Pages

Thursday, December 4, 2008

100


‘I miss my TL family. Things have changed since the sem started. I miss you all guys…’

Text yan ni EllaB kanina. Napansin ko nga na ang dami-dami ng nagbago sa TL landia. Si Gilbeys, halos isang linggo ko ng hindi nakikitang tumatambay sa T-spot. Kahapon ko lang nalaman mula kay Maine ang dahilan. Nagkaroon pala ng relasyon ang Gilbeys at EllaB habang pareho silang committed sa kani-kanilang mga jowa. Maglaro daw ba ng apoy. Ang saya. Hanggang sa magising itong si Gilbeys sa katotohanan na mahal niya ang jowa niyang si Sarah. Kaya tinapos ni Gilbeys ang tagong pag-iibigan nila ni EllaB. Hindi naman madali ang pagtanggap ni bilat sa desisiyon ng boylet. Kaya yun, nagkakailangan ngayon ang dating mabuting magkaibigan. Ending, tuwing nasa T-spot ang isa, umiiwas na yung isa. Siempre ang mga walang kamalay malay na ibang miyembro ang nasa gitna ng kahibangang ito. Estufishet talaga yang pag-ibig na yan.

Siempre isa pa akong pasaway, na ayaw paawat, gumagawa ako ng sarili kong gulo. Hindi ko mapigilan eh. Nasa edtech class ako kanina. Pumuwesto ako sa pinakalikod para makapag-review. Salpak ko sa tenga ko ang earphones na hiniram ko mula kay Eric. Naka-repeat mode sa ipod ang kanta ni Jason Mraz na Lucky. Tutok na tutok ako sa handout ko ng may nagtanggal ng earphones ko at ginulo ng bahagya ang buhok ko. Si NJ. Nakatayo sa harap ko at nakangisi.

‘Bati na tayo please,’ tsaka ngumiti ng pagkatamis-tamis.

‘That’s ok. It’s no big deal you know,’ sagot ko.

‘Eh, big deal sayo yun eh. Sige na, bati na tayo ha.’

Biglang pumasok ang pinakapaborito kong prof na si Miss B. Agad lumabas ang NJ ng classroom. Pagkatapos ng klase ko sa edtech kanina, nagtext ang Puff. Tinatanong ako kung alam ko na daw ba na nagtext si Cinder kay Glen at nagsusumbong na bina-backfight namin siya. Heleer! Kahit kailan hindi namin siya binackstab. Lahat ng opinyon namin tungkol sa kanya naririnig niya firsthand. Kaya na-imbey nanaman kami sa kagagahan ng bilat. Dumating si NJ sa T-spot. Niyaya kong pumunta sa Malate. May pinapaasikaso kasi sa akin ang kapatid ko doon. Ang lakas ng ulan. Taxi kami ni NJ. Kinumusta ko si Cinder sa kanya. Ok na rin naman daw ang bilat. Asar parin ako sa kanya kaya wala ako sa mood makipag-usap. Girl na girl lang. Kaya nakinig nalang kami ng mga kanta ni Mraz. Pinaghatian namin ang earphones. Pagkatapos ko sa pinapaayos ng kapatid ko sakin, direso kami sa robplace. Siya pinamili ko ng resto na pwede naming kainan. Ako ang taya ngayon. Makabawi man lang ako sa mga panlilibre sa akin ni NJ. Kain kami sa Holy Cow churva na steakhouse. Fish and steak ang inoreder ko. Steak and chop sa kanya. Good luck. Ang bigat kaya sa tiyan nun. Kaloka. sabi ko na dapat nag-Friday’s nalang. Ang buttered veggies na side dish ko, d ko malasahan ang butter. Pero ok naman ang steak. Pero gusto ni NJ yung steak na super juicy na d na raw niya kailangan ang sauce. Rampa kami after lunch. Naloka ako. Showing din sa rob ang pelikula ni Mylene Dizon na 100 (yun lang pala pamagat nun, mali lang dinig ko sa Boy n Kris). Niyaya ko siyang manood. Wala na rin naman siyang klase. Nagtext ako kay Lorz para ipaalam na d ako papasok sa major7. Siempre imbento ng dahilan. Para akong bata. Sheeeeeeet. Bumibili na kami ng ticket para sa 3pm screening nang magtext ang Cinder kay NJ at niyayaya siyang mag-megamall. So hindi pala sila natuloy kahapon. Natakot ang NJ na baka awayin daw siya ni Cinder pag d siya pumunta. Sagot ko naman, pag pumunta siya ako ang aaway sa kanya. Niyaya niya ako sa megamall. Ayoko nga. Ang layo nun eh. Tsaka nasa mall narin naman ako bakit pa ako lilipat?

‘Sige awayin niyo na ako pareho,’ inis na sabi niya sa akin. Tahimik lang ako. Hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

‘Sige. Manood na tayo dito. I’ll tell Cinder nalang na around 5pm kami pumunta sa megamall.’

Ngiting aso ang bakla. Wagi. Bongga. Ang ganda ng movie. Tarayful ng Mylene. Pero mas kabugera ang Eugene Domingo. Perfect siya sa role niya. Kahit seryoso nakakatawa parin. So kaya pala naging 100. Dahil list ito ng 100 things na dapat magawa ng character ni Mylene bago mamatay. At least, aminado ang NJ na nag-enjoy siya dahil maganda ang pelikula. D hamak naman na mas makabuluhan ito kumpara sa ibang Hollywood produced movies na napanood namin lately. D ko alam na habang nasa loob kami ng sinehan eh inaaway na pala ni Cinder si NJ sa text. Pinabasa sa akin ni NJ yung huling text ni Cinder.

‘Sige, magsama kayo ni Yj!!!’

‘Anong sinagot mo?’ natatawang tanong ko kay NJ.

‘Wala. D ko sinagot. Nag-text nga ulit, pumunta na daw siyang mag-isa.’

‘She’s really crazy. Why would she go to the mall alone?’

‘I don’t know. D ka ba pumupunta sa mall mag-isa?’

‘Uhmmmmm. NO!’

Nag-ikot nalang kami. Wala din naman daw balak sumunod si NJ kay Cinder. Nagtaxi na kami. Dadaan sana kami sa Mendiola para makababa siya kaso sa sobrang traffic, nagshort cut ang driver, pero natraffic parin. Peste. Ayun, dumiretso tuloy si NJ sa bahay. Dun nalang siya sumakay pauwi sa dorm nila. Shet. Nangangamoy away ito sa pagitan namin ni Cinder bukas. Kaklase ko pa naman yata siya sa first subject ko. Deadma na. basta masaya ako. Napanood ko na yung movie. Kasama ko pa si NJ. Bwah!!

4 comments:

Luis Batchoy said...

a few things
1. love aint istufishet! It's people who makes love istufishet!
2. Backbite atcheng not back fight
3. courting disaster itey... be magnanimous in victory atcheng... hekhekhek

wanderingcommuter said...

this ppost made me miss a lot of people... awwww

Yj said...

mareng Luis...

on number 1...good point hehehe

on number 2... yung backfight, word ni Cinder, kaya dun sa sumunod na sentence backbite na gamit ko... hihihi

on number 3... keri lang... playtime lang naman.

thank you thank you....

Yj said...

backstab pala yung word na ginamit ko hihihihi