
beer and ramen anyone?
Sunday (March 29)..... nagising ako pero somehow, tinatamad akong idilat ang mga mata ko. Parang gumegewang pa ang mundo. Masakit ang ulo ko. Niyakap ko si NJ sa bewang palapit sa kin. Alam kong nakaharap siya sa kin dahil ramdam ko ang mainit niyang hininga. Tulog na tulog pa siya, dahil hindi man lang kumilos. Nilaro ko nalang ang buhok niya. Bagay na sarap na sarap akong ginagawa lalo na sa umaga. Kaso may mali.... bakit parang manipis ang buhok na hinahagod ko. Napadilat ako. At tumambad sa mukha ko ang mukha ng bayot na si L. Nakangisi ang gagah.
"Palit tayo..." bulong niya.
Dali-dali akong pumatong sa kanya, roll over. Palit kami ng puwesto. Shet... natulog siya sa gitna namin ni NJ? Pano nangyari yun? Eh ang pagkakaalam ko, yakap-yakap ko si NJ bago ako nakatulog. Ginala ko ang paningin ko, may natutulog sa nakalatag na futon sa sahig. Balot na balot sila ng comforter pero nakalitaw ang dalawang pares ng mga paa. Si San at Rin? Pumikit ulit ako. Niyakap ko si NJ na nakatalikod sa akin. Pagkagising ko, wala na si NJ sa tabi ko. Nakatayo sa labas ng pintuan ng CR.
"Hon...." tawag ko sa kanya.
"Naiihi na ako..." sabi na lukot na ang mukha.
"Oh...?"
"May tao eh," sabay turo sa banyo.
Wala ng tao sa futon. Lumipat ako, nilalamig na ako sa lakas ng aircon. Si L, nakabaluktot narin at yakap ang sarili. Lumabas si San mula sa banyo, balot ng tuwalya. Dali-dali namang pumasok si NJ. Pumasok si Ez at may inabot na damit kay San.
"Keri na ba ito?" tanong ni Ez.
"Oo... basta puti..keri na," sagot ni San at walang kiyemeng nagbihis.
Paglabas ni NJ sa banyo, niyaya ko siyang matulog ulit. Pumailalim siya sa comforter. Niyakap ko agad siya. Gumanti ng yakap. Inangat ko ang kamay niya, adik nga ako sa kili-kili niya d bah? Pero masama yata ang gising ng gagoh, nakulitan sa akin. Tumayo. Ayun, nakatayo lang siya sa paanan ko. Nakatingin sa kin.
"N... ano bah?" pag-iinarte ko. Yung pagirl na inarte to the millionth power na kanda error error na ang calculator.
"Eh angkulit mo eh...." pagmamaktol niya with matching dabog ng isang paa.
"Kasi naman eh.. naglalambing lang..." pagmamaktol ko rin sabay talukbong ng comforter.
Naramdaman kong umangat ang makapal na kumot. Tumabi ulit siya sa akin. Niyakap ko siya sa bewang. Tahimik lang siya. Nakatulog ulit ako. Nagising ako, wala na siya sa tabi ko. Nakaupo siya sa gilid ng kama. Nagpupunas ng mukha, nakapag-hilamos na. Si L, nasa likod ni NJ, nag-iinat na. Hinanap ko ang aking bag. Dumiretso sa banyo para maghilamos at sepilyo. Paglabas ko, nasa kuwarto na si Ez, nagyayaya ng mag-almusal. Sabay-sabay kaming kumain. Ako, NJ, L at si Ez. Dumiretso na ng pasok sa trabaho si San. At si Rin pala, umuwi rin pagkatapos ng inuman, silang dalawa lang daw ni Ez ang natira para ubusin yung biniling redhorse. Kape at yosi sa balcony pagkakain. Kanya kanya kaming hilata sa mga sofa sa living room. Watch ng The Mummy. Kanya kanya kami ng eksena. Halatang antok pa ang lahat. Magkatapat kami ni NJ ng kinasasalampakang couch. Si L nakahiga sa mas mahabang sofa, yakap yakap ang dalawang throw pillows. Si Ez busy sa pag-aalaga ng kanyang dambuhalang anak. As in monster size ang dalawang taong bata. Tipong hihiwalay ang kaluluwa mo sa katawan pag binuhat mo. Ikaw na magkaroon ng Russian-Israeli na tatay. No wonder na ganun kalaki ang suweldo ng yaya nila. Ewan ko pero pag magkausap kami ni NJ, biglang magtitinginan sina L at Ez. Nakakapraning pero nanahimik ako. Pagkatapos ng movie. Niyaya na ako ni NJ sa kuwarto. Freshen up lang daw siya at uuwi na. Hinatid ko siya sa baba at pinasakay ng taxi.
