Pages

Monday, November 10, 2008

The Next One.....

Noong sabado, tumawag sa akin si Edz. Nagyayayang manood ng The Next One concert ni Sarah Geronimo sa Araneta. Dahil libre naman ang ticket, yes agad ako. Sinabi pa niya na pwede akong mag-invite ng friend dahil may isa pang extrang tiket. Nasa FX ako papuntang school ng mag GMtl si Gilbeys at nagtatanong kung nasaan ang bawat isa. Siya ang niyaya ko sa concert. Pumasok kami nina Maine sa NSTP class. 5pm, pumunta kami sa mcdo para i-meet sina EllaB, Asia at ang kanyang jowa. Habang hinihintay ko si Gilbeys na umuwi muna para magbihis, nakisali muna ako sa kulitan nila tungkol sa mga handjokes, na nauuso ulit dahil sa My Only U. Naunang umuwi si Anne dahil darating ang boyfriend niya from Baguio. Sumunod si EllaB, dahil may party sa bahay ng jowa niya at kailangan ang presence ng boobei niya hehehehe. Sabay umalis sina Maine at Honey. Naiwan ako kasama si Asia at jowa niya. Dumating si NJ, may dala-dalang gym bag. Uuwi daw ng Paranaque. Kinumusta ko ang bahay-bahayan nila ni Cinder, ok lang naman daw. Kain. Hanggang sa dumating si Gilbeys. Sabay-sabay na kaming lumabas. Dahil medyo maaga pa ng dumating kami sa gateway, kumain muna kami ni Gilbeys sa KFC. Alas nuwebe na ng dumating si Edz kasama ang pinsan niya at si Chel. Naloka ako, hindi ko inexpect na magaganda pala ang seats namin. Yun nga lang may dalawang hindi magkatabi. Ayaw namang maghiwa-hiwalay ng mga bilat kaya ending, kami ni Gilbeys ang kumuha ng hiwalay na seats. Sa totoo lang, first time kong manood ng concert ng isang local artist. Masaya pala. Nag enjoy ako. Outstanding ang dance number ni Rayver Cruz. Lagi ko siyang napapanood sa ASAP pero d ko inexpect na ganun siya kagaling sumayaw. Siempre mahal na mahal ko si Billy Joe kaya the best para sa akin yung performance niya. Nakakawindang din ang Jed Madela, aliw na aliw ako sa duet nila ni Sarah, ayaw paawat ng bakla, kinakabog si Sarah sa biritan. Pakiramdam ko tuloy si Charice at hindi si Jed ang kaduet ni Sarah. Kaloka. kung sa akin lang, pinaka highlight ng concert ang Alone number ni Sarah. Bongga talaga. Umuulan ng lumabas kami ng dome. Umuwi agad ang mga bilat. Pumunta kami ng 7-11 ni Gilbeys para bumili ng chichiria. Papalipas daw ng oras si Gilbeys sa bahay. Pareho kaming gutom pagdating. Buti nalang may kanin at ulam pa. Microwave. Lafang. Naintriga ang Gilbeys sa nakitang dvd ng Bangkok Love Story. Sinalang ko nga. Eh d naloka siya. Hay naku, hindi ko na kasalanan kung one of these days eh isa-isang maging beki ang mga TL boys. Gustong gusto nila akong kasama eh, anong magagawa ko. Pero hanggang gitna lang naman ang napanood ni Gilbeys, dahil biglang tumawag ang padu niya at tinatanong kung uuwi pa siya. Umuwi si Gilbeys alas dos na ng umaga. Panoorin nalang daw namin ulit yung movie sa dorm nina NJ at Cinder. Magdadala na daw ng player at tv si NJ this week. Nagtxt sa akin si Gilbeys ng makarating na siya ng bahay nila. Natulog na ako hoping na mapapanaginipan ko si Billy Joe. Hindi ako nanaginip.

1 comment:

Anonymous said...

i agree with you. billy crawford is a great performer. i once saw a concert of sarah geronimo and was amazed on how talented the kid is. nehow, who is jed madela?