Prelims started yesterday (dec16), I took my exams in educ12 and creative writing and went home right after. Today, exams started with physical science, PE (we played volleyball), then my three majors, afro-asian literature, campus journalism and mythology. Nothing to write about. But what happened last Monday I want to share. A rather long post, pero basahin mo narin kung wala ka namang ginagawa.December 15, fly ako ng school. Wala na akong klase ng alas-onse kaya naman sumama akong rumampa kina Maine, LA, Honey at Asia sa SM Manila. Ikot-ikot lang hanggang sa mapagod at magpasyang bumalik ng school. Dahil alas-kuwatro pa ang tapos ng klase ni Edz (na magpapadinner dahil nga dumating ang bayot na si Lawrence), tumambay muna ako sa student activity center kasama sina Asia, Jhay at Honey. Net surfing kami sa laptop ni Jhay. Nang matapos magpayabangan ng profile theme at background sa friendster, pinabasa ko sa kanila ang post ni Luis regarding sa open relationship churva. Tawa kami ng tawa dahil akmang-akma sa sitwasyon nina NJ at Cinder. Siempre pa d namin naiwasang pag-usapan nanaman ang mga katarantaduhan nung dalawa. Dahil bitter-bitteran ako, ako ang pasimuno. Wahahaha….. hanggang sa magsipasukan na sila sa klase at nagtext naman si Edz. Pinuntahan ko siya sa friendship area, kumakain. Magdodonate daw ng dugo ang hitad, para mataas ang grade sa NSTP. Windang akez. Buti nalang hindi compulsory sa klase namin, pag nagkataon baka mauna pa akong matigbak kesa sa mga nakaratay sa ospital at naghihintay masalinan ng dugo. So fly kami sa harap ng school para mag-abang ng taxi kasama sina Chelle at friend nilang hindi ko kilala. Pagkatapos ng 48 years of waiting, nakasakay din kami.
‘Intramuros manong, yung pinakamalapit na red cross dun.’
Nang mapagtanto naming d na kami aabot dahil 4:30 na at hanggang 5 lang ang red cross, ‘sa Legazpi Village nalang manong,’ so diretso na kami sa haus ni Edz.
Kaso naalala ng lola mo na kailangan pala niyang bumili ng hipon at tahong, ‘ay manong, sa SM Makati nalang po.’ Pero umapila sina Chelle na sa market-market nalang kami mamalengke ni Edz para diretso uwi narin sila nung isang bilat. Kaya, ‘manong sa market-market na lang po.’
‘Final nap o ba yan ma’am?’ tanong ni manong na mukha namang hindi nainis dahil nakuha pang tumawa sa kagagahan namin.
‘OO manong, final na.’
Ayun, kumaliwa si manong sa Quirino. Sa kalagitnaan ng trapik, naflat ang isang gulong ng taxi. Pag minalas ka nga naman, at talagang sa isang nakakatakot na lugar pa talaga kami nasiraan. Walang nagawa ang byuti namin kung hindi bumaba at maghintay ng taxi. Sa dinami-dami ng nasabing destinasyon, kahit isa wala kaming narating. Ano sa tagalong ang ironic? Pinauna na namin sina Chelle, dahil nagdecide ang Edz na sa seaside nalang mamalengke. Buy kami ng hipon, at tahong. Nakabili na daw siya ng pusit-lumot. Seafood galore pala itoh! Nasa taxi na kami nang mapag-usapan namin ang umaatikabong okrayan na magaganap. Ganun naman lagi pag nagkita-kita kami. Pero mas mabuti kung nandun ka at maipagtanggol mo ang sarili mo, kesa wala ka, at pag-usapan ka ng walang kalaban-laban. Nag-text ang Edz kay Lawrence, ‘bili ka ng Chardonnay ha!’
‘King ina ka, dati gin-pom lang solve ka na. Ngayon may nalalaman ka pang chardonnay?’
Sagot ang Edz, ‘umikot na ang gulong ng palad at nasa itaas na ako ngayon. Huwag ka ng umapila at nalagyan ko na ng KALSO!!!’ at nagsimula na nga ang okrayan extravaganza.
