Pages

Monday, November 22, 2010

BiloyBoy......

Sino mag-aakala na magiging magkaibigan tayo?

Kung sa simula palang eh puro pang aasar na ginagawa mo sakin?

Naalala mo pa nang una tayong magkita?

Ako: saan ka nagtatrabaho?

Ikaw: sa mcdo.

Naniwala naman ako. At natawa ka.

******

Kalahating taon kang hindi nagpakita. Masaya ka kasi noon. Nagmamahal ka. Naintindihan naman namin.

At nang magkita tayo ulit? Umiiyak ka na. Napapangiti ako ngayon sa tuwing naalala ko. Hindi dahil gusto ko na umiiyak ka. Pero dahil sa tuwing umiiyak ka noon, laging humahantong sa mga katarantaduhan ang pag-iyak mo. Gaya nalang ng pagsayaw natin ng wowowee dance with matching beach balls, na pakana ng napakahusay na si Nyl, para lang sumaya ka. Para kahit hindi ka lango sa alak ay makalimot ka. Kahit sandali lang.

******

Yung mga panahon na nagsama tayo sa ilalim ng iisang bubong. Kisame pala, dahil wala naman tayong bubong. Sayang. Kasi ang dami sana nating nagawa kung hindi lang salungat ang schedules natin. Sana nakapag host tayo ng napakaraming movie nights, tea parties, at orgies.

******

Madalas nating pagtalunan kung sino sa atin ang pinakamalandi. Walang gustong magpatalo. Gusto natin lahat angkinin ang trono. Pero hindi na importante yun, alam naman nating lahat na IKAW talaga. Nyahahahaha.

******

Sa lahat ng mga ginawa mo para sakin, sa mga tulong na kusa mong binibigay kahit hindi ko hinihingi.  Sa lahat ng tulong na ginawa mo para sakin, na alam kong napilitan ka, dahil bina-black mail kita, maraming salamat. Sana hindi ka magsawang matakot sa mga pamba black mail ko. Yaiy.

*****

Gusto ko mang pahabain pa to at isulat lahat ng mga bagay na ipinagpapasalamat ko dahil sayo, hindi na pwede. Nagtext na yung booking ko, nagpapasundo na sa kanto.

*****

Basta laking pasasalamat ko at nakilala kita. I love you Victor!

Birthday Boy... Biloy Boy





Happy Birthday! Muahz.

13 comments:

Aris said...

huwaw, ang sweet naman! haberdey kay biloyboy. :)

Herbs D. said...

Will u give him my hug and kisses yj?
Oh how i miss the smart little one x

glentot said...

Happy Birthday Victor mwahchupa!

soltero said...

wow, hangsweet nman pla ni YJ (di lang makiri hihi)...

Happy Bday Victor! :)

POPOY said...

how sweet.. happy beerday!

engel said...

happy birthday to victor!!!

Mac Callister said...

sino iyang cute na yan na may berdey?????

Ms. Chuniverse said...

nice, pa kiss din.

gusto ko torrid.

teka, uso pa ba yung word na 'torrid'?

=)

VICTOR said...

Sabi ko na at maaawa ka sa akin e. Labyu. Haha.

LoF said...

very sweet =)

jules said...

happy birthday! sorry ngaun lang ako nagkatime mag blog hop. kailangang kumayod nang mahusay eh para mapakain ang pamilya wahahhaa!

Anonymous said...

hong sweet...sana may happy ending! hihihi
hapi bertdey biloy boy!!!!

citybuoy said...

nasaan na yung totoong picture na kasama nito?