Pages

Showing posts with label coffee babies. Show all posts
Showing posts with label coffee babies. Show all posts

Monday, August 8, 2011

Coffee Babies: Sa Bawat Pagkakataon...

Dear CityBuoy,

Sa lahat ng pagkakataong pinaiyak tayo ni Wong Kar Wai.






Sa mga pagkakataong wala tayong ibang ginawa kundi lumamon.





Sa mga metaporang naaabuso sa bawat tasa ng kape.




Sa mga damdaming nilunod sa alak.





Sa mga labing paso sa init ng sigarilyo.





Sa mga kantang inaawit mo ng buong puso.





Sa mga Wowowee moments?





Kahit sa mga walang kwentang kabaklaan.





Sa lahat ng pag-asang hatid ng bawat bukang liwayway.





Sa mga pangarap na iniiwan ng paglubog ng araw.





Sa mga pag-ibig na dumarating.





At yung panahon na lahat tayo ay iniwan.





Yung mga burol,





Na pilit nating inakyat.






Para masilayan kung gaano kaganda ang mundo.





Yung mga tulay,





na pilit nating tinawid, kahit sa kailaliman ng gabi,





Makarating lang tayo sa ligtas na dalampasigan.





Saan man tayo dalhin ng kapalaran.





Ano mang unos ang dumating,





sasabayan lang natin ng indayog yan.





Dahil nakapako na tayo sa buhay ng bawat isa.


Ang pagiging magkakaibigan natin, hanggang hukay na! Bwahahahahahahahahahaha!

Hindi matatawaran ng pasasalamat lang ang friendship mo friend.

Kaylangan mas level up.

Kaya naman ngayong araw na ito, kahit ngayon lang, papayag na ako.

 Ikaw muna ang maganda.

 At ako muna ang malandi  mabait.

Hamo na si Bektorya, kuntento na yun sa pagiging matalino. Choz!


At siempre gusto kong pasalamatan ang nag iisa naming....




Baby Gurl


Salamat at binigay mo sakin yung dalawang kumag na sina Nelia at Bektoria. At sa lahat ng pinag daanan namin, lagi kang kasama, kahit nasa malayo ka. At sa mga pagkakataon na kailangan mo kami... alam mo na baby gurl, ibili mo kaming tiket at pupuntahan ka namin. Yaiy....


Happy Birthday Nyl and Herbs. I love you both to death. Muahneeeeeeeeeeeeees.




Para sa lahat ng makabuluhang paghihintay,


Kampaiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!

That's all. Yaiy

*all photos owned and taken by The Coffeebabies

Wednesday, May 18, 2011

Patalastas... Update

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa.

One of these days at sisimulan na ang shooting ng isang indie film.Siempre may konting kabaklaan ang tema. Involved ako eh.... char!

Ang unang eksenang kukunan ay ang bar scene. Kung saan maraming dry humping ang magaganap.

Ngayon, kailangan ko ng madaming boys (hindi kailangang bakla, pero kung bekz ka, mas keri para achieved na achieved) na mag e-extra. Yung tipong inom-inom ng alak, at sayaw sayaw on the background.

Walang bayad siempre. Kaya nga kayong mga friendships ko ang tinatawagan ko eh. Pero libre ang beer. Hihihihihi


Kung interesado kayo, e-mail niyo ako, hanapin sa sidebar ang e-mail ko. Para mabigay ko din sa inyo ang details like kung saan, kaylan at kung gano katagal ang shooting.

Kung sasabihin ko ba sa inyong, binenta ko na lahat-lahat ng meron ako, pati kaluluwa, maisakatuparan lang ang pelikulang ito, eh tutulungan niyo ako?

O kailangan ko pang lumuhod at chupain kayo lahat magmakaawa?

Come on boys, show Mama Yj some luuuuuuuuuurv!

Update: My gawd, ganun na ba ako ka-joke time at lahat ng sinasabi ko eh hindi sineseryoso? hahahahaha 

SERYOSO PO ITO. AT KAILANGAN KO NG TULONG NIYO... thank you.  

That's all. Yaiy

Monday, November 22, 2010

BiloyBoy......

Sino mag-aakala na magiging magkaibigan tayo?

