Pages

Wednesday, December 31, 2008

Ang Lamay...

Gusto kong maiyak pero nang makita ko si Jojo natawa ako. Nognog na nognog ang gagoh. Gustong-gusto ko agad siyang basagin. Naalala ko yung halos limang taon naming pagsasama sa trabaho. Para kaming aso at pusa kung magbangayan noon. Masuwerte lang ako at mabait siya dahil kung hindi baka binangasan na niya mukha ko dahil minsan below the belt na ang mga panlalait ko sa kanya. Eh kasi naman bakla ako noh!!! Natural na sa akin ang mang-okray ng bonggang-bongga. Naglakad na kami papunta sa bahay ni kuya Ramil, nasa third floor ng tenement ito. Nakita ko agad si Mommy na nakaupo sa sofa na nakapuwesto sa tabi ng pintuan. Niyakap ko siya at unang rumehistro sa isip ko yung mga tong-its days namin sa apartment nila sa Nagoya. Siya ang maghohost ng laro tapos magluluto siya, sobrang sarap niyang magluto. Pinakapaborito ko yung fresh lumpia ni mommy, ang sarap ng paggawa niya ng sauce. Siya ang mommy nina Bob, Rodel, Rose, Ramil (mga nakasama ko sa Nagoya) at Winnie at Resty (na hindi ko pa nakikilala). Pumasok ako sa living room kung saan nakaburol ang asawa ni mommy dahil nastroke, 71 lang siya. parang si Ramil lang ang nagmana ng height ng daddy nila. Dahil nakikita ko na noon sina Resty at Winnie sa picture, alam ko na si Ramil nga lang ang matangkad sa kanila. Payat nga ang palayaw niya kasi payat na matangkad. Nakita ko si Tanke (asawa ni Rose) borlogs na borlogs sa sofa sa salas. Lumabas ako para makipag-usap kay mommy at Jojo. Kumustahan. Ngayon lang pala nagsama-sama ang magkakapatid in twenty years. Dahil yung time na nasa Pinas pa sina Rose at Rodel, sina Bob, Resty at Ramil ang nasa abroad. Nang umuwi si Resty, sina Rose at Rodel naman ang umalis. Natutuwa ako na parang mas bumata pa si mommy kumpara nung nasa Japan siya. Kungsabagay, sa Roxas City siya nakatira with Bob, Rose and Tanke. Iba ang hangin sa probinsiya, fresh. Kaya naman freshness ang mga tao, hindi gaya ng Manila na lahat polluted pati utak ng mga tao. Hmmmmmmmmmp…. Siempre pa hindi nakaligtas ang Jojo sa mga pang-aapi ko. Kasi naman ang itim niya talaga. Pero depensa naman niya na siya daw kasi ang nagtatrabaho sa Farm na naipundar niya sa Calamba, at hndi puro utos sa mga tauhan niya. Hindi daw gaya ko na tamad. Wahahahaha bumabanat ang gagoh.

Nagising si Bob, nang lumabas siya, naiyak na ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. Siya kasi ang pinaka-close ko at unang nakilala sa magkakapatid. Siya din ang laging nandun noon para sa akin pag may mga problema ako. Siya ang madalas kong makasama noon sa lakwatsa pag may ibang lakad ang jowa kong si Pierre. Gaya ni Mommy hindi rin siya tumada. Ganun na ganun ang itsura niya ng huli kaming magkita three years ago. Kamukha niya si Rudy Fernandez (sumalangit nawa), mas guapo lang si Bob ng konti. Sunod kasi sa uso ang porma kaya pagkakamalan mong mid twenties lang siya pero early forties na talaga. Kaya nga ako nainlab sa kanya noon eh. Hahahaha…. Kasi naman sa sobrang closeness namin, nandun na yung ibang level ng relasyon namin. Parang lovers na implied but never stated… ang taray, sinulat ko lang yan pero d ko naintindihan. Siempre pa kinumusta ko ang anak niyang si Superman. Na pinagtulakan sa akin ni Bob noon kaya ako nainlababo sa anak niyang anak din ng mga diyos at diyosa sa kaguapuhan. Hindi parin daw sila nag-uusap, magdadalawang taon na. ‘Bob naman, magpapasko.

‘Magpatawaran na kayong mag-ama.’

‘Eh, hayaan mo muna. Darating din kami doon. Hindi pa nga kami nagkikita mula noong dumating ako eh. Kasi nga sa Roxas ako dumiretso eh nasa Laguna siya, sa Mommy niya.’

Nanahimik nalang ako at kinumsta ko nalang ang business niyang computer shop sa Roxas City. Kinuwento ko rin ang tungkol sa schooling ko at mga bagong boylets sa buhay ko. Maya’t maya naman ang banat ni Jojo pag nakakakita ng pagkakataon. Alas-siete na ng umaga nang magising si Rodel a.k.a. Mata dahil sa laki ng mga mata niyang dilat na dilat. Actually magaganda ang mga mata nila dilat lang talaga. Pag tinignan ka ni Rodel parang may dalawang spotlight na nakatutok sayo. Wa exaj mga ateh. Ewan ko ba at parang may Twilight effect yata ang pamilyang itoh. Ang Rodel din, walang nagbago sa itsura. Batam-bata pa rin. Pinakita niya sa akin ang picture ni Irene (asawa niya) at si Topher (anak niya) na ipinanganak sa Japan. Naiwan daw sila sa Cebu. Ang laki na ni Topher, eleven na siya. Nagising na rin sina Tanke at Resty na pinakilala agad sa akin. Habang nag-aalmusal kami, bumaba si Rose kasama Limar na anak ni Ramil. Galing sila sa 6th floor kung saan naroon ang bahay ni Winnie. Takbo si Limar sa akin para yumakap at humalik. Ang laki na niya. 6 years old na ang inaanak ko sa binyag. Isang taon lang yata siya nung huli kong makita. Pinanganak siya sa Japan pero inuwi ni mommy sa Pinas para dito mag-aral. Kumpleto na kami. Just like the old times. Para lang kaming nasa kyokai-heya (pantry) sa dati naming kumpanya. Kulang lang ang walang kamatayang vending machine ng soda at coffee. At ang nakatutuwang si Kenchang, ang hapon na laging pinagtitripan ni Jojo dahil may pagka-special. Inaasar ko si Rose dahil sa hairstyle niyang sobrang iksi. Para kasi siyang natipus. Depensa naman niya, krisis daw ngayon kaya kahit sa shampoo kailangan magtipid. Good point. Pero maliban sa chaka khan niyang buhok, gandara parin ang lola ko. Kakainis talaga, sobrang unfair. Ako, kung ano-anong pampa ang ginagamit ko gumanda lang at maiwasan ang paglabas ng edad ko sa mukha ko. Samantalang sila effortless. Hmmmmmmmp….. naalala ko tuloy na lagi akong inaasar ni Rose sa Japan. Pwede ko na daw idemanda ang Pond’s dahil ilang taon na kaong gumagamit hindi naman nag-rosy cheeks ang mukha ko. Considering na maganda pa ang klima doon. Wa epek talaga. Pakshet.

