Pages

Sunday, December 14, 2008

Umagang kay warla.....

Nagising ako sa alarm ng de-uling kong nielfon. De-uling siya sa sobrang kalumaan mga ateh. Alas-siete ang sinisigaw na oras. Dahil malapit lang naman ako sa adopted community namin sa NSTP, as in literal na dalawang tumbling lang at nandun na ako, nireset ko ang alarm clock sa alas-otso. Balik tulog ako. Bago ako umalis ng bahay, kinausap ko ang sisteret ko at pinarating ang napag-usapan namin ni Mama kagabi tungkol sa birthday party ng pamangkin ko. Magdadalawang taon na ang pamangkin kong si Ethan sa Dec.20, nagbigay ng pera si Mama para sa celebration. So ang sisteret ko naghanap ng venue. Dahil taga Angono ang pamilya ng bayaw ko, at nasa Sta.Mesa kami, gusto niya yung lugar na half-way ang meeting namin. Para fair. Fly ng megamall, Sta.Lucia, at kahit SM Marikina, narating niya. Sistema mo, puro jollibee ang pinagtanungan niya, at sad to say, lahat ng jollibee sa lugar na pinuntahan niya eh fully booked na. Tinanong ko kung bakit d siya nagtanong sa mcdo or ibang mga food chains na may mga party packages. Jollibee daw ang gusto niya. At kung hindi jollibee, huwag nalang daw. Kakain nalang daw sa jollibee without the party package. Ewan ko ba kung bakit sinasamba ng mga pamangkin ko ang jollibee. Nakakaloka. Natural, napikon ako. Nasan ang logic dun? Mag-iimbita narin lang siya at magpapakain bakit hindi pa mag-avail ng party package para ma-enjoy ng mga bata ang mga games at masscot. At yung isang pamangkin ko, luluwas pa mula sa Tarlac para sa birthday ng pinsan niya, tapos kakain lang sa jollibee ng walang party? Warla kung warla ang mga sumunod na eksena. Hindi naman madugo pero may mga luha. Hindi narin naman bago ang mga ganitong eksena sa amin ng sisteret ko. Ito kasi ang pinakamataray at pinakamatigas ang ulo. Kung ano ang gusto, yun na. Eh hindi naman para sa kanya ang party noh! Sa anak niya!!!! Nakakainis… buti sana kung wala siyang ibang pagpipilian.

Hindi na ako pumunta sa Mendiola. Sa San Juan na ako dumiretso. Ito ang unang pagkakataon na bibisita kami sa bago naming adopted community. Barangays 598 at 599. Dahil mga education students kami, kami ang naatasan na magbigay ng tutorials sa mga bata sa nasabing barangay. Ang programa ay nabuo sa pagtutulungan ng Ateneo at ng aming school. Ipinasyal kami ng social worker na si Arian sa buong barangay. Dinala niya kami sa gusali kung saan gaganapin ang tutorials. Nasa tabi ito ng barangay hall at may pangalang PAMANA, na proyekto ng City of Manila. Nakakaloka na halos lahat ng bahay eh may maliit na negosyo. Karamihan ay ang sari-sari store. Kaya nagtataka ako kung may bumibili pa ba kung lahat sila eh may sariling tindahan? Nabanggit ng aming prof sa akin na sanitation ay isa sa mga dapat pagtuunan ng pansin sa lugar. Marami kasing nagkalat na dumi ng hayop sa mga makikitid na eskinita. Pagbalik namin sa office nila Arian, pinaalalahanan niya kami sa mga bagay na dapat at hindi dapat gawin pag nagsimula na ang tutorial program sa January. Inasahan namin na ilan sa mga bata ay darating para sana makilala namin sila pero dahil may family activities daw sa barangay nila kahapon at karamihan ay games, baka daw napagod ang mga bata. Kaya nadismiss na kami ng alas-onse.

