Sunday, December 7, 2008.1st, HAPPY BIRTHDAY MAMA. I LOVE YOU. I might not often say it but I DO.
2nd, Congratulations to the uber-talented Luis and his photographer friend for the successful launch of their photo exhibit in Ilo-ilo. Dalhin niyo naman sa Manila yan.
3rd, Congratulations MANNY!!! Kahit kailan, kahit saan, kahit sino, kayang kaya mo. PINOY KA EH!!!
Last, wala lang. kwento ko na rampa namin kahapon. Umaga palang nireremind ko na mga TL tungkol sa laro ni BBB. Fisrt game nila. Maglalaro sila against Philippine Women’s University sa Rizal Technological University. Kaloka dahil last year, sila din ang naglaban for the championship. Basta nag-gmtl ako na sa jollibee Mendiola ang meeting place at 2:30pm ang meeting time. Ang ma-late iiwanan. Gustuhin ko mang manood ng laban nina Pacquiao at DelaHoya, mas importante sa akin na suportahan si BBB. Gusto ko siyang makita ‘in action’, kung pano siya maglaro ng volleyball. Nauna si NJ sa jollibee. Nakaupo siya malapit sa entrance. Nang makita niya akong pumapasok, pareho kaming natawa. Pareho nanaman kaming naka-maroon. Unang nangyari ito nung b-day ng anak ni Cinder.
NJ: May feeling na ako na isusuot mo yan eh. Tawa siya.
Me: Naramdaman mo na pala bakit d mo pa pinalitan yang damit mo?
NJ: Eh kasi…pacute siya. Sino pa ang sasama?
Me: Si Lou palang ang nag-confirm. Wala ng iba. Si Asia d nagtetext eh. Si Puff naman kailangan yata may family affair.
Nakita ko si Lou naglalakad, naka-brown shirt. Buti nalang hindi nag maroon ang bakla. Niyaya ko na si NJ palabas. Natatawa si NJ, dalawang beki lang ang kasama niya. Sumakay kami papuntang stop n shop, kung saan kami sumakay papuntang Boni. Nasa jeep na kami ng magtext si BBB, malapit na daw magsimula ang game at may entrance daw na 20pesos. Kaloka, sabi kasi niya 3:30 ang start eh. Pagdating namin sa RTU, diretso kami sa gym. May aleng nakaupo sa entrance, sa kanya kami nagbayad ng fee. May binigay siya sa aming ticket na nakalagay, Men’s National Collegiate Athletic Association 5th season. Pero naloka ako dahil Nov.22, 2008 ang nakalagay na date. Dumedelihensiya lang yata si nanay. Pero keri na. Wititit nalang sa pagka-react. Nakita namin yung ibang players ng school namin. Pumuwesto kami sa likod nila. Si Fonz lang ang kilala ko, kaibigan ni BBB at kaklase ko sa Religion. Siya yung iniisip ni NJ na may gusto kay BBB dahil sa mga text messages. Ewan ko ba kung pano nalalaman ni NJ ang mga bagay na dapat eh sa pagitan nalang nina BBB at Fonz. Tsismoso din kung minsan ang damuho eh. 2nd set na ang inabutan namin. Nanalo daw kami sa 1st set at 25-9 ang score. Bad bad mistake na maroon ang suot namin ni NJ dahil maroon ang suot ng mga kalaban. Sigaw nalang kami at clap sa tuwing nakakapuntos kami, para malaman ng ibang nanonood na hindi PWU ang team namin. Natalo kami sa second set pero pahirapan sa kalaban dahil nag-deuce sa 24. dahil nagugutom na si NJ, lumabas kami para maghanap ng mabibilhan. Nakakita kami ng mcdo. Bumili kami ng tatlong set ng cheeseburger value meal. Go-large lahat. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng ibang bakla na kasama ni Fonz. Balita ko kasi ilan sa kanila eh may gusto kay NJ. Pero parang deadma naman si NJ dahil si Fonz lang ang kinakausap niya, parang hindi niya din kilala yung iba. Third set, bonggang bongga maglaro si BBB at yung isang Iranian player namin. Pareho silang spiker. Ewan ko kung bakit paran
g ang dali-dali para sa kanila na i-stop ang bola. Kung ako lang siguro ang tamaan ng bolang sobrang lakas hinataw eh hihiwalay ang mga kamay ko sa katawan ko. Sabi ni NJ, yung Iranian player daw namin ang pinakamalakas na nakalaban ni BBB sa track and field noong SportsFest. Sa takbo, long jump at high jump, sila ang naglaban para sa gold medal. At kahit gaano kagaling si BBB, laging mas magaling si Iranian. Ang lahat ng iyon advantage nila ngayon sa paglalaro ng volleyball. Hindi sila magkalaban ngayon. Magkatulong sila sa pagpapatumba ng kalabang team. Tuwing sila ang hahataw, ang taas ng talon nila kaya naman solido ang hataw at malalim ang bagsak. Pero mapapansin mo na may mali sa game nila. Yung player namin na may number 1 sa jersey ang tosser. At mapapansin mo na lagi niyang binibigay ang bola sa player din namin na naka jersey number 2. malakas ang hataw ni spiker number 2, kaso mababa kaya laging naba-block. Pero panay parin ang toss ni number 1 ng bola kay number 2. Panalo kami sa 3rd set. Pero malapit din ang score. Sa fourth set, maraming puntos ang nagawa nina BBB at ng Iranian. Pero marami ding error ang nagawa ni spiker number 2. Talo sa 4th set. Bago mag 5th set, kinausap ng coach ang team. Mula sa kinauupuan namin, nakikita namin si BBB na halatang naiinis na. ginugulo ang buhok at nanggigigil talaga. Natatawa kami ni NJ. Bago pumasok sa court, inayos ni BBB ang buhok niya. Lalo kaming natawa. Sa last set, puro sina BBB at Iranian nalang ang pumapalo, at sa bawat hataw nila, solidong puntos. Kung ginawa nila ito sa 4th set, panalo na sila. Pero hindi talaga maiwasan na magkamali. 14-13 ang score, pabor sa amin. Isang puntos nalang. Pinasa ni number 1 kay number 2 ang bola. Hataw. Out. Sheeeeeeeeet 14-14 na. Serve ang kalaban, kabado na lahat. Spike, block. Spike, block. Spike ang kalaban, solido. 14-15 na. Naulit ang eksena. Tooooooooooooot….. talo. It was a good game though. At proud na proud kami sa team, lalong-lalo na kay BBB. Bago nagbihis si BBB, nagpicture taking pa kami. Gusto namin siyang makasama sa pic ng suot niya ang uniform niya. Habang nagbibihis si BBB, panay naman ang picture taking namin ni Lou sa gym. Dahil wala ng laro, panay ang tumbling ng hitad sa court.Nag-MRT kami papuntang Edsa-Taft. Pupunta kaming MOA. Si Lou, humiwalay na sa amin dun. Marami daw siyang gagawin. Sa metropoint, bumili ako ng pasalubong para sa pamangkin kong si Basti. Malapit lang kasi ang bahay ng bayaw ko dito kaya dumalaw na ako. Nakita ko silang naglalaro sa labas ng bahay. Pinakilala ko sina BBB at NJ sa pamangkin ko at sa daddy niya. Hindi na kami pumasok sa bahay. Gusto ko lang naman talagang makita si Basti, namiss ko na kasi siya. Dumiretso kami sa MOA. May nakasabay pa kaming girl na kaklase ni NJ way back in highschool. Natatawa kami ni BBB dahil may nunal din yung girl kung saan may nunal si NJ. Sabi ko nga parang connect the dots.