Alas-otso na ako umuwi. Matutulog lang ako sa bahay at babalik din ako later dahil last night na at bukas na ang libing. Makikilala ko pa si Paolo na panganay ni Bob at yung mga anak ni Winnie na puro anak ng diyos sa kaguapuhan at kagandahan (sa picture ko palang kasi sila nakikita). Pero deep inside hoping ako na pumunta si Superman.

Tuesday, December 30, 2008

Kasal-kasalan.....


Nauna ako sa Jollibee sa Mendiola. Nag text si NJ nasa SM Manila na daw siya pero ang tagal mapuno ng jeep. Linggo kasi at ang aga pa kaya walang masyadong pasahero. Inabot din yata ng kalahating oras ang paghihintay ko. Nag-take out na ako burger at fries para sa kanya. Isang oras na kaming late sa laro ni BBB, bibiyahe pa. Pagdating namin sa RTU tapos na ang laro, pero wala rin palang kuwenta ang pagpunta namin dahil hindi naman naglaro si BBB. Naiwan kasi niya ang uniform niya. Sinalubong niya kami sa gate ng gym at nagsumbong na parang bata. Dinibdiban siya ng coach niya ng dalawang beses. Nagtext si Kai sa akin at nagpapasamang bumili ng regalo para kay Paris, sa Gateway daw kami magkita. Niyaya ko si NJ at BBB. Hindi naman kami nahirapan ni Kai pumili ng gift. ikot lang kami ng isang beses sa Rustan’s Home churvah at nagdesisyon na kaming electric grill nalang ang ibigay. Masyadong common na kasi pag rice cooker. Nagyayang maglunch si Kai at libre daw niya. Nag-KFC nalang kami sa food court. Inaasar ako ni Kai, gago daw akong nagsasasama sa mga bata. Anong magagawa ko eh sila na ang pinakamatino sa mga kaklase ko sa school. Para daw siyang nanay around the two boys. Inasar ko rin siya na talaga namang nanay na siya. Masaya naman ang kuwentuhan over lunch. Kuwento si Kai sa mga katarantaduhan namin nung college, at pinagsasabihan sina NJ at BBB na dumistansiya sa akin dahil mapapariwara daw sila. Natatawa lang naman yung dalawang boylet. Pagkatapos kumain, naghiwa-hiwalay na kami. Umuwi si BBB sa Bulacan. Si Kai tumingin pa ng damit na puwede raw niyang isuot sa kasal. Kami ni NJ nag LRT pauwi sa bahay ko. Salampak siya sa sofa at watch ng tv habang naliligo ako. Siempre nagpatulong ako kay NJ pumili kung ano isusuot ko. Ending, yung vest din. Ang init nga naman para mag-coat pa ako. Huwag ng magmaganda. Naghiwalay kami ni NJ sa Altura, dumiretso siya sa dorm para kunin ang mga gamit na iuuwi niya sa Paranaque at pumunta na ako kina Kai.

Sa Trinoma kami nakipag-meet kina Joy at Shrek. Buti nalang at electric grill ang pinili naming gift dahil rice cooker ang binili nung dalawa. Sana lang wala ng iba sa mga bisita ang magregalo ng gaya sa amin. Nag-taxi kami papuntang Novaliches kung saan gaganapin ang garden wedding at pagkatapos ng napakahabang biyahe dahil ang hirap hanapin ng address, nakarating din. Sinalubong kami ni Piolo, ang groom. May bilat na naghatid sa amin sa aming table, na green kung green ang cover. Pati upuan nakabalot din sa green. Halos lahat ng bisita naka-green. Ako din naka-green. Huling araw na ng green. Pasado alas-siete na ng magsimula ang kasal. Pastor ang nagkasal sa kanila, pero hindi ko alam kung anong sekta ng relihiyon. Ang ganda-ganda ni Paris. Diyosang-diyosa ang dating niya sa gown at sa ayos ng buhok niya ng may koronang gawa sa daisies kung saan nakakabit ang napakahaba niyang belo. Mega imagine ko bigla ang sarili ko na suot ang gown at belo, ang ganda ko. Siempre pa hindi namin maiwasang magbulungan at gumawa ng mga espekulasyon kung bakit sobrang biglaan ang kasal. To the point na kahit isa sa family ni Paris eh walang nakarating, dahil hindi nasabihan. Hindi namin alam kung anong kalokohan ang pumasok sa isip ni Paris para gawin ito, pero pinagdarasal ko nalang na sana hindi lang kalokohan ito. Gaya ng pagdarasal ko na huwag bumuhos ang kanina pa nagbabadyang ulan. In the end, naisip din namin na baka talagang masaya siya sa naging desisyon niya, dahil sa tingin namin eh talagang masaya naman siya. Maagang nag-uwian ang ibang mga bisita. Puro mga kaibigan lang ni Paris at family ni Piolo ang naiwan. Inuman to the max at walang humpay na okrayan na ang sumunod. Dumating din sa wakas si Bebang na muntikan ng walang inabutang pagkain. Pasado alas-dose na ng mag-text sa akin si Rose, nasa Manila daw silang lahat na magkakapatid dahil namatay ang daddy nila at nakaburol sa Tenement sa Taguig. Dumating din daw ang kaibigan naming si Jojo kaya binigay niya sa akin yug address at directions in case na gusto kong pumunta. Dahil taga Taguig si Joy at uuwi naman ng Las Pinas si Bebang, sumabay na ako sa kanila. Alas-dos na ng umaga kami umalis sa kasal. Naghihintay na sa akin sina Ramil at Jojo sa Caltex ng bumaba ako dun. Tatlong taon na rin mula ng huli kaming magkita-kita, at bigla kong naramdaman na uminit ang mga mata ko. Namumuo na ang luha.

Friday, December 19, 2008

Lagi nalang nabibitin....


So kahapon (dec18), ginawa na namin ang exchange gift. Nakakalungkot mang isipin pero walang natuloy sa mga plano. Pumunta kasi si RJ ng Baguio at umuwi agad si Asia sa Pangasinan after classes. Ayaw naman naming lumabas ng hindi kumpleto. Si BBB ang nabunot ko at binigyan ko nalang siya ng t-shirt na nabili ko sa oxygen. Si Jhay ang nakabunot sa akin, binigyan ako ng damuho ng sexing-sexy na red underwear. Maisuot nga sa pasko.

Ngayon ang simula ng xmas vacation ko. Galing ako sa robplace kanina. Inabot ako ng tatlong oras sa paghahanap ng damit na isusuot ko sa Sunday para sa kasal ng friend kong si Paris. Dahil green ang motif, bumili ako ng stripes na black-green button-down shirt, necktie na limegreen pero may mga rectangular pink prints para medyo beki, at isang shiny black vest mula sa Maldita. Para Cherrie Gil ang aura ko hahahaha.