Unang dumating si Mitch, na college palang eh nakipag-jowa na sa mayamang Chinese-chinesan na may asawa. Impernez, mahal talaga siya ng jowa niya dahil hindi siya pinabayaan hanggang sa magkaanak sila. Kung hindi ako nagkakamali, magsasampung taon na ang relasyon nila.
Sumunod si Angel na dala-dala ang anak na super biggie na. First time kong makikita si Jack dahil nasa Japan ako ng ipanganak siya. Grade four na siya ngayon at malapit ng malampasan ang taas ng mommy niya. Pictorials muna habang hinihintay sina Lawrence, at panay naman ang ayos ni Edz ng lamesa na plentyful na ng pagkain na super yummy talaga sa paningin. Dumating si Lex, ang Russian-Israeli na asawa ni Edz. Sumunod si Lawrence kasama si Rhina. Dahil gutom na ang lahat, lafangan na. Bonggang-bongga talaga magluto si Ate Marge (kasam-bahay nina Edz). Kunsabagay 8thou naman ang suweldo niya at may 13th month pay pa. Kaya dapat lang. Thai churvah ang recipe kaya lahat medyo maanghang. Pati ang chiken na para kay Lex (dahil hindi ito kumakain ng pusit-hipon-tahong at iba pang lamang-dagat dahil jewish nga) delicious. Ang dessert home-made na cinnamon rolls at baked cookies. After ng kainan, fly kami ng veranda with a view of the Shang Tower na nasa tapat lang ng building nina Edz. Si Jack, pumuwesto sa sofa at tinutukan ang kanyang PSP. Yosi-break muna kami. Kesa naman mamatay ako sa usok at magmukhang manok-panabong, nakihithit na ako. Tinatanong ni Lawrence kung nasaan sina Marlon at AK? Dahil sa text ni Edz earlier kay Lwrence ang dami niyang binanggit na pangalan ng mga pupunta sa dinner. ‘Akalo ko ikaw na magsasabi sa kanila?’ sagot ni Edz. Patay na. wala na palang nasabihan na iba maliban sa amin at kina Sandy at Cindy na papunta palang. ‘Ano yun, pass the message?’ sabi ni Lawrence na may halong pang-iinis. ‘Ay naku keri na yan, para marami akong maibalot mamaya’ sabat ni Rhina with matching tawa. Dahil hindi nakabili ng wine si Lawrence, si Lex ang lumabas para bumili.
Puro wholesome pa ang usapan dahil nagkukumustahan lang ng trabaho at schooling. Pinag-usapan ang mga wala. Si Mike daw nasa Dubai na. Dahil hindi ko nakilala, tinanong ko kung sino siya at umariba na ang bayot…..
‘Si Mike! Yung may sariling buhay ang mga ngipin, hahaha. Ay naku mare hindi ka maniniwala pero ang lalaki ng mga ngipin niya. Parang chiklet at ang puputi pa. Siempre sabi niya hindi daw pustiso. Pero minsan, papunta kaming SM Manila at nakasakay sa jeep, panay ang kuwento ng lolo mo ayun nalaglag kay Angel yung pustiso niya. I swear mare may gilagid yung nalaglag. Naloka nga si Angel eh.’ Siempre panay na ang tawa nina Rhina at Angel na naaalala rin yung event.
‘Hay naku, yang Mike nay an. Kung makapag-scarf ngayon sa mga moktyur niya parang huling araw na ng scarf. Natuluyan na yata ng pagkabakla,’ dagdag pa ng bayot.
