Pages

Friday, December 19, 2008

Lagi nalang nabibitin....


So kahapon (dec18), ginawa na namin ang exchange gift. Nakakalungkot mang isipin pero walang natuloy sa mga plano. Pumunta kasi si RJ ng Baguio at umuwi agad si Asia sa Pangasinan after classes. Ayaw naman naming lumabas ng hindi kumpleto. Si BBB ang nabunot ko at binigyan ko nalang siya ng t-shirt na nabili ko sa oxygen. Si Jhay ang nakabunot sa akin, binigyan ako ng damuho ng sexing-sexy na red underwear. Maisuot nga sa pasko.

Ngayon ang simula ng xmas vacation ko. Galing ako sa robplace kanina. Inabot ako ng tatlong oras sa paghahanap ng damit na isusuot ko sa Sunday para sa kasal ng friend kong si Paris. Dahil green ang motif, bumili ako ng stripes na black-green button-down shirt, necktie na limegreen pero may mga rectangular pink prints para medyo beki, at isang shiny black vest mula sa Maldita. Para Cherrie Gil ang aura ko hahahaha.

Lalabas sana kami ngayon pero pinauwi si BBB ng mama niya sa Bulacan. Kaya pagbalik nalang niya. Bukas na ang birthday ng pamangkin ko. Sa mcdonald’s din gaganapin. Pumayag na rin ang sisteret kong maldita pa kay Miss Gil. Inimbayt ko si Cinder na dalhin yung anak niya sa party. Siempre pa kasama rin si NJ bukas. Bahala na, dautan kami dun hahaha.

Nagtext din si John, nagyaya kina Vanz bukas, bonding daw kami. Nomo nanaman for sure. Hay naku, maghahanap nga ako ng makakainuman. Gusto kong uminom ngayon eh. Laterz…. Bwah.

1 comment:

Pinoy Contests said...

Hello! If you love writing poems, you might want to join a poetry contest--and get a chance to win $500 in cash! Here are the details: http://pinoycontests.blogspot.com/2008/12/win-500-in-cash.html