"Text mo ako pagkauwi mo ha.... "
"Yup..."
Pagbalik ko sa taas. Naghihilik na ang L sa sa sofa. Si Ez nasa master's bedroom na at tulog din katabi ng anak. Nakaramdam ako ng panlalagkit kaya naligo muna ako bago bumalik sa pagtulog. Pagkagising, naghahanda na si Ez sa lamesa ng super late lunch. Alas tres na yata ng hapon. Pagkaupong pagkaupo sa lamesa, sinimulan na ni L.
"Gago ka. Alam mo bang ngayon lang kami nakilala at nakasam ni NJ tapos ganun-ganun nalang kung awayin mo? Siempre napapahiya yung tao," banat ni L.
"Oo nga. Ang bait bait nun eh tapos inaaway away mo lang. Kala ko ba mahal mo?" si Ez.
Nanlaki mga mata ko.
"Anong inaway?" tanong ko.
"Heller... Nung naglalakad tayo from greenbelt. Hindi ko nga alam kung saan nanggaling yun eh. Bigla ka nalang nagtatatlak. Ang saya-saya naman natin tapos bigla nalang pumutok yang fuse mo. Kung ano-ano ang pinagsasasabi mo regarding sa outing nila sa Bulacan," paliwanag ni L.
"Alam mo naglalakad na si NJ nun mag-isa. Kaya sinabayan ko. Sabi ko nga huwag ka nalang intindihin at lasing ka lang," dugtong ni Ez.
Pinilit kong pigain ang utak ko at alalahanin ang mga nangyari. Pero walang solid na memory, puro fragments. Shit.... naalala ko na.
"Saan ba galing yun? May problema ka ba?" tanong ni L. "Ikaw na ang nagsabi na medyo confused pa yan sa nararamdaman niya sa iyo. Ikaw din, baka matakot yan bigla ka nalang layuan. Pare bata pa yan. Let him enjoy his life with his friends. Hindi naman yata siya nagkukulang ng panahon sayo. Huwag ka namang masyadong possesive. At day, pasalamat ka at mabait yung tao. Kung ako lang ang aarte-artehan mo ng ganyan, babalian talaga kita ng buto."
"Oo nga. Ang aga-aga kanina, panay ang pagmamaktol mo. Eh bagong gising kaya yung tao, hung over pa," naiiling na sundot ni Ez.
Nanahimik nalang ako. So kung inaway ko siya habang pauwi kami kina Ez, how come na okay naman kami nung nag-iinuman na sa kuwarto? Naalala ko pa na sinusubuan ako ni NJ nung kinakain niyang ramen. Napagtanto ko, sobrang pasensiyoso ni NJ sakin. Sobrang bait niya. Bigla akong nakaramdam ng panlulumo. Minsan ko ng pinangako sa sarili ko na hinding hindi ako gagawa ng ikasasakit ng damdamin niya.
"Tawagan mo nalang at magsorry ka bakla..." sabi ni L.
Pagkatapos kumain, pumuwesto kami ulit sa balcony para magyosi. This time, ang mga boylets naman ni L ang pinag-usapan namin. Nang magising ang anak ni Ez, nagyayang magswimming sa rooftop. Kaso hindi ko na maenjoy ang moment, balisang balisa na ako. Gusto ko ng makausap si NJ. Kaso, wala naman siyang sinagot sa mga text ko. Balance check, shet 9.50 nalang ang load ko. D pa pwedeng pang 235.