Dumating ang Sandy. Beso-beso. At ilang minuto lang malaswa na ang pinag-uusapan. Nagsimula sa pagtatanong kay Lawrence kung malaki ba ang nota ng Jordanian boylet niya na dahilan ng pag-uwi niya. Hanggang sa mahalukay nanaman sa mahiwagang baul ng alala ang mga nakaraan. Ang mga chukchakan portion sa loob ng stock room ng isang shoe-shop sa mall. Kung saan isa sa kanila ang nagtrabaho at may co-worker na hottie. Fetish daw kasi ang amoy ng goma. Kaloka. Hanggang sa mga silipan portion sa GSIS homes sa Pureza kung saan sila tumira way back in college. Kung may nagbobongkangan sa kuwarto, sama-sama naman sa labas ng pinto ang iba para makinig at manilip. Salinsinan sa pagtuntong sa silya para maabot ang espasyo na nasa taas ng pinto. Full View kumbaga. Pero sina _ at _ lang naman ang sinisilipan dahil sila nga ang panay ang ganunan. Tsaka para masagot na ang mga katanungan nila sa tunay na kulay ng dugo ni boylet. Minsan nagka-agawan sa upuan, sabay na tumuntong yung tatlo sa kanila, ayun, tumba. Pabilisan siyempre ng takbo. Run ala Lydia deVega ang mga hitad. Mula noon wala ng libreng live show.
Dumating ang Lex dala-dala ang wine. This time naki-join na siya sa veranda. Pahirapan nanaman ito sa inglesan. Dumating ang Cindy, ang taba. Natural na siya ang hot seat dahil sa break up nila ng asawa niya.
‘At bakit naman raffles kung raffles ang eksena mo? Feeling mo naman si Claudine ka?’ pangungutya ni Lawrence sa bagong dating.
‘Naman. Hindi lang si Edz ang makikita mo sa TV. Pinaghahandaan ko na ang second book ng Maligno!!!’ sagot ni bilat.
Siempre pinaupo muna ang bilat bago tapunan ng mga tanong. Dahil alam na alam pala ni Rhina ang dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa pinabayaan ni Cindy na si Rhina ang magkuwento para sa lahat. So it turned out na nahuli pala ni Rhina na nambababae ang asawa ni Cindy. Bilang mabuting kaibigan, siempre nagsumbong ang Rhina. Sa madaling salita SIYA ang dahilan ng hiwalayan na naganap. BONGGA!!!
Balik kami sa kitchen. Kape-kapihan ang iba, habang kumakain sina Sandy at Cindy. Ang Lawrence natatawa sa itsura ni Cindy na itim na itim ang nguso dahil sa pusit. Para daw siyang undin na kumakain ng pagkaing engkanto ayon sa bayot. Ang Madz, nag-inarte nanaman. Sunduin daw naming sa RCBC. Gudlak, isang malaking Gudlak! Ewan ko ba kung bakit lately eh panay ang pa-VIP ng hitad. Siya tuloy ang sumunod na pinag-usapan. Naalala ko kasi si Negro. Isa pa sa mga kagrupo na naging jowa ni Madz. Walang nakakalam kung nasan ngayon ang loko.
‘Ang Madz, panay ang deny nung college kung nakantot siya ni Negneg. Pero wag ka, napag usapan namin siya lately sa YM at umamin na minsan lang daw. Knowing Madz, hindi ako naniwala siempre,’ banat ni Lawrence.
‘Ay oo. Siguradong panay din yun noon,’ sang-ayon naman ni Rhina.
Siempre kinuwento ko na nung nakaraang gaypride sa Malate eh nagfly ako with my friendships. At naloka ako na sa gitna ng napakaraming badichi eh nakita ko ang Madz na panay ang indak sa musika. Ngenge ang gaga. Pinagmamalaki pa sa akin na may foreigner na nagbigay sa kanya ng rose habang winawagayway sa mukha ko ang bulaklak. ‘Baka napagkamalang transvestite?’ tanong ni Lawrence. ‘Ewan ko ba.’
Dahil alas-dos na ng umaga at maaga pa ang pasok kinaumagahan, nagpak-up na kami. Nagtext nalang ka Madz na wag ng tumuloy at pauwi na kami. Kanya-kanyang kuha ng foil at saran wrap sa kusina. Ang tray ng cinnamon rolls, syrup lang ang natira. Lahat ng ulam, simot. Ang Mitch, balak pang iuwi ang bote ng kape, dahil ubos na raw ang kape nila. Pati ang first batch ng cookies na medyo nasunog ang ilalim hindi pinatawad ni Rhina. Nakakaloka, wala paring nagbago.
2 comments:
hahaha... tamang laugh trip ito... namiss ko tuloy mga friends ko...
oo nga eh... masarap talaga ganitong mga pagkakataon
Post a Comment