Pages

Sunday, November 30, 2008

Banda rito....banda doon....

Umaga palang ng Biyernes(nov28) nagyayaya ng manood ng Twilight si RJ. Kaso nga poverty ang mga TL. Hanap ng ibang option. Either punta sa pad ni RJ sa Vito Cruz o manood nalang ng contest sa school, may singing, dance, at band contest. Coordinated ng university student council at sponsored ng kung anik-anik na kumpanya. Bago ako pumasok ng huling klase ko, kausap ko si NJ sa t-spot at nagmamaktol, wala daw siyang kapera-pera at bored na bored na. Sinabi ko nalang na umuwi na siya ng dorm at matulog para makapagpahinga. Umoo naman. After class, tambay kami ni RJ sa T-spot. Dumating si Maine. Hinahanap si NJ. Bago pa ako makasagot, sinabi ni RJ na umalis daw kasama mga kaklase niya at nanood ng Twilight. Nagulat kami ni Maine. Imposible. Wala siyang pera. Pero kahit pa ilibre siya ng mga kaklase niya, sure na, hindi siya sasama. How could he? Twilight’s supposed to be our thing. Text ni Maine si NJ, pero d sumagot ang loko. Naghintay nalang kami ng alas-singko para magstart ang event sa activity center. Bongga naman ang production para sa contest. Planado. Bongga ang sound system, hindi tunog lata. D ako nakapanood ng elimination round last week. Finals na pala ngayon. Tig-apat nalang ang mga contestant sa bawat category. Tabi-tabi kami, LA, EllaB, Maine at ako. Nasa harap namin sina Hector at Raphael na excited mapanood sumayaw ang kanyang crush na si Kyla. Nagsimula ang event sa pagrampa ng mga modelo na puro estudyante ng school namin. Suot ang pinakabagong collection ng isa sa mga sponsor. Nagtatanong si Maine kung bakit wala si NJ sa mga rumarampa. Pag nagkataon siguradong ilalampaso niya lahat ng boylets na rumampa. Nagpaalam si EllaB. Nasa gate daw jowa niyang si Bart. Magsisimula na ang singing contest ng may umupo sa pagitan namin ni Maine. Si NJ. Nakangisi ang gago. D ko siya pinansin. Si Maine ang nagtanong kung saan siya galing, at nagsabi kung bakit ako galit sa kanya. Umakbay sa akin si NJ, ginulo ang buhok ko, at bumulong, ‘d ako nanood ng Twilight.’ Okay. Nag-away daw sila ng lehitimong jowa niya kaya pinuntahan niya para makipag-ayos. Naniwala ako siempre. Unang kumanta ang representatib ng Dentistry. Natawa kami ni NJ, kamukha ni Pooh. At kung nakakapanood ka ng mga shows ni Pooh, kaboses din niya. Kaloka. May kumanta ng This Is My Life, na talaga namang feeling niya eh sa Tanghalan ng Kampiyon siya kumakanta. Sumunod ang kumanta ng And I am Telling You. Iba naman ang eksena ng bilat, babuyan ng song portion ang nilahukan nito. Maganda naman ang boses, pero hindi lang talaga niya kinaya ang mga high notes. Sana Bawal Na Gamot nalang ni Willy Garte kinanta niya, baka nanalo pa siya. panghuli ang representatib ng college namin. Better Days ang kinanta ni ate at impernez, bongga! Sumunod ang dance contest. Panghuli ding sumayaw ang representatib namin. Grupo nina Kyla. Tuwang-tuwa si Raphael. Panay ang sigaw at palakpak. Bago magsimula ang mga banda, umuwi na sina LA, Raph, at Maine. Hinatid ni NJ si Maine sa sakayan. Pagbalik ni NJ, humihingal, pagod na pagod. Parang takot na takot. Nakakita daw siya ng white lady kaya tumakbo siya. Inisip ko nalang na nagti-trip siya kaya d ko pinansin. Watch nalang kami ng banda. Ang guapo ng lead guitarist/vocalist ng Dentistry. Pang-huli as usual ang banda namin. Dalawa sa banda ang kaklase ko. Yung drummer at vocalist. Insulto naman kung matalo sila, music major lahat ang miyembro ng banda. Ang resulta, singing-win, dance-2nd place, band-win. Dahil alas onse na ng gabi, sinamahan ako ni NJ sa sakayan ng FX. Pero sa harap ng skul kami dumaan. Takot daw siya sa likod. Natawa ako. Heleeeeeeeer ang laki-laki na niya naniniwala pa sa multo.