Lalabas sana kami ngayon pero pinauwi si BBB ng mama niya sa Bulacan. Kaya pagbalik nalang niya. Bukas na ang birthday ng pamangkin ko. Sa mcdonald’s din gaganapin. Pumayag na rin ang sisteret kong maldita pa kay Miss Gil. Inimbayt ko si Cinder na dalhin yung anak niya sa party. Siempre pa kasama rin si NJ bukas. Bahala na, dautan kami dun hahaha.

Nagtext din si John, nagyaya kina Vanz bukas, bonding daw kami. Nomo nanaman for sure. Hay naku, maghahanap nga ako ng makakainuman. Gusto kong uminom ngayon eh. Laterz…. Bwah.

Wednesday, December 17, 2008

Okrayan over dinner....

Prelims started yesterday (dec16), I took my exams in educ12 and creative writing and went home right after. Today, exams started with physical science, PE (we played volleyball), then my three majors, afro-asian literature, campus journalism and mythology. Nothing to write about. But what happened last Monday I want to share. A rather long post, pero basahin mo narin kung wala ka namang ginagawa.

December 15, fly ako ng school. Wala na akong klase ng alas-onse kaya naman sumama akong rumampa kina Maine, LA, Honey at Asia sa SM Manila. Ikot-ikot lang hanggang sa mapagod at magpasyang bumalik ng school. Dahil alas-kuwatro pa ang tapos ng klase ni Edz (na magpapadinner dahil nga dumating ang bayot na si Lawrence), tumambay muna ako sa student activity center kasama sina Asia, Jhay at Honey. Net surfing kami sa laptop ni Jhay. Nang matapos magpayabangan ng profile theme at background sa friendster, pinabasa ko sa kanila ang post ni Luis regarding sa open relationship churva. Tawa kami ng tawa dahil akmang-akma sa sitwasyon nina NJ at Cinder. Siempre pa d namin naiwasang pag-usapan nanaman ang mga katarantaduhan nung dalawa. Dahil bitter-bitteran ako, ako ang pasimuno. Wahahaha….. hanggang sa magsipasukan na sila sa klase at nagtext naman si Edz. Pinuntahan ko siya sa friendship area, kumakain. Magdodonate daw ng dugo ang hitad, para mataas ang grade sa NSTP. Windang akez. Buti nalang hindi compulsory sa klase namin, pag nagkataon baka mauna pa akong matigbak kesa sa mga nakaratay sa ospital at naghihintay masalinan ng dugo. So fly kami sa harap ng school para mag-abang ng taxi kasama sina Chelle at friend nilang hindi ko kilala. Pagkatapos ng 48 years of waiting, nakasakay din kami.

‘Intramuros manong, yung pinakamalapit na red cross dun.’

Nang mapagtanto naming d na kami aabot dahil 4:30 na at hanggang 5 lang ang red cross, ‘sa Legazpi Village nalang manong,’ so diretso na kami sa haus ni Edz.

Kaso naalala ng lola mo na kailangan pala niyang bumili ng hipon at tahong, ‘ay manong, sa SM Makati nalang po.’ Pero umapila sina Chelle na sa market-market nalang kami mamalengke ni Edz para diretso uwi narin sila nung isang bilat. Kaya, ‘manong sa market-market na lang po.’
‘Final nap o ba yan ma’am?’ tanong ni manong na mukha namang hindi nainis dahil nakuha pang tumawa sa kagagahan namin.

‘OO manong, final na.’

Ayun, kumaliwa si manong sa Quirino. Sa kalagitnaan ng trapik, naflat ang isang gulong ng taxi. Pag minalas ka nga naman, at talagang sa isang nakakatakot na lugar pa talaga kami nasiraan. Walang nagawa ang byuti namin kung hindi bumaba at maghintay ng taxi. Sa dinami-dami ng nasabing destinasyon, kahit isa wala kaming narating. Ano sa tagalong ang ironic? Pinauna na namin sina Chelle, dahil nagdecide ang Edz na sa seaside nalang mamalengke. Buy kami ng hipon, at tahong. Nakabili na daw siya ng pusit-lumot. Seafood galore pala itoh! Nasa taxi na kami nang mapag-usapan namin ang umaatikabong okrayan na magaganap. Ganun naman lagi pag nagkita-kita kami. Pero mas mabuti kung nandun ka at maipagtanggol mo ang sarili mo, kesa wala ka, at pag-usapan ka ng walang kalaban-laban. Nag-text ang Edz kay Lawrence, ‘bili ka ng Chardonnay ha!’

‘King ina ka, dati gin-pom lang solve ka na. Ngayon may nalalaman ka pang chardonnay?’

Sagot ang Edz, ‘umikot na ang gulong ng palad at nasa itaas na ako ngayon. Huwag ka ng umapila at nalagyan ko na ng KALSO!!!’ at nagsimula na nga ang okrayan extravaganza.

Unang dumating si Mitch, na college palang eh nakipag-jowa na sa mayamang Chinese-chinesan na may asawa. Impernez, mahal talaga siya ng jowa niya dahil hindi siya pinabayaan hanggang sa magkaanak sila. Kung hindi ako nagkakamali, magsasampung taon na ang relasyon nila.

Sumunod si Angel na dala-dala ang anak na super biggie na. First time kong makikita si Jack dahil nasa Japan ako ng ipanganak siya. Grade four na siya ngayon at malapit ng malampasan ang taas ng mommy niya. Pictorials muna habang hinihintay sina Lawrence, at panay naman ang ayos ni Edz ng lamesa na plentyful na ng pagkain na super yummy talaga sa paningin. Dumating si Lex, ang Russian-Israeli na asawa ni Edz. Sumunod si Lawrence kasama si Rhina. Dahil gutom na ang lahat, lafangan na. Bonggang-bongga talaga magluto si Ate Marge (kasam-bahay nina Edz). Kunsabagay 8thou naman ang suweldo niya at may 13th month pay pa. Kaya dapat lang. Thai churvah ang recipe kaya lahat medyo maanghang. Pati ang chiken na para kay Lex (dahil hindi ito kumakain ng pusit-hipon-tahong at iba pang lamang-dagat dahil jewish nga) delicious. Ang dessert home-made na cinnamon rolls at baked cookies. After ng kainan, fly kami ng veranda with a view of the Shang Tower na nasa tapat lang ng building nina Edz. Si Jack, pumuwesto sa sofa at tinutukan ang kanyang PSP. Yosi-break muna kami. Kesa naman mamatay ako sa usok at magmukhang manok-panabong, nakihithit na ako. Tinatanong ni Lawrence kung nasaan sina Marlon at AK? Dahil sa text ni Edz earlier kay Lwrence ang dami niyang binanggit na pangalan ng mga pupunta sa dinner. ‘Akalo ko ikaw na magsasabi sa kanila?’ sagot ni Edz. Patay na. wala na palang nasabihan na iba maliban sa amin at kina Sandy at Cindy na papunta palang. ‘Ano yun, pass the message?’ sabi ni Lawrence na may halong pang-iinis. ‘Ay naku keri na yan, para marami akong maibalot mamaya’ sabat ni Rhina with matching tawa. Dahil hindi nakabili ng wine si Lawrence, si Lex ang lumabas para bumili.

Puro wholesome pa ang usapan dahil nagkukumustahan lang ng trabaho at schooling. Pinag-usapan ang mga wala. Si Mike daw nasa Dubai na. Dahil hindi ko nakilala, tinanong ko kung sino siya at umariba na ang bayot…..

‘Si Mike! Yung may sariling buhay ang mga ngipin, hahaha. Ay naku mare hindi ka maniniwala pero ang lalaki ng mga ngipin niya. Parang chiklet at ang puputi pa. Siempre sabi niya hindi daw pustiso. Pero minsan, papunta kaming SM Manila at nakasakay sa jeep, panay ang kuwento ng lolo mo ayun nalaglag kay Angel yung pustiso niya. I swear mare may gilagid yung nalaglag. Naloka nga si Angel eh.’ Siempre panay na ang tawa nina Rhina at Angel na naaalala rin yung event.

‘Hay naku, yang Mike nay an. Kung makapag-scarf ngayon sa mga moktyur niya parang huling araw na ng scarf. Natuluyan na yata ng pagkabakla,’ dagdag pa ng bayot.

Dumating ang Sandy. Beso-beso. At ilang minuto lang malaswa na ang pinag-uusapan. Nagsimula sa pagtatanong kay Lawrence kung malaki ba ang nota ng Jordanian boylet niya na dahilan ng pag-uwi niya. Hanggang sa mahalukay nanaman sa mahiwagang baul ng alala ang mga nakaraan. Ang mga chukchakan portion sa loob ng stock room ng isang shoe-shop sa mall. Kung saan isa sa kanila ang nagtrabaho at may co-worker na hottie. Fetish daw kasi ang amoy ng goma. Kaloka. Hanggang sa mga silipan portion sa GSIS homes sa Pureza kung saan sila tumira way back in college. Kung may nagbobongkangan sa kuwarto, sama-sama naman sa labas ng pinto ang iba para makinig at manilip. Salinsinan sa pagtuntong sa silya para maabot ang espasyo na nasa taas ng pinto. Full View kumbaga. Pero sina _ at _ lang naman ang sinisilipan dahil sila nga ang panay ang ganunan. Tsaka para masagot na ang mga katanungan nila sa tunay na kulay ng dugo ni boylet. Minsan nagka-agawan sa upuan, sabay na tumuntong yung tatlo sa kanila, ayun, tumba. Pabilisan siyempre ng takbo. Run ala Lydia deVega ang mga hitad. Mula noon wala ng libreng live show.

Dumating ang Lex dala-dala ang wine. This time naki-join na siya sa veranda. Pahirapan nanaman ito sa inglesan. Dumating ang Cindy, ang taba. Natural na siya ang hot seat dahil sa break up nila ng asawa niya.

‘At bakit naman raffles kung raffles ang eksena mo? Feeling mo naman si Claudine ka?’ pangungutya ni Lawrence sa bagong dating.

‘Naman. Hindi lang si Edz ang makikita mo sa TV. Pinaghahandaan ko na ang second book ng Maligno!!!’ sagot ni bilat.

Siempre pinaupo muna ang bilat bago tapunan ng mga tanong. Dahil alam na alam pala ni Rhina ang dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa pinabayaan ni Cindy na si Rhina ang magkuwento para sa lahat. So it turned out na nahuli pala ni Rhina na nambababae ang asawa ni Cindy. Bilang mabuting kaibigan, siempre nagsumbong ang Rhina. Sa madaling salita SIYA ang dahilan ng hiwalayan na naganap. BONGGA!!!

Balik kami sa kitchen. Kape-kapihan ang iba, habang kumakain sina Sandy at Cindy. Ang Lawrence natatawa sa itsura ni Cindy na itim na itim ang nguso dahil sa pusit. Para daw siyang undin na kumakain ng pagkaing engkanto ayon sa bayot. Ang Madz, nag-inarte nanaman. Sunduin daw naming sa RCBC. Gudlak, isang malaking Gudlak! Ewan ko ba kung bakit lately eh panay ang pa-VIP ng hitad. Siya tuloy ang sumunod na pinag-usapan. Naalala ko kasi si Negro. Isa pa sa mga kagrupo na naging jowa ni Madz. Walang nakakalam kung nasan ngayon ang loko.

‘Ang Madz, panay ang deny nung college kung nakantot siya ni Negneg. Pero wag ka, napag usapan namin siya lately sa YM at umamin na minsan lang daw. Knowing Madz, hindi ako naniwala siempre,’ banat ni Lawrence.

‘Ay oo. Siguradong panay din yun noon,’ sang-ayon naman ni Rhina.

Siempre kinuwento ko na nung nakaraang gaypride sa Malate eh nagfly ako with my friendships. At naloka ako na sa gitna ng napakaraming badichi eh nakita ko ang Madz na panay ang indak sa musika. Ngenge ang gaga. Pinagmamalaki pa sa akin na may foreigner na nagbigay sa kanya ng rose habang winawagayway sa mukha ko ang bulaklak. ‘Baka napagkamalang transvestite?’ tanong ni Lawrence. ‘Ewan ko ba.’

Dahil alas-dos na ng umaga at maaga pa ang pasok kinaumagahan, nagpak-up na kami. Nagtext nalang ka Madz na wag ng tumuloy at pauwi na kami. Kanya-kanyang kuha ng foil at saran wrap sa kusina. Ang tray ng cinnamon rolls, syrup lang ang natira. Lahat ng ulam, simot. Ang Mitch, balak pang iuwi ang bote ng kape, dahil ubos na raw ang kape nila. Pati ang first batch ng cookies na medyo nasunog ang ilalim hindi pinatawad ni Rhina. Nakakaloka, wala paring nagbago.

Sunday, December 14, 2008

Umagang kay warla.....

Nagising ako sa alarm ng de-uling kong nielfon. De-uling siya sa sobrang kalumaan mga ateh. Alas-siete ang sinisigaw na oras. Dahil malapit lang naman ako sa adopted community namin sa NSTP, as in literal na dalawang tumbling lang at nandun na ako, nireset ko ang alarm clock sa alas-otso. Balik tulog ako. Bago ako umalis ng bahay, kinausap ko ang sisteret ko at pinarating ang napag-usapan namin ni Mama kagabi tungkol sa birthday party ng pamangkin ko. Magdadalawang taon na ang pamangkin kong si Ethan sa Dec.20, nagbigay ng pera si Mama para sa celebration. So ang sisteret ko naghanap ng venue. Dahil taga Angono ang pamilya ng bayaw ko, at nasa Sta.Mesa kami, gusto niya yung lugar na half-way ang meeting namin. Para fair. Fly ng megamall, Sta.Lucia, at kahit SM Marikina, narating niya. Sistema mo, puro jollibee ang pinagtanungan niya, at sad to say, lahat ng jollibee sa lugar na pinuntahan niya eh fully booked na. Tinanong ko kung bakit d siya nagtanong sa mcdo or ibang mga food chains na may mga party packages. Jollibee daw ang gusto niya. At kung hindi jollibee, huwag nalang daw. Kakain nalang daw sa jollibee without the party package. Ewan ko ba kung bakit sinasamba ng mga pamangkin ko ang jollibee. Nakakaloka. Natural, napikon ako. Nasan ang logic dun? Mag-iimbita narin lang siya at magpapakain bakit hindi pa mag-avail ng party package para ma-enjoy ng mga bata ang mga games at masscot. At yung isang pamangkin ko, luluwas pa mula sa Tarlac para sa birthday ng pinsan niya, tapos kakain lang sa jollibee ng walang party? Warla kung warla ang mga sumunod na eksena. Hindi naman madugo pero may mga luha. Hindi narin naman bago ang mga ganitong eksena sa amin ng sisteret ko. Ito kasi ang pinakamataray at pinakamatigas ang ulo. Kung ano ang gusto, yun na. Eh hindi naman para sa kanya ang party noh! Sa anak niya!!!! Nakakainis… buti sana kung wala siyang ibang pagpipilian.