Pagdating sa MOA, hanap agad kami ng kakainan. Gutom na kasi si BBB. Tatlong oras ka ba namang magtatatalon at magtatatakbo, kung hindi ka magutom. Daming tao. Kaloka. nakahanap kaming puwesto sa chef d’angelo. Lamon ang BBB. Ikot-ikot kami pagkatapos. Hanap ng pwedeng ipangregalo sa mga nabunot namin para sa xmas party ng TL. Naghanap din kami ng shoes ni BBB. Gusto raw niya ng bagong shoes para sa paglalaro niya. After an hour, naghanap na kami ng pwedeng kainan for dinner. Chai kofi. Nakakatuwa ang interior ng resto. Ang sarap pa ng amoy. Kape. Si NJ lang naman ang gutom kaya siya ang kumain ng heavy meal. Nag crabstick sandwich nalang kami ni BBB. Pero ang mga shakes nila bonggang bonga. Nakakatuwa pati ang menu. May drink silang ‘son of a dutch’-chocolate shake. At fruit shake na may pangalang ‘vanilla banana boogey’. I had strawberry frappe. Yummy. The boys had chocolate frappes. Si BBB nakakatuwa, hindi naman daw totoong chocolate. Dahil hindi daw puro. Tinanong ko kung ano ang chocolate sa kanya. Cadburry daw. Batang-bata lang. Ang cute-cute. Magkatabi sila sa harap ko. At nagkaroon ako ng pagkakataon na paghambingin sila. Tama ba yun? Wala akong magawa eh. kesa naman asarin ko ng asarin si NJ, mag-away nanaman kami. Okay, guapo si NJ pero cute si BBB. Tutok sa academics si BBB pero sensible si NJ, matalino pero d seryoso sa pag-aaral. Parehong athletic. Natural na hubog ng paglalaro ang katawan ni BBB, si NJ may tulong ng gym. Parehong ma
bait. Okay mas mabait siguro si BBB. Siya ang pinakamabait sa lahat ng taong nakilala ko. Walang yabang sa katawan, may kaartehan lang. Pero maarte din naman si NJ. Pero mabuti na yun kesa naman pabaya sa katawan. Hay naku. Sa totoo lang, sa kanilang dalawa, wala kang itulak-kabigin. Kakabigin mo sila pareho. I was telling them about my problem regarding kung saan ako magpapasko. Option 1, uuwi ako ng Tarlac to be with my cousins. Option 2, sa Angono with my sister Lanie and her husband's family. Option 3, sa Pasay with Basti and my brother in-law's family. Option 4, La Union with my brother and his wife's family. Option 5, sa bahay ko, mag-isa. 'Yj, mag-asawa ka na,' biro ni NJ. Pati si BBB natawa, pero ako hindi. Nyehehehe. Going bulilit, going bulilit, ang corny. Nasabi ni BBB na siya rin daw hindi pa alam kung saan magpapasko. Wala daw kasi siyang x-mas vacation dahil sa volleyball practice nila. Kaya baka hindi siya makauwi ng Bulacan. So we decided na kung pareho kaming ma-isa sa pasko, punta nalang kami kay EllaB, na kuya lang ang kasamang magpapasko dahil umalis ang mommy nila papuntang states. Pinasakay kami ni NJ ng bus, malapit lang naman daw kasi siya. Uuwi kasi si BBB sa Bulacan, pero yung Fairview-Tungko ang sasakyan niya. Nagsabay kami dahil sa crossing ako bababa. Pinag-usapan namin yung laro. Naiinis siya dahil pwede naman daw iwasan yung mga nangyaring error sa game. Kaso magjowa daw pala yung mga beki na naka-jersey ng 1 and 2. At masyadong malaki ang tiwala ni tosser sa jowa niyang spiker kaya panay ang pasa niya ng bola. Nakakaloka. May love-factor pala sa naganap na game. Okay lang daw kasi may tatlong laro pa naman sila. Sisiguraduhin daw niyang PWU din ang makakalaban nila sa championship. Sana nga makarating sila sa round nayun. Sana.
1 comment:
maraming salamat. kung maibubugaw namin sa manila ang exhibit na to, me vip pass ka!
Post a Comment