Pages

Monday, November 10, 2008

Undas


Sheeeeeeeet naman kasi. Hindi ko alam kung may virus ang PC ko o talagang sira na. magdadalawang linggo ng ganito. Bubuksan ko ang PC, connect sa net, read ng mga favorite blogs, tapos bigla nalang nagrerestart ng kusa ang punyetang makinang to. Kainis. Try ko nga ipakita sa friend kong IT-IT-han. Ayoko ng magmaganda at magmarunong. Ng huli kong nireformat ito ng ako lang, gumana lahat pero nawala ang audio at video player… hanggang ngayon d ko pa naibabalik. D ko tuloy maenjoy manood ng m2m, hmmmmmp. Kainis talagah.

Anyways, wala namang masyadong bonggang pangyayari sa buhay ko nitong nagdaang undas. Hindi ako nakauwi sa Tarlac, kaya home alone ang byuti ko sa valor. Sistema mo, ang mahadera kong kapatid na si Jay, nagtxt sa akin na nakita daw ng 2 years old kong pamangkin ang lolo ko na hindi ko rin nadalaw ang puntod nuong nagdaang taon. Paranoid bigla akech, baka hanggang dito sa Manila puntahan ako. Kaya naman fly ako sa salon ng friendship kong si Ray. Bale limang araw akong kinupkop ng bakla. Nakakatuwa dahil ang dami kong natutunan sa loob ng limang araw na iyon. Naalala ko tuloy ang ibang kwento ni Wanda Ilusyunada. Nakakaloka. Iba-iba ang klase ng kustomer. Magpopost ako later regarding this. Basta ang pinakagusto ko ay yung mga cutie-cutie na boylets na nagpapagupit at nagpapahighlights ng kanilang mga buhok. Minsan nga iniisip ko, totoo nga yatang pinatayo ni Ray ang salon para source ng booking. Hmmm, eto lang ang mga highlights ng undas 2008.

Bisperas, alas diyes na ng gabi kami nagsara sa salon. Ang Rhea, naunang umuwi dahil rarampa daw sa manila north cemetery. Ako, si Red at Ray, nagpasya kaming pumunta ng Quiapo para magdasal. Patawarin ako ng Diyos pero ewan ko ba, tuwing nasa loob ako ng simbahan, hindi ko maiwasang igala ang paningin ko upang maghanap ng potential booking. Epekto siguro ito ng napakaraming taon ng araw-araw na puwersadong pagdarasal ng rosaryo, pagnonobena, at puwersado paring pagsisimba. Lumaki ako sa isang paaralang katoliko. Nakakainis lang na kailangang pa nila kaming bigyan noon ng masscard na dapat naming papirmahan sa pari pagkatapos ng misa bilang patunay na nagsimba ang mga estudyante. Para tuloy kaming pumupunta nalang sa misa para sa masscard, at hindi dahil gusto talaga naming makinig ng mga salita ng Diyos. Marami tuloy sa mga estudyante noon na hindi na sineryoso ang pagsisimba, gaya ko. Ang Rhea, hindi natuloy sa sementeryo kaya sumunod din sa Quiapo.