Kasama si Lou, Maine, Honey at isang friend ni Lou, dumiretso kami sa RTU para manood ng game nina BBB. Nagsimula na ang first set ng dumating kami. Lamang ang aming team. Pero nakakaloka na wala ang BBB. Tinanong namin ang isa sa mga players at hindi rin daw niya alam kung bakit. Matagal na raw nilang tine-text pero hindi nagrereply. Sinubukan kong tawagan yung cellphone niya pero out of reach naman. Nainis tuloy si Maine, dahil gustong-gusto niyang mapanood maglaro ang baby boy namin sa grupo. Nag-alala naman ako. Nanalo kami sa 1st set. At bago magsimula ang 2nd set, nakita kong pumasok si BBB sa gate ng gym. Sigawan kami. Nag-warm up ang loko at sa kalagitnaan ng second set eh pinasok na siya. as usual maganda ang laro ni BBB at ng Iranian player namin. Pero may mali talaga sa game nila. hindi ko alam kung ano, dahil hindi naman ako eksperto sa game na ito o kahit sa anong ball game. Utang na loob, isa lang ang ball game na nilalaro ko at dalawang balls lagi ang kailangan (at isang bongang-bonggang tako hahaha). Sad to say, talo kami. Sa sumunod na tatlong set, umariba ng husto ang mga kalaban na mula sa San Beda Alabang. Nakakainis. Last year, umabot sila ng championship ng walang talo kahit isa, tapos ngayon ang chaka-chaka ng laro nila. Buti nalang may chance pa sila sa Sunday. Maglalaro sila against La Consolacion na kapit bahay lang namin sa Mendiola. Feeling ko ako nalang ang manonood, dahil baka mag-uwian na sa probinsiya ang mga TLs pagkatapos ng last day of exams sa Friday. Pagkatapos ng game, umuwi na sina Honey at Maine. Nagpaiwan kami ni Lou pinanood pa namin ang 1st set ng UAnP at PWU. Katabi ko si BBB na pawis na pawis. Sarap dilaan hahaha. Nasabi ko na bang ang bango-bango niya kahit pawisan. Hindi sa lahat ng lalake masasabi ko yan. Ang gagoh at lasing daw kagabi. Alas-singko na ng umaga natulog kaya tinanghali ng gising, eh sa Bulacan pa galing. Kaya naman pala hindi ganun kaganda ang laro niya kumpara last Sunday. Nagbihis lang siya at sabay-sabay kami nina Lou na umuwi.

Natulog ako pagdating ng bahay. Alas-singko na ng ginising ako ng lola ko. Telepono daw. Ang bayot na si Shrek (na talaga namang kamukha ng cartoon character) ang nasa kabilang linya. Isa siya sa mga Bombo friends ko. Ito ang grupo ko nung una akong pumasok sa college ten years ago. Oo mga ate, pang sampung taon ko na ito sa kolehiyo at second year parin ako. Hindi naman ako bobo, marami lang talaga akong pang-tuition, JOKE!!! Tumigil kasi ako, pitong taon, kaya ganun. Nangungumusta ang bakla. Kasi naman huling usap namin, nung nasa ospital siya dahil inoperahan yung panga niyang nabasag dahil sinapak ng bunsong kapatid ng ex niya. Nakakaloka. Na-miss ko na actually ang bakla. Sa lahat naman ng kaibigan ko ito ang pinakamadrama ang buhay. Mas madrama pa sa akin. In-update niya ako tungkol sa kasong sinampa niya sa boylet na sumapak sa kanya. Sa February pa daw ang sked ng unang hearing. Naghilom narin daw totally ang sugat kaso medyo masagwa ang peklat kaya kailangan pa daw niya ng scar revision. Bongga ang bakla, najombag na’t lahat-lahat wala paring awat sa pagmamaganda. Gudlak ateh. Isama mo na buong peslak mo sa revision na yan, para waging-wagi ka na sa susunod na pa-miss gay ni Mama Teenz.

Bwah!!!

1 comment:

wanderingcommuter said...

hahaha. this made my day...

kakatawa!!!!