Pages

Showing posts with label GM. Show all posts
Showing posts with label GM. Show all posts

Thursday, March 24, 2011

Edz Turns 28...

Ang babaeng ayaw magpa graduation party dahil hindi na daw kami mga bata. Mga gumagraduate lang daw sa edad na bente ang nagpaparty.

Pero ang hitad, akala mo teenager kung umasta sa birthday niya kagabi.

Hindi na sana ako pupunta dahil alas-otso na ako from school. Napapagod din ang katawang lupa ko. Gusto ko nalang sana humilata at titigan ang mga larawan ni bagong crushie (yes may bago nanaman akong crush), hanggang makatulog ako. Baka sakaling sa panaginip ay dalawin niya ako.

"Kagandahan, nasan ka na?" text ni Sandy.

"Tinatamad na ako. Pakisabi sa diyosa happy birthday."

"Madaming boys!" hirit niya.

"Maliligo na ako."

Si Edz ang madalas kong kasama para mag-shopping. At kapag purita mirasol kami, window-shopping! Wala kaming ibang pinag-uusapan kundi bag at shoes. LV na ganito, Gucci na ganyan. Eh sa ganun talaga, we're that shallow. Tumbong ko lang naman ang deep. Choz!

It was a fun party at The Distillery in Jupiter. Hindi man kumpleto ang barkada masaya naman. Puro bangayan eh. Here are some pics taken by Nic and Kris...



with my favorite GM girl AK















May tanong ako. Masama bang pagnasaan ang jowa ng friendship mo?

Oo na. Malandi na ako. Alam ng masama, tinatanong pa!

Pero pano kung ganito siya ka-hot?






































Oh ano? Masama pa din?

I know. Everytime na nakikita ko siya eh para akong buntis na sinasabugan ng water bag! He makes me feel like a woman! Choz!

*Happy Birthday Edz... labya mare!


the birthday girl




That's all.... Yaiy