Sabado(nov29). NSTP lang ang klase ko. Inabutan ko si Honey at LA sa klasrum. Nawawala ang Maine. Ang higad nasa Bohol daw. Binibisita siguro mga kapatid niyang Tarsiers. Dahil wala pa ang prof, chika kami ni LA. Kwento ko sa kanya na napanaginipan ko yung drummer ng college namin. Kaklase namin siya sa NSTP pero d ko alam ang pangalan. Natatawa si LA. Inisip yata ng gaga na may gusto ako dun eh wala naman. Kasalanan ko ba na mapanaginipan ko siya noh! Pwesto kami ni LA sa harap. Nasa likod namin ang mga Masscom students na panay ang chikahan. Nag-start maglecture ang prof about child abuse. Mega notes naman kami ni LA. Sa iba, ‘lang’ ang turing nila sa NSTP. Pero kami, kinakarir namin. May mga kablock kasi kaming Social Work ang major at exposed kami sa mga activities nila. Gusto naming makatulong. At unang hakbang na ang magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga problemang panlipunan. Kaso ayaw tumigil ng mga estudyante sa likod namin ni LA sa katatalak. Ang ingay. Tapunan ko nga ng masamang tingin. Kinse minutos. Ang ingay parin. Umiinit na ulo ko. May mga estudyante rin na magsi-‘shhhhhhhhhhhhh’ sa kanila at bigla silang matatahimik pero ilang segundo lang at babalik sila sa kanilang pag-iingay. Paminsan-minsan lalakasan ng prof ang boses at titingin sa kanila, pero sumuko din ang prof sa kanila at nagfocus nalang sa kanang bahagi ng klasrum kung saan lahat ay nakikinig. Pero dahil nga nasa kaliwa kami ni LA at nasa likod namin ang mga walang pakiramdam na estudyante, d na ako nakapagpigil. Nag-excuse ako sa prof at hinarap ang mga tsismoso at tsismosa. ‘EXCUSE ME! WILL YOU ALL PLEEEEEEEEEEEEEEEASE TRY TO KEEP IT LOW? IT’S VERY ANNOYING! HAVE SOME MANNERS, IT’S FREE!!!’ sabay harap sa prof, ‘please continue.’ E d natahimik silang lahat. Peste. Sa lahat ng ayoko mga taong walang konsiderasyon. Kung ayaw nilang makinig, lumabas sila ng klase, ganun lang naman kasimple yun. Kesa nangbubulahaw sila at nangiistorbo ng mga taong gustong matuto. Mabuti namang kahit isa sa kanila eh hindi nag-react sa ginawa ko dahil pag nagkataon, makikita nila hinahanap nila. SHEEEEEEEET!! Tumataas ang blood pressure ko! After class, sinabihan ako ni Honey na puntahan ko nalang daw si NJ sa dorm. Nagpasama ako kay LA. Dinatnan ko si Cinder na binibihisan ang anak niya. Uwi daw muna sila sa Antipolo. Wala nga kasing klase sa Monday. Hinatid ni NJ ang mag-ina hanggang sa LRT-Santolan. Dumating naman ang magjowang Asia at Graham. Nanood nalang kami ng fisrt season ng Friends. Nagdala ako ng DVD dahil gusto kong mapanood nila, para naman makarelate sila pag nag-uusap kami ni Maine. Kumuha si Graham ng kanin sa kuwarto nila at kumain kami. Nagluto kasi si Cinder ng kaldereta. Sinong mag-aakalang marunong magluto ang hitad. Dumating si NJ after an hour. Naghubad ng college shirt na hiniram niya sa akin at pumuwesto sa tabi ko. Ginamit ko ang t-shirt para punasan ang pawis sa likod niya. Naging komportable na rin ang mga friendship namin sa ganitong eksena namin ni NJ pag magkasama kami. Landian lang naman. Nothing serious. Pero siempre gusto ko rin kung magiging mag-jowa kami, hehehehe. Go kung go. Nagtext si BBB, cancelled daw ang volleyball game niya bukas sa RTU. Nagplano pa naman kaming manonood nina Asia. Kainis naman. Wala pa namang gagawin. Boring-boringan. Nag-ayos ng gamit si NJ. Uuwi siyang Paranaque. Sumabay sa kanya palabas si LA dahil uuwi din ng Isabela. Nag-ayos lang ako ng pinagkainan namin at iniwan ko na sina Asia at Graham.

Eto na nga. Kakaburaot ang Linggo. Buong maghapon akong nganga. Watch ng One Tree Hill. Read ng Twilight. Watch ng TV. Wala ng magawa. Kainis talaga pag poverty. Sana dumating na allowance ko bukas. Para makagala.

No comments: