Oh d vah, feeling high school lang. Classes officially started last Monday (June 15).... Isa lang ang klase ko at hindi dumating ang prof. Bongga. Inaayos ni friendship Ez ang kanyang schedule na talaga namang pagdurusa gaya ng sked ko. At dahil hindi nakatutuwa ang maglakbay from one college to another lalo nakung kailangan mong mag-pumanhik panaoog sa hagdanan dahil wala namang elevator ang purita mirasol naming school, nagkayayaan nalang kaming mag…. Greenbelt. At unang araw palang ng klase, lagas na ang allowance ko for the whole month. Kasi naman pag kami ni Ez ang magkasama, hindi talaga maiwasang hindi gumastos. Buti nalang at iniwan ko sa bahay ang andalucia na pang open ko ng bagong bank account para sa aking maliit na “business”, at may friendship pa akong kailangang bayaran sa perang pinahiram niya para sa aking puhunan. Gudlak Melo! Echoz….
Dahil ayoko ng gumamit ng shoulder bag, baka kasi pagkamalan akong bading, bumili ako ng backpack. Kailangan yung boyish ang design. Yung pink. Choz. Siempre black ang kulay na pinili ko. Kaya lang napag isip-isip ko na parang boylet na boylet ang aura ko sa design at kulay ng bag, kaya para magkaroon naman ng touch of girliness, kinabitan ko ng keychain….
Dahil ayoko ng gumamit ng shoulder bag, baka kasi pagkamalan akong bading, bumili ako ng backpack. Kailangan yung boyish ang design. Yung pink. Choz. Siempre black ang kulay na pinili ko. Kaya lang napag isip-isip ko na parang boylet na boylet ang aura ko sa design at kulay ng bag, kaya para magkaroon naman ng touch of girliness, kinabitan ko ng keychain….
At hindi pa diyan nagtapos ang gastos, more pasok pa kami sa kung ano-anong shop. Hanggang sa mapunta sa topman. At nagsusumigaw na yung checkered shirt in black and yellow… BAKLA! BILHIN MO AKO! BILHIN MO AKO!.... ako naman si tanga sinukat ko. XS. Ang taray ng fit. May korte pa sa side. Pero may kuda ang Ez…
“Ay hindi bagay sayo… ang itim mo kasi….” ismid ng bilat. Kala mo kung sinong kaputian kung laiitin ang kulay ko. Pero impernez trulili… parang hindi nga bagay sakin. Palabas nalang kami ng shop ng kumuda nanaman ang hitad….
“Ay… try mo tong black and red….”
At dahil favorite color ko ang red, kesehodang chakaru sa akin, buy! Pero ang pinakahighlight ng araw ko ay nang makita ko tong store na to sa greenbelt 5. Hindi ko na nga napansin yung name ng store. Nakita ko kasi yung shoes na naka-display sa gitna ng store. Highcut. Metallic “red”. Supra. Halos lumuwa ang mga mata ko at maghugis puso. Kakainlab ang shoes. Hinaplos ko. Aaaaaaaay.
“Would you like to try them on?” ang shoray ng accent ng nagsasalita.
Sobra akong amazed sa sapatos hindi ko man lang napansin yung boylet na nasa cashier at nagtutupi ng mga damit. Siempre nilingon ko siya. Gusto kong umiyak. Ang guapo ng gago. Anak ng mga diyos at diyosa. Mas nakakainlab pa siya kesa sa sapatos na hawak ko. Dahil iniwan na niya ang kanyang ginagawa at lumapit sa amin, nahiya ako bigla kaya balik sa shoes ang tingin ko. At nakita ko ang presyong nakasulat sa maliit na papel na nakadikit sa suwelas ng sapatos.
9,999.00Php
WTF!.... sampung libo? Biglang naglaho ang pagmamahal ko sa boylet, I mean sa sapatos pala.
“Would you like to try them on?” tanong ulit niya sabay ngiti ng super super sweet.
Dahan dahan kong binalik ang shoes sa lamesa.
“No… thank you,” ngiti din ako ng mas sweet sa ngiti niya. Nag byutipul eyes pa ako. San ka pa?
“No problem,” sagot niya at tumango pa ng bahagya.
Walk out na kami ni Ez. Habang kapi-kapihan kami sa starbucks, kuda nanaman ang merlat tungkol sa mga plano niyang bilhin before the month ends. Ispluk lang siya ng ispluk habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya na kunway nakikinig, pero may malalim talaga akong iniisip…. Kung may sampung libo lang ako, nagamit ko na sana ang linya ni Tristan… “ so do these shoes come with a date?”
Ang saya ng unang araw ng klase….
Blep…:P
22 comments:
Dahil ayoko ng gumamit ng shoulder bag, baka kasi pagkamalan akong bading.
bakla! hindi talaga halata! promisee! hahahaha. where did you get that tag? I WANT ONE! LOL
long awaited post.!!
unang araw ng klase nga ba? parang unang araw ng lakwatsa ang ginawa mo eh.. hahaha.
mukhang di mawala sa isip mo yung shoes ah.. good luck...:)
ateng, kung sa min sa iskwater yang 10 kiyaw na yan swimming na ng buong canton boys tsaka ng lahat ng shumag-anak ketch... pati na mga boylet... me massage pa on the side..
bakla, wai na sa gastos! majirap magkasakit... i want to be ... complete!
ang saya naman teh! inggit ako. naalala ko ang aking kabataan. choz! :)
@ Herbs... hindi ko sasabihin. At huwag ka munang bumili para ganyan na ang gift ko sa bday mo hahahaah
@ Melo... yung boylet ang hindi ko matanggal sa isip ko teh... at huwag kang kumuda diyan dahil ganyan ka din noong college ka... para kang si Dora, ang lakwatserang negra hahahaha
@ Baklang Maton... haaaaaaaays hindi ko naman talaga kayang bilhin sister. ito lang yung mga pagkakataon na bigla mong iwi-wish na "sana mayaman ako..." choz
@ Aris... mahilig ka noon mag cutting classes? hahahaha ako po hindi nag cutting class ha.... wala po talaga akong prof.... hehehehe mishu gurl.... mwahz
hahaha... gusto ko yung checkered na polo! nyahahaha
Hahaha. Napatawa ako dun. :)
mabuhay ang mga tamad na prop!!
kundi dahil sa kanila di ka makakagala yehey!
pusanggala 10 kiyaw. kaka-TO naman yun. hahaha! pero gano ba kagwapo... sana nagpa-picture ka or pinicturan mo siya ng pa-secret... hahaha!
U made me laugh!
:)
so keychain pala yung nagbigay ng identity sa bag mo?
bat di ka bumalik dun sa shoeshop at iwan mo yung isang shoe mo (parang si Cinderella ba yun? or si Kampanerang Kuba? I forgot eh...). Ensure mo lang na yung contact details mo eh nasa shoe na yun... Bigyan mo si prince charming mo ng reason to contact you.
TOPMAN rocks!
astig naman ng bag mo. naghahanap din ako ng backpack ngyon eh.
dapat tlga gnyan lagi sa firstday.haha
Tama si Dilanmuli... sana may Picture..... ng sapatos. Chos!
Gusto ko din ng tag! pero gusto ko I love Men that sparkle.. baka mapagkamalan pa ko na sugar mommy pag boys ang nakalagay e... Hahahaha.. :D
Enjoy(?!) your classes... :D
@ Ewik... uu naaadik ako sa mga checkered na polo ngayon... as in super..... alam mo yun, tapos baloon yung sleeves tapos may raffles raffles sa kuwelyo at may paha sa dulo ahahahahahaha
@ Tristan... d vah... inspirational divah ka talaga!!!! ang dami naming natututunan sayo hehehehehe
@ PAPS... MABUHAY!!!! MABUHAY!!!! hahaahahahaha
@ Dilan.... ano naman ang asahan mong pangpicture ko eh de uling nga nielpon kez.... ")
@ KJ....ewan ko nalang kung hindi pa ako i-give away ng key chain na yan... hahahahaha kaloka naman na magfeeling cinderella akey.... pag mahaba na lang ulit buhok ko, ggawin ko yan.... hihihihi
@ Tenk u tenk u.... astig din kasi ako eh... astig na bading ahahahahaha joke lang....
@ Lyka.... hay ate, pag naka buyla na akey ng matinong nielpon, lagi ng may kaakibat na moktyur mga post ko hehehehe
@ Ruby... akala ko gusto mo ng "i love men that sucks".... hihihihi parang gusto ko yun....")
"Dahil ayoko ng gumamit ng shoulder bag, baka kasi pagkamalan akong bading, bumili ako ng backpack."
- MAKABILI NGA NG SHOULDER BAGS. WITH MATCHING MAIINGAY NA KEYCHAIN!
mapunta nga jan sa shop na yan. hehe. nyetang sampung kiyaw na shoepatos na yan! hehe...
You look butch lola! Hehehe =)
Thanks for a wonderful evening with the coffee babies. =)
kakapadpad lang! "I love boys that sparkle".. kumikintab na ba ang lalaki ngayon? hehehe.. nakakawonder.. ahhaha.. wow!! happy 1st day naman sayo! ahahaha :D yung akin, di maxadong happy. aww. :D mas masaya pa nung 1st yr ko! ;D hehehe.. ge ingat po!
@ Acrylique.... go dapat yung super bling bling na key chains hahahaha
@ Kokoi... uu puntahan mo at ng makita mo si Adonis ahahahahaha deadma na sa shoeseses
@ Mr. Komplikado... papalitan ko na nae ng blog ko to MANILABUTCH hahahaha.... thank you din... sa uulitin....
@ Gudang.... uu kumikintab na sila pag nasisinagan ng araw hahahahaha... kaya dapat piliin mo yung mga boys na only STARWAX touches my skin ang drama.... makintab skin ng mga yun hahahaha
cute naman ng bag mo and naging mas cute sya dahil sa pukpok na key chain! gusto ko din ng ganun :)
istudyante ka pa pala!kala ko working ka na sorryyyyyyyy haha ang saya naman ng unang araw mo isang subject la pa ang prof!haha
jusko naman sa mahal yun shoes na un ano bang brand?!
I really enjoyed this post haha
sorry ngayon ko lang to nabasa. tawa ako ng tawa. haha sige, balikan natin yung sapatos. sasangla ko muna yung mga kalabaw natin. haha
Post a Comment