Kung sa simula palang eh puro pang aasar na ginagawa mo sakin?

Naalala mo pa nang una tayong magkita?

Ako: saan ka nagtatrabaho?

Ikaw: sa mcdo.

Naniwala naman ako. At natawa ka.

******

Kalahating taon kang hindi nagpakita. Masaya ka kasi noon. Nagmamahal ka. Naintindihan naman namin.

At nang magkita tayo ulit? Umiiyak ka na. Napapangiti ako ngayon sa tuwing naalala ko. Hindi dahil gusto ko na umiiyak ka. Pero dahil sa tuwing umiiyak ka noon, laging humahantong sa mga katarantaduhan ang pag-iyak mo. Gaya nalang ng pagsayaw natin ng wowowee dance with matching beach balls, na pakana ng napakahusay na si Nyl, para lang sumaya ka. Para kahit hindi ka lango sa alak ay makalimot ka. Kahit sandali lang.

******

Yung mga panahon na nagsama tayo sa ilalim ng iisang bubong. Kisame pala, dahil wala naman tayong bubong. Sayang. Kasi ang dami sana nating nagawa kung hindi lang salungat ang schedules natin. Sana nakapag host tayo ng napakaraming movie nights, tea parties, at orgies.

******

Madalas nating pagtalunan kung sino sa atin ang pinakamalandi. Walang gustong magpatalo. Gusto natin lahat angkinin ang trono. Pero hindi na importante yun, alam naman nating lahat na IKAW talaga. Nyahahahaha.

******

Sa lahat ng mga ginawa mo para sakin, sa mga tulong na kusa mong binibigay kahit hindi ko hinihingi.  Sa lahat ng tulong na ginawa mo para sakin, na alam kong napilitan ka, dahil bina-black mail kita, maraming salamat. Sana hindi ka magsawang matakot sa mga pamba black mail ko. Yaiy.

*****

Gusto ko mang pahabain pa to at isulat lahat ng mga bagay na ipinagpapasalamat ko dahil sayo, hindi na pwede. Nagtext na yung booking ko, nagpapasundo na sa kanto.

*****

Basta laking pasasalamat ko at nakilala kita. I love you Victor!

Birthday Boy... Biloy Boy





Happy Birthday! Muahz.

Thursday, November 11, 2010

Before I Give You Divas Live (part 2)... Chungking Express

Two saturdays ago, out of boredom, dahil sawang sawa na kami sa kalalaklak ng kape at alak, nag decide ang mga coffeebabies na magkaroon ng movie night. Sa balor kech. I sent the invite to four of our closest blogging buddies at isa lang ang hindi nag attend. Laging dahilan ng palakang kang na ito eh hindi daw siya lumalabas ng Saturday... rest day daw ni potah. Rest day? Nakakapagpahinga ka ba kung panay ang bayo mo sa kung ano man ang binabayo mo? Mahipan ka sana ng hangin para forever ka ng maglakad ng kakadyot kadyot! Bwahahahaha


The original plan was that I'll cook something for them. Heller, gano ba kahirap magpakulo ng tubig? Since napag usapan din naman namin na after ng movie eh may tea party. Yeiz, walang iinom ng alak. Pero dahil galing pa ako ng MOA at medyo late na ako nakauwi, wala ng luto luto. Ano pa silbi ng delivery services ng Mcdo at Jollibee.Yaiy.


Ealy bird ang Citybuoy bitbit angl kanyaeng projecetor. Halos kasunod lang niya ang THE VICTOR. Ang putah at may dala dalang bote ng Dabar at Sprite.


Wala ngang magnonomaz di ba? Tsaa iinumin ngayon! TEA PARTY NGA!


Hirap talaga pag puro lasengga mga friendships mo. Buti nalang talaga at hindi ako umiinom ng anything na may alcohol. Naku pag nagkataon, talamak narin siguro ako ngayon gaya nila. Yaiy.


Biglang nagtext si Babyboy. Nasa kanto na daw siya. So may I reply akech na gora na si watashi para sunduin siya. Sinuot ko na ulit ang aking tiara, boa at rollerblades na pink. Tarush.