November na. umuwi ako sa bahay dala ang mga gay themed movies na hiniram ko kay Ray. Ang matagal ko ng hinahanap na Bangkok Love Story mapapanood ko na. Salpak agad sa player, salampak sa sofa, hawak ang mga remote control ng tv at player. Nakakaloka, 30 minutes na yatang tapos ang pelikula pero d parin ako tapos sa kahahagulgol… walang halong eksaherasyon yan mga ate, hindi ako umiyak, humagulgol ako. Taenang ending kasi yan. Nanood pa ako ng dalawang dvd, naligo at bumalik sa salon. Dinatnan ko si Ray na kumakain mag-isa. Walang kustomer, walasi Rhea, wala din si Red. Fota, nag away pala yung dalawa. Talak agad ang inay Ray, “punyeta yang dalawang yan. Palalayasin ko na sila dito at ng makita nila hinahanap nila!” Eto pala ang nangyari: may pumasok na guapong binata, magpapagupit. Ang Rhea, kumuha agad nung whatever na binabalot sa leeg mo pag nagpapagupit ka, yung parang kapa. Inasikaso ni Rhea ang boylet at nagpapampam, sabay sabing siya na daw ang gugupit. Clearly, biro lang yun dahil si Ray lang naman at Red ang gumugupit. Puro rebond at coloring at footspa lang ang ginagawa ni Rhea dahil hindi naman marunong gumupit ang bakla. Sampung minuto na yatang naghihintay ang boylet ng mapansin ni Ray na busy sa paggugupit na wala pang gumugupit sa boylet na nilalandi parin ni Rhea. Hinanap ni Ray ang Red, nasa labas ng salon nakatunganga. “akala ko ba si Rhea na ang gugupit? Eh d siya na!” naasar pala ang bakla sa biro ni Rhea. Pinapasok ni Ray si Red para magupitan na yung guapo. Kaso another ten minutes at deadma parin ang Red. Labas ulit ang Ray. This time apat na ang nakapilang kustomer. “ano ba Red, nakakahiya sa mga kustomer, naghihintay sila! Huwag mo akong plabasin dito ulit dahil sasampalin na kita!” galit na ang inay Ray. Sagot ang Red, “ayoko ng maggupit. Pagod na ako.” Sabay tawid ng kalsada at para ng jeep ang bakla. Si Ray nganga. Nakakaloka. Dumating ang Allan later in the evening at may dalang isang bote ng generoso. Nasa mood uminom ang mga bayot. Dumating ang Yuki galing sa trabaho, sa ibang salon, badtrip ang bakla dahil sa isang imbey na kustomer. May nanay daw na pinagupitan ang 2 years old na anak na lalake. Pinakalbo yung bata tapos nagdemand ang mudra na i-blower ang anak niya. Aba, kahit ako maiimbey nun noh! Sa madaling salita, dahil puro imbiyerna ang mga bakla, pagkaubos ng pangalawang bote, nagpabili pa ng redhorse, pangwashing daw. Ewan ko kung sinong gagoh ang nagpauso niyan. Washing?! Iinom ka ng hard, pagkatapos iinom ka ng beer para daw mabawasan yung tama ng hard? Ganun yata yun…. Pero kahit anong arok ang gawin ko, d ko talaga maintindihan kung pano nagwo-work yun. Dumating pa ang Emil a Xandro na schoolmate ko. Na-bored bigla ang Ray, nagyaya sa isang videoke bar malapit sa salon kahit d pa nauubos ang redhorse. Nakaisang bucket pa kami ng sanmig light, may mga boylet pero mukhang mga depres-depresan sa kanilang mga dinadalang personal na impiyerno. Kaya naman d na ako lumandi at baka maboogie wonderland akez. Kinaumagahan, hindi maalala ni Ray kung pano kami nakauwi. Alak nga naman.

Nov.2, maaga palang kumakatok na ang Red sa pintuan. Nakauwi rin ang naligaw na pusa. Umuwi rin ako para maglinis ng bahay. Nood ng isa pang dvd ni Ray, tapos balik nanaman sa parlor. May pumasok na mag-asawa, papagupit daw si misis.

Misis: magkano gupit?
Ray: kuwarenta po
Misis: kasama shampoo at blower?
Ray: kung lalake ka at guapo, oo! Blower lang po.
Mister: pagandahin niyo misis ko ha. Yung hindi ko na siya ipagpapalit.
Ray: ipagpalit niyo na ho!

Bumalik ang Allan at uminom tinira nila ang mga natirang redhorse kagabi. D ako uminom, kwento lang. Pero bidang bida ang Rhea dahil sa mega detalye niya ang bawat booking niya ng nagdaang gabi sa manila north cemetery. Naka onse ang bakla. Powerful talaga. Ikaw na mag dress. Dahil konti lang naman, mabilis natapos ang inuman. Tambay sa labas ng salon, hintay ng booking. Peste, matumal. Fly nalang ng gotohan. Lafang muna. Balik ng salon. May mga tambay na sa tapat na computer shop. May lumapit. Regular. Pinagtiyagaan ni Ray. Kiskis a million lang daw. Alam niyo na yan.

