sand prince and the manila bitch
Saturday (March 28).... tanghaling tapat. Isang tawag. Ang prinsipe ng disyertong si L ay nasa Manila na. Dinner with the friendships later. Excited na daw siyang makilala si NJ. Sabay kaming nagtungo ni Ez sa Greenbelt mula sa kanila. Feel na feel ng bilat na irampa ang kanyang bagong elevated gladiator boots. Talaga namang pinaghandaan ng loka ang gabi. Pabulosa sa kanyang outfit. Kilala ko ang mga kaibigan ko. Walang tatalo sa kanila kung okrayan din lang ang pag-uusapan. Sistema pa, kung may bagong salta sa grupo, ito ang pinagdidiskitahan. Ibang klase ng pangwewelcome. Kung matatakot at hindi na muli pang magpakita, sorry nalang. Pero kung palaban, then very much welcome. Kinausap ko na si Ez na medyo pigilan kung sino man ang mang-hot seat kay NJ. Lalo na at alam kong medyo may pagka sensitive ang honey ko. Nangako naman si Ez na siya na ang bahala. Nasa Museum Cafe na si NJ nang dumating kami dun. Ang guwapo niya. Hinding hindi ako magsasawang pagmasdan siya ng kahit ganun lang. Nakatayo, nakatingin sa akin, at nakangiti habang papalapit ako sa kanya. Parang laging bumabalik sa unang pagkakataon na nakita ko siya. Yung tumitigil ang mundo sa pag-ikot. Pakiramdam mo nagiging tatsulok, tapos magiging hugis puso. Sheeeeeeeeet.
Jacko, L, NJ, Ez, San and Lica
Uminom muna kami habang hinihintay yung iba. Naunang dumating si San na galing pa ng trabaho. Hindi niya kasama ang kanyang jowa. Ilang saglit lang at sumunod si Lica na dala ang kanyang anak na si Jacko sakay ng kanyang laruang scooter. Big boy na si Jacko. Super big para sa edad niyang sampung taon. Si Lica, mamamangha ka na ang isang batang damulag ay nanggaling sa kanya. Walang kupas, ever beautiful and sexy. Ilang mga sikat na young stars ang kayang kaya niyang pataubin sa ayos niya nang gabing yun. Kahit si NJ, hindi makapaniwala na anak nga niya si Jacko. Hindi naman nagtagal at dumating na ang magpapayanig na si L. Natatawa kami dahil ang init ng panahon tapos naka cashmere cashmeran pa ang potah. Umikot ang bayot sa lamesa para bumeso sa bawat isa, at pagkatapos ay hindi na niya hinintay na ipakilala ko pa si NJ sa kanya. Pinakilala na niya ang kanyang sarili sa honey ko. Gaya ng napag-usapan, pinatabi ko si NJ kay Ez at kay Jacko. Hindi siempre mawawala ang standard bolahan sa pagitan naming magkakaibigan.
"Shet mare ang ganda ng aura mo ngayon..... nakantot ka kanina no?"
"Tang inang damit yan.... accentuated ang boobei mo, bagay na bagay sayo...."
"Ay bakit ganyan ang cleavage mo? Parang pahalang?"
"Ano ba? Bakit pataas ng pataas ang hairline mo bakla?"
Plentiful na ang lapz ngayez, d gaya nung araw...
Hinihintay ko kung sino sa kanila ang unang babato ng tanong kay NJ na siguradong mapapahiya siya sagutin man niya o hindi. Si L ang nauna....
"So, NJ, anong year ka na?"
"Anong course mo?" si San.
"Taga saan ka?" si Lica.
Napangiti ako sa sarili ko. Salamat po Lord at hindi nakarating si AK. Kanya kanya kami ng order ng food. Sa pagkakataong ito, napako na ang usapan sa mga ala-alang, sa mga pakakataong ganito, eh masarap balikan. Kasi naman sosyalan na maituturing ang lugar kung saan kami kumakain ngayon, samantalang noon....
"Tang-ina sobrang saya na namin kung may maling kami," pangunguna ni L.
"Shet... naalala mo noong wala tayong makain tapos nakakita tayo ng popcorn sa cupboard. Ang saya natin nun dahil may mantika pa. Kaso peste wala palang shelane. Kaya niluto natin sa kandila yung popcorn..." natatawang kuwento ni Ez.
"Hahahaha. Dalawa lang yung pumutok," sagot ni L.
Yj and NJ with L
Matama namang nakikinig si NJ sa mga kuwento at bigla siyang hahagalpak ng tawa pag may naalala kaming sobrang nakakatawa. Yung minsang nag-swimming at umaahon ang sisteret ko na si Jen mula sa tubig dagat ng pa-slow motion pa with matching hawi ng buhok from the forehead all the way back... tapos wala na pala siyang bra. Yung mga gabing magkatabing natutulog sina Ez at L at bago matulog eh maglalapirutan ng utong, kaya kumalat ang tsismis na hinada ni Ez ang bayot na si L. Siempre ang magaling kong sisteret ang may pakana ng tsismis. Nang minsang pumasok si L sa kuwarto at inabutan ang sisteret ko na kinikimbo ng jowa niya that time na kinaiinisan ko dahil mukhang adik at super hambog. Yung mga panahong sina Negro at Ez ay pupunta sa riles kahit dis-oras ng gabi para lang maka-iskor ng ishi.
"Hoy curious lang kami noon..." pagtatanggol ni Ez sa sarili.
"Gagah... anong curious? Lulong ang tawag dun!" banat ni L.
"Hay naku. Basta graduate na ako jan.... matino na ang buhay ko."
Oo nga naman. Ang masaya, mahirap na buhay ng estudyante, pinagdaanan na naming lahat. Yung kakain ka na ketchup ang ulam dahil pinang-gimik na ang isang linggong alawans. Yung gutom ka pero magyoyosi ka nalang dahil yun nalang ang kayang bilhin ng pera mo. Umikot ang tingin ko sa lamesa. Masaya ako dahil lahat yun, nakaraan na. Lahat kami magaganda na ang buhay. I mean sila pala. Dahil ang masaklap, estudyante parin ako hanggang ngayon. At kung hindi ako magtitino, malamang na maranasan ko ulit lahat ng naranasan ko noon. Pero napatingin ako kay NJ. Na nakatingin sa akin, hindi parin nawawala ang ngiti sa labi niya. Dahil sa mga kuwentong narinig. At naisip ko, hindi na madidiskaril ang buhay ko. Hanggat si NJ ang kasama ko. Alam kong nasa tamang landas ako.

Habang pinag-uusapan ang mga boylets ng mga bilat, si NJ at Jacko naman ang nag-uusap. Hindi ko alam kung ano pinag-uusapan nila pero masayang-masaya ang mga loko. Panay ang bungisngis nila ng tawa. Si NJ kasi, mahilig sa mga bata. Pinakamasaya siya pag nagkukuwento tungkol sa mga nakababatang kapatid, pinsan at pamangkin niya. Proud na proud siya sa mga ito. Kaya alam kong magiging masayang masaya kami pag may baby na kami. Choz!!!

Gusto pang lumipat ng mga bilat sa The Fort. Pero dahil kasama namin ang bagets na si Jacko, hindi na kami umalis ng greenbelt. Dahil jampacked ang Havana, umakyat kami.

"Hoy Lica, yang anak mo, mukhang kargador," banat ni L habang nakaturo kay Jacko na paakyat ng hagdanan habang buhat ang kanyang scooter.
Iisipin mo bang mag-ina yan?
Dahil walang ibang mapuntahan at pumayag naman silang papasukin si Jacko, nag Bed nalang kami. Drink to the max at dance to death ang eksena namin. Natatawa kami dahil ang tatanda na namin para sa lugar. May highschool graduation party pang nagaganap. Nakakaloka. Pagkatapos ng isang round ng san mig light, nagbaba na ang L ng isang bote ng vodka, bulto-bultong ice, at isang dosenang sprite, hahahaha. Maya't maya ang labas namin para magyosi, dahil wit keri inside. Si San, hindi pinaglagpas ang gabing hindi mabalahura ang bagets naming kasama.
"Jacko, lumaki na ba yang bird mo?"
"Siempre..." ngisi naman ng bata. Sanay na sa mga tito at tita niya.
"Ay naku, dumating na ang pinakahihintay niyo. Naka schedule na siya for circumcision by the end of the month..." pagyayabang ni Lica sa isa sa mga hudyat ng pagbibinata ng kanyang anak. Tilian naman kami for Jacko. Hahahahaha. Pag napagod sa ingay at mga mahaharot na galaw, lalabas si Jacko para magpaikot-ikot sakay ng kanyang scooter. Si NJ ang tropa ni Jacko hanggang sa loob ng bar. At one point, may narinig akong "panty" sa usapan nila. Naiiling nalang ako at napapangiti.
Jacko ang his new best friend Kuya NJ
Nang minsang nagyoyosi kami ni NJ sa labas.
"Hon, are you having fun?"
"Super... cool ng mga friends mo. Super kulit."
Deadma sa mga utaw. Niyakap ko siya.
"I love you..." bulong ko sa kanya.
"I love you..." bulong niya pabalik.

Me and my constant source of happiness....
12 comments:
kaloka ka yj. sa dame ng pichurs-wala man lang fez ni isa. haha.
you remind me a lot of MMK and its absurdities. mag post nga ng pichur waz naman fez. :P
next time, show mo na kasi. di naman namin kukulamin eh :P haha
@herbs... baka kasi wala nang bumalik dito pag pinakita ko itsura ko hahahaha
iilan na nga kayong naliligaw dito, mawawala pa hehehehe
sa haba ng binasa ko pinaka striking talaga sa akin ang yung exchange of Iloveyou's nyo.
kakakilig!!!! hahahah
botong boto na talga ako kay NJ. bwahahaha
ha..... umuwi ka na ng makilala mo siya hahahaha...
thanks sister.... muahz
saya naman! haha di pako nakakagimik diyan. social misfit ako eh haha. aminado naman.
bagay kayo nung guy mo. :D kahit nakacover faces nyo, you look compatible. congrats! :D
@cb.... thank you thank you..... ako rin naman.... nayaya lang hehehehe
ang saya naman ng barkadahan ninyo. talagang sa hirap at ginhawa, magkakasama kayo. ang dami mong friends, teh! mabait ka kasi. :)
wish ko na patuloy kayong maging happy ni nj. tc always.
*hugs*
oo nga eh.... madalang na din kasi kami magkita-kita kaya sinusulit namin pag may pagkakataon....
thank you sa walang sawang suporta at pagpapahalaga friend....
muahz....
naman naman. bongga yung i love yuhan drama hehehe! kakabugin ang lahat. i think nj is fallin for you gurl. bat ganun na sya halatang me feelings na sya...
@kara.... hahahaha yan ang tugon sa lahat ng aking dasal.... pinag novena ko yan..pwomiz
at maraming friendships ang tumulong sakin sa pagdarasal magkaroon lang ng katuparan ang kuwento ng pag-ibig namin ni NJ...
tawa na kao ng tawa sa entry.. napahagikgik pa ako ni herbs..oo nga naman. sa dami ng pix wala man lang mukha.
@herbs: baka sira ang kamera hehee
pero kidding siade, the last words are really sweet.
hahahaha ewan ko ba naka warp (warp ba tawag dun?) mode yata ang camera nung kinunan mga pics na yan ehhehehee
Post a Comment