Yeiz, special guest namin si Babyboy. Blogger din. Young. Fresh. Ridiculously hot. and...... straight! Unfortunately! Sayang. Pwedeng pwede ko pa naman sanang ialay sa kanya ang pagkababae ko. Kapag nakikita ko siya, napapakanta talaga ako with arms and hands reaching out to him...

"Ikaw nalang ang siyang kulang sa buhay kong ito..... pangarap ko... pangarap koooooooooooooooooooooooooooooooooooooo uuuuuuuuuulk!"

Sumabit! hahahaha

What we admire about this blogger is the fact na wala siyang kiyeme. Sobra siyang kampante sa seksuwalidad niya. Para lang siyang bubuyog sa hardin ng mga rosas. Ang kaibahan nga lang, hindi niya sinisipsip ang matatamis naming katas. Nyahahahahaha

So yun nga pinuntahan ko ang Babyboy sa kanto. Whadbout naloka lang kami. We were wearing the same button-down polo shirt.

Sabi ko na soulmates talaga kami. 

Tinanong pa kami ng tindera sa dinaanan naming sari-sari store kung sasayaw daw ba kami. Siempre sinagot ko: hindi manang mag-iiyutan kami!

At pagpasok sa gate, binati din ni manong guard ang mga damit namin. Monthsary namin kuya!

Tawa lang ng tawa ang Citybuoy at Victor pagdating namin. Napakahusay, maglaro daw kami ng...



Natural na siya mananalo, natural sa kanya ang pagiging boylet, ako more pilita corales. Shit.


Habang waiting sa magjowang A1 at A2. Nagpadeliver na si Citybuoy ng food, sagot naman niya eh. Bilang yaman yamanan ang bakler. At pagdating ng magjowa, tamang tama, lafang to the max na.

At pagkatapos ng napakahabang pakikipagbunuan ng mga bakla sa projector na ayaw makisama sa laptop, at habang pinapainit ko para pumutok ang burat popcorn, heto na....



Now Showing: Wong Kar Wai's Chungking Express





Madilim. At habang si Citybuoy ay tahimik na nilalantakan ang popcorn (choz!), at kami ni Victor ay matamang nakatutok sa pelikula....





Ang magjowang A1 at A2 ay panay ang kapaan... jusko. Lagi ko silang nahuhuling naglilipchukan. Taray. Kayo na! Mga hayuf. Hindi man lang nirespeto ang kadalisayan ng aking sofa. 





Si Babyboy, natulog. Bwahahahahaha.

Pagkatapos ng movie. More yosi kami sa balcony para mamboso kay kuyang nagjajakol sa harap ng laptop sa 7th floor ng katabi naming building. Taray, a balcony with a view!

At walang nangyari sa tea party. Sa alak din bumagsak. At pinabagsak kami ng alak. Sa sobrang bagsak ko, di ko na maalala mga nangyari. Huli kong naalala, umalis kaming lahat para bumili ng red horse at yelo. Si Citybuoy lang nagpaiwan. Nakakita kasi siya ng bareback m2m sa laptop ko. Magfifinger nalang daw siya, kaya hindi siya sumama. Bwahahahahaha. Joke lang.



Ang makahula, may libreng chupa!

******

BTW, dahil nakatulog si Babyboy sa movie, meaning hindi niya na-enjoy. Kaya para sa susunod na movie night, nag asssign na kami ng committee na magdedecide kung ano ang pelikulang ipapalabas. Ako ang chairman ng committee. Ako din ang assistant chairman. At ako pa din ang member. Nakapag decide na ako.

Next Picture: One More Chance

******

BTW ulit. Babyboy ang tawag ko sa mga bloggers na sa tingin ko eh cute.... uuuuuuuy may nakangiti sa Dumaguete. yaiy....

At Kuya naman tawag ko sa mga bloggers na pinag-nanasaan ko. Bakit? Nakikiuso lang ako! hihihihihihi

Wednesday, November 3, 2010

Bitchesa Experiment (Yj Style) 1...

Sa tatlong linggong nagdaan, wala yatang gabi na hindi ako napalabas sa lungga ko. Alam niyo naman ang mga diwatang paniking katulad ko, lumalabas ang kapusukan sa sandaling lumubog ang araw.

Maaga akong nakipag kita kay Nyl the Sunday before last, dahil tom jones akez naghanap muna kami ng matinong makakainan. And when I say matino, kailangan may view. Yung tipong habang kumakain ka eh may nakikita ka ring boylet na masarap kainin  pagmasadan habang kumakain. Rampage all over greenbelt. More rampage pa. Yung ibang nasasalubong namin napapatigil.

girl 1: si Yj yan di ba?

girl 2: oo nga, ang ganda niya sa personal!

At some point may mga nasalubong kaming grupo ng mga kabataang lalake na may future sa showbusiness. Bilang mga talent scouts, dahil nagsusumigaw naman talaga sa kabaklaan.

bayot 1: ay si Yj

bayot 2: at si Citybuoy!

bayot 3: Citybuoy who?

Napatingin nalang ako sa kasama ko and gave him my "mas sikat ako sayo smile"! bwahahahahaha

Okay nagkakalokohan na. Ilusyon ko lang lahat yan. Basta later that night kumpleto na ang coffeebabies sa Nyorbax 6750. Coffeebean babies talaga kami, pero dahil plenty ng utaw sa coffeebean that night, we had to go someplace na medyo tahimik dahil magpo-poetry reading kami. Pak!

So there we were, Nyl, Viktor, Carlo and a special guest. Bilang diyosa ng mga paniki, ako siempre ang nagbukas ng poetry reading namin. Binuksan ko ang pinaka-ingat ingatan kong notebook na naglalaman ng mga salita ni Priscilla Queen of the Desert. Matama kong pinagmasdan ang aking mga kasama. Nakatingin din lang sila sa akin. Tahimik. Animo'y uhaw na uhaw at ang makakapatid lamang ng kanilang uhaw ay ang mga salitang mananalaytay mula sa aking pouty and VIRGIN cherry-pink lips! I took a deep breath. Closed my eyes. Opened them. Smiled. And started....

A few questions that I need to know.
How you could ever hurt me so?
I need to know what I've done wrong.
And how long it's been going on.

Was it that I never paid enough attention?
Or did I not give enough affection?

Bigla akong napatigil sa pagbabasa ng poetry book ko dahil sa sobrang ingay na gawa ng apat na bayotang nagsi-upo sa katabi naming table. Mga bwisit na bakla.. ang iingay. Parang galing yata sa bundok ng tralala. Mga attention seeker. Buti sana kung pagkagaganda. Mga nuknukan naman ng jologs!

Napatingin nalang ako sa mga kasama ko, tumango lang ang isa sa kanila. Go signal na ituloy ko ang poetry reading. Itutuloy ko na sana ang pagbabasa ng may marinig kami from the other table.

chakang bayot 1: mga bakla! may crush akong blogger!

Nagkatinginan kaming mga coffee babies...  bloggers yata ang mga putang ina. At kung mga bloggers ito, malamang nagsisimula palang. Dahil bakit hindi nila kami kilala? Kaming mga blogging royalties. Choz! Kaya naman nanahimik muna kami. Wala naman sa ugali namin ang mangialam at makinig sa usapan ng may usapan, pero shetness, ang lalakas lang ng mga boses ng mga higad. High-pitched pa. Nakakarindi!

chakang bayot 2: sino naman yang blogger na yan?

chakang bayot 1: si (insert blogger URL here)..... i swear ang cute niya....

Nanginginig pa si bakla sa kilig. Parang sinilihan ang tumbong. Nagkikindatan naman kaming mga coffee babies bilang kilala namin ang pinag uusapan.

chakang bayot 3: I used to read his blog. But I never really liked him. And I don't find him cute. There's something about him that screams POVERTY!

Nandilat lang ang mga mata namin sa mga binitawang salita ng pinaka chakang bakla sa kabilang table! In fairness, inglisera si bakla, pero pag nakita mo ang mukha, maniniwala kang totoo ang unicorn.

"He did not just say that!" sabi ni Viktor.

"This should be fun," dagdag na pang-aasar ni Nyl.

Natatawa lang sina Carlo at ang aming special guest. Pinipilit kong kalmahin ang sarili ko. Iniisip ko nalang na opinyon nila yun, at wala akong magagawa.

Chakang bayot 4: sobra ka naman. hindi mo nga kilala yung tao. pano mo naman nasabing mahirap?

chakang bayot 3: well i kinda imagined that he lived in a house na gawa sa hallowblocks na walang finishing. yung tipong walang flush ang banyo. na naglalagay ng ketchup sa spaghetti sauce. basta he looks impoverished.

By this time, humahagalpak na ng tawa sina Nyl at Viktor, pati si Carlo at si special guest nakikitawa na. Habang ako ay nagpupupuyos na sa galit. Sa sobrang lakas ng tawa ng mga kasama ko, natahimik ang mga bayot sa kabilang table at napatingin samin. Sobrang bilis lang ng mga sumunod na nangyari. Dinampot ko ang caramel frap sa harap ko at mega approach ko ang kabilang table.

"I'm sorry, I can't help but overhear your conversation. Are you guys bloggers?" tanong ko.

"Uhhhhm. Yes..." sagot ni chakang bayot 1 nang may halong pagtataka.

"Oh, because I blog, too. Do you know who I am?" tanong ko sabay smile. Pinipilit kontrolin ang panginginig ng buong katawan ko.

"No! We don't know who you are!" maangas na sagot ni chakang bayot 3. Ang potah at siya pa ang may ganang mag umangas ngayon?

"I am the manila bitch," nawala na ang ngiti ko.

"You are?" tanong ni chakang bayot 1, mukhang pamilyar siya sa blog ko.

Pero hindi na ako sumagot. Kasabay ng paglipad ng takip at straw ng hawak kong inumin ang mabilis na pagtulo at pagkalat ng caramel frap na ibinuhos ko sa mukha ni chakang bayot 3.

"And that's the reason why I am called that! You motherfucking son of a bitch! My boyfriend is everything but poor!" sigaw ko.

Madami pa akong sinisigaw. Hindi ko na maalala. Basta naramdaman ko nalang na hinihila ako nina Viktor at Nyl palayo.

Yes... ang nilalait lang naman nilang blogger ay ang aking PRESENT BLOGGER BOYFRIEND!

*****

Isang malaking joke ang post na ito!

Bwah

Tuesday, August 31, 2010

Before Your Month Ends...

Sometimes I ask myself if I made the right decision coming home.

Suddenly I remember you and I just know. It was the only right decision I've made in a very long time. 

Thanks for everything baby.... Happy Birthday!!!

Wednesday, June 9, 2010

Tanggal Umay (part 1)

There I was, sauntering down Makati Avenue towards Greenbelt. How many times have I taken this walk with my coffee babies? Tonight was different somehow. It's as if I was looking at things for the first time. I was. The full moon made the shadows eerily longer than usual. I never really paid attention to such things before. It made sense. The three of us always had different views on things. Probably the sole reason why we liked each other so much. I was nearing the Manila Pen when I felt my cellphone vibrating. I fished it out of my pants pocket. 

San ka na? the message read.

For a moment, I thought of stopping right in the middle of the street and do my Shakira move (now that i have the hips that don't lie hah!) and sing on top of my lungs with my newly acquired Vina Morales voice. Instead, I quickened my pace almost running and after every fifth step I'd take a controlled leap, that my right foot was suspended in the air, allowing my left foot to kick it. After the third jump, I suddenly felt exhausted. I could have went on, if it wasn't for my beer belly. So I started walking again and smiled to my self as I tried to remember what had happened the last fifty minutes.

A lot of strange things had had happened to me, I tell you. Like that one time when I woke up in the middle of a public cemetery and later realized that my underwear was missing. What about that time when I woke up smelling like horse and cow shit because I slept inside a plant box? But these things are bound to happen when you drink booze way more than your body can tolerate. Waking up inside somebody else's body though, is entirely a different matter altogether.

to be continued....

Sunday, May 2, 2010

Umaandar Ang Metro....

Kagabi somewhere in Roxas Blvd.

pagdating na pagdating ko, hingal na hingal akong sumalampak sa upuan sa tabi ni M. Ang hot lang ng boylet na nasa harapan ko, napa-byutipul eyes ako ng wala sa oras. Shet sabi ko na dapat nagsuot ako ng false eyelashes. hmmmmp..... Pinakilala siya sa akin. A daw pangalan niya. Ngumiti siya, Naramdaman kong unti-unting tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. Hindi na bilog ang mundo, hugis tatsulok na. Nakita ko na ang dahilan kung bakit walang nag work out sa mga previous relationships ko.... biglang may tumapik sa akin. Putang ina nag iilusyon nanaman pala ako....

M: bakit ang tagal mo?

Yj: ay naku kasi naman wala akong pambayad ng taxi. sinalsal ko pa si manong driver...

G: putang ina mo talaga!!! (habang tumatawa si J at si A ay pangiti-ngiti lang)

M: nilabasan ba naman?

Yj: hindi noh.... 7 strokes lang.... UMAANDAR DIN ANG METRO KO!!!

joke joke.... yaiy.... bwah

Saturday, April 17, 2010

Super Powers....

ngayon ngayon lang....

Victor: Kamusta ka na? may lagnat ka pa ba?

Yj: Okay na. Humupa na lagnat. Sipon nalang.

Victor: Ano ba nangyari?

Yj: Nakagat ako ng ipis. As in yuck. Ayun na-allergy ako. Tapos nilagnat na.

Victor: Hala. Saan ka nakagat? hahahahahaha

Yj: Pakyu. Sa left arm noh!

Victor: Shet. Baka magka superpowers ka.

Yj: Noooooooooooooooooooooooooooooooo!

Monday, February 22, 2010

Herbs....


Sa lahat ng magagandang bagay na nangyayari sa isang aspeto ng buhay ko, ikaw ang dapat kong pasalamatan. Huwag mo ng itanong kung bakit. Alam mo na yun. Pero sa lahat ng pangit at masasaklap na nangyayari sa aspetong din yun ng buhay ko, ikaw ang dapat kong isumpa. Bwahahahahaha.

Hindi mo na kailangang itanong kung bakit tayo magkaibigan. Ako lang ang may karapatang magtanong nun. :)

Mamimiss kita. Kasi wala ng sasampal sa akin ng goldbar kapag nagbibitchesa ako. OMG, namiss ko bigla yung mga araw na yun.

"Ima zlep yah wit meh gawldbahz beeech!!!"

Basta, lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari, kahit maging Priscila Queen of the Desert ka pa or maging Kangaroo Princess ka pa, para sa mga Coffee Babies, ikaw pa rin ang nag-iisang BebiGurl namin.

Madami talaga akong gustong sabihin kaso basahin mo nalang yung post ni Nyl. Ako din naman ang nag-draft nun. Okay.... muahz

Go get them blondie blondie surfer boys. Goooooooooooooooo!

Monday, January 18, 2010

The OS Theory....


So there we were. A new found coffee spot. Inducing ourselves with nicoffeine.

"You know what, i have a theory.... about what happened between you guys," said N as he lit another stick of black.

V and I just gave him an intent look. Waiting for what he was about to say. As if it was going to change everything.

'You know, it's like when you're using an operating system and you already know your way around, 'cause you're used to it.... then here comes a new operating system... and you install it, too..." he stopped for a moment to hit on his cig.

"Yeah, and you like the new OS too, and begin using it. You explore. You try to find what it has to offer and you realize it's as good as the old OS, maybe even better," continued V.

How these guys could finish each other's sentences off never fail to amuse me. It's as if an invisible strand bind their minds together.

"And you start comparing. And you decide to have just one OS. So you reformat. But you're torn with the tough task of choosing which OS to use. So while undecided, you just don't use you're computer anymore," N finished with a sly smile.

"Who knows, he's hoping that once the thinking is over, the newer installer would still be available for him to use," V said with a smile that revealed the deepest dimples you'd ever see.

"Should we start abusing the metaphor?" I wanted to know. And we all chuckled.

********

I'm relaying the conversation not the way it happened but how I remember it.

********

Oh and by the way, this operating system here just got installed in a new and better lap-TOP!!!(pun intended) .... :)

**picture source

Friday, January 8, 2010

The Teaser....

so there they were, in their favorite spot. just the three of them this time. one wearing a black polo shirt that made the true color of his eyes come out.(more like pop out pala :)) the other one wearing a horizontal striped shirt in white and dark blue. it made him look like sex on a stick. (choz!) and he was wearing a shirt in dark shade of pink with a bold tribal print that made him look, if possible, more gay.

"okay, i wana tell you about this guy...." simula ni pink guy. Then that grin which a child makes before he is about to do something he thinks is funny but really stupid.

"whatbout?" the other two wanted to know.

"remember that time na magkakasama kami nina _____? that night na nag QCriousity kami. okay, pauwi na ako nun. sumakay ako sa jeep. sa dulo. tapos may katapat akong super cutie. nerdy nerdy 'cause he was wearing glasses pero cutie talaga. may pagka-tisoy. at matangkad teh. athletic pa ang built..." kinikilig pa.

"tapos?" banat ni black guy. (heksayted?)

"yun. tamang tinginan lang. titignan ko siya, tapos mahuhuli kong nakatingin siya sa akin, bigla siyang babawi ng tingin. kunyari kakalikutin yung cellpnohe niya.... tapos bigla siyang titingin ulit sa akin, mahuhuli niya akong nakatingin sa kanya... magbabawi ako ng tingin. kakalikutin ko cellphone ko..." patuloy ni pink guy.

"aaaaay chaka! cruising sa jeep..." banat ni stripes guy.

"eto na. pag alam niyang nakatingin ako sa kanya magfofocus ang boylet sa cellphone niya na kunyari eh may binabasa, pero sure ako na wala! tapos biglang ngingiti.... shit, alam niyang to die for ang smile niya. he was doing that on purpose. sineseduce niya ako!!!!"

"baka naman may nagtext talaga sa kanya ng something funny or sweet kaya siya napapangiti." si black guy.

"oo nga. assumera ka nanamang froglet ka," si stripes guy.

"i swear. sineseduce niya ako mga teh.... eto pa. bigla siyang tumingin sa akin ng pagkalagkit lagkit na para lang harvey doodles na nagkecake na sa pisngi ng badesang mahilig sa facial. tapos, inangat niya yung laylayan ng t-shirt niya revealing his navel at kunyari eh inayos ang kanyang belt. ang ganda ng tiyan.... ang sarap dilaan. i swear, para lang akong buntis na sinabugan ng water bag... more more water ang kepz ko mga teh... napapalunok na talaga kahit walang bato!!!" at tuluyan ng nawala ang poise ni baklang naka fenk.

"tapos?" chorus na ang mga baklitang naka black at stripes.

"ayun, pumara siya near ____. tapos may mga bumaba din sa lugar na iyon kaya ang tagal nakatigil nung jeep. nakatayo lang siya malapit sa akin tapos nakatingin lang at nakangiti. yung ngiting nagsasabing bumaba ako ng jeep para malaman ko kung anong pakiramdam na nakapulupot ang kanyang long legs sa leeg ko.... alam mo yung ganong ngiti? kaso nagbaba nalang ako ng tingin, hanggang umandar ulit yung jeep. ayun, nakatingin lang kami sa isa't isa habang papalayo yung jeep..."

"bakit di ka bumaba?" tanong ng isa.

"heller... ano ako, easy to get? tsaka malay ko ba kung teaser lang yun... baka mamaya gay basher yun, eh di naboogie wonderland pa ako... tsaka mahal ko jowa ko noh!!! hindi ko ipagpapalit yun...."

"sa landi mong yan?" pang-aasar ng isa.

keep quiet nalang ako....oh well, sabi nga ni Mr. Gray, it doesn't matter where you get your appetite, as long as you eat at home.

bwah!

Monday, August 10, 2009

Duke is mine!!!!


I woke up yesterday feeling all better. No more fever, just a slight headache. But it was nothing that a long cold shower can't get rid of. I met Scheez and Herbs in Greenbelt and we watched G.I. Joe. So far, it’s the best movie I’ve seen since the year started. And no, not because I’ve been in love with Channing for like forever. Because it’s REALLY REALLY good. It’s like X-men meets Batman Begins meets Transformers meets Ironman. Pretty awesome huh! Okay did any of you see Channing in that part when he started stripping off his G.I Joe suit/gear whatever, then he stepped under the shower naked, and started playing with his dick. NO? Really? Okay, I was probably hallucinating…. Now I’m sad. :(


My G.I Joe....





daddy Tristan ha.... kay Snake Eyes ka nalang ha.... pleaseeeeeeeeeeee.....

Wednesday, June 3, 2009

Coffee Babies....

This post is long overdue. A lot has transpired during the summer vacation. Who knew that my May would be a blast? Anyhow this is about my babies, my coffee babies. I have to admit that I started blogging because of ‘him’. Para akong grade school girl lang na gustong mag Diary bigla dahil may crush na siya. I wanted to keep a record of everything that happened each time we’re together. Ganun lang. Click here and there, and I discovered other people’s blog. Basa dito basa dun. Hanggang sa makahanap ako ng mga blogs na talagang nakaka-adik. Others found my blog. May mga nagtiyagang magbasa. Yung iba sobrang bored siguro nag comment pa. Hehehe (joke lang). Ayun, masaya pala mag blog. You get to learn from other people’s thoughts. You gain friends, virtually at first. Then you meet them in person and realized that they are real. Na hindi sila aliens. Hihihihi. Now I blog for a lot of reasons. Hindi nalang dahil sa ‘kanya’.




I was with my friend Ez the first time (April 3) I met Herbs. A boy who writes and expresses his thoughts so well that people find his mind to be way ahead of his years. A 16-year old boy who has a lot of insecurities and brave enough to admit them. He reminds me of myself when I was his age, pero ugali lang. Mas maganda ako sa kanya eh, hahahaha. Echoz. We had an early dinner in a sports grill in greenbelt then watched Monsters vs. Aliens which was really good. Then spent sometime in Bed Space dancing around cutie high schoolers to the music of the worst DJ ever (sabi ni Herbs yan, ker ko ba basta magpatugtog siya ng Rihanna keri na).

Two days later, he invited me to another coffee date, this time with three other bloggers. Victor, CB, and ParteeBoy. Herbs was already in Kopiroti (Columns) when I got there. He was toying with his dslr. He took some pics (that he sent to me days later, photoshoped) of me while we were waiting for the other boys. Victor and CB came together. Herbs introduced us to each other. Victor, who’s an Ilocano like me had the most georgeus hair I’ve seen in a long time. Bagsak kasi, tapos parang ang lambot lambot pa. I was a heart beat away from asking him if I could touch it. Hahahaha. Kaso baka mag freak out ang loko. Malakas pa magtrip. When I asked him kung saan siya nagwo-work, sagot niya Mcdonalds. Naniwala naman ako. CB, the boy with the infectious smile and giggle. Galing pa magkuwento, minsan may action at demo pa. Hahahaha. Nakakaloka. It didn’t take long before Parteeboy arrived. Mukhang galing sa gym, may dala-dalang sports bag. Love ko na agad siya. Sabi kasi niya I look younger daw kesa sa tunay kong edad. Hahaha. Plus he’s got perfect skin. Gusto ko tuloy biglang laklakin ang mga bote ng pure white na naka stock sa bahay ko.


More coffee, more fun mode. We spent time talking about some old posts from our blogs, and posts from other bloggers. We talked about unforgettable lines from the best local movies. Ito yung part na nagkwento si CB regarding a scene from Virgin Island ba yun? May kasamang demo kaya tawa kami ng tawa, muntik pa akong malaglag sa upuan. Siempre hindi mawawala ang usapang boylets.

Dahil nagugutom na ang baby gurl namin na si Herbs, transfer kami sa pinakamalapit na Mcdonalds. The boys ordered happy meals. Characters kasi from Monsters vs. Aliens ang featured toys. We spent another hour of talking about religion and a strange but interesting way to fight ageing (courtesy of Victor) na gusto kong subukan, kaso scarry, baka mategi ako. Hahahahaha. Pero powerful daw talaga.

All in all, it was a very insightful and fun night. One I will remember for a very long time. Masaya ako na nakilala ko kayo. Kaya tara na, kape na.