Nov.4 maaga akong umuwi sa bahay. Marami akong gagawin. nagtxt ako kay NJ, niyaya ko siyang mag malling. Meet daw kami ng robinson place alas singko. Pinapadala ang hinihiram niya sa aking suit na ipapagaya daw niya para may maisuot sa party na pupuntahan this month. Pumunta ako sa bangko para padalhan ng pera ang kapatid ko sa Tarlac. Fly ako ng meralco para bayaran ang kuryente ko na may disconnection notice na. Mula sa Espana tower sumakay ako ng FX papuntang Taft. Taena ang guapo ng kaharap ko. Anak ng Diyos. kaso bumaba sa Morayta. Hay, labinglimang minuto ng langit. Nagkita kami ni NJ sa powerbooks. Ang guapo ni loko. Ang laki ng dibdib. At least may bunga pinaghirapan niya buong sembreak. Binigay ko yung suit sa kanya.Ikot ikot. Ikot pa hanggag mapagod. Kain sa wendy’s dahil pareho naman kaming poverty, d na kami naghangad ng mas bongga. Kuwentuhan. Gusto ko manoon ng movie, ayaw niya. Kailangan daw niya umuwi bago mag alas otso. Dalaginding ang fota! Strict ang parents. Kaloka. Baka akala ng magulang niya eh virgin pa ang binata nila. Wala siyang dalang sasakyan. Lakad kami sa Pedro Gil papuntang Taft. Biglang nagkagulo, nagtakbuhan ang mga tao. Yung iba lang pala. Yun pala may mga naghuhuli daw sa mga street vendors. Kanya kanyang buhat ng paninda. Nawindang ako sa eksena. Natakot bigla. Hawak ako sa mga braso ni NJ, yes chance! Natawa lang ang loko. Sakay kami ng FX, hanggang Lawton lang siya. Dumiretso ako kina Ray. Huling gabi ko ng matutulog toh. Tambay ang mga bayot. Bunot bunot ng mga facial hair. Ahit ng kilay. Retouch. Magsasara na sana kami ng may pumasok na dalawang boylet. Papagupit daw yung isa, yung mas cute. Siempre, the usual interview portion habang ginugupitan. UST engineering student daw. 2nd year. Karlo ang namesung. After gupit, biglang nagdecide ang boylet magpakulay ng buhok. At yung kasama pinakulayan ang balbas, ewan ko kung anong drama niya, bored na siguro sa paghihintay kay Karlo.Pasado alas-onse na ng gabi. Pero sige pagbigyan. 1st time customer kasi. Para bumalik naman. Bawal daw ang may kulay ang buhok sa UST kaya yung shade of brown na hindi daw halata. Siya namili ng kulay sa katalog. Pagkaraan ng isang oras, nagbabayad na ang boylet. Hinatid ni Ray sa pinto ang mga boylets, “balik kayo.” Linis linis. Ayos ayos. Binaliktad na ni Ray ang karatula sa pinto from open to close. Kuwentuhan muna mga bayot. After thirty minutes may kumakatok. Si Karlo, bumalik. Ang bilis naman. Masyado daw halata ang kulay ng buhok niya. Nakikiusap na baguhin. Babayaran naman daw niya. Mag aala-una na. Kung hindi lang siya guapo. Dahil walang magawa, habang nakababad sa kulay ang buhok niya, interview portion ulit. Next level. Nalaman na namin kung saan nakatira. Cellphone number. Kung ano-ano pa. kanya kanya kaming papampam. Hoping ang bawat isa na piliin ni Karlo pag judgment time na. sheeeeeeeeet. Nang ma-achieve ni Karlo ang kulay na gusto, nag offer siya na magpapakain, nahiya daw kasi siya. ang bait naman. Since pinakamalapit na ang seven eleven, doon nalang. Tinanong niya kami isa-isa kung ano gusto namin. Impernez lahat ng pinabili namin, binili niya. Kakainlab. Ang gabing ito dapat ang huling gabing matutulog ako kina Ray. Pero natulog nga ba ako?

2 comments:

Diosa said...

pinanood ko rin ung Bangkok love story last week, na-amaze ako sa kissing scenes haha. intense. Kaazar lang another tragic love story though it's sweet i hope i can find my own itt/stone.

wanderingcommuter said...

baka blastworm o spyware ang nakadali sa PC mo... try mo mag run ng anti-spy ware... yes...nagpapapaka IT han ako.. hahaha...

naku, ang bangkok love story na yan... kay lungkot ng kwento.. pero feeling ko lugi yung isa sa leading man niya. hahaha