Hindi na ako pumunta sa Mendiola. Sa San Juan na ako dumiretso. Ito ang unang pagkakataon na bibisita kami sa bago naming adopted community. Barangays 598 at 599. Dahil mga education students kami, kami ang naatasan na magbigay ng tutorials sa mga bata sa nasabing barangay. Ang programa ay nabuo sa pagtutulungan ng Ateneo at ng aming school. Ipinasyal kami ng social worker na si Arian sa buong barangay. Dinala niya kami sa gusali kung saan gaganapin ang tutorials. Nasa tabi ito ng barangay hall at may pangalang PAMANA, na proyekto ng City of Manila. Nakakaloka na halos lahat ng bahay eh may maliit na negosyo. Karamihan ay ang sari-sari store. Kaya nagtataka ako kung may bumibili pa ba kung lahat sila eh may sariling tindahan? Nabanggit ng aming prof sa akin na sanitation ay isa sa mga dapat pagtuunan ng pansin sa lugar. Marami kasing nagkalat na dumi ng hayop sa mga makikitid na eskinita. Pagbalik namin sa office nila Arian, pinaalalahanan niya kami sa mga bagay na dapat at hindi dapat gawin pag nagsimula na ang tutorial program sa January. Inasahan namin na ilan sa mga bata ay darating para sana makilala namin sila pero dahil may family activities daw sa barangay nila kahapon at karamihan ay games, baka daw napagod ang mga bata. Kaya nadismiss na kami ng alas-onse.

Kasama si Lou, Maine, Honey at isang friend ni Lou, dumiretso kami sa RTU para manood ng game nina BBB. Nagsimula na ang first set ng dumating kami. Lamang ang aming team. Pero nakakaloka na wala ang BBB. Tinanong namin ang isa sa mga players at hindi rin daw niya alam kung bakit. Matagal na raw nilang tine-text pero hindi nagrereply. Sinubukan kong tawagan yung cellphone niya pero out of reach naman. Nainis tuloy si Maine, dahil gustong-gusto niyang mapanood maglaro ang baby boy namin sa grupo. Nag-alala naman ako. Nanalo kami sa 1st set. At bago magsimula ang 2nd set, nakita kong pumasok si BBB sa gate ng gym. Sigawan kami. Nag-warm up ang loko at sa kalagitnaan ng second set eh pinasok na siya. as usual maganda ang laro ni BBB at ng Iranian player namin. Pero may mali talaga sa game nila. hindi ko alam kung ano, dahil hindi naman ako eksperto sa game na ito o kahit sa anong ball game. Utang na loob, isa lang ang ball game na nilalaro ko at dalawang balls lagi ang kailangan (at isang bongang-bonggang tako hahaha). Sad to say, talo kami. Sa sumunod na tatlong set, umariba ng husto ang mga kalaban na mula sa San Beda Alabang. Nakakainis. Last year, umabot sila ng championship ng walang talo kahit isa, tapos ngayon ang chaka-chaka ng laro nila. Buti nalang may chance pa sila sa Sunday. Maglalaro sila against La Consolacion na kapit bahay lang namin sa Mendiola. Feeling ko ako nalang ang manonood, dahil baka mag-uwian na sa probinsiya ang mga TLs pagkatapos ng last day of exams sa Friday. Pagkatapos ng game, umuwi na sina Honey at Maine. Nagpaiwan kami ni Lou pinanood pa namin ang 1st set ng UAnP at PWU. Katabi ko si BBB na pawis na pawis. Sarap dilaan hahaha. Nasabi ko na bang ang bango-bango niya kahit pawisan. Hindi sa lahat ng lalake masasabi ko yan. Ang gagoh at lasing daw kagabi. Alas-singko na ng umaga natulog kaya tinanghali ng gising, eh sa Bulacan pa galing. Kaya naman pala hindi ganun kaganda ang laro niya kumpara last Sunday. Nagbihis lang siya at sabay-sabay kami nina Lou na umuwi.

Natulog ako pagdating ng bahay. Alas-singko na ng ginising ako ng lola ko. Telepono daw. Ang bayot na si Shrek (na talaga namang kamukha ng cartoon character) ang nasa kabilang linya. Isa siya sa mga Bombo friends ko. Ito ang grupo ko nung una akong pumasok sa college ten years ago. Oo mga ate, pang sampung taon ko na ito sa kolehiyo at second year parin ako. Hindi naman ako bobo, marami lang talaga akong pang-tuition, JOKE!!! Tumigil kasi ako, pitong taon, kaya ganun. Nangungumusta ang bakla. Kasi naman huling usap namin, nung nasa ospital siya dahil inoperahan yung panga niyang nabasag dahil sinapak ng bunsong kapatid ng ex niya. Nakakaloka. Na-miss ko na actually ang bakla. Sa lahat naman ng kaibigan ko ito ang pinakamadrama ang buhay. Mas madrama pa sa akin. In-update niya ako tungkol sa kasong sinampa niya sa boylet na sumapak sa kanya. Sa February pa daw ang sked ng unang hearing. Naghilom narin daw totally ang sugat kaso medyo masagwa ang peklat kaya kailangan pa daw niya ng scar revision. Bongga ang bakla, najombag na’t lahat-lahat wala paring awat sa pagmamaganda. Gudlak ateh. Isama mo na buong peslak mo sa revision na yan, para waging-wagi ka na sa susunod na pa-miss gay ni Mama Teenz.

Bwah!!!

Saturday, December 13, 2008

The boy i might have known....

I was at robplace with Asia, Cinder and NJ yesterday (dec12). I really didn’t enjoy since Cinder was with us. I was all grumpy and the occasional teasing from Asia didn’t help. Argggh… I hate it. I’m not avoiding her because that’s impossible anyways. But I don’t wana be around NJ the same time that she is. I know, I know…. I’m such a dinky dumdum.

We had our exam in NSTP today (dec13). Afte the exam, we dropped by the center gate where our college’s choral was performing. Honey was a part of the group and we wanted to show our support. Maine, LA and I went to SM Manila afterwards. We were in jollibee when I noticed this guy on the other table. I was positive that I knew him from somewhere. I just couldn’t remember. But then I realized that he just probably looked like my cousin’s cousin that I once dated. Maine looked for a gift that she’s going to give RJ next week. I haven’t decided what to give BBB. I really want it to be special. Puri ko nalang kaya ibigay ko? Hahaha….. Kung meron lang sana ako nun. Hmmmmmmmp

I’m going to bed. Maaga pa ako bukas. we’ll visit our adopted NSTP community tomorrow morning and go to RTU to watch BBB (and his team) play against San Beda Alabang that will start 12pm. I hope they win……

Since I don’t have anything to write about, let me give you Eugen Bauder. I got the biggest crush on this supermodel for the longest time now….

so watchutink?

Friday, December 12, 2008

HAPPY BIRTHDAY MAINE...


HAPPY BIRTHDAY DEAR MAINE…. Gurang ka na mare. Hahaha joke lang. Anyways aga ko nagfly sa skul kahapon ng umaga. Hindi kasi miyembro si Miss B. ng unyon kaya may pasok kami sa educ12. Si Gilbeys pumasok din sa first subject niya pero miyembro pala ng unyon ang prof niya. Kaya nganga sa T-spot ang gaguh. Pagkatapos ng klase niyaya ko si BBB, LA at Maine magbreakfast. Fly kami sa jollibee. D nagpaparamdam ang Gilbeys kaya baka nakahanap ng kasama at malamang naglaro nanaman ng dota. Hmmmm kung matuto lang sana siyang nota nalang ang laruin. Bonggang-bongga sana. Dahil apat na oras ang bakante ko, niyaya ko silang pumunta sa dorm nina NJ at Cinder para tumambay. Kaso may kikitain palang kaibigan si Maine, at isinama niya si LA. Kaya kami nalang ni BBB ang pumunta. Nag-text ako kay NJ at nagpasabi. Baka tulog pa ang mokong eh or worse baka kung ano ang ginagawa nila ng bubog na si Cinder. Gising na daw siya at nagpabili pa ng apat na itlog, magluluto daw si Cinder ng hotcake. Pagdating namin sa dorm, nakaugalian na na batuhin ang salamin na bintana. Dungaw si NJ, ngiting aso. Initsa ang susi ng gate. Pag-akyat sa kuwarto, inabutan namin si Cinder na naghahalo ng hotcake at si NJ na nakabihis. Punta daw siyang Makati to meet her tita. Nagtanggal ako ng polo at humiga sa futon. Si BBB naghanap ng DVD na pwedeng pampalipas oras. Nakakita ng 10 in 1 na pirated disc na puro animated. Ratatoulie (kung tama ang spelling ko). Pumasok si Asia na bagong ligo gaing sa kabilang kuwarto. Hanap ng puwesto para manood. Lumipas ang kalahating oras at dumating sina Gilbeys at Bernard. Napaluto tuloy ng hotdog si Cinder. Siksikan kami sa futon. Ilang sandali lang dumating sina LA at Maine na nakasakay sa brand new vios ng kaibigan niya na si Leo. Nagyayaya silang mag-malling. Dahil hindi pa bihis si Cinder, nagpunta muna sina Leo at Maine sa St. Jude. Habang nag-bibihis si Cinder sabay-sabay umalis sina BBB na uuwi ng Bulacan para sa kanyang weekend volunteer sa church nila, Bernard at Gilbeys para magdota. Babalik sana ako ng skul pero nagtext si Honey na kaklase ko sa major7. Next year na daw ang defense sa mga poems at sa Tuesday na ang submission. Kaya naman malling ang mga bilat with the cutie boy from Aklan. Dahil malapit, nag SM centepoint nalang kami. Akalain mo, lumuwas ng Manila si Leo para lang sa birthday ni Maine. Kaloka, ang haba ng hair ng girlalush. Nasaan kaya ang boylet na tatawid ng dagat para lang makasama ako kahit sandali lang. Nasaaaaaaaaaan siyaaaaaaaaaaaa? Nagpakain si Maine sa shakey’s. Pinag-usapan namin ang magaganap na TL x-mas party next week. Humiwalay na kami ni Asia sa kanila pagkatapos kumain. Bumalik sila sa Mendiola. Nag-ikot lang kami sandali ni Asia, nakabili siya ng jacket na on sale sa American Blvd. Hinatid ko siya sa V.Mapa station dahil pupunta pa daw siya ng gateway. Maghahanap daw ng pangregalo kay Graham. Umuwi na ako.

Nangungulit si PB. Inom daw kami sa bahay nila. sobrang miss ko na siya kaso ang aga ng pasok ko bukas at may quizz pa ako. Next time nalang.


PS. Maine, sagutin mo na yan… para d ka na tigang hahahaha…..

Wednesday, December 10, 2008

i am and you are, too...

Today we gave the surprise party for the November boys, Bernard and Lou whose birthdays fell on the same date and Jhay. Unfortunately I was on my major when the girls surprised them with their cake and gifts. We all get the same gift for our first birthday as a part of TL, a framed collage of pictures taken during the first semester. Every member writes a short note at the back of the frame. Really sweet. After my majors (mythology, and afro-asian lierature) I went to T-spot to hang out for a bit. There was a piece of chocolate cake waiting for me. I found NJ with some of the girls including Cinder. The others went to their classes. Everything’s normal, I supposed. I didn’t see him yesterday and I missed him. So I wrapped my hands over his shoulders and kissed him in the head. He held my right hand and played with my fingers. We stayed that way for sometime. Then I sat beside NJ and ate the cake. He paid me the money he borrowed last week. Perfect, ‘cause I’m running out of school-allowance for the week. He told me he wasn’t feeling well. I put a hand over his leg hoping it would comfort him. I needed to go home early because I had to prepare my notes for my poetry defense tomorrow. After half an hour, NJ and I left school together.

Tomorrow will be my prelim exam in major 7 which is creative writing. We’ll have our defense for the poems we’ve written. I am not a good writer. I have a poor vocabulary. Don’t get me wrong. I understand and speak the English language just fine and so I thought that’s enough. So I took English as my major. I didn’t know the subject will be that complex. But I’m having fun, and I’m learning a lot. I just hope my masterpiece (if you would even call it that) will be good enough for my prof who happens to be the head of the English department. So after a week’s worth of revision here is my free verse poem that I will present tomorrow.


I Am and You Are Too


I am that child…
Don’t ask me where I come from, for I don’t know.
I am the proof of someone’s failure.
Abandoned to create a hell of my own, for them to be free from theirs.
I am that child who tags on your pants.
Giving you a mastered look that will measure the depth of your humanity.
Either you pay for my performance or get rid of me artistically.
Be that the case, do it fast. I don’t have much time and others are waiting for me.
I am that child who enters the house of worship.
Not to seek salvation, but to deliver judgement.
I am the cosmic justice, a bitch-slap on your face so hard it will make your head spin.
I am that child and you are, too.

I am that boy sitting atop the sea wall.
Looking at the horizon where the sun cast its orangey hue.
Forming nameless faces, and memories I do not have.
Love, life, liberty, strangest things to me.
For I am that boy deprived of all that.
But a boy can dream even of golden dust, can’t he?
He can sing songs from his heart. Would you listen to him?
Or let the sound swiftly fade till you are stirred in sham silence?
I am that boy who sees the world for what dreams may come.
I am that boy, and you are, too.

I am that man, who tends to stop dreaming as time pass.
Learning to build walls that will crash the next Trojan horse.
I am that man dying to succeed.
If failure finds him first, that man will weep.
Weep like that boy, whose dreams are still elusive.
Weep like that child forsaken by a broken promise.
I am that child, that boy, that man.
I am and you are, too.

Good luck to me. BWAH!

Artwork from Joe Phillips

Tuesday, December 9, 2008

Superman... and some guy's want...

I was over at Inang Diyoza’s kingdom earlier and read how misery found him just in time for the holidays. Talk about great timing. Misery like loneliness is always a mean son of a bitch. I checked my friendster account. Superman has updated his profile. The boy whom I left Pierre for. No, Pierre left me because of the boy. Okay, I’m a little confused now. Mabe because of the times spent in denial. When I kept on making myself believe that everything was just a bad dream and I was going to wake up in the count of three. The thing is I didn’t really go on chasing Pierre when he decided to end up our five-year relationship on the very day of our 5th anniversary. Again, great timing huh?! Because I thought that Superman will be there. Could I be more wrong with that thought?
I viewed his pictures. He gained weight, making him look manlier now. He still have that boyish grin though. He’s got a new girlfriend. Surprisingly, it didn’t hurt. Not a bit. I have moved on. So I clicked on the ‘send message’ button.

‘Kumusta ka naman? Ano na pinagkakaabalahan mo at hindi ka nagpaparamdam? Magtext ka naman.’
Okay, that’s casual to me. We used to be good friends. Till one of us fell in love, and the other took advantage. Thus, started a series of heartaches, sufferings, and sacrifices that worthy of a slot in ABS-CBN’s primetime. But that’s all over now. They are all suspended, hanging somewhere back in time. Maybe it’s time to reestablish the friendship that was once good. How long can we avoid each other anyway? Our families are friends. The question now is, how long before he finds the courage to get involve with me again?

I kept on browsing and I found this on some random profile over at lifeout.


Really cheesy. But then yes, I want that, too. BWAH!
Photo from Ohlalamag.com

Monday, December 8, 2008

The color maroon....

Sunday, December 7, 2008.

1st, HAPPY BIRTHDAY MAMA. I LOVE YOU. I might not often say it but I DO.

2nd, Congratulations to the uber-talented Luis and his photographer friend for the successful launch of their photo exhibit in Ilo-ilo. Dalhin niyo naman sa Manila yan.

3rd, Congratulations MANNY!!! Kahit kailan, kahit saan, kahit sino, kayang kaya mo. PINOY KA EH!!!

Last, wala lang. kwento ko na rampa namin kahapon. Umaga palang nireremind ko na mga TL tungkol sa laro ni BBB. Fisrt game nila. Maglalaro sila against Philippine Women’s University sa Rizal Technological University. Kaloka dahil last year, sila din ang naglaban for the championship. Basta nag-gmtl ako na sa jollibee Mendiola ang meeting place at 2:30pm ang meeting time. Ang ma-late iiwanan. Gustuhin ko mang manood ng laban nina Pacquiao at DelaHoya, mas importante sa akin na suportahan si BBB. Gusto ko siyang makita ‘in action’, kung pano siya maglaro ng volleyball. Nauna si NJ sa jollibee. Nakaupo siya malapit sa entrance. Nang makita niya akong pumapasok, pareho kaming natawa. Pareho nanaman kaming naka-maroon. Unang nangyari ito nung b-day ng anak ni Cinder.

NJ: May feeling na ako na isusuot mo yan eh. Tawa siya.

Me: Naramdaman mo na pala bakit d mo pa pinalitan yang damit mo?

NJ: Eh kasi…pacute siya. Sino pa ang sasama?

Me: Si Lou palang ang nag-confirm. Wala ng iba. Si Asia d nagtetext eh. Si Puff naman kailangan yata may family affair.

Nakita ko si Lou naglalakad, naka-brown shirt. Buti nalang hindi nag maroon ang bakla. Niyaya ko na si NJ palabas. Natatawa si NJ, dalawang beki lang ang kasama niya. Sumakay kami papuntang stop n shop, kung saan kami sumakay papuntang Boni. Nasa jeep na kami ng magtext si BBB, malapit na daw magsimula ang game at may entrance daw na 20pesos. Kaloka, sabi kasi niya 3:30 ang start eh. Pagdating namin sa RTU, diretso kami sa gym. May aleng nakaupo sa entrance, sa kanya kami nagbayad ng fee. May binigay siya sa aming ticket na nakalagay, Men’s National Collegiate Athletic Association 5th season. Pero naloka ako dahil Nov.22, 2008 ang nakalagay na date. Dumedelihensiya lang yata si nanay. Pero keri na. Wititit nalang sa pagka-react. Nakita namin yung ibang players ng school namin. Pumuwesto kami sa likod nila. Si Fonz lang ang kilala ko, kaibigan ni BBB at kaklase ko sa Religion. Siya yung iniisip ni NJ na may gusto kay BBB dahil sa mga text messages. Ewan ko ba kung pano nalalaman ni NJ ang mga bagay na dapat eh sa pagitan nalang nina BBB at Fonz. Tsismoso din kung minsan ang damuho eh. 2nd set na ang inabutan namin. Nanalo daw kami sa 1st set at 25-9 ang score. Bad bad mistake na maroon ang suot namin ni NJ dahil maroon ang suot ng mga kalaban. Sigaw nalang kami at clap sa tuwing nakakapuntos kami, para malaman ng ibang nanonood na hindi PWU ang team namin. Natalo kami sa second set pero pahirapan sa kalaban dahil nag-deuce sa 24. dahil nagugutom na si NJ, lumabas kami para maghanap ng mabibilhan. Nakakita kami ng mcdo. Bumili kami ng tatlong set ng cheeseburger value meal. Go-large lahat. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng ibang bakla na kasama ni Fonz. Balita ko kasi ilan sa kanila eh may gusto kay NJ. Pero parang deadma naman si NJ dahil si Fonz lang ang kinakausap niya, parang hindi niya din kilala yung iba. Third set, bonggang bongga maglaro si BBB at yung isang Iranian player namin. Pareho silang spiker. Ewan ko kung bakit parang ang dali-dali para sa kanila na i-stop ang bola. Kung ako lang siguro ang tamaan ng bolang sobrang lakas hinataw eh hihiwalay ang mga kamay ko sa katawan ko. Sabi ni NJ, yung Iranian player daw namin ang pinakamalakas na nakalaban ni BBB sa track and field noong SportsFest. Sa takbo, long jump at high jump, sila ang naglaban para sa gold medal. At kahit gaano kagaling si BBB, laging mas magaling si Iranian. Ang lahat ng iyon advantage nila ngayon sa paglalaro ng volleyball. Hindi sila magkalaban ngayon. Magkatulong sila sa pagpapatumba ng kalabang team. Tuwing sila ang hahataw, ang taas ng talon nila kaya naman solido ang hataw at malalim ang bagsak. Pero mapapansin mo na may mali sa game nila. Yung player namin na may number 1 sa jersey ang tosser. At mapapansin mo na lagi niyang binibigay ang bola sa player din namin na naka jersey number 2. malakas ang hataw ni spiker number 2, kaso mababa kaya laging naba-block. Pero panay parin ang toss ni number 1 ng bola kay number 2. Panalo kami sa 3rd set. Pero malapit din ang score. Sa fourth set, maraming puntos ang nagawa nina BBB at ng Iranian. Pero marami ding error ang nagawa ni spiker number 2. Talo sa 4th set. Bago mag 5th set, kinausap ng coach ang team. Mula sa kinauupuan namin, nakikita namin si BBB na halatang naiinis na. ginugulo ang buhok at nanggigigil talaga. Natatawa kami ni NJ. Bago pumasok sa court, inayos ni BBB ang buhok niya. Lalo kaming natawa. Sa last set, puro sina BBB at Iranian nalang ang pumapalo, at sa bawat hataw nila, solidong puntos. Kung ginawa nila ito sa 4th set, panalo na sila. Pero hindi talaga maiwasan na magkamali. 14-13 ang score, pabor sa amin. Isang puntos nalang. Pinasa ni number 1 kay number 2 ang bola. Hataw. Out. Sheeeeeeeeet 14-14 na. Serve ang kalaban, kabado na lahat. Spike, block. Spike, block. Spike ang kalaban, solido. 14-15 na. Naulit ang eksena. Tooooooooooooot….. talo. It was a good game though. At proud na proud kami sa team, lalong-lalo na kay BBB. Bago nagbihis si BBB, nagpicture taking pa kami. Gusto namin siyang makasama sa pic ng suot niya ang uniform niya. Habang nagbibihis si BBB, panay naman ang picture taking namin ni Lou sa gym. Dahil wala ng laro, panay ang tumbling ng hitad sa court.

Nag-MRT kami papuntang Edsa-Taft. Pupunta kaming MOA. Si Lou, humiwalay na sa amin dun. Marami daw siyang gagawin. Sa metropoint, bumili ako ng pasalubong para sa pamangkin kong si Basti. Malapit lang kasi ang bahay ng bayaw ko dito kaya dumalaw na ako. Nakita ko silang naglalaro sa labas ng bahay. Pinakilala ko sina BBB at NJ sa pamangkin ko at sa daddy niya. Hindi na kami pumasok sa bahay. Gusto ko lang naman talagang makita si Basti, namiss ko na kasi siya. Dumiretso kami sa MOA. May nakasabay pa kaming girl na kaklase ni NJ way back in highschool. Natatawa kami ni BBB dahil may nunal din yung girl kung saan may nunal si NJ. Sabi ko nga parang connect the dots.

Pagdating sa MOA, hanap agad kami ng kakainan. Gutom na kasi si BBB. Tatlong oras ka ba namang magtatatalon at magtatatakbo, kung hindi ka magutom. Daming tao. Kaloka. nakahanap kaming puwesto sa chef d’angelo. Lamon ang BBB. Ikot-ikot kami pagkatapos. Hanap ng pwedeng ipangregalo sa mga nabunot namin para sa xmas party ng TL. Naghanap din kami ng shoes ni BBB. Gusto raw niya ng bagong shoes para sa paglalaro niya. After an hour, naghanap na kami ng pwedeng kainan for dinner. Chai kofi. Nakakatuwa ang interior ng resto. Ang sarap pa ng amoy. Kape. Si NJ lang naman ang gutom kaya siya ang kumain ng heavy meal. Nag crabstick sandwich nalang kami ni BBB. Pero ang mga shakes nila bonggang bonga. Nakakatuwa pati ang menu. May drink silang ‘son of a dutch’-chocolate shake. At fruit shake na may pangalang ‘vanilla banana boogey’. I had strawberry frappe. Yummy. The boys had chocolate frappes. Si BBB nakakatuwa, hindi naman daw totoong chocolate. Dahil hindi daw puro. Tinanong ko kung ano ang chocolate sa kanya. Cadburry daw. Batang-bata lang. Ang cute-cute. Magkatabi sila sa harap ko. At nagkaroon ako ng pagkakataon na paghambingin sila. Tama ba yun? Wala akong magawa eh. kesa naman asarin ko ng asarin si NJ, mag-away nanaman kami. Okay, guapo si NJ pero cute si BBB. Tutok sa academics si BBB pero sensible si NJ, matalino pero d seryoso sa pag-aaral. Parehong athletic. Natural na hubog ng paglalaro ang katawan ni BBB, si NJ may tulong ng gym. Parehong mabait. Okay mas mabait siguro si BBB. Siya ang pinakamabait sa lahat ng taong nakilala ko. Walang yabang sa katawan, may kaartehan lang. Pero maarte din naman si NJ. Pero mabuti na yun kesa naman pabaya sa katawan. Hay naku. Sa totoo lang, sa kanilang dalawa, wala kang itulak-kabigin. Kakabigin mo sila pareho. I was telling them about my problem regarding kung saan ako magpapasko. Option 1, uuwi ako ng Tarlac to be with my cousins. Option 2, sa Angono with my sister Lanie and her husband's family. Option 3, sa Pasay with Basti and my brother in-law's family. Option 4, La Union with my brother and his wife's family. Option 5, sa bahay ko, mag-isa. 'Yj, mag-asawa ka na,' biro ni NJ. Pati si BBB natawa, pero ako hindi. Nyehehehe. Going bulilit, going bulilit, ang corny. Nasabi ni BBB na siya rin daw hindi pa alam kung saan magpapasko. Wala daw kasi siyang x-mas vacation dahil sa volleyball practice nila. Kaya baka hindi siya makauwi ng Bulacan. So we decided na kung pareho kaming ma-isa sa pasko, punta nalang kami kay EllaB, na kuya lang ang kasamang magpapasko dahil umalis ang mommy nila papuntang states. Pinasakay kami ni NJ ng bus, malapit lang naman daw kasi siya. Uuwi kasi si BBB sa Bulacan, pero yung Fairview-Tungko ang sasakyan niya. Nagsabay kami dahil sa crossing ako bababa. Pinag-usapan namin yung laro. Naiinis siya dahil pwede naman daw iwasan yung mga nangyaring error sa game. Kaso magjowa daw pala yung mga beki na naka-jersey ng 1 and 2. At masyadong malaki ang tiwala ni tosser sa jowa niyang spiker kaya panay ang pasa niya ng bola. Nakakaloka. May love-factor pala sa naganap na game. Okay lang daw kasi may tatlong laro pa naman sila. Sisiguraduhin daw niyang PWU din ang makakalaban nila sa championship. Sana nga makarating sila sa round nayun. Sana.