro nababaliw sa kanya. Ano ba naman yang mga sea urchins na yan iba-iba pang kulay... parang nakakatakot naman kainin.

Rome Diwa said...

pangarap ko makapunta jan sa encahnted cave. maybe next year