Nagload ako sa mini stop bago umuwi. Alas-siyete na ng gabi nang makarating ako sa bahay. Tinawagan ko agad si NJ. Sumagot siya.
"Pinagalitan ako ni mommy at daddy...." bungad niya.
"Ha? BAkit?"
"Eh nalow bat ako kagabi eh, d ko nasabi na hindi ako uuwi."
"Bakit d mo sinabi na low bat ka? Akala ko naman nagpaalam ka..." sabi ko.
"Okay lang yun.... Papakabait muna ako dito sa bahay. Para payagan ako sa Holy Week trip natin..."
"Sorry kagabi....." sabi ko.
"Uhhhhmmmm...... saan?"
"Eh kasi inaway kita. Actually hindi ko talaga alam na ginawa ko yun... Sorry talaga. Eh kinuwento sina Ez at L yung mga pinagsasasabi ko sayo.... i didn't have the right to say the things that i said.... Okay lang kung magalit ka...." paliwanag ko.
"Hindi ako galit. Ano ka ba? Okay lang yun..."
Nakakainis... bakit ba ang bait bait mo? Okay lang naman na magalit ka. Tatanggapin ko.
"Kasi naman, may sama ka pala ng loob sa pagpunta ko sa Bulacan d mo sinasabi."
"Ewan ko. Nag-aalala lang ako. Kasi d ba nandun yung girl na inlab-inlaban sayo. Eh pakiramdam ko, lahat ng napapalapit sayong girl, tingin ko si Cinder. Pakiramdam ko gagawin sayo kung ano ang yung ginawa ni Cinder. Natatakot lang ako."
"Huwag mo ng alalahanin yun.... Huwag mo ng iniisip, okay?"
"Okay... sorry ulit...."
Ilang saglit lang pagkahiga ko sa kama, nakatulog na ako.

Si L tumatawag ng male escort hahahahaha
10 comments:
ang bait talaga ng hon mo, friend. dapat talaga siyang mahalin. :)
Now i know kung baket bonggang bongga kung magmaktol ka.. napaka spoiled mo pala sa kanya eh..
hahaha.. parang ikaw ang bata..
kakatuwa naman si NJ, di nga ata marunong magalit..
kaya pala sobra na lang kung mamiss mo sya.. tactless mo kasi naman.. hahaha
@Aris.... oo nga friend. Hindi ako nagkamali. Sobra ang pasasalamat ko at siya ang dumating sa buhay ko....
@Melo.... oo ngah... minsan ako yung parang bata.... ewan ko ba... basta i'll find ways how to deal with this thing na laging bumabagabag sa kin..... i won't let it consume my being.....
official na... ako na ay isang masugid na tagasubaybay sa love team niyong dalawa.
pwamis, sensiya na at hindi ako makacomment. walang comment box sa google reader. duon lang ako pwede magbasa sa opis eh. hahaha!
@ewik... hehehehe okay lang yan.... at salamat sa pagkakaroon mo ng oras na magbasa nitong aming kuwento hehehehe..... sana nga lang patuloy pang umusbong ang pagmamahalang ito..
nyaks hehehehe ang corny ko.... hahaha sensya na inlab eh hehehehehe
Gosh. Bat tago ang mga mukha? Mukhang mga cute naman,
@Lyka.... ahahaha sensiya na sister hindi pa ready magpakilala sa mundo eh....
matchaket! Ang bagong tattoo ko. huhuhu
ngayon ate Now show me some lovin and vote for me as RBP's Blog of the week for week 7. Kampanya na toh!
http://www.rainbowbloggers.com/
nasan ang tattoo? hehehhee
go volt in na sa pag-vote
BALISA: nakss naman KA-BAIT naman niyang si NJ. biruin mo ba namang naintindihan niya na bangenge ka lang kaya mo siya inaway... hahaha! kaya ka ganyan kasi spoiled ka sa kanya OVER!